Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 2 - Ang Labanan ng Isang Galaw

Chapter 2 - Ang Labanan ng Isang Galaw

Nang hindi alam kung ilang oras na ang lumipas, nagsimula nang magkamalay si Zhao Feng, ngunit hindi niya maramdaman ang kanyang katawan. Ang tanging bagay na nararamdaman niya ay ang sakit na nagmumula sa kanyang kaliwang mata.

Kaliwang mata?

Nanlamig si Zhao Feng at bigla niyang naalala ang nangyari. Bago siya mawalan ng malay, ang hugis matang marmol ay biglaang pumasok sa kanyang kaliwang mata.

Kung ito ay maliit na sugat lamang, sa malamang ay nabulag na ang kanyang kaliwang mata at maaaring maihambing sa mga pangit at nagngangalit na 'one-eyed dragon'.

Nang maisip niya iyon, gusto na lamang umiyak ni Zhao Feng.

Peh! Peh! Peh! Peh!

Mayroong tunog na tila ba'y tibok ng puso na nagbibigay ng pamilyar at magaan na pakiramdam na nagmumula sa kanyang napinsalang kaliwang mata.

Shoosh!

Naisip niya ang tungkol sa kanyang kaliwang mata at sa sandaling iyon, natuon papunta sa maitim na marmol ang kanyang kaisipan.

Boom!

Biglang naalog ang kanyang utak at ang isip ni Zhao Feng ay napunta sa isang napakadilim na dimensyon.

"Ang lugar na ito ay…"

Si Zhao Feng ay may likas na takot sa mga bagay na walang nakakaalam, at ang makakita ng isang kakaibang lugar ay hindi pa niya nararanasan. Ngunit ang kanyang atensyon ay napukaw ng isang mahinang berdeng ilaw na nanggagaling sa sentro ng napakadilim na lugar.

Tila napakamahiwaga at walang hanggan ang mahinang berdeng ilaw. Dahan-dahan itong umiikot, na para bang namalagi ito sa sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan na nagbibigay sa mga tao ng pakiramdam ng buhay at ng kawalang-hanggan.

Tuluyang pinukaw nito ang kamalayan ni Zhao Feng na sa sobrang pagkahumaling ay hindi siya magigising kahit tumanda man ang langit o mawasak na ang dimensyon.

"Ang sinauna ay nagkawatak-watak at ang mga napaslang na Sinaunang Diyos ay magiging buhangin kailanman…"

Ang buntong-hininga na may kasamang mga salita ay tila napakatanda na at napakalungkot. Umalingawngaw ito sa napaka dilim na lugar na para bang nanggaling din ito simula pa noong sinaunang panahon.

"Sinong nandyan!?" Halos mawala ang kamalayan ni Zhao Feng at nanlamig ang kanyang buong katawan. Sinuri niya ang lugar ngunit wala siyang nakitang sinuman.

Tila galing sa mismong kalawakan ang tunog na iyon.

"Mayroong kaluluwa sa uniberso na naka-sync sa akin? Tadhana ba ito?" Sabi ng misteryosong boses sa kanyang sarili.

"Sinong nagtatago dyan sa paligid?!" Pinigilan ni Zhao Feng ang kanyang takot at sumigaw.

"Para maipagpatuloy ang aking bloodline of the Eye, maghahari ka sa lahat at kokontrolin mo ang lahat ng lahi. Ikaw swerteng bata ka, huwag mo akong bibiguin…"

Biglang naglabas ang napaka dilim na lugar ng isang sinaunang kamalayan na agad ding naglaho.

Naging kalmado ang lahat....

Hah!

Huminga nang malalim si Zhao Feng ngunit bago pa siya makapag-isip, biglang nanakit ang kanyang kaliwang mata.

****************************************************

Sa loob ng isang silid…

Tumagos sa bintana ang napakainit na sikat ng araw. Sa sandaling ito, nagising si Zhao Feng sa realidad.

Ito ang kwarto niya.

