Ang Martial Arts Library ay isang importanteng lugar sa loob ng sect, mayroon itong mga koleksyon ng mga iba't ibang martial skills na natipon daang taon na ang nakalilipas. Ginagamit ang mga ito para matulungan ang mga susunod na henerasyon, sa pag-asang mapalalaki pa nila ang pamilya.
Kadalasan, ang numero at kalidad ng mga martial arts ang nagsasabi kung gaano kalakas ang isang sect. Naalala ni Zhao Feng na sa Green Leaf Village ng Zhao family, ay walang Martial Art Library.
Ang library ay nahahati sa tatlong palapag.
Sa unang palapag ay mayroong malaking numero ng martial arts, pero karamihan sa mga ito ay low ranked, mayroon ding pailan-ilang mga middle ranked ang nandyan.
Ang second floor ay tila mayroong sikreto ng sect at mga traditional techniques. Karamihan sa kanila'y high ranked, mayroon din silang ilang mga peaked ranked diyan! Gayunpaman, para makapasok sa ikalawang palapag ay kailangan munang makarating sa ika-apat na ranggo sa Martial Path.
At ang ikatlong palapag ay isa lamang usap-usapan dahil ito'y hindi pa nabubuksan sa publiko…
Para kay Zhao Feng, ang ikalawa at ikatlong palapag ay masyadong malayo, kahit ang mga martial arts sa unang palapag ay mga bagay na kanyang kinasasabikan..
Wala siyang background sa sect, at ang taong walang background o pambihirang talento ay hindi kayang ma-access ang mga higher ranked martial arts. Ang Flaming Metal Fists na mayroon siya ay isa lamang core martial arts kung kaya'y mas mahina pa ito sa isang low ranked martial art.
Gayunpaman, pagkatapos niyang makapasok sa ikalawang ranggo ng Martial Path, mayroon siyang karapatan na makapasok sa first floor at pumili ng martial art.
"Ang Zhao sect, hindi na nakakapagtataka na isa ito sa tatlong malaking pamilya ng Sun Feather city, dahil nahihigitan nito ang iba't iba at daan-daang mga pamilya."
Humakbang papasok si Zhao Feng sa unang palapag at ang kanyang paghinga ay bumibilis. Nakikita niya ang ibang Zhao desciples, pero lahat sila'y ginagamit ang kanilang mga sariling oras para pumili ng sarili nilang Martial Art Skills.
Ayon sa patakaran, mayroon lamang kalahating oras ang mga pumasok sa library para makapili ng skills. Kaya ang lahat ng pumasok dito ay hindi nag-aaksaya ng oras.
"Mayroon akong dalawang oras at kailangan kong pumili ng isang middle rank martial art o dalawang low ranked martial arts." Huminga nang malalim si Zhao Feng at sinimulang tignan ang mga bookshelves.
Ang unang palapag ng library ay may ilang libong mga libro at bawat isa ay dalawang sentimetro ang kapal. Para makahanap ng isa o dalawang martial arts sa napakaraming libro ay hindi madali .
"Rock Breaking Parl, Angered Dragon Fist, Leaf Picking Sword, Wind-like Foor…" Ang Iba't ibang uri ng martial art skills ay ginawang makulay ang mga mata ni Zhao Feng.
Shuah! Shuah! Mabilis na binaliktad ni Zhao Feng ang mga pahina ng mga martial art skills na ito patungo sa unang pahina. Ang buod ng mga martial arts na ito ay kadalasang nasa unang pahina.
Crazy Wing Blade, gaya ng hangin, kasing lakas ng kidlat at gumagamit ng bilis upang manalo. Pinakamababang kinakailangan ay unang ranggo ng Martial Path, pangkaraniwan ang hirap upang sanayin. Ranggo: Low.
Angered Dragon Fist, kayang pataasin ang lakas ng gumagamit, kayang pagsamasamahin ang lahat ng lakas sa isang atake. Pinakamababang kinakailangan ay ikalawang ranggo ng Martial Path, para sanayin ang skill na ito ay medyo mahirap. Ranggo: Tuktok ng middle rank.
