Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 9 - Tuktok ng Ikalawang Ranggo

Chapter 9 - Tuktok ng Ikalawang Ranggo

"Kumilos ka na"

Pakiramdam ni Zhao Kun na tila mali ang narinig niya, ito ba ang parehong Zhao Feng gaya ng dati?

Yi!

Sa sandaling ang kanyang paningin ay napuna kay Zhao Feng, ang kanyang ekspresyon ay nagbago. "Di na nakapagtataka na ikaw ay napaka kampante. Mukhang nakapasok ka na papuntang ikalawang ranggo ng Martial Path. Gayunpaman, kung yan lang ang meron ka, mas magandang magsimula ka ng humingi ng kapatawaran ngayon."

Medyo nasurpresa si Zhao Kun ng pagiging ikalawang ranggo ni Zhao Feng, pero hindi nito naapektuhan ang kanyang mga plano. Iyon ay dahil kamailan lang naabot ni Zhao Feng ang ikalawang ranggo at mismong si Zhao Kun ay naabot na ang tuktok ng ikalawang ranggo halos kalahating taon na ang nakalipas.

Mayroon din siyang high ranked martial art skills!

"Wag ka ng dumaldal, limitado ang oras ko," Malamig na sabi ni Zhao Feng

"Bata! Wag kang maging arogante!"

Si Zhao Kun ay biglang binago ang kanyang mga kamay, paa at katawan sa isang pamilyar at kakaiba paring tindig. At parang isang nakalalasong ahas, ay sumugod kay Zhao Feng

Sa isang bigla, ginamit ni Zhao Kun ang kanyang Thirteen Changes of the Poisonous Snake. Kung bilis at kapangyarihan ang pag-uusapan, malayo na niyang nalagpasan si Zhao Feng.

"Nasanay na siguro ni Zhao Kun ang Thirteen Changes of the Poisonous Snake hanggang sa mababang antas." Sa archery field, si Zhao Yufei ay may moved at gulat na mukha. Dahil sa pagiging isa sa mga henyo ng sect, siya ay may malaking suporta galing sa sect at kaya natural na mayroon siyang access sa high rank martial art skills.

Kung mas mataas ang ranggo ng isang skill, mas mahirap na masanay ito. Matapos masanay ang isang high rank skill patungo sa mababang antas, ito ay magkakaroon ng mas mataas na lakas kumpara sa isang middle ranked skill na nasanay hanggang sa mataas na antas.

Ang bilis! Ang pinsala ay hindi bababa sa limampung pursyento kumpara ng nakaraan! Si Zhao Feng ay nagulat din ni Zhao Kun, ngunit ang bilis ng reaction ng kanyang kaliwang mata ay nakikita parin ang ruta ng mga galaw ni Zhao Kun.

Angry Dragon Flipping the River! Iniyapak ni Zhao Feng ang kanyang parehong paa pababa. Sa ilalim ng Air Pushing Breathing Technique, nilagyan niya ng lakas ang kanyang mga braso.

Biglang napagtanto ni Zhao Kun na ang lakas ng kanyang kalaban ay mabilis na tumataas. Mas lalo siyang nagulat dahil nagdagdag pa si Zhao Feng ng lakas sa Angry Dragon Flipping the River.

Ang ikatlong tindig ng Angry Dragon Fists – Angry Dragon Flipping the Rivers!

Sa sandling iyon, si Zhao Feng ay parang dragon habang ang kanyang mga kamao ay

Peh!

Ang unang suntok ay pinanginig ang katawan ni Zhao Feng at halos magdulot ito upang dumura siya ng dugo.

Ang kanyang Thirteen Changes of the Poisonous Snake ay tungkol sa katusuhan at flexibility. Ang forte nito ay hindi sa paglaban ng harapan. Para bang alam ng mala ahas na kamao ni Zhao Feng kung saan si gagalaw at lagi nitong tinatamaan ang kanyang mga kahinaan.

Peh peh peh ——

Sa pamamagitang ng Air Pushing Technique, nasanay na ni Zhao Feng ang Angry Dragon Flipping the River hanggang sa mataas na antas.

"Ahhhhh….!" Si Zhao Kun ay tinamaan ng katangi-tanging lakas at bumagsak siya sa lupa, ng nakaluhod. Ang kanyang mga kamay ay namamanhid at tumatagas ang dugo mula sa kanyang bibig.

"Talo ka." Umalis si Zhao Feng ng walang sulyap kay Zhao Kun o sa dalawa niyang katulong.

Habang naglalaban sila, ginamit no Zhao Feng ang kanyang kaliwang mata at malinaw niyang nakita ang ruta ng pag atake ni Zhao Kun. Nakita rin niya ang ilang kamalian sa high rank martial art ni Zhao Kun, na ang ibig-sabihin ay hindi pa ito napeperpekto.

Ramdam ni Zhao Feng na ang Angry Dragon Fists at Air Pushing Breathing Technique ay bagay sa isa't-isa hanggang sa isang hindi mailarawang antas. Malamang kaya niyang talunin ang ilang mga taong nasa ikatlong ranggo.

