Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 7 - Swerte Uli?

Chapter 7 - Swerte Uli?

Walang magawa, Kinuha muli ni Zhao Feng ang pana at mabagal na hinila ang string

"Tignan niyo ang tindig ng batang 'to, halatang isa siyang baguhan!"

"Hmph! Kapag tinamaan niya ang pinaka gitna ngayon, isusulat ko ng pabaligtad ang pangalan ko."

Ang mga archers sa field ay mayroong mga nasasabik at pagmamaliit na mukha kay Zhao Feng.

Ang tao sa crowd na may pinaka mataas na skill ay si Zhao Yui. Mayroon siyang mukha na puno ng kumpiyansa habang sinabi niyang, "Ang mga skills ng archery ay napagbubuti lamang sa pamamagitan ng pagpana ng walang katapusan. Saka ka palang magiging isang peak archer."

Ang mga archer sa paligid niya'y tumango sa pang sang-ayon sa kanyang mga salita.

Pinintig ni Zhao Feng ang kanyang mga mata, pero ngayon ay hindi niya ginamit ang kanyang kaliwang mata. Kapag ginamit niya ang kanyang kaliwang mata, ay halatang tatamaan nito ang pinaka gitna.

Napag pasyhan ni Zhao Feng na maging low-key, bahagya lamang niyang ginamit ang kanyang kaliwang mata. Sa parehong oras, ang Continuous Meteorite Arrows skill sa kanyang isipan ay sumapi sa kanyang puso at naging parte niya ito.

Bawa't parte ng katawan ni Zhao Feng, pati ang kanyang paghinga, ay simulang nagkaroon ng malliit na pagbabago.

Ang mga pagbabagong ito'y hindi nakita ng mga tao. Gayunpaman, dahil sa pagiging pambihirang archer, ang mga mata ni Zhao Yui ay lumiwanag.

Shoosh-

Ang bow ay tumira ng pana na lumagitik sa hangin, at katulad ng bulalakaw ay tumama sa target.

Gitnang gitna!

"Isa pang ikasampung singsing!" si Zhao Feng ay may nasaktang ekspresyon.

Sa pagkakataong ito ay hindi niya ganap na ginamit ang kanyang kaliwang mata, pero ang ginamit lang niya ay ang mga skills ng Continuous Meteorite Arrow. Akala niya ay mahirap makakuha ng magandang resulta, ngunit hindi niya alam na tatamaan parin niya ang pinaka gitna nito.

Ah! Ipinagpag niya ang kanyang ulo at nagbuntong hininga. Ang kanyang mga galaw ay ginawang tense ang mga mukha ng mga disciple.

"Gitnang gita uli, ano ang lalaking ito?!"

"May dalawa na siyang pinaka sentro, paano naging ganito kaswerte ang isang tao?"

"Ok, tapos na akong tumira, aalis na ako ngayon." Pinagpag ni Zhao Feng ang kanyang damit at inilapag ang kanyang pana at naghandang umalis.

Habang tinitignan ang kanyang likod, lahat ng archers sa paligid ang nakaramdam ng galit.

"Bata! Diyan ka lang!" isang malamig na boses ang nanggaling mula sa likod.

Huminto sa paglalakad si Zhao Feng at umikot.

Ang taong tumawag sa kanya ay si Zhao Yui. Meron siyang mukha na puno ng galit at ang kanyang ikatlong ranggo ay pinipuwera ang mga tao sa paligid niya. Si Zhao Yui ay 17 o 18 taong gulang. Ang katunayang mayroon siyang mas mataas na cultivation at mas malaki siya kay Zhao Feng ay nagdadag ng bangis.

"Naitira ko na ang aking pana, ano pa ba ang nais mong ipagawa sakin?"

Kahit na malakas si Zhao Yui at si Zhao Feng ay walang kumpiyansang manalo, hindi ibig sabihin ay natatakot si Zhao Feng sa kanya.