Wind-like Foot. Isang pang malapitang skill na gumagamit ng bilis upang manalo. Kapag nakamit na ang buong potensyal ay kayang lumaban sa maraming tao at hindi matalo. Pinaka mababang kinakailangan ay unang ranggo ng Martial Path pero mahirap sanayin. Ranggo: Middle.
Metal Sand. Pinapataas ang dipensa ng katawan. Sa ilalim ng buong pag-gamit ay kayang makipag harap-harapan sa mga karanggong kalaban. Sinumang kayang sanayin ito patungo sa isang mataas na level ay pwedeng gamitin ang kanilang katawan para i-dipensa laban sa mga espada at patalim. Pinaka mababang kinakailangan ay ikalawang ranggo ng Martial Path at malakas na kalooban. Ranggo: Middle.
*****
Ang mga skills ng martial arts library ay mas higit na malakas kumpara sa mga core ranked skills, kagaya ng inaasahan.
Si Zhao Feng ay labis na nalulugod, at ang mga skills na kanyang nakita ay karaniwang mga middle rank. Pagkatapos lamang niyang magbasa ng sampung libro, ang puso niya ay gumalaw na ng ilang beses.
Gayunpaman, ang library ay may limitasyon. Pwede lamang siyang maglabas ng isang middle ranke martial art.
Kung pwede lamang siyang maglabas ng ilan pa, kung gayon ay mas maganda…
Naging mabigat ang kalooban ni Zhao Feng at inisip niyang hindi ito patas. Pwede lamang pumili ng isang middle martial art ang mga branch disciple habang ang mga main disciple ay pwedeng pumili ng dalawa.
Upang pabilisin ang kanyang pagpili, sinimulang gamitin ni Zhao Feng ang kanyang kaliwang mata.
Sa pamamagitan ng kanyang kaliwang mata, ang kanyang pagsusuri ay bumilis ng sampung beses…
Shua Shuah Shuah…
Gumamit ng isang hindi kapani-paniwalang bilis ang kaliwang mata ni Zhao Feng upang tignan ang mga martial arts na ito.
Nang matapos niyang makasuri ng lagpas limampu, biglang napagtanto ni Zhao Feng na may mali at siya'y huminto.
Bumalik siya sa kanyang mga memorya ng iba pang mga libro. Lumabas sa kanyang isipan ang mga nilalaman ng mga libro at may isang salita ang mali o nawawala.
"Ito'y…" Naramdaman ni Zhao Feng na nanginginig sa sobrang tuwa.
Pagkatapos makipagsanib sa kaliwang mata, ang memorya ni Zhao Feng ay bumuti din. Kailangan na lamang niyang tumingin sa isang bagay ng isang beses at hinding hindi niya na ito malilimutan. Lalo na kapag ginamit niya ang kanyang kaliwang mata, ang mga nilalaman ng libro ay tumatatak sa kanyang isipan.
Hindi inakala ni Zhao Feng na makakamit niya ang kapangyarihan na 'hindi nakakalimot'. Maraming sabi-sabi tungkol sa mga henyo sa Azure Flower Continent at isa ang 'hindi nakakalimot' ay isa sa mga katangian na mayroon sila.
Gayunpaman, ang 'hindi nakakalimot' ay gumagana para sa lahat ng tao, kung mabuti ang kanilang memorya. Kailangan lang nilang magbasa ng kahit anong bagay nang isang beses
Gayunpaman, kung ikukumpara ito sa 'hindi nakakalimot' ni Zhao Feng, ang kanyang bersyon ay malinaw na mas malakas. Literal na hindi niya kayang makalimot.
Kasama ng kapangyarihang ito sa loob ng Martial Arts Library, ibig-sabihin nito'y higit na 'makapaglalabas' si Zhao Feng ng mas marami pang mga libro.
