Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

King of Gods (Tagalog)

Fast Food Restaurant
1585
Completed
--
NOT RATINGS
8.3m
Views
Synopsis
Ang kanyang kalooban ay matatag at hindi niya gustong maging normal. Gayunpaman, ang kanyang landas ay itinadhanang maging ganito, ang maipanganak sa isang small sect branch. Subalit isang araw, aksidenteng nagsama ang kanyang kaliwang mata at ang mata ng isang Ancient God. Mula sa pangyayaring iyon, ang tinaguriang isda ay nagbagong anyo at naging isang dragon. Inabot niya ang rurok ng buhay tulad ng isang tala, sinuyod niya ang landas ng pagiging isang maalamat na cultivator. Mula sa pagiging isang maliit na langgam sa ibaba ng mundo, unti-unti siyang yumapak at nagsimulang kumilos, tungo sa mundong puno ng mga makapangyarihang sect, malalakas na ancient clans, at hindi mabilang na mga henyo. Ito ang panahon ng mga alamat.
VIEW MORE

Chapter 1 - Batang Zhao Fheng

Isang umaga, kasabay ng pagliwanag ng alapaap, habang ang buong Sun Feather City ay nakatago pa rin sa kadiliman bago sumikat ang araw.

Sun Feather City, Zhao Family Clan…

Fwoosh!

Isang batang lalaki ang kumilos ayon sa kanyang likas na pakiramdam, inihagis niya ang kanyang mainit at komportableng mga kumot, tumayo mula sa kanyang higaan at isinuot ang kanyang damit. Lahat ng ito ay natapos lamang sa isang hininga. Sa ganitong oras, karamihan sa mga family sect disciples at maging ilan sa mga tagapaglingkod ay natutulog pa rin.

Ang batang lalaki ay nasa pagitan ng labintatlo at labing-apat na taong gulang, na may payat na pangangatawan at childish na mukha. Hindi siya sobrang guwapo, pero kaayaaya pa rin ang kanyang itsura. Ang kanyang mga mata ay tunay na malinaw at puno ng determinasyon.

"Saglit na lamang at maabot ko na rin ang ikalawang ranggo ng Martial Path, pagkatapos ay mapapatahimik ko na ang ibang mga sect discples ng Zhao family!"

Ang pangalan ng batang lalaki ay Zhao Feng. Kalahating taon na ang nakalipas, siya ay nagmula sa Zhao branch family ng Green Leaf Village patungo sa Sun Feather Zhao main family sect dahil sa kanyang napakahusay na katangian.

Sa Green Leaf Branch, isa siyang henyo para sa kanyang edad at siya ang unang nakaabot sa unang ranggo ng Martial Pathway. Simula noon, iniwan na niya ang buhay ng mga mortal at pumunta sa landas ng cultivation. Sa panahon na iyon, pinuri siya ng bawat matanda sa kanilang baryo dahil sa kanyang angking talento at sinasabing hindi masusukat ang kanyang kinabukasan. Ang kanyang family sect, mga magulang, lahat sila ay mataas ang hangarin para sa kanya!

Ngunit si Zhao Feng lamang ang tanging nakakaalam ng pagkakaiba ng kanyang pagsusumikap kumpara sa kanyang mga kasabayan, ito ang nagbigay daan sa kanya upang tawaging henyo ng Green Leaf Village.

Ang Green Leaf Village Zhao family ay isa sa mga pangunahing branches ng Zhao Family sect. Tuwing limang taon, mayroong dalawang taong inirerekomendang pumunta ng main sect mula sa Green Leaf. Ang taong kasama ni Zhao Feng ay si Zhao Xue, isang babae na naabot ang unang ranggo ng Martial Pathway dalawang buwan pagkatapos niya.

Matapos umalis sa Green Leaf Village, si Zhao Feng ay puno ng determinasyon at kumpyansa na pumunta sa main Zhao Family sect at ipakita ang kanyang mga abilidad. Ngunit, pagkatapos niyang makapunta sa main Zhao Family sect ay napagtanto niya na isa lamang siyang palaka sa ilalim ng isang balon…

Kung populasyon ang pag-uusapan, ang Green Leaf Village Zhao family ay may isang daang tao lamang, at pito o walo lang ang mga ka-edad niya. Sa main Zhao Family, mayroong libo-libong tao, at kinokontrol nila ang maraming lupain, mga minahan, at mga resources. Kumpara sa Zhao Family ng Green Leaf Village, ang pamilyang ito'y isang daang beses na mas malaki!