"Ahhhhh… ang mata ko!" Sumigaw si Zhao Feng at hinawakan ang kanyang kaliwang mata na ngayon ay pulang-pula sa pamamaga at napakahapdi.

Humiga muli sa kama si Zhao Feng at ang kanyang katawan ay mayroon pa ring mga sunog na parte kung saan siya tinamaan ng kidlat. Pinagpapawisan siya nang sobra at paikot-ikot sa silid dahil sa sakit na nagmumula sa kanyang kaliwang mata.

Sa kabutihang palad, unti-unting nawawala ang sakit habang tumatagal.

"Ang mata ko…" Alalang-alala si Zhao Feng at dahan-dahan niyang inalis ang mahigpit niyang pagkawahak sa kanyang kaliwang mata.

Sigurado siyang nakakakita pa rin ng liwanag ang kanyang kaliwang mata.

Nang makita ng kanyang kaliwang mata ang unang sikat ng araw, napapikit siya at huminga dahil sa matinding liwanag nito.

Umangkop din ang kanyang kaliwang mata sa liwanag ng sikat ng araw at nakakikita na sa paligid. Ngunit naiwang gulat si Zhao Feng sa nangyari pagkatapos.

Ang buong mundo ay tila nagkaroon ng libo-libong iba't-ibang kulay.

Ang paningin ng kanyang kaliwang mata ay ginawang malinaw at maganda ang lahat ng bagay. Nakikita pa ni Zhao Feng ang mga particles sa hangin, na hindi kayang gawin ng normal na paningin.

Malinaw niyang nakikita ang mga langgam sa puno na may layong isang-daang metro, pati na ang mga ugat sa dahon.

Anong nangyayari? Nagawa pa ng aking kaliwang mata na…

Inisip ito ni Zhao Feng matapos mawala ang kanyang pagkulat, at kitang-kita ang kasiyahan sa kanyang mukha.

Sigurado siya na ang kanyang kaliwang mata ay sumailalim sa matinding pagbabago at mga sampung beses na mas malinaw kaysa sa kanyang orihinal na mata.

Kumuha si Zhao Feng ng isang salamin at tinignan ito nang malapitan. Pareho pa rin sa dati ang laki ng kanyang kaliwang mata. Ang tanging pagkakaiba ay mas maitim ang gitna ng kanyang mata kaysa sa dati. Kapag ginagamit niya nang lubusan ang kanyang kaliwang mata, nagbibigay ng mahinang berdeng ilaw ang kanyang eyeball.

Ang mga pagbabagong ito, kahit na hindi masyadong halata ay nagpabilis ng tibok ng kanyang puso.

"Suma… sumanib ba ang misteryosong matang iyon sa ang aking kaliwang mata?" Masaya ang puso ni Zhao Feng ngunit nag-aalala rin ito.

Matapos ang ilang sandali, huminga siya nang malalim at lumabas sa kanyang silid.

"Feng'er, hindi ka gumising ng isang buong araw, 'wag mo ako masyadong pag-alalahanin!" Gumaan ang pakiramdam ni Zhao Shi nang makita niya kanyang anak na ayos lamang.

"Inay, ayos lang ako! Baka nga sinwerte pa ako sa sakunang ito," Tawa ni Zhao Feng. Ngunit pagkatapos ay naging seryoso ang kanyang itsura. "Saglit lang inay! Sinasabi mo na… nawalan ako ng malay ng isang buong araw?"

"Oo, yung araw pagkatapos kang tamaan ng kidlat, pero ang sabi ng alchemist ay nawalan ka lang ng malay." Pinunasan ni Zhao Shi ang kanyang mga mata, natatakot sa baka kung anong nangyari.

Habang naguusap sila, biglang nag-ingay ang tiyan ni Zhao Feng, saka niya lang naramdaman ang lumalalang gutom niya.

"Halika! Gagawan kita ng makakain." Pumunta si Zhao Shi sa kusina at nagsimulang maghain.

Habang naghahain ng pagkain, patuloy namang ginagamit ni Zhao Feng ang kanyang kaliwang mata upang obserbahan ang lahat ng bagay