"Bilis, bilis, bilis!" Nasasabik na binulong ni Zhao Feng sa kanyang sarili at sinimulan niyang kabisaduhin lahat ng mga libro hanggang sa kanyang makakaya.
Shuah shuah shuah…
Ang kanyang konsentrasyon ay tumulak papuntang hangganan habang binabaliktad ang mga pahina ng mga manuals sa lalong madaling panahon na mahawakan niya ito. Hangga't ang mga nilalaman nito'y nakikita ng kanyang kaliwang mata, hindi ito mahalaga kung ito'y mga salita o mga drawing, nakabisado niya ang lahat. Kinuha lamang 'to ng dalawampung segundo bago niya tuluyang makabisado ang isang libro na may limampung pahina.
"Hahaha…'Wag kalimutan! Mabuti!" Maganda ang pakiramdam ni Zhao Feng, pero mas lalong nagmumukha siyang baliw habang mabilis niyang binabasa ang mga libro. Ang kanyang mga kilos ay nagdulot para tumingin ang ibang mga disciple sa kanya.
"Sa tingin ko nabaliw na ang lalaking 'to…"
"Siguro unang beses palang niya dito at masyado siyang natutuwa…"
Ilang mga disciple ang tumingin sa mga kilos ni Zhao Feng at ipinagpag nila ang kanilang mga ulo.
*******************
Lumipas ang oras. Dalawampung minuto ang lumipas.
Hu!
Naglabas ng mahabang hininga si Zhao Feng. Siya'y nakaramdam ng pagod, pero hindi parin niya mapigilan ang kanyang tuwa.
Sa puntong ito, 'nakapag-nakaw' na siya ng lagpas isang daang mga martial arts book!
Karaniwan sa mga martial arts na ito ay middle ranked martial arts. Kasama dito'y mga Fist skills, Palm skills, Breathing skills, Footwork skills, Defense skills at marami pang iba.
Dahil sa tuloy-tuloy na pag gamit ni Zhao Feng sa kanyang kaliwang mata, ang kanyang utak ay napagod.
Susunod, ang mga mata ni Zhao Feng ay tumingin sa paligid at ito'y huminto sa isang lumang libro ng martial arts. Ang rason kung bakit siya huminto dito ay dahil naramdaman niyang ang mga materyales ng librong ito ay naiiba.
Kinuha ni Zhao Feng ang libro at sa itaas nito'y mayroong tatlong salitang nakasulat: Light Floating Ferry.
Binaliktad niya ito patungo sa unang pahina.
Light Floating Ferry, high rank martial art, kaya nitong bigyan ng kakayahan ang cultivator na gumalaw sa yebe nang hindi nag-iiwan ng marka, kayang sumama sa agos ng ilog at kayang maramdaman ng sarili na parang isa siyang ibon. Kapag nasanay sa sapat na taas, magagawang ng taong mag Double Jump at lumipad pa ng maikling sandali. Pinakamababang kinakailangan ay ikalawang ranggo ng Martial Path at napakahirap sanayin ng skill na ito. At saka, ang higher chi ay dadagdan ang puwersa ng skill. Ang pagkamit sa highest realm ay gagawing mas mabilis ang sarili kumpara sa iba na nasa ilalim ng ika-pitong ranggo ng Martial Path.
Ang unang naisip ni Zhao Feng ay isa lamang 'tong ordinaryong footwork skill, ngunit matapos niyang makita ang Double Jump at 'higher chi', ay kumislap ang kanyang mga mata.
Ang 'Double Jump' ay nalagpasan na ang limitasyon ng middle ranked martial arts, kahit ang ilang mga high ranked ay hindi kayang gawin yan! Ang ibig sabihin ng 'Higher chi' ay nababagay ang skill na ito para sa mga martial artists o mas mataas ng ika-apat na ranggo ng Martial Path.