"Umaarte ka parin!" suminghal si Zhao Yui. "Hindi ka isang baguhan, nandito ka lang para paglaruan kami!"

Pagkatapos itonng masabi, ang mga archers sa kanyang paligid ay napagtanto ito at tumango sa pag sang ayon.

"Di na nakakapag taka na ang batang ito ay napaka swerte, nagpapanggap lamang siyang mahina!"

"Hmph, ang lakas ng loob ng lalaking ito para paglaruan tayo!"

Ang mga disciples sa paligid ay naniwala sa mga salita ni Zhao Yui at simulang sumigaw kay Zhao Feng habang may mga galit na mukha.

"Kumalma lang kayong lahat, ito nga ang unang beses kong tumira ng pana." Ipinagpag ni Zhao Feng ang kanyang ulo; hindi nagpapanggap na mahina. Para maka kamit ng magandang resulta ay isang bagay na hindi niya inaasahan.

Si Zhao Yui ay tumitig sa kanya at kumislap ang mga mata: "Pati na ako'y nalinlang ng unang dalawang pana. Gayunpaman, ang ikatlong pana… ang tindig ng iyong kamay ay halatang naka-abot na sa isang mataas na antas. Upang makatira ng limampung metro at tamaan ang gitna ng dalawang beses na magkasunod. Anong klase ng baguhan ang ganito ka swerte?"

Mayroon siyang rason para sa kanyang salita. Hindi mahalaga kung mayroon mang isang daang bungaga si Zhao Feng, dahil hindi parin niya ito maipapaliwanag.

"Ano ba ang gusto niyo?" Namlamig ang mukha ni Zhao Feng. Kung hindi niya maipapaliwanag, kung ganoon ay wala ng punto sa pagpapaliwinag.

"Heheh, bata, ang lakas ng loob mo upang paglaruan kami. Kaya hindi ka naming hahayaang umalis ng ganito kadali."

Ang mga disciples sa paligid niya ay hinawakan ang kanilang mga kamao at padami ng padami ang mga tao na nagsisiksikan.

********

"Sister Yufei, mukhang madaming tao sa lugar na iyon, tignan natin."

Ilan sa mga kababaihan ng sect ay naakit sa lahat ng atensyon. Ang edad ng mga kababaihan ay nasa pagitan ng labindalawa at labing anim. Isa sa kanila ay nakasuot ng purple dress. Mayroon siyang mukha na kasing puti ng yebe at tila mahina, pero ang kanyang kagandahan ay walang katulad.

"Sobrang ganda… Sino siya?"

Isang kabataan na kasing edad ni Zhao Feng ay namamangha habang nakatayo at ang kanyang mga mata ay naka-lock sa babae

"Siya ang bagong henyo ng sect, si Zhao Yufei!" Karamihan sa mga disciples ay alam ang pagkakakilanlan ng babae.

"Siya ay labinlimang taong-gulang lamang at siya ay nasa tuktok na ng ikatlong ranggo. Siya ay malapit ng maging ika-apat na ranggo at pagkatapos ay maging isang tunay na Martial Artis."

"Si Zhao Yufei ay hindi lamang maganda, mayroon din siyang pambihirang talento."

Ilan sa mga kabtaan ang binawi ang kanilang mga tingin at nakaramdam ng hiya, na para bang hindi sila karapat dapat kay Zhao Yufei.

Si Zhao Yufei ay hindi lamang manganda, mayroon din siyang isang refreshing na aura. Siya ay tulad ng isang bulaklak. Pati na ang mga mata ni Zhao Yui ay kumislap nang makita niya si Zhao Yufei.

"Siya yun…" Kilala din ni Zhao Feng si Zhao Yufei. Si Zhao Yufei ay isa ding branch disciple na dumating kalahating taon na ang nakalipas. Siya'y parego ang cultivation kay Zhao Yijijian, pero mas bata siya!

