Gabi. Sa loob ng isang magarang gusali sa Zhao Sect…
"Elder Brother! Kailangan mong tulungan ako! Isa lamang mababang branch disciple is Zhao Feng at pinahiya niya ako!" Kinagat ni Zhao Kun ang kanyang mga ipin at sinabi ng may nakamamatay na intent. Natalo na siya ng dalawang magkasunod nab eses sa isang branch disciple, wala na siyang mukha para lumabas ng bahay niya.
"Basura!"
Sa loob ng silid ay naka-upo ang isang binatang maikli ang buhok, balingkinitan at mabagsik. Ito'y ang nakatatandang kapatid ni Zhao, si Zhao Gan.
"Kuya, nagmamakaawa ako sayo. Kailangang tulungan mo ako."
Si Zhao Kun ay puni ng takot at pagkapoot.
Siya ay takot sa knyang nakatatandang kapatid. Simula pa ng siya'y pinanganak, si Zhao Gan ay binubully siya. Pakiramdam niya wala siyang silbi dahil si Zhao Gan ay laging mas magaling sa kanya sa lahat ng bagay.
Si Zhao Gan ay narating na ang tuktok ng ikatlong ranggo ng Marital Path at nasanay na ang Thirteen Changes of the Poisonous Snake patungo sa ikaanim na pagbabago, na pinahintulutan siyang rumanggo sa top 5 ng mga outer sect disciples.
Maski na ang limang mga Zhao Kun ay hindi kalaban ng kanyang kuya.
**********
Umaga ng sumunod na araw…
Maagang bumangon si Zhao Feng sa kanyang higaan at nagsimulang magsanay ng Angry Dragon Fists at Air Pushing Breathing Technique. Ang dalawang martial art skills na ito ay ang mga pangunahing pinagsasanayan ni Zhao Feng,
"Medyo malayo pa ako bago ko marating ang ikatlong ranggo ng Martial Path."
Nagsanay si Zhao Feng ng kalahating oras at kumilos ayon sa mga plano niya kahapon, ang maglakad papunta sa money room ng sect.
Ayon sa mga patakaran, maaring makakuha si Zhao Feng ng sampung piraso ng pilak kada buwan/
Hindi ko pa kinuha ang pera ko para sa buwan na ito. Hindit nagtagal ay nakarating si Zhao Feng sa money room.
**************
"Zhao Feng, ikalawang ranggo ng Martial Path, branch disciple, buwanang allowance ay dalawampung pilak," sabi ng accountant habang may blankong ekspresyon.
Dalawampung piraso ng pilak? Kinuha ni Zhao Feng ang pera at nagpasalamat. Matapos niyang maabot ang ikalawang ranggo, ang kanyang buwanang allowance ay dumuble.
Kahit na ang buwanang allowance ng dalawampung pilak ay maaring hayaan ang isang buong pamilya na kumain at matulog ng walang iniintindi, ito;y wala para sa mga martial artists. Ang ilang mamahaling cultivation resources na maaring dagdagan ang cultivation speed ng isang tao at tulungang makapasok sa mga realms ay walang problemang lumagpas ng ilang libong piraso ng pilak. Kahit anong mga resources na kinakaing ng mga mayayamang disciples ay madaling nilalagpasan ang tatlumpung taonng allowance ng mga normal na disciples.
"Dalawampung piraso ng pilak…"
Huminga ng malalim si Zhao Feng at habang hinahawakan ang kanyang pilak, ay umalis sa teritoryo ng Zhao sect at dumiretso papunta sa merkado ng Sun Feather City.
Dati ay binibigay niya ang pera na nakuha niya sa kanyang mga magulang.para matulungan sila. Gayunpaman, sa pagkakataong ito ay hindi niya ginawa yon. Sa halip ay kinuha niya nag pilak at umalis.
Pagkatapos, si Zhao Feng ay pumasok sa pinakamalaking merkado ng Sun Feather City.
**********
Tindahan ng mga armas sa loobg ng lungsod.