At ang 'di kapanipaniwalang parte ay: Ang pagkamit sa pinaka mataas na realm ay hahayaan ang sarili para magkaroon ng pinakamabilis na bilis sa lahat ng nasa ilalim ng ika-pitong ranggo ng Martial Path.
"Isang eksaherasyon! Maski na ang ilang peak martial artist ay hindi magkakaroon ng katapangang sabihin ito." Kumislap ang mga mat ani Zhao Feng at ng walang hesitasyon, sinimulan niyang basahin ang mga nilalaman ng Light Floating Fairy.
Mayroon siyang tanong sa kanyang puso. Bakit ang isang malakas na skill ay nasa pinakamababang palapag? At bakit walang may gustong matutunan ito?
Sa madaling panahon, nahanap ni Zhao Feng ang rason.
Pagkatapos baligtarin ang isang seksyon ng libro, nagsimula nang lumabo ang mga salita. Masyado ng matanda ang libro at nagsimula na itong amagin.
Ang ibig sabihin nito'y ang libro ay mayroon lamang isang seksyon ng orihinal nitong nilalaman.
"Nakapanghihinayang…" Malubhang nabigo si Zhao Feng. Gayunpaman, hindi siya sumuko at itunuloy niya ang pag gamit sa kanyang kaliwang mata sa mga malalabong salita. Gamit ang lahat ng kapanyarihan sa kanyang kaliwang mata, lagpas sa paningin ng isang normal na tao ng mahigit kumulang dalawampung beses, sa katunayan ay halos nakikita na ng matuwid ni Zhao Feng ang mga salita na nasa ilalim ng amag.
Pagkatapos magbasa ng dalawang pahina, naramdaman ni Zhao Feng na napapagod na ang kanyang utak at naramdaman niyang halos wala ng natitirang kapangyarihan sa kanyang kaliwang mata.
Kapag inuwi ko 'to at mabagal na basahin ang mga huling nilalaman nito, inisip ni Zhao Feng at saka kinuha ang Ligh Floating Ferry mula sa unang palapag ng martial arts library.
"Lightly Floating Farry? Gusto mo ang librong ito?" Sinabi ng nakaputing elder habang nakakunot ang kanyang mga kilay.
"Opo," magalang na sagot ni Zhao Feng
"Ang librong 'to ay nasa libo-libong taon nang nandito, at mayroong mga parte na malayo ng nalagpasan ang isang high rank martial arts." Pagkatapos niyang sabihin ito, ang boses ng nakaputing elder ay pumiyok. "Gayunpaman, isang seksyong lamang ng librong ito ang nakikita. At isang mahalagang paalala: Upang maperpekto ang skill na ito ay napakahirap, maski na ang ilang mga henyo ay hindi ito kayang gawin. Kahit na magawa pa nila ito, sa ilalim ng ika-apat na ranggo ng Martial Path, ang potensyal nito ay limitado."
Sa huli, sinabi ng nakaputing elder, "Gusto kong payuhan ka na baguhin ang iyong pinili, kung hindi ay hindi ka kailanman makakalagpas sa ika-apat na ranggo ng Martial Path at maging isang tunay na Martial Artists
"Salamat sa paalala, elder, ngunit nakapagpasya na ang puso ko." Mayroong kalmadong mukha si Zhao Feng.
Patinging umalis si Zhao Feng at ang nakaputing robe na elder ay ipinagpag ang kanyang ulo at sinabing, "Itong mga kabataan ngayon, kinukuha lang nila ang pinakamataas na ranggo ng libro na possible."
Naniniwala siyang hindi ganap na matututunan ni Zhao Feng ang Lightly Floating Ferry, at sa isang hakbang sa likod, kahit na kaya niya, anong magagawa ng isang partial martial art book?
Pagka-alis sa Martial Arts Library, umuwi na sa kanyang bahay si Zhao Feng.
Naka-upo sa kanyang higaan, sinarado niya ang kanyang mga mata, at sa loob ng kanyang isipan ay ang mga nilalaman ng nasa isang daang martial arts book ang mabilis na umibabaw…