Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Karelasyon

LETTERS from 1988

Nakita muli ni Ysa ang nag-iisang tao na ayaw na niyang makasalamuha. Nagdadalamhati man sa pagkawala ng ama ay nangibabaw pa rin ang galit at poot ng malaman niya na sa kanyang ina na siya titira. Dinala siya nito sa probinsya kung saan naninirahan ang kanyang ina kasama ang kanyang lola na hindi niya pa nakikita sa personal simula ng magkamuwang siya. Tahimik at payapa ang kinatitirikan ng lumang bahay na pag-aari ng mga magulang ng kanyang ina. Ngunit gaano man kaganda ang probinsyang ito, ay alam niya ng hindi niya magugustuhang tumira dito. Aside sa makakasama niya ang ina araw-araw sa loob ng bahay, naiinis siya sa pagiging maingay at pakikialam ng lola niya sa kanya. At ang pinakaayaw niya sa lahat ay... Ang lalaking nararamdaman niyang karelasyon ng kanyang ina. Ang lalaking sa tingin niya ay dahilan ng paghihiwalay ng kanyang mga magulang noon. Ang lalaking alam niya na first love ng kanyang ina na walang iba kundi... . . . Ang lalaking may-ari ng mga liham na nasa kanyang mga kamay. December 23, 1988 Dearest A, Kahit hindi tayo sa huli ay ikaw lamang ang iibigin ko. Lagi mong pagkatatandaan 'yan. Ang bawat letra na bumubuo sa mga salitang nakasulat dito ay siyang patunay ng pag-ibig ko sa iyo. Ang mga liham na ito ang siyang magiging tahanan ng mga ala-alang babaunin natin sa mga darating na panahon. P.S. I will always love you. -J. Nakakunot ang noo at nakangiwi ang mga labi na tinitigan nito ang liham bago nakabawi at nakapagsalita. "Tang*na. Eh di, WOW!" A FILIPINO NOVEL. ALL RIGHTS RESERVED 2020.
KalyeEscritoria · 7.7K Views

Unanticipated Love

Althaea Cassidy Muestra na nagpanggap na bilang isang Athena Zerene Muestra kanyang kakambal sa boyfriend nito na si Wexford Greige Escorial. Naaksidente ang kakambal na dapat siya ang nakalagay sa kontrata at pipirma dahil nalulugi na ang kumpanya nito at kailangan maisalba kaagad kaya walang ibang naging plano ang kanilang mga magulang na magpanggap si Althaea bilang kapatid nito. Masakit sa kanya dahil mahihiwalay siya at mapapalayo sa kanyang boyfriend na si Troezen Rioja Ricafort subalit kailangan niyang gawin ito upang hindi mawala sa kanila ang kumpanya. Labis ang pagkainis ni Althaea kay Greige dahil sa walang kwenta nitong boyfriend, moody at workaholic na hindi man lang inaalala ang nararamdaman ng kapatid. Subalit habang tumatagal unti-unti na ring nahuhulog ang loob ni Althaea sa boyfriend ng kapatid kaya pinipigilan na ang sarili na lumalala pa ito. Hanggang sa nalaman ni Greige ang totoo tungkol sa kanyang pagpapanggap, nagalit ang binata sa kanya at siya ang sinisisi sa lahat. Nagkaraang mga ilang araw na-realized ni Greige na mahal na niya si Althaea kaya binalikan niya ito sa apartment na tinitirhan upang kausapin at suyuin subalit nabigo siya. Sa kabila ng pagtanggi sa kanya hindi niya pa sinukuan ang dalaga. Nagbago na lamang nang kanyang malaman na may karelasyon na pala ito at iyong dating boyfriend ni Althaea na si Troezen. Hindi niya matanggap sa sarili ang kanyang natuklasan kaya ginawa at sinubukan niyang kalimutan ang dalaga kaya nakahanap siya ng babaing ipapalit rito subalit nanatili pa rin ang kanyang nararamdaman kay Althaea lalo pang inamin rin sa kanya ng dating kasintahan tungkol sa tunay nararamdaman sa kanya ng dalaga. Dahil diyan, muli siyang naglakas loob at sinuyo ang dalaga upang makuha ang matamis na oo na matagal na niyang inaasam-asam.
ScarletHeart995 · 37K Views