Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 12 - Paghahatihatiin Ang Pera

Chapter 12 - Paghahatihatiin Ang Pera

"Tignan niyo! Mukhang yung taong yun ay isa sa mga disciple ng Zhao family!"

Ang ibang mga Xin disciples ay nakita si Zhao Feng na hinahabol ang tigre. Tumingin si Xin Fei sa likuran ni Zhao Feng at binulong, "Napakataas na antas ng footwork! Ang kanyang bilis ay hindi babagal kaysa sa akin kapag itinodo ko! Hindi na rin masama ang kanyang mga archery skills!

"Hmph! Isa lang siyang lalaking tumitira ng pana! 'Wag lang niyang hahayaang makahabol tayo o…." malamig na sinabi ng isang binata na nasa ikatlong ranggo. Ang lakas ng binatang ito ay mas mababa kay Xin Fei.

Ang kanyang mga salita ay agad namang sinang-ayunan ng iba "Tama ka! Hinayaan tayo ng bata iyan para maging pain habang itinitira niya ang kanyang mga pana habang nagtatago!"

"Xin Gang, ang mga buhay natin ay sinagip ng taong yan," Ipinagpag ni Xin Fei ang kanyang ulo sa 'di pagsang-ayon.

Sa panahong ito, ilang kilometro ang layo, ang ungol ng Green Headed Tiger ay tumunog. Ang mga ekspresyon ng mga Xin family disciples ay nagbago. Kahit hindi pa nila isipin, alam nila na ang tigre ay namatay na.

"Bilis!" ang isang binata na ang pangalan ay Xin Gan ang dumiretso patungo sa direksyon ng tunog.

*********************

Hu!

Si Zhao Feng ay sumandal sa isang puno at huminga nang malalim. Sa ibaba, ang tigre na limang metro ang haba ay mayroong mga pana na nakabaon sa noo nito. Kamakailan lang, ang tigre ay isang mabangis na nilalang. Ngayon, wala na itong buhay…

Sinubukan ni Zhao Feng na maglabas muli ng isang pana dahil sa kanyang instinct, subalit wala ng natira.

Teng!

Lumutang si Zhao Feng patungo sa bangkay at pumasok sa malalim na pag-iisip.

Shua!

Ang kanyang kaliwang mata ay naka-lock sa mga Xin disciples na ngayon ay tatlong kilometro ang layo. Nanatiling tumayo si Zhao Feng at hindi ginalaw ang bangkay. Hindi dahil ayaw niya, ito'y dahil medyo mahirap lang para sa kanya na gawin ito.

Ang timbang ng katawan ng tigre ay nasa tatlong tonelada at mahirap na igalaw. At saka, ang balat ng tigre ay mahirap hiwain.

'Di nagtagal, ang limang Xin disciples ay dumating.

"Bata! Bilisan mong tumabi! Amin yan!" si Xin Gang, na nasa pinakaharap ay aroganteng sumigaw. Siya ay maingat sa lakas ni Zhao Feng nung una, pero nang makita niyang si Zhao Feng ay nasa ikalawang ranggo lamang, maliwanag na hindi na niya nilagay sa kanyang paningin si Zhao Feng. Kahit na nawalan sila ng isang tao, at si Xin Fai ay pagod na pagod, mayroon parin silang dalawang tao na nasa ikalawang ranggo at dalawa pang nasa ikatlo.

Hindi nagpatinag si Zhao Feng at mapang-asar na tumingin kay Xin Gang. Siya ay maingat lamang kay Xin Fei.

"Xin Gang! Sinagip niya ang mga buhay natin! Pwede nating pag-usapan kung papaano natin hahatiin ang tigre," Mabagal na sinabi ni Xin Fei habang siya'y dumating."

Tumingin si Zhao Feng sa kanya na tila sumasang-ayon. "Kagaya ng iniisip ko. Napakalaki ng tigre na ito at wala akong kagamitan para putulin ito o lakas para buhatin ito palayo.

Gumamit din ng madaming lakas si Xin Fei sa pagpatay ng tigreng ito. Nawalan din sila ng isang tao. Bagama't medyo ayaw ni Xin Gang, sumang-ayon parin siya. Hindi nagtagal ay sinimulan nilang pag-usapan kung paano hahatiin ang tigre.