"Paano to naging posible… ang skill ko ay isang high ranked!" Gumapang si Zhao Kun sa lupa at sumigaw.

Ang buong laban ay nagtagal lamang ng dalawang hininga.

Isang galaw! Si Zhao Kun ay natalo!

Ang mga disciples sa archery field ay tumingin sa pagkabigla.

Bagama't mayroon silang parehong ranggo, para manalo sa isang galaw ay masyadong exaggerated, lalo na kung ang talunan ay gumamit ng isang high ranked skill.

Habang sinusundan palayo ng kanyang mata si Zhao Feng, binulong ni Zhao Yufei, "Alam ko ang Angry Dragon Fists, isa itong malakas na galaw sa loob ng sect at maihahambing ito sa isang high ranked skills, pero ito'y mahirap matutunan. Sa tingin ko nagsasanay din siya ng isa pang skill at ginagamit ito kasama ng Angry Dragon Fists, na nagpahintulot na halos dumoble ang lakas nito.

"Sister Yufei, paano mo nalamang matatalo si Zhao Kun kung ang kanyang cultivation at skill ay parehong mas mataas?" isang babaeng katabi niya ang nagtanong.

"Patay ang mga galaw, pero ang mga tao ay buhay. Ang paggamit ni Zhao Kun ng Thirteen Changes of the Poisonous Snake ay sobrang sama at natutunan palang niya ang unang tatlong galaw nitom kung saan ay malayo sa kanyang nakatatandang kapatid na si Zhao Gan. At saka, ang kanyang battle awareness ay malayo kay Zhao Feng," Si Zhao Yufei ay huminto ng saglit bago niya sinabing, "At si Zhao Feng ay natuto ng dalawang skills na sobrang malapit sa mga high ranked skills at sinanay ang mga ito hanggang sa isang mataas na antas. Sa ilalim ng paggamit ng dalawang skills na iyon, ang kanyang lakas na nalagpasan na yung kay Zhao Kun."

Matapos makinig ng dalaga sa pagsusuri ni Zhao Yufei, sinabi niyang, "Napakalakas ni Zhao Feng!"

"Haha… tila ang kuya ni Zhao Kun, Zhao Gan is ay ikalima ang ranggo sa gitna ng mga outer disciples. Di lang naming alam kung tutulungan ni ang kanyang kapatid para maghiganti."

******

"Ang daming problema!"

Ipinagpag ni Zhao Feng ang kanyang ulo at umalis sa martial arts field. Hindi nagtagal bago siya dumating sa isang bukas na kagubatan sa sect.

Siya ay pumunta dito para magsanay sa pinaka misteryosong footwork skill – Lightly Floating Ferry

Ang Lightly Floating Ferry ay, walang dudang, ang skill na may pinaka mataas na ranggo sa sa gitna ng mga meron siya. Ang problema ay bahagya itong nasira at napaka hirap upang matutunan.

"Kapag ang Angry Dragon Fists at Air Pushing Breathing Technique ay ginamit ng magkasama, ang pinsala ay kahanga-hanga. Di ko nga lang alam kung gaano kaganda ang Lightly Floating Ferry." Si Zhao Feng ay puno ng ekspektasyon.

Agada-agad, siya'y nagsimulang mag meditate sa Lightly Floating Ferry. Nang siya'y nakapag-concentrate, ang mahinang berdeng liwanag sa loob ng napaka dilim nadimensyon ng kanyang kaliwang mata ay pabilis ng pabilis ang pag-ikot.

Naramdaman ni Zhao Feng na ang mga galaw ng Lightly Floating Ferry ay tumatak sa kanyang isipan, na nagpadali para sa kanya upang maintindihan ang mga ito. Hindi ito kasing simple ng Angry Dragon Fists o Air Pushing Breathing Technique para matutunan.

"Lightly Floating Ferry ay mas mahirap matutunan kaysa sa isang peak middle ranked skill ng mga dalawa o tatlong beses…" Napagpasyahan niya pagkatapos niyang pagkumparahin ang mga skills.

Kahit na mahirap ito, ito'y hindi siya napigilan. Kinakailangan lamang ni Zhao Feng ng tatlong araw para maintindihan ang unang seksyon ng Lightly Floating Ferry sa isang pamantayan ng baguhan.

Gumamit lamang siya ng anim na raw para makamit ang beginner level.

Ang mga normal skills ay mayroong apat na ranggo na nakadepend kung gaano kahusay ang isang tao dito. Ito ay ang: Beginne, Low, High, at Peak level.

Ang Beginner level ay katumbas ng tatlumpung pursiyento ng pinakamataas na kapangyarihan ng skill.

Low level ay katumbas ng limampung pursiyento

High level ay katumbas ng pitumpu't pursiyento

Peak level ay katumbas ng siyamnapung pursiyento o mas mataas.

Madaling nasanay ni Zhao Feng ang Angry Dragon Fists hanggang sa High level.

Ang Lightly Floating Ferry ay nasanay hanggang sa beginner level sa parehong halaga ng oras, pero ito ay ang unang seksyon lamang ng skill.

Sou!

