"Hanggang sa muli, kaibigan!" Tanging nasambit ni Van Grego sa kanyang isipan.
May lungkot na nararamdaman si Van Grego sa paglisan ng kaniyang kaisa-isang kaibigan ngunit alam niyang para iyon sa kabutihan ni Nexus Gallo. Ang karagatan ay hindi ligtas para sa kanila lalong lalo na kay Nexus Gallo, lalo pa't isa ng ganap na Cultivator ito, ang pagsali o pagbulabog sa natural na sistema ng karagatang ito maging ang natural na pamumuhay sa kalikasan ay hindi pwedeng sirain lalo pa't magiging dahilan lamang ito ng kawakasan sa sinuman.
Kahit na may ideolohiyang karaniwang sistema ng kagubatan ay hindi pa rin dapat labagin ang mga prinsipyo o batas maging ng karagatang ito lalong lalo na ng kalangitan nangangahulugan lamang ito ng paglaban sa batas ng Cultivation World.
Ramdam ni Van Grego ang pag-iba ng atmospera ng lugar na kanyang tinatapakan. Walang iba kundi ang Black Water Trench. Sa lugar na ito, ramdam na ramdam ang presyur ng tubig maging ang pagkakaroon ng kakaibang enerhiya na bumabalot sa lugar.
Ang Black Water Trench ay kilala sa isa sa pinakadelikadong lugar sa parte ng karagatang ito sa timogang bahagi nito. Kada isang libong taon lamang ito bumubukas upang humanap ng karapat-dapat sa tagapagmana ng yumaong malakas na ekperto ng Martial World. Wala pang nakakuha ng legacy ng misteryosong Martial Expert hanggang ngayon.
Ang kapaligiran dito ay walang bakas ng buhay na nakikita 2 kilometro mula dito. Maraming naglalakihang mga bato ang nakapaligid dito, ngunit kung iyong itong makikita ay nakakamangha lalo pa't ang mga bato malaki man o maliit ay kulay itim na aakalain mong uling (charcoal) lalo pa't napakaitim nito. Kilala ang batong ito bilang isa sa pinakadelikado dahil kapag ito'y malusaw ay pwedeng maging matinding lason sa iyong kalaban ngunit ang paglusaw nito ay hindi basta-basta dahil nangangailangan ito ng napakainit na apoy na siyang tuluyang magpapalabas ng totoo nitong gamit o katangian. Walang nag-aaksaya ng oras sa paglusaw ng bato lalo pa't ang halos lahat ng nakatira sa ilalim ng karagatang ito ay water type o kaya ay Earth type kung Kaya't ang paglusaw sa mga batong ito ay napakaimposibleng mangyari at walang sinuman ang mag-aaksayang lumusaw nito.
Para sa mga nakakilala sa batong matatagpuan lamang sa Black Water Trench ay isa lamang itong ordinaryong bato ngunit sa mata ng mga malalakas na eksperto maging ng mga biniyayaang talento sa Alchemy, Forger, Formation Maker (Master/Grandmaster/...) at iba pa.
Ang batong ito ay walang iba kundi ang Black Water Trench na hanggang ngayon ay misteryosong bagay pa rin sa lahat.
Ang batong ito ay nagtataglay ng lason ngunit lingid sa kaalaman ng mga nakararami lalo na sa mga ordinaryong mga nilalang na ang batong ito ay may mayaman na Cultivation Bases na siyang pwedeng gamiting kasangkapan sa paggawa ng Forbidden Pills. Ginagawa nitong estabilize ang nasabing Forbidden Pills lalo pa't kung kapag magaling ang isang Alchemist sa pagreverse ng epekto ng batong ito ay kaya nitong masugpo ang masamang epekto ng nasabing mga Pills o maging ang Forbidden Elixirs ngunit sampong porsyento hanggang dalawang poryento lamang ang tsansang magtagumpay ang sinumang gagawa ng Pill na may sangkap na ito.
Sa isang forger, isa itong kayamanan lalo pa't ang nalusaw na batong ito ay pwedeng ipahid sa alinmang sandat upang mas maging epekto ang pagkitil sa kaaway maging sa malakas na Spirit Beasts, maaari ring gumawa ng sandata gamit ang mga nag-iitimang mga batong ito ngunit ang mga batong ito ay dito lamang matatagpuan kung kaya't ang paggawa ng sandata na gawa sa batong nakakalat mismo dito ay napakaimposible na kung meron man ay talagang napakamahal at magdadala lamang ng unos sa sinumang magkakaroon nito. Ang mga alternatibong mga bato na pwedeng ihalintulad sa Black Water Stone ay ang Dim Stone, Coal Emitting Stone at ang Dark Furt Stone ngunit hindi maikukumpara ang mga ito sa Black Water Stone kung saan ay napakasagana at ang iba nitong katangian ay hindi pa alam ni Van Grego o ng iba man.
Walang sinayang na oras ni Van Grego at inumpisahan na ang pangongolekta ng mga Black Water Stone sa paligid. Lahat ng nakikita niya ay kinukuha niya at inillaagay sa isang walang laman na Interstellar Sack kung saan ay may malawak na espasyo kung kaya't hinsi ito agad na mapupuno. Habang patagal ng patagal si Van Grego sa pangongolekta ay siya namang pabilis ng pabilis ng galaw nito na walang kahit na anong bakas ng pagtigil. Kung iyong makikita ngayon ang lugar kumpara noong kani-kanina lamang ay masasabi mong may napakalaking deperensya lalo na sa istraktura ng lupa na halatang kinuhaan ito. Habang papatagal ng papatagal ay lumalim pa ito ng ilang metro hanggang sa naging ilang daang metro na ang lalim nito.