"Shopkeeper, magkano itong Heavy Metal Bow?"
"Ang Heavy Metal Bow na ito ay lubhang malakas. Maari itong tumira hanggang sa isang daan at limampung metro. Dalawampung piraso ng pilak, walang tawad," sinabi ng shopkeeper habang siya'y nakangiti. Nakita niya ang simbolo ng Zhao sect sa damit ni Zhao Feng.
Sa Sun Feather City ang Zhao sect, Qiu sect, at Xin sect ay ang tatlong mga pinakamalaking pamilya at sila'y mayroong kabuuang pangigibabaw sa loob ng lungsod.
"Dalawampung piraso ng pilak?"
Itinaas ni Zhao Feng ang kanyang mga kilay at malalim na sinabing, "Pwedeng mas babaan nito pa ng konti?"
Ang shopkeeper ngumiti ng mahina. " Sige, ibibigay ko sayo ang pinakamababang presyo, labing-walong piraso ng pilak."
"Labinlima! Paubos na ang pera ko, pero kapag nakakuha pa ako ay dudoblihin ko ang pera at ibibigay sayo," Matapat na sinabi ni Zhao Feng.
"Labinlimang piraso? Parang masyado namang mababa yan, halos wala ng kita…" Ang shopkeeper au tila ba nahihirapan ng kaunti, ngunit nang makita niya ang katapatan sa mga mata ni Zhao Feng, ay kinagat niya ang kanyang labi. "Sige, sana ay mapanatili mo ang itong pangako dahil ang tindahan na ito ay nasa ilalim ng teritoryo ng Zhao sect."
"Salamat," sinabi ni Zhao Feng ng may pasasalamat. Hindi niya kailanman napagtanto na ang tindahan na ito ay nasa ilalim ng Zhao sect.
Mabilis na binili ni Zhao Feng ang pana sa presyong limampung piraso ng pilak at bumili din siya ng ilang mga arrows at pagkain sa mga nalalabi ng kanyang pera. Wala na siyang natitirang pera.
"Sana hindi ako mabibigo…" Binulong ni Zhao Feng sa kanyang sarili at sa lalong madaling panahon ay umalis na siya sa Sun Feather City.
*************************************
Teng!
Sa lalong madaling panahon na umalis siya sa Sun Feather City, ginamit ni Zhao Feng ang Lightly Floating Ferry upang gumalaw. Ang kanyang bilis ay mas mabilis pa kaysa sa karamihan ng mga normal na mga kabayo.
Makalipas ang dalawang oras, nakarating na si Zhao Feng sa kanyang destinasyon, ang Sky Cloud Forest.
Ang Sky Cloud Forest ang pinakamalaking kagubatan sa Country of Clouds. Ang lawak nito ay umaabot ng lagpas sa sampumg iba pang mga bansa.
Dahil sa pagiging pinakamalaking kagutan sa mga karatig bansa, ang Sky Cloud Forest ay mayroong madaming mapanganib na mababangis na hayop, at malapit sa gitna nito ay may mga high level deadly beasts.
Ang mga deadly beasts ay higit na mas malakas kaysa sa mga mababangis na hayop. Sila'y naapektuhan ng spiritual energy at samakatuwid ay unti-unting nagbago sa isang malakas na mga nilalang. Ilang malalakas na mga deadly beasts ay kayang wasakin ang isang village. Ang mga tunay na Martial Artists ang makakalaban sa kanila.
Pumunta si Zhao Feng sa kagubatan, upang hindi subukang hanapin ang mga deadly beasts dahil halata namang gusto pa niyang mabuhay. Ang kanyang layunin ay simple lang, mag hunting upang kumite ng pera!
Ang Ilan sa mga malalakas at mabangis na hayop sa loob ng Sky Cloud Forest ay mayroong mga mamahaling mga balahibo at iba pang materyal. Ang isang matandang oso ay mabebebenta para sa dalawa o tatlong daang pilak.
