Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 11 - Green Headed Tiger King

Chapter 11 - Green Headed Tiger King

Shoosh—–

Isang afterimage ang naiwan habang ang pana ay lumilipad sa hangin, patungo sa lumilipad na Flying Beak Eagle.

"Screeeeech——-"

Isang galit na screech ang narinig mula sa agila. At nakita ni Zhao Feng ang agila na sumugod papunta sa kanya habang may panang nakabaon sa tiyan nito.

"Masama 'to!|

Nang makita ito, nagbago ang ekspresyon ni Zhao Feng at mabilis na ginamit ang Lightly Floating Ferry para tumakas papunta sa ilalim ng mga halaman. Bagama't tinamaan ng pana ni Zhao Feng ang agila, hindi nito tinamaan ang anumang mahahalagang bahagi ng katawan.

Ang reaksyon, bilis ng paglipad, at depensa ng Flying Beak Eagle ay nalampasan ang mga normal na hayop. Kapantay na nito ang mga nakamamamtay na hayop. Ang pana ay hindi nagdulot ng anumang nakamamatay na pinsala!

Teng!

Si Zhao Feng ay parang isang maliksing ibon habang siya'y lumilipad sa kagubatan. Gayunpaman, ang kanyang kaliwang mata ay hindi nakalimutang sundan ng tingin ang agila.

Shou——-

Isa pang pana ang lumipad. Gayunpaman, bagama't tinamaan ng kanyang pana ang lalamunan ng agila, hindi nito nagawang tumagos sa balahibo nito.

Ang lalamunan ay kadalasang kahinaan ng mga normal na hayop. Mula sa katunayang hindi ito tumagos, makikita na ang depensa ng agila ay matindi.

Si Zhao Feng ay nag-antay ng ilang saglit at nakita niya ang Metal Beak Eagle na bumagsak sa lupa. Ito ay dahil ang mga pana na itinira ni Zhao Feng ay may lason, at sa huli ay napaslang na rin ang agila.

Naglabas ng malalim na hininga si Zhao Feng at masayang ngumiti. Ang Metal Beak Eagle na ito ay nagkakahalaga ng pito hanggang walong daang pilak.

Dumagdag pa ang Golden Striped Snake, ang yaman ni Zhao Feng ay lumagpas na ngayon sa isang daang libong piraso ng pilak. Hindi pa siya nakahawak ng ganito kalaking pera sa buong buhay niya.

"Gayunpaman, ang pilak na meron ako ay hindi pa sapat para makabili ng mahahalagang resources." Kahit na nasasabik si Zhao Feng, mabilis din siyang kumalma.

***************************

Sa sumunod na tatlong araw, si Zhao Feng ay naglakbay sa loob ng buong Sky Cloud Forest at nangangaso. Bawat oras na hinihila ni Zhao Feng ang kanyang bowstring, hindi magtatagal ay may susunod na hiyaw ng sakit.

"Five Poison Centipede, sobrang nakakalason. Pwedeng gamitin para gumawa ng alak at palakasin ang katawan ng isang tao. Nagkakahalaga ng dalawang daang pilak…"

"Green Wind Bird, ang lakas nito'y nasa tuktok ng ikatlong ranggo. Nagkakahalaga ng siyam na raang pilak…"

"Black-spotted Wild Pig, ang lakas ay malapit na sa ikatlong ranggo. Nagkakahalaga ng apat na raang pilak…"

Para makapatay ng maraming hayop hangga't maaari, ginamit ni Zhao Feng ang Lightly Floating Ferry at Continuous Meteorite Arrows sa pinakamataas na posibleng antas. Sa pamamagitan nito, ang Lightly Floating Ferry ay nasanay hanggang sa mababang antas. Malamang, ang kanyang bilis ay nalagpasan na ang mga nasa ikatlong ranggo sa sect at malapit na ito ngayon sa mga nasa ikaapat na ranggo.

Ang Continuous Meteorite Arrows ay madaling nasanay hanggang sa tuktok ng mataas na antas. Hindi mapigilang isipin ni Zhao Feng na pinanganak siyang na isang archer. Kung makaharap uli niya ang Metal Beak Eagle, isang tama lang ang kakailanganin niya para mapatay ito.

Para sa huling tatlong araw, madami siyang natanggap. Nakapatay muli siya ng dalawang Metal Beak Eagles, pati narin ang walong iba't ibang mga hayop.

"Ang mga hayop na hawak ko ngayon ay, sa total, ay nagkakahalaga ng apat na libong pilak." Si Zhao Feng ay mayroong nasiyahang ekspresyon sa kanyang mukha habang inoorganisa ang kanyang dalawang malalaking bag.

Habang pabalik ay ginamit parin niya ang kanyang kaliwang mata para mang huli. Ito'y dahil ang kanyang paningin ay natatakpan ng mga puno kaya hindi siya makakasiguro na walang kahit anumang target ang kanyang makakaligtaan.