"Dalawa sa walo. Kukunin ng Xin family ang walo," sinabi ni Xin Gang na may bakal na tono.

"Hmph! Sobra na ang dalawampung porsiyento para sa batang ito!" Ang mukha ng iba sa Xin family ay puno ng pangungutya.

"Dalawa sa walo? Hahaha…" Agad na tumawa si Zhao Feng.

"Bata! Anong pinagtatawanan mo? Gusto kong marinig kung ilan ang gusto mong makuha!"

"Dalawa sa walo. Akin ang walo…. Sa inyo ang dalawa!" Sumagot si Zhao Feng. Nung una ay gusto niyang hatiin ito ng fifty-fifty, pero hindi niya naisip na may ganitong saloobin ang Xin family.

"Huwag kang mayabang! Titignan ko kung gaano ka talaga kalakas!" Tumawa si Xin Gang at inilabas ang kanyang espada.

"Tumigil ka!" Tinangkang siyang pigilan ni Xin Fei ngunit ito'y masyado nang huli.

"Illusion Wind After-image!" Si Xin Fei ay tulad ng isang hangin na umiikot papunta kay Zhao Feng.

"Yan ang high rank na martial art, Broken Wind Sword!"

"Patay na ang bata na yan. Nasanay na ni Xin Gang ang unang anim na galaw ng Broken Wind Sword hanggang sa mababang antas." Ang mga Xin disciples ay may mga naaawang ekspresyon.

"Maliit na trick!" Si Zhao Feng ay hindi umatras ngunit sa halip ay kumilos pasulong.

Ang bilis! Lahat sila, kasama si Xin Fei, ay nakita lamang maging blur si Zhao Feng.

Masama 'to! Ang Illusion Wind After-image ni Xin Gang ay hindi tumama at si Zhao Feng ay lalapit sa kanya sa isang 'di kapanipaniwalang bilis.

"Angry Wind After-Image!" Sumigaw si Xin Gang habang gumamit siya ng isa pang atake.

Angry Dragon Breaking the Sky! Nilagay ni Zhao Feng ang lahat ng kanyang lakas sa kanyang mga kamao. Sa sandaling pinagsanib niya ang Angry Dragon Fists at Air Pushing Breathing Technique ng magkasama ay lumagpas sa doble ang kanyang lakas.

"Anong klaseng lakas!" Naramdaman ni Xin Gang na para bang isang bulkan ang sumasabog. Ang lakas ni Zhao Feng ay halos nalagpasan na ang mga nasa ikatlong ranggo.

Peh!

Isang malakas na pagsabog ang tumunog nang si Xin Feng at Zhao Feng ay nagbanggan.

Wah!

Si Xin Gang ay dumura ng dugo habang siya'y tinamaan ng unang suntok. Ang pangalawang suntok.

Bang! Ang kanyang pilak na espada ay tumalsik.

Ang ikatlong suntok.

Boom———

Ang buo niyang katawan ay tumilapon at nag-iwan ng marka sa isang puno.

Anong klaseng kapangyarihan! Sobrang lakas!

Ang ibang mga Xin disciples ay natuliro nang nakatayo. Hindi nila naisip na ang isang tao na may lakas ng mga nasa tuktok ng ikatlong ranggo ay matatalo sa isang galaw sa isang Zhao sect disciple na nasa ikalawang ranggo.

"Malakas." Si Xin Fei na hindi nalalayo, ay tinanong, "Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?"

"Zhao Feng." Kaswal na binawi ni Zhao Feng ang kanyang mga kamao.

"Bata! Sinuwerte ka lang ngayon!" si Xin Gang ay gumapang mula sa lupa. "Pagod lang ako dahil sa pakikipaglaban ko sa tigre. Sa susunod ay 'di ka na susuwertehin."

"Swerte?" Nagbigay ng maliit na ngiti si Zhao Feng. Bagama't nasugatan si Xin Gang, naniniwala si Zhao Feng na kaya pa rin niyang talunin si Xin Gang sa kanyang pinakamalakas na estado. Ang taong pinag-iingatan lang niya ay si Xin Fei.