Sa side branch sa Grean Leaf Village, kinokonsidera siya bilang isang talentado, at isang henyo ng iilan. Dito sa Zhao sect, tinuturing lamang siya na isa sa pinakamababang lebel ng mga cultivators para sa kanyang edad, isang lowly outer disciple

Sa Zhao Sect, maraming kabataan na kanyang ka-edad ang nakalagpas na papuntang pangalawang ranggo ng Martial Path. Mayroong iilang talentado at naabot na ang ikatlong ranggo. At ayon sa mga sabi-sabi, ang ilan sa mga henyo ng pamilya ay naakabot na ng pang-apat na ranggo.

Sa likod ng katotohanang ito, naunawaan ni Zhao Feng na wala siyang sinabi kung ikukumpara sa kanila. Siya ay maituturing na inosente, ignorante at walang binatbat.

Gayundin si Zhao Xue, ang magandang babae na kasama niya galing sa Green Leaf Village ay unti-unting napapalayo sa kanya matapos makapasok sa Zhao sect. Siya ay mas madalas na nakikisalamuha sa isa sa top three outer disciples.

Sa pagbabalik-tanaw, nang si Zhao Xue ay nasa Green Leaf village pa, iniidolo at manghang-mangha siya kay Zhao Feng. Sa panahong iyon, nakatuon lamang si Zhao Feng sa cultivation at hindi siya pinapansin.

Ngayon, siya ay lalong nagiging desperado at mas nagsusumikap sa kanyang cultivation matapos makaramdam ng matinding kawalan ng pag-asa.

Sumumpa siya: Kukunin niya ang isa sa mga pinakamataas na pwesto ng Sun Feather City sa Zhao Sect! Hinding hindi na siya kailanman babalik sa Green Leaf Village!

********

Pagkatapos niyang maghugas, huminga nang malalim si Zhao Feng at tumakbo patungo sa martial arts field ng family sect.

"Hah! Hah!"

Yumapak si Zhao Feng ng kalahating hakbang na may dalang hangin sa bawat kamao niya at nag-ensayo ng Zhao sect's Flaming Metal Fists. Ang Flaming Metal Fist ay core martial arts lamang ngunit ineensayo ito Zhao Feng nang mabuti.

Sa layman's terms, ang normal martial arts ay nahahati sa limang kategorya: core, low, middle, high, at peak. Kadalasan, kung mas mataas ang ranggo ng martial art, mas mataas din ang pinsala nito at mas mainam ito para i-cultivate.

Core martial arts, ang pinakamababa sa mga martial arts, ito ay ginagamit upang palakasin ang katawan at dugo, ang pinsala nito ay napakababa. Ngunit sa pagkakakilanlan ni Zhao Feng na galing sa isang side branch, at dahil sa wala siyang bukod-tanging talento, napakahirap para sa kanya na matutunan ang martial arts na mas mataas ang ranggo.

"Matagal na akong nanatili sa unang ranggo ng Martial Path. Ngunit para makamit ang ikalawang ranggo, kailangan ko pa ng kaunting panahon."

Matapos ang saglit na pag-eensayo, napuno ng pawis ang mukha ni Zhao Feng at bumilis ang kanyang paghinga.

Ang talento ni Zhao Feng ay hindi maituturing na masama. Ang rason kung bakit hindi siya makahabol sa iba ay dahil wala siyang martial arts skills ng mas mataas na ranggo. Hindi rin siya mayaman katulad ng mga main family disciples na nakakabili ng precious pills upang pabilisin ang kanilang cultivation speed.

Sinasabi na ang ilan sa mga disciples ng Zhao sect ay gumagamit ng mga precious pills simula kapanganakan upang palakasin ang kanilang katawan. Bago dumating sa edad na sampung taong gulang, naabot na nila ang unang ranggo ng Martial Path, isang natatanging kalamangan sa iba.

Sa simula pa lamang ng buhay, matagal nang napag-iwanan si Zhao Feng.

Makalipas ang kalahating oras, dahan-dahang sumibol ang araw sa kanilang paningin. Sa martial arts field, dahan-dahan dumating ang ilan sa mga Zhao sect disciples, at ang iba ay nagtatawanan at nakikipaglaro sa isa't-isa. Ngunit nang makita nila si Zhao Feng, biglang nanlamig ang kanilang tingin, at ang ilan ay nagpakita rin ng paghamak.

Ang ugaling ito ay hindi lamang nakatuon kay Zhao Feng. Mababa ang tingin ng mga main Zhao sect disciples sa lahat ng nanggaling sa mga side branches. Sa harap ng mga tao na nagmula sa mga side branches, nakararamdam sila ng konting pagmamalaki!