Mahirap mapaniwalaan na ang isang tao na nanggaling sa branch family, sa ilalim ng mga resources na mayroon siya, ay kayang makamit ang ganitong realm.

Ito siguro ang isang tunay na henyo! May Ilang mga bagay ay hindi posibleng mangyayari sa mga normal na tao. Pero para sa isang henyo, ang mga ito'y ng madaling mangyari.

Noong nakita ni Zhao Feng si Zhao Yufei, naisip niya na siya ay maganda. Bilang isang normal na kabataas ng parehon edad, ay mahirap na hindi maakit. Gayunpaman, alam ni Zhao Feng na sa kanyang cultivation at katayuan, siya at si Zhao Yufei ay mga taong magkaiba ang mundo.

Noong nakita niyang lumapit si Zhao Yufei, lumapit si Zhao Yui at mainit siyang binati.

Si Zhao Feng ay tiwasay at diretso ang tingin kay Zhao Yufei.

Kung ito ay ang nakalipas at kaharap si Zhao Feng ang maganda at henyong babae na ito, iispin niya sa sarili niya na hindi siya karapat dapat at matatakot upang tignan man lamang siya sa kanyang mata. Gayunpaman, ngayong araw ay tumingin siya ng diretso sa kanya.

Nang tumingin siya sa kanya, ang kaliwang mata ni Zhao Feng ay nagsimulang gumalaw ng hindi namamalayan. Sa kanyang kaliwang mata, ang nakakamanghang pigura ni Zhao Yufei ay naging mas malinaw kaysa dati.

Yi!

Dahil dito, si Zhao Feng ay nabigla. Dahan dahan, ang mga damit ni Zhao Yufei ay nagsimulang kumupas at halos nakita na niya ang mala yebeng balat sa loob…

Malinaw namang, ang kanyang kaliwang mata ay walang see-through abilities. Kung mayroon man, ito'y magiging napaka hina. Dahil lamang sa mayroon siyang super-vision kaya nakikita niya ang mga bagay bagay ng mas malinaw.

Ang diperensya ay ang paningin ng mga normal na tao ay nananatiling malayo sa isang bagay, samantalang ang paningin ni Zhao Feng ay kayang palapitin ito ng mas malapit at tignan ito sa ilalim ng 'zero-distance'. Yun ang dahilan kung bakit nagkaroon ng 'see-through' effect.

Sa oras na ito, ang mata ni Zhao Feng ay gumana sa puno nitong potensyal at sa loob ng sobrang dilim na dimensyon, ang mahing berdeng liwanag at umikot ng mas mabilis.

Nang biglaang, ang mga damit ni Zhao Yufei ay kumpletong nawala, pati na ang kanyang katawan ay halos tuluyang naging tagusan. Ang kaliwang mata ni Zhao Feng ay nakita ang pagdaloy ng kanyang dugo, nakita rin niya ang mahinang purple na aura sa loob ng kanyang mga ugat.

"Ang talento ni Zhao Yufei ay napakalakas! Malapit na siyang magkaroon ng chi…" Si Zhao Feng ay sobrang nasurpresa nito at huminga siya ng malalim.

Kung edad ang pag-uusapan, siya ay isang taon lamang ang tanda sa kanya, pero siya ay mayroon ng ilang mga achievements. Sa Azure Flower Continent, karamihan sa mga Martial Learners ay nananatili sa ikatlong ranggo ng Martial Path habang buhay dahil hindi nila maintindihan ang chi at maging fourth rankers.

Gayunpaman, si Zhao Yufei, sa edad na labinlima ay halos lubusan ng naunawaan ang konsepto ng Inner Strength. Ang mga araw bago siya maging isang tunay na martial artist ay di na nalalayo.

"Ang kaliwang mata ko ay walang ganap na see-through ability, pero nararamdaman ko parin ang dugo at ang inner strength ng mga tinitignan ko." Ang mga mata ni Zhao Feng ay tumalon at ito ang konklusyon na narating niya pagkatapos itong isipin.