Roar————

Isang malakas na dagundong ang nanggaling mula sa norteng bahagi ng Sky Cloud Forest. Dahil sa dagundong na ito ay biglang sumakit ang tainga ni Zhao Feng.

"Anong klaseng halimaw ito? Napakalakas nito." Mabilis na ginamit ni Zhao Feng ang kanyang mata at nakita niyang, pitong kilometro ang layo, ay mayroong isang Green Headed Tiger King na limang metro ang haba.

Ang Green Headed Tiger King ay mas malaki kaysa sa mga normal na mga tigre ng kalahati, at ito'y nagbibigay ng isang nakawawasak na aura. Nagdulot ang sigaw nito para manginig sa takot ang lahat ng mga hayop sa lawak ng sampung kilometro.

Lima o anim na kabataan, na may cultivation sa pagitan ng ikalawa at ikatlong ranggo ng Martial Path ang tumatakbo sa takot.

"Lahat sila'y tumakbo sa iba't ibang direksyon!"

Ang lider ng grupo ay isang kabataang may pilat sa mukha. Mukha siyang labinlima o labing anim na taong gulang at narating na ang tuktok ng ikatlong ranggo. Hawak niya ang isang mahabang espada na kayang madaling pumutol ng isang puno sa kalahati at gumalaw para pabagalin ang tigre.

Boom!

Ipinalo ng tigre ang kanyang kuko at ang isang ay nag pira-piraso ang isang puno.

"Ang lakas ng mga nakamamatay na hayop ay sobrang mapanganib," nasa isip ni Zhao Feng. Kapag ang isang mabangis na hayop ay pumasok sa ranggo ng mga nakamamatay na hayop, ang mga Martial Artists ng ikaapat na ranggo o mas mataas lamang ang kayang labanan ang mga ito. Ang lakas ng hari ng mga tigre ay kayang patagin ang dalawa o tatlong mga Zhao Feng sa isang palo lang.

"Xin Fei! Mag ingat ka!" ilan sa mga kabataan ay sumigaw. Ang Green Headed Tiger King ay diretsong papunta sa kabataang may pilat na mukha na may pinakamataas lakas.

"Ang apelyido nila'y Xin? Mga disciples ba sila ng Xin family, na isa rin sa top three na pamilya ng Sun Feather City?" Mabilis na nakita ni Zhao Feng ang mga simbolo sa kanilang mga damit.

Boom——

Sa lahat ng dako kung saan dumaan ang Green Headed Tiger King, hindi nagtagal ay sumunod ang pagkawasak, na tila bang walang makapipigil sa lakas nito.

Marahil ang mga normal na Martial Learners ay mamamatay dahil sa takot. Napagtanto ni Zhao Feng na itong si Xin Fei ay lubhang malakas. Natuto siya ng isang knife throwing skill at isang footwork skill at pareho silang mga high rank martial arts. "Ang kutsilyo ng Xin Fei na ito ay kayang madaling hiwain ang mga puno. Maaaring ang kanyang lakas ay doble sa mga normal na cultivators na nasa ikatlong ranggo. Maaring mas malakas pa siya kaysa kay Zhao Yijian!"

"Bilis! Iligtas si Xing Fei!" Inilabas ng dalawang disicples ng Xin family ang kanilang mga pana at inatake ang Green Headed Tiger. Gayunpaman, ang nagawa lang ng kanilang atake ay pabagalin ito at guluhin ang konsentrasyon ng tigre.

Ang depensa ng tigre ay mas malakas kaysa sa Metal Beak Eagle ng dalawa o tatlong beses, kaya ang lahat ng mga atake na nanggaling sa mga cultivators na nasa ilalim ng ikaapat na ranggo ay parang kiliti lamang.

Kung magagawa kong mapatay ang Green Headed Tiger, marahil ito'y nagkakahalaga ng mga dalawampu o tatlumpung libong pilak, na nagkakahalaga ng halos apatnapung hayop, nakaisip si Zhao Feng ng isang mapanganib na plano.

Teng! Teng!...

Agad niyang ginamit ang Lightly Floating Ferry at lumapit sa lokasyon ng laban. Nang dumating si Zhao Feng, ang anim na Xin family disciples na nasa ilalim ng matinding pressure.

"Cracking Wind Sword!"

Ang mga mata ni Xin Fei ay kumislap habang ginagamit niya ang kanyang mahabang espada para saksakin ang noo ng tigre.

Isang mapanganib na espada! Nakita ni Zhao Feng ang buong lakas ng espada, ang lakas nito'y kayang pumatay ng dalawang normal na mga cultivators ng ikatlong ranggo sa isang iglap. Pati na siya ay 'di kayang sanggain ito. Naramdaman din niya ang mahinang berdeng aura sa loob ng katawan ni Xin Fei. Ito ang palatandaan na malapit nang mabuo ang Inner Strength.

Shuah——

Nagawa ng espada na humiwa ng isang pulgada papasok sa ulo ng Green Headed Tiger, Subalit ang lakas na ito ay pinasuka si Xin Fei ng dugo. Ang lakas ng kanyang espada ay halos umabot sa pinsalang naidudulot ng isang nasa ikaapat na ranggo. Nagawa nitong saktan ang isang nakamamatay na hayop!