Gayunpaman, ang lakas ng isang matandang oso ay higit na mas malakas kaysa mga normal na nasa ikalawang ranggo. Ang mga nasa ikaltlong ranggo lamang ang maaring manalo laban dito.
Malinaw naman, ang target ni Zhao Feng ay hindi isang oso o malalaking mababangis na hayop.
Bagama't malalaki ang halaga ng mga mababangis na hayop, ang kanilang bigat ay masyadong malaki. Hindi ko kayang bumuhat ng madami ng pabalik-balik.
Teng!
Ang kanyang katawan ay para isang balahibo habang ginagamit niya ang mga sanga para itulok ang kanyang sarili pasulong
Kung hindi pa niya natutunan ang Lightly Floating Ferry, sa pagiging ganito kataas ay bibilis ang tibok ng kanyang puso.
Habang nakatayo siya sa puno, ginamit ni Zhao Feng ang kanyang kaliwang mata upang tignan ang kanyang paligid.
Shuah!
Ang kanyang kaliwang mata ay nag super-vision mode. Ang lahat ng bagay sa loob ng sampung kilometro ay malinawaw niyang nakita
Unang kinumpirma ni Zhao Feng kung mayroong mga mapanganib or mga nakamamatay na hayop sa paligid. Di nagtagal ay naintidihan ni Zhao Feng ang sitwasyon sa loob ng area.
Mayroong dalawampung mababangis na hayop ang mapanganib para sa kanya at isa dito at malapit sa kanya. Mabuti nalang na walang kahit anong deadly beasts.
"Magsisimula na ako ngayon." Huminga ng malalim si Zhao Feng at dahan dahang inilabas ang kanyang Heavy Metal Bow.
Shou-----
Habang nanginginig ang tali ng pana, ang pana ay tumama sa isang golden-spotted snake isang daang metro ang layo.
Si!
Ang golden-spotted snake ay tumalon pataas nag hiss sa isang nakakatakot na paraan. Gayunpaman, ang arrow skills ni Zhao Feng ay perpekto at direktang tinamaan ang mahahalagang bahagi ng katawan nito. Ang golden-spotted snake ay marahas na nagwala, pero kinalaunan ay nanamtay din.
"Golden Striped Snake, isang sobrang nakalalason na hayop na kayang pagbantaan pati na ang mga nasa ikatlong ranggo." Si Zhao Feng ay huminga ng kaunti at pinunasan ang kanyang pawis sa kanyang kilay. Kung harap harapang silang naglaban, ang Golden Striped Snake ay may malaking tsansa na mapatay siya dahil ito'y napaka bilis at nakalalason.
Gayunpaman, malaki din ang nakuhang biyaya ni Zhao Feng. Ang mga mga ipin pangil at atay nito ay napaka mahal ang halaga.
Matapos niyang patayin ang ahas, tinuloy ni Zhao Feng ang paggamit ng kanyang kaliwang mata para makahanap ng baong mga target.
Shou ----------
Ng biglang nakaranig si Zhao Feng ng isang matinis na tunog sa kalagitnaan ng langit.
Isang metal-mouthed eagle, na may wingspan na isang metro, ay madaling pinatay ang isang lobo ng ikalawang ranggo.
Si Zhao Feng ay may taimtim na mukha. Ang metal-mouthed eagle ay tinatawag na Metal Beak Eagle at ito'y sobrang sikat sa Sky Cloud Forest. Ang lakas nito may madaling nalalagpasan ang mga normal na second rankers at ito'y malayang lumilupad sa hangin. Halos wala itong natural na kalaban.
Ang Metal Beak Eagles ay sobrang bilis. Ang mga balahibo at dipensa nito ay malakas din. Ito ay parang isang deadly beast. Ang isa ay nagkakahalaga ng pito o walong daang piraso ng pilak, nasa isipi ni Zhao Feng habang ginagamit niya ang kanyang kaliwang mata para asintahin ang agila.
Sa oras na iyo, naglabas siya ng pana na nababalot ng lason.
Zhi~
Ang Heavy Metal Bow ay nahila hanggang sa limitasyon nito…