Habang si Zhao Feng ay nawawala sa kanyang kaisipan, isang tunog ang nanggaling sa likod niya: "Little Broomstick! Huminto ka dyan!"

Pah!

Isang kamay na kasing tigas ng isang metal ang malakas na tumapik sa kaniyang balikat.

"Ikaw…"

Nawalan ng balanse si Zhao Feng at halos matumba. Sa kabutihang-palad ay may mahusay siyang core skills at agad niyang naiayos ang kanyang sarili.

Ang may-ari ng kamay ay isang bata na nakasuot ng itim. Ang katawan niya ay matipuno at maskulado at may makapal siyang kilay. Nababahiran ng pagiging mapaglaro ang kanyang mga mata habang tinitignan niya si Zhao Feng na kakabalik lamang sa kanyang balanse.

"Zhao Kun! Anong ibig-sabihin nito?" Ang mukha ni Zhao Feng ay puno ng galit at gusto niyang suntukin si Zhao Kun.

Nang unang dumating si Zhao Feng sa Zhao sect, nagkaroon sila ng maliit na alitan. Ito ay dahil nilalait ni Zhao Kun ang mga taong nanggaling sa side branches at hindi nasiyahan si Zhao Feng sa kanya.

Si Zhao Kun ay isang taong naghihiganti sa lahat ng posibleng pagkakataon, at simula noon, lagi niyang pinapahiya si Zhao Feng sa tuwing natatagpuan niya ito.

"Zhao Kun! Sa lakas mo, kung hindi mo matatalo ang side branch disciple na ito sa loob ng sampung galaw, hindi yon magiging maangas!"

"Sampung galaw? Nasa rurok na ng pangalawang ranggo ng Martial Path si Zhao Kun! Para labanan ang batang iyan, sa tingin ko sapat na ang tatlong galaw!"

"Tatlong galaw? Kung maglalaban sila ng harapan, hindi iyon magiging madali!" Sabi ng mga malapit na disciples na handang panuorin ang palabas. Karamihan sa mga tao ay walang pakialam sa nangyayari, kaya nagsasalita sila nang walang pigil.

"Tatlong galaw? Hahaha…" Tinaas ni Zhao Kun ang kanyang ulo at tumawa nang may pangungutya sa kanyang mukha, "Masyado namang mababa ang tingin niyo sa'kin, Zhao Kun! Para talunin ang batang 'to, kakailanganin ko lang ng isang galaw!"

Kailangan lang ng isang galaw!?

Kitang-kita sa mukha ng mga disciples ang kanilang gulat.

"Isang galaw?"

Tumaas ang kilay ni Zhao Feng at nagbago ang kanyang itsura. Ang galit sa kanyang puso ay umangat muli.

Isang ranggo lang ang diperensya nila ni Zhao Kun. Totoo na kung maganda ang ipapakita ni Zhao Kun ay maaari siyang manalo sa loob lamang ng tatlong galaw.

Ngunit kung sa isang galaw lamang… isa itong pagpapahiya!

Sa harap ng nang-aasar na mga mata ni Zhao Kun, agad na kumalma si Zhao Feng at inisip niyang, "Hindi ako pwedeng mahulog sa patibong na ito. Kahit na mabuhay ako sa isang galaw na ito, papahiyain niya pa rin ako pagkatapos."

At dahil nasa Zhao sect na siya ng kalahating taon, naranasan na ni Zhao Feng na mabugbog ng ilang beses at natutunang pagtiisan ito.

"Medyo pagod na ako dahil sa pag-eensayo ngayong araw. Pagpahingahin mo ako ng ilang araw at pagkatapos ay lalabanan kita." Walang ekspresyon sa mukha ni Zhao Feng nang siya ay umalis at wala nang sinabi pa.

Dahil sa ginawa niya, napahinto si Zhao Kun na kasing edad niya.

"Sige, bata, hahayaan kita ngayon, ngunit sa susunod na magkita tayo, huwag mo kakalimutan ang tungkol sa araw na ito na 'one-move battle'." Nagbigay ng malamig at tusong pakiramdam ang mga mata ni Zhao Kun.

One-move battle?

Bumilis agad ang tibok ng puso ni Zhao Feng, at naisip niya, "Mukhang hindi ako hahayaan ni Zhao Kun. Kailangan kong maabot ang ikalawang ranggo sa lalong madaling panahon. Saka ko lang kayang labanan si Zhao Kun." Lalong bumilis ang tibok ng puso ni Zhao Feng.