Nag flash ang katawan ni Zhao Feng, ang kanyang katawan ay kasing gaan ng ibon habang siya'y lumulutang limang ng limang metrong taas sa hangin.

Teng! Teng!

Ang kanyang mga paa ay itunulok ang mga sanga at nakaramdam siya ng hindi kapani-paniwalang pakiramdam habang siya'y lumilipad.

Sa panahong iyon, si Zhao Feng ay parang isang ibon na masayang lumilipad sa kagubatan.

'Nasanay ko palang ang Lightly Floating Ferry hanggang sa beginner level, pero ang bilis nito ay nalagpasan na ng malayo ang karamihan sa mga middle ranked skill na nasanay hanggang sa high level.'

Maaring makita na ang Lighly Floating Ferry ay nalagpasan na ng malayo ang karamihan sa mga high ranked martial art skill!

Kapag may ekstrang oras, hindi nalimutan ni Zhao Feng na unti-unting unawain ang natitirang bahagi ng aklat. Ngayon ay naunawaan na niya ang kalahati ng aklat. Ang tanging problema lang ay ito'y gumagamit ng madaming mental energy para magawa ito.

Pagkatapos marating ang beginner level ng Lightly Floating Ferry, sinimulang magsanay muli ni Zhao Feng sa Angry Dragon Fists at Air Pushing Breathing Technique. Dahil ang Lightly Floating Ferry ay tinulangan lamang ang kanyang foortwork at hindi masyadong dinagdagan ang kanyang cultivation, kahit na isa itong high ranked martial art skill.

Pagkatapos magsanaya sa isang high rank skill katulad ng Lightly Floating Ferry at bumalik sa pagsasanay ng Angry Dragon Fists at Air Pushing Breathing Technique, naramdaman ni Zhao Feng na ang kanyang mga pag-galaw ay naging mas mabilis at mas pino.

********

Makalipas ang dalawang araw…

Ang Air Pushing Breathing Technique nakapasok na sa ikatlong antas nito at ang Angry Dragon Fists ay naabot na ang pinaka mataas na antas.

Sa oras na ito, sinarado ni Zhao Feng ang kanyang mata at pinakiramdaman ang kapangyarihan na umiikot sa kanyang katawan. Ang kanyang lakas ay mas mataas kaysa nung una niyang naabot ang ikalawang antas ng lagpas sa kalahit. Sa loob ng dimensyon sa kanyang kaliwang mata, ang lawak ng mahinang berdeng liwanag ay lumawak mula sa 67cm hanggang 98cm.

"Mukhang ang cultivation ko ay naabot na ang tuktok ng second rank. Kailangan ko lang ng isa pang hakbang para makapasok sa loob ng ikatlong ranggo." Huminga ng malalim si Zhao Feng ay kinontrol ang kanyang eksaytment.

Kalahating buwan pa lamang mula nung narating niya ang ikalawang ranggo. Ang bilis ng cultivation na ito ay masyado talagang nakaka surpresa.

Ang isang bagay na talagang nagpabigla sa kanya ay ang Air Pushing Breathing Technique dahil ito'y narating na ang ikatlong ranggo. Matapos marating ng Air Pushing Breathing Technique ang tuktok ng ikatlong ranggo, mayroong tsansa upang maintindihan ang Martial Path Inner Strength, chi, at yun ang key point para maging isang tunay na Martial Artist.

Hindi inaasahan ni Zhao Feng na maabot niya ang ikatlong antas ng Air Pushing Breathing Technique ng ganito kabilis. Ginawa nitong lagpasan ng lakas niya ang ibang mga tao nasa ikalawang ranggo. Siya'y maihahalintulad na sa isang ikatlong ranggo.

Sa pamamagitan lamang ng kalahating buwan, ang lakas ni Zhao Feng ay dumoble. Lahat ito'y dahil sa misteryosong mata.

Naniwala si Zhao Feng na ang kanyang minsang normal na kapalaran ay nagbabago…

Nang gabing 'yon, sinimulan ni Zhao Feng na itakda ang kanyang mga layunin sa buhay.

Ang kanyang unang layunin ay upang pagbubutihan niya sa family sparring contest, isa at kalahating buwan sa hinaharap. Sa oras na iyon, tatalunin niya ng patas ni Zhao Yijian at makipag spar sa mga tunay na henyo ng Sun Feather City.

"Ang mga pagbabago sa aking kaliwang mata ay nagbigay sakin ng mataas na antas ng pag-unawa, at ang nag-iisang bagay na pumipigil sakin na para maging henyo sa loob ng sect ay… cultivation resources," pagsusuri ni Zhao Feng.

Mula nung sumanib

Ang problema lang ay, paano makakakuha ng mga cultivation resources? Ang cultivation speed ni Zhao Feng ay mabilis, pero'y mahirap paring makapalagpas sa tuktok ng second rank. Gayunpaman, kung siya'y mayroong sapat na resources, ang hadlang na ito ay madaling mapapasok.

"Alam ko na!" Ang mga mata ni Zhao Feng ay kumislap at hindi nagtagal ay nagkaroon siya ng ideya. Ang kanyang mga labi ay bumaluktot sa isang kumpiyansang ngiti.