Sa parehong oras, ang key focus na si Zhao Yufei ay tila may naramdaman at tumingin patungo kay Zhao Feng. Hindi itinago ni Zhao Feng, pero sinarado niya ang abilidad ng kanyang kaliwang mata.

Nakaramdan si Zhao Yufei ng kakaibang pakiramdam sa loob ng kanyang puso na para bang hinuhubaran siya at ang lahat ng mga sikreto niya'y nabunyag.

"Anong nangyari dito?" Binawi ni Zhao Yufei ang kanyang tingin at tinanong.

"Little sister Yufei, ito ang nangyari…"

Si Zhao Yui at ang iba pa ay pinalaki ang buong insendente.

"Nakita ko." Tumingin si Zhao Yufei kay Zhao Feng

Alam ni Zhao Feng na sa ilalim ng ganitong mga kondisyon ay hindi siya makakapag-paliwanag.

"Bata! Dahil sa iyong mga nakaraang aksyon, nagdulot ka ng kaguluhan. Bibigyan kita ng pagkakataong humingi ng tawad sa lahat ng tao dito," Arroganteng sinabi ni Zhao Yui.

Humingi ng tawad?

"Wala akong ginawang masama, kaya bakit naman ako hihingi ng tawad?" Clinicked ni Zhao Feng ang kanyang dila.

"Kung hihingi ka ng tawad sa amin, ay palalagpasin namin ito," Sabi ni Zhao Yui na parang isang maginoo. Siya ay malinaw na nagpapakitang gilas sa harap ng magandang babaeng ito.

"Humingi ng tawad? Imposible." Sabi ni Zhao Feng. "Lahat ng sinabi mo ng nakaraan ay iniisip niyo lang sa inyong mga sarili."

Nang sinabi niya ito, lahat sila, kasama si Zhao Yufei, ay kinunot ang kanilang mga kilay.

"Itong Zhao Feng na ito ay medyo arogante." Mayroon na ngayong masamang impresyon si Zhao Yufei kay Zhao Feng.

"Di mo kayang makipag argumento ng maayos, ano?" Tumawa lamang si Zhao Yui sa halip na magalit. "Kung hindi ka hihingi ng tawad, wag mo nang isiping makaka-alis ka pa." Ang mga disciples sa paligid ay simulang pinalibutan si Zhao Feng.

"Pagtutulung tulungan niyo ako?" Si Zhao Feng ay mukha ng pangungutya at sumulyap kay Zhao Yufei.

Ang mga ekspresyon ni Zhao Yui at ng mga kanyang cronies ay nagbago. Sa harap ng henyo at magandang babaeng ito, malinaw na aarte sila na bilang mga maginoo at ang patutulong tulungan para mang gulpi ay hindi maganda sa paningin.

"Sige!" Ang mga mata ni Zhao Yui ay umikot at mayrong siyang nakatagong pakana sa kanyang puso."Hindi kami magtutulong tulungan para mang gulpi. Hindi mo na kailangang humingi ng tawad, yun ay kung matatalo mo ako sa arrow skills."

"Tama!" Dahil paraho kayong archers, gamitin niyo ang mga lakas niyo upang magsalita."

"Pwedeng si little sister Yufei ang humusga." Lahat sila'y sumang-ayon at nagsimulang sumigaw.

"Tumawa si Zhao Yui sa kanyang puso, para itong pagtira ng dalawang ibon gamit ang isang pana. Sa pamamagitan ng arrow contest, pwede niyang pahingiin ng tawad at pahiyain sa harap ng iba isa Zhao Feng. Magagawa din niyang ipakitat ang kanyang mga abilidad sa harap ni Zhao Yufei, at baka mapanalunan pa niya ang kanyang puso!

" Paligsahan ng Archery skills?" Wala ng magawa si Zhao Feng upang magsabi ng kahit ano paman, "Sige, mag usap tayo sa pamamagitan ng ating mga lakas."