Matapos umalis sa martial arts field, umuwi na si Zhao Feng.

Dahil nagawang makapasok ni Zhao Feng sa Zhao main family sect, nagkaroon din ng kaunting prestige ang kanyang mga magulang sa Zhao sect. Ito dapat ang gantimpala ng kanyang mga magulang.

Ngunit puro kahihiyan lang ang nadama ni Zhao Feng dahil baka mabigo lang sa kanya ang kanyang mga magulang dahil sa kanyang performance sa Zhao sect. At sa marahil ay mabibigo niya rin ang mga matatanda sa kanilang village na mataas ang ekspektasyon sa kanya.

"Nakauwi na ako."

Isang kalmadong lalaki ang lumabas. Ito ay ang ama ni Zhao Feng, si Zhao Tianyang.

"Feng'er, halika rito at kumain ka na!" Ito'y ang kanyang ina, si Zhao Shi, na puno ng pag-aalaga habang inihahain niya ang pagkain mula sa kusina.

Tuwing umuuwi si Zhao Feng, nararamdaman niya ang init ng pagmamahal dito.

"Salamat 'nay… ang sarap nito!" Sabi ni Zhao Feng habang puno ng pagkain ang kanyang bibig.

Habang kumakain sila, hindi nagsalita si Zhao Tianyang at si Zhao Shi, na para bang may ibang iniisip.

"Itay, Inay, anong…" Nakita ni Zhao Feng na may seryosong mukha ang kanyang mga magulang na para bang may gusto silang sabihin. Nagtinginan si Zhao Tianyang at Zhao Shi at pagkatapos ay nagbuntong-hininga sila ng sabay.

"Hayaan mo na ako magsabi. Kanina lang, nagpadala ng mga tao ang nakatataas ng sect para magdala ng isang liham." Huminto ng saglit si Zhao Tianyang.

"Ang nakatataas ng sect?" Hindi ito maintindihan ni Zhao Feng.

Taimtim ang itsura ni Zhao Tianyang at sinabing, "Ang sect ay gumawa na ngayon ng bagong mga patakaran. Kung ang mga kabataan ng mga side branches ay hindi maabot ang ikalawang ranggo, hindi sila magkakaroon ng karapatan upang lumahok sa family sparring contest. Kung hindi nila maabot ang ikatlong ranggo bago sila maging labinglimang taong gulang, pababalikin sila sa kanilang branches.

Ano?!

Tumigil ng isang segundo ang puso ni Zhao Feng at nagbago ang kanyang itsura.

Ang family sparring competition ay kung saan ang lahat ng kabataan ay naglalaban upang ipakita ang kanilang mga kakayahan. Ang mga mananalo ay magkakaron ng maraming gantimpala at ng tsansa na maging isang inner disciple, na siyang lubos na sinasanay ng pamilya. Kaya ang family sparring competition ay isang pagkakataon na maging isang dragon mula sa pagiging isda para sa mga outer disciples.

Kung mawawalan sila ng pagkakataon na makapasok, kahalintulad na rin iyon ng pagtapon sa kanila ng sect!

At ang huling patakaran na nagpalamig sa puso ni Zhao Feng — bago tumuntong sa labinlimang taong gulang, ang mga hindi makaabot ng ikatlong ranggo ng Martial Path ay pababalikin sa mga branch families.

"Hindi, hindi, hindi 'to maaaring maging totoo…" Mahina ang boses ni Zhao Feng, at mahigpit ang hawak ng kanyang mga kamay.

Siya at ang kanyang mga magulang ay wala ng mukhang ihaharap pa kapag bumalik sila sa Green Leaf Village.

"Ang patakaran na ito'y para lamang sa mga side branch disciples." Bakas sa mukha ng kanyang ina na si Zhao Qi na hindi siya nasisiyahan tungkol dito.

"'Nay, 'tay, ayos lang yun. Magsasanay ako nang mas mabuti at aabutin ang ikalawang ranggo ng Martial Path bago ang family sparring competition," sabi ni Zhao Feng habang nanginginig at ginigitgit ang kanyang mga ngipin.

"May natitira pang dalawang buwan upang magrehistro, kailangan mong magparehistro ng mas maaga ng isang buwan. Hindi magiging madali ang pagkamit ng pangalawang ranggo sa isang buwan."

Umiling na lamang si Zhao Tian Tang. Sa isang buwan lang?

Umitim ang mga mata ni Zhao Feng na para bang nahulog siya sa kadiliman.

Kung may natitira pang dalawang buwan at dinoble niya ang kanyang pagsusumikap, mayroong dalawampu o tatlumpung pursyento na magtagumpay siya. Ngunit sa isang buwan, wala siyang kumpiyansang mangyari yun!

Matapos manahimik ng ilang oras, pinunasan ni Zhao Shi ang gilid ng kanyang mga mata at mahinang sinabi, "Feng'er, hindi mahalaga kung mabigo ka… maipagmamalaki ka pa rin namin... ang pinakamalalang maaaring mangyari ay babalik tayo ng Green Leaf Village at mamumuhay nang normal."

"Oo! Kung babalik tayo sa Green Leaf Village, ikaw pa rin ang pinaka talentado roon— mas gugustuhin ko na maging isang ulo ka ng manok kesa maging isang buntot ng isang phoenix!" Tinango ni Zhao Tianyang ang kanyang ulo sa pagsang-ayon.

Bilang mga magulang, mas gugustuhin nilang maging ligtas ang kanilang mga anak, kahit na magiging normal lamang ang kanilang buhay.

Ngunit ang bumalik sa Green Leaf Village?

"Hindi!" Malakas na iniling ni Zhao Feng ang kanyang ulo. "Hindi ako babalik sa Green Leaf Village para mamuhay ng normal!"

May sinumpa siya dati na upang magkaroon ng mahusay na performance, kailangang kumuha ng lugar sa Zhao sect sa Sun Feather City at magkaroon ng sariling lupain. Ninanais ng kanyang puso ang ikasiyam na ranggo ng Martial Path at ang mga lupain na namamalagi sa labas na mundo.

Paano niya hahayaang mabigo ang kanyang sarili at bumalik sa ganitong paraan?

Pinigilan ni Zhao Feng ang kanyang sarili na umiyak at sumigaw. Tumakbo na lamang siya palabas ng bahay.

"Feng'er! Wag nang matigas ang ulo…" Sabi ng kanyang mga magulang.

Boom!

Bigla na lamang kumulog at kumidlat ang langit at nagsimulang umulan. Nanatili ang kawalan ng pag-asa sa kanyang puso, sumigaw pabalik sa langit at tumakbo sa ulan. Kumikidlat sa lahat ng dako, kaya nailawan ang mukha ni Zhao Feng.

"Masama ito!" Naramdaman ni Zhao Feng ang puwersa sa taas niya na nagpapabigat sa kanya at nang tumingin siya pataas, nagulat siya sa kanyang nakita.

Simula pagkapanganak, hindi pa siya nakakakita ng kidlat na kumpol-kumpol na parang isang sapot. Sa saglit na iyon, mistulang nasa ilalim ng isang uri ng kapangyarihan ang kidlat na nagdulot ng pagkabasag ng dimensyon.

Sheeeeeeew ——————-

Isang maitim na guhit ang lumabas galing sa kadiliman. Tumagos ito sa kidlat at nagdulot ng magandang mala-panaginip na alon. Imposibleng isipin kung ano ang itim na linya, dahil kaya nitong ipagsawalang-bahala ang lakas ng kidlat.

Pah! Pah!

Naramdaman ni Zhao Feng na namanhid ang kanyang mga paa, ang kanyang buhok at mga damit ay naging itim at patuloy niyang naririnig ang kulog sa kanyang tenga. Ang buong mundo ay biglang nanahimik.

"Ito ay…"

Namuti ang kanyang mukha at pagtingin sa kanyang mga paa, nakita niya ang isang kakaibang itim na marmol na parang isang mata. Ito ang bagay na sanhi ng itim na linya.

Peng! Peng!

Ang parang mga matang marmol ay tila mayroong buhay na nagbibigay ng humahampas na tunog at para bang nakatitig sa mga mata ni Zhao Feng. Ngunit tila kasabay ng tibok ng kanyang puso ay ang pagtibok na tunog ng eyeball na nagbigay kay Zhao Feng ng isang nakakagaang pakiramdam

Sa sandaling ito, nadama niya ang isang uri ng udyok, atraksyon, at isang paghila? Na para bang tinatawag siya?

"May buhay ang bagay na ito?" Pinigilan niya ang kanyang paghinga, handa sa anumang senyales ng panganib. Ngunit bago pa siya makagalaw—

Poom! Biglang naging isang afterimage ang mala-matang marmol ng pumunta ito sa kaliwang mata ni Zhao Feng.

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!" Sigaw ni Zhao Feng, at pagkatapos ay bigla siyang hinimatay.

Bago siya himatayin, isa lang ang kanyang iniisip. Lagot ako... nabulag ang mata ko!