Ang lakas ni Xin Fei ay halos naabot na ang ikaapat na ranggo. Kapag ginamit niya lahat ng kanyang lakas ay kaya nitong mapinsala ang Green Headed Tiger King, kung ang mga nasa ikatlong ranggo pa kaya.

"Xin Gang! Wala kang laban sa kanya! Sa tingin mo ba ay hindi pa sapat ang iyong pagkapahiya?" Si Xin Fen ay mabagal na humarap kay Zhao Feng. Nang biglang, ang kanyang katawan ay naglabas ng isang nakakatakot na fighting will.

Tumalon ang puso ni Zhao Feng, "Naka-recover naba si Xin Fei?"

Syempre, kung si Xin Fei ay walang animnapung porsiyento ng kanyang lakas, ay hindi siya natatakot sa kanya. Matapos na maging ganoon ang kanyang estado, halata namang hindi lubos na nakaka-recover is Xin Fei.

"Ang iyong fist skill ay halos narating na ang pinakamataas na antas at ang iyong footwork ay hindi kapani-paniwala. Sa susunod gusto kong makipag spar sayo." Tinignan ni Xin Fei sa mga mata si Zhao Feng, ang kanyang mga salita ay puno ng pagpuri.

"Walang problema, mag i-spar tayo sa susunod." Bagama't si Zhao Feng ay nag-iingat sa kanya, hindi ibig sabihin ay natatakot siya. Ang lakas ni Xin Fei ay at least katumbas ng lakas ng ni Zhao Yijian, na nasa ikatlong ranggo sa gitna ng mga outer disciples. Kung kayang talunin ni Zhao Feng si Zhao Yijian ay mayroon na siyang abilidad para labanan si Xin Fei!

'Di nagtagal ay natapos na nilang pag-usapan kung papaano hahatiin ang kanilang rewards.

"Anim-apat. Anim sa akin, sa inyo ay apat." Sinabi ni Zhao Feng.

"Ok." Si Xin Fei ang sumagot dahil ang ibang mga Xin disciples ay walang lakas ng loob para tumugon. Sila'y maingat sa lakas ni Zhao Feng.

Si Zhao Feng ay tumango sa kanyang sarili, para bang nakapatay ng dalawang ibon gamit ang isang bato ang pagbigay niya ng 40%. Una, wala siyang kagamitan para putulin o buhatin ang katawan, kaya hinayaan nalang niya ang iba na gawin ang trabaho.Pangalawa, ayaw niyang gumawa ng kaaway bago pa siya magkaroon ng sapat na lakas.

Halimbawa, kapag kinuha niya ang lahat ng ito para sa kanyang sarili. Hindi ba'y magdudulot iyon para mamula ang mga mata nila sa galit?

Ang tigre ay napag piraso-piraso pagkatapos makalipas ang isang oras.

Kinuha ni Zhao Feng ang lahat ng mga mamahaling bahagi at iniwan ang lahat ng karne sa mga Xin disciples. Matapos kumpirmahin na nakuha niya ang animnapung porsiyento ay mabilis siyang umalis.

"Hmmm… mukhang may bagong henyo ang Zhao sect. Maski na si Zhao Linlong ay hindi kasing lakas niya sa parehong cultivation," sinabi ni Xin Fei habang sinusundan ng kanyang mata si Zhao Feng.

"Zhao Linlong!" si Xin Gang ay may ekspresyon ng pagkamangha. " Siya ay isa sa apat na mga henyo ng Sun Feather City! Naabot niya ang ikaapat na ranggo dalawang taon na ang nakalipas at naging isang tunay na Martial Artist! Paano maikukumpara ang batang ito sa kanya?"

Ang apat na dakilang mga henyo ay ang mga kabataang nasa tuktok ng Sun Feather City. Sinuman sa kanila ay tunay na Martial Artists at sila'y higit na mas malakas kaysa sa mga ibang Martial Artist.

"Huwag mo nang banggitin si Zhao Linlong, pati si brother Fei ay kayang patayin ang batang yan sa isang tira lang."