Roar——

Ang Green Headed Tiger King ay tumangisl at pagkatapos ay dumiretso patungo kay Xin Fei sa isang mas mataas na bilis. Narating ni Xin Fei ang tuktok ng ikatlong ranggo at sa pamamagitan ng kanyang high rank martial art skill ay naiwasan niya ang atake. Gayunpaman, ang mga atake ng kanyang espada ay gumagamit ng madaming enerhiya at halos maging biktima siya sa mga counterattack ng tigre.

"Cracking Wind Sword!" Nababalot ng dugo, muling ginamit ni Xin Fei ang parehong galaw at ito'y nag-iwan ng madugong marka sa noo ng tigre.

Ang kanyang katawan ay tumalsik muli.

Roar!

Ang Green Headed Tiger King ay binuksan ang mga panga nito at tumalon patungo kay Xin Fei. Si Xin Fei ay pagod na pagod na at hindi na kayang umilag pa.

"Xin Fei!" ang ibang pang mga disciples ay sumigaw, ngunit sa sandaling ito-

Sou—–

Isang pana ang humagupit sa hangin, lagpas sa mga sanga at dahon, tumama sa tigre.

Roar——–

Ang tigre ay nagdadalamhating tumangis. Sa sandaling iyon, ang bawat buhay na bagay ay nanginig, Ang mga Xin disciples ay tulirong tumingin dahil ang isa sa mga mata nito ay tinamaan ng isang pana. Bagama't ang depensa ng tigre ay malakas, ang mata nito ang pinakamahinang parte.

Dahil ang tigre ay lumingon sa paligid para hanapin ang salarin, nagawang makatakas ni Xin Fei. Gayunpaman, habang pinagmamasdan nito ang kanyang paligid, nasaan ang salarin?

"Kaunti nalang!" Si Zhao Feng ay nagtago sa likod ng isang napakataas na sinaunang puno, na isang daang metro lamang ang layo mula sa tigre.

As the tiger was trying to find the culprit, the Xin family disciples started to run. However, since the tiger could not find its target, it started to attack in a more frenzied manner.

Habang sinusubukang hanapin ng tigre ang salarin, ang mga Xin family disciples ay nagsimulang tumakbo. Gayunpaman, dahil nabigong hanapin ng tigre ang kanyang target, nagsimula itong umatake nang mas may siklab.

"Ahhhhhh…"

Nagkaroon ng isang hiyawan nang ang isa sa mga kabataan na nasa ikalawang ranggo ay nagkagutay-gutay. Ang tanawing ito ay nagdulot kay Zhao Feng, na hindi nalalayo, na manlamig.

Bago manganib ang isa pang Xin family disciple…Sou———-

Isa muling pana ang lumipad sa hangin, papatusok papunta sa isa pang mata ng tigre.

Roar!

Ang tigre ay umungol at sinarado ang mga mata nito, ang pano ay halos hindi nagasgasan ang talukap ng mga mata nito.

"Ai…" Nagbuntong hininga si Zhao Feng at ipinagpag ang kanyang ulo.

Ito'y hindi dahil hindi sapat ang taas ng kanyang archery skills, ito'y dahil ang tigre ay nakabantay. Na nagpapahirap para sa parehong galaw na magtagumpay muli.

"Cracking Wind Sword!"

Gamit ang maikling puwang, mabilis na pinalakas ni Xin Fei ang isa pang atake ng espada at hinataw niya ang kaparehong lugar katulad ng dati.

"Magandang pagkakataon." Kumislap ang mga mata ni Zhao Feng habang humuhugot siya ng mas madaming pana at itinira ito. Bawat oras na tumira siya ng isang pana, tatamaan nito ang pinsala sa noo ng tigre.

Kalaunan, ang atake ng tigre ay bumagal. Una, dahil ito'y malubhang nasugatan. Pangalawa, mayroong lason sa mga pana.

Mabilis na nanghihina, ang tigre ay tumalikod at tumakbo patungo sa malalim na mga seksyon ng Sky Cloud Forest.

"Sundan!" Kinagat ng mga Xin disciples ang kanilang mga ngipin at sumumpang papatayin ang tigre para ipaghiganti ang kanilang kasamahan.

Bagama't ang tigre ay lubhang nasugatan, ang bilis nito ay hindi isang bagay na maabutan ng mga cultivators na nasa ikalawa at ikatlong ranggo. Si Xin Fei lamang ang bahagyang nakahabol, subalit wala na siyang ekstrang enerhiya dahil siya'y pagod na pagod.

"Hahaha! Ang gandang tiyansa nito! Saan ka tatakbo?" Tumawa si Zhao Feng habang ginamit niya ang Lightly Floating Ferry para makahabol sa tigre.

Sa kanyang mga mata, ang tigre ay kumakatawan sa isang napakalaking kayamanan ng dalawampu hanggang tatlumpung libong pilak…