Nang walang ano-ano pa ay nagulat na lamang si Van Grego sa kanyang kinokolekta, ang kanyang hawak-hawak ngayon ay kulay abong bato na na siyang nagpalaki rin ng mga mata niya. Ano ba ang kahulugan ng kulay abong ito? Lalo pa't ang kulay abong batong ito ay may mas makapal na enerhiyang bumabalot dito kumpara sa Kulay itim indikasyon na isa itong Advance Black Water Stone.
Tiningnan ni Van Grego ang kanyang Interstellar Sack na kung saan ay napag-alaman niyang hindi pa ito napupuno kahit na napakadami niya ng nailagay dito. Nagmistula siyang magnanakaw ng mga batong ito na sa tingin ng nakararami ay mga walang halagang bato at pagtatawanan lamang si Van Grego kapag nakita nila itong makokolekta nito.
Natuwa lalo si Van Grego sa kanyang nakolekta. Isa itong swerte sa kanya lalo pa't hindi niya inaasahang makakakuha pa siya ng higit pa sa kalidad na bato ng Black Water Stone.
Ginanahan pa siya sa pangongolekta ng mga bato ngunit walang ano-ano pa'y nagsimulang lumindol ang lugar na sakop ng Black Water Trench na siyang inaapakan ngayon ni Van Grego. Dahil sa pangongolekta niya ng mga Black Water Stone at ng Advance Black Water Stone ay muntik niya ng makaligtaan ang kanyang totoong ipinunta dito at yun ay ang pagbabakasakaling makuha ang succession ng mga naiwan ng yumaong eksperto ng Black Water Trench na ito.
Ilang minuto ang nakalipas ng unti unting bumubukas ang tarangkahan ng Black Water Trench na siyang ikinalula ni Van Grego. Inihanda niya na ang kanyang sarili sa posibleng mangyari, inaasahan niya ng mahihirap na mga pagsubok na kanyang susuungin. Alam niyang hindi magiging madali ito lalo pa't sa kalagayan at itsura ng Forbidden Area na ito na may nakapanindig-balahibong pangalan ay sigurado siyang wala ng atrasan kapag pumasok siya dito.
Nang tuluyan ng bumukas ang tarangkahan ay tumigil na rin ang nasabing mga mahihinang paglindol pahiwatig na bukas na ang sinasabing isa sa pina kadelikadong Forbidden Areas ng timugang bahagi na ito.
Sa hindi inaasahang pangyayari ay may nararamdaman si Van Grego ng mga malalakas na mga aura na galing sa iba't ibang direksyon na mabilis na patungo dito.
Inaasahan niya na ito lalo pa't ito isa ito sa pinakasikat na Forbidden Areas lalo kilala ito sa napakadelikado lugar. Ito lamang ang kaisa-isang tarangkahan upang makapasok sa loob nito.
Walang sinayang na oras si Van Grego at agad na nagtago hindi kalayuan mula sa tarangkahan, ikinubli niya ang kanyang sarili at ang kanyang awra sa isang malaking Black Water Rock na matibay na nakatayo na kanina ay gusto niyang bunutin ngunit himdi mabunot-bunot. Napasimangot siya sa kanyang kabiguang maangkin ang malaking batong ito.
Sa kasalukuyang lakas niya ay alam niyang hindi niya kakayaning makipagsabayan sa mga malalakas na eksperto na may parehong layunin kagaya niya. Ito ay ang makuha ang succession? Naging tanong na ito sa isipan ni Van Grego lalo pa't kung lakas ang pagbabasehan ay wala siya nito maging ng kasangga o kaagapay sa ngayon ay wala kung kaya't mas pinili niyang mg-obserba muna sa sitwasyong ito lalo pa't ayaw niyang magpadalos-dalos isama pang kaunti lamang ang nalalaman niya sa Black Water Trench. Ayaw niyang ilagay sa kapahamakan ang sarili niyang buhay kagaya noong nakaraang mga araw.
Ilang sandali lamang ang nakalipas ng makumpira ni Van Grego na ang kanyang kalkulasyon ay tama. Halos lahat ay may mataas na Cultivation idagdag pang may mga kasamahan silang inihanay sa kanilang grupo. Halos lahat ay may kanya-kanya na grupo ngunit karamihan sa mga walang grupo o solo ay may lakas na Martial God na siyang ikinanlumo din ng karamihan. Dahil sa pagkakatipon ng mga ito ay may namumuong mga tensyon sa bawat panig ng mga grupo. Makikita sa mga ito ang banta sa isa't isa. Karamihan sa mga ito ay Martial Sacred Expert pataas na siyang halos nagpaluwa ng mga mata ni Van Grego. Hindi niya inaasahang marami siyang makikitang malalakas na Martial Expert na nagpasimangot pa lalo sa kanya.
"Hmmp!" Tanging sambit niya sa kaniyang isipan.
Nag-iba na ang kanyang plano, ang tanging gusto niya makuha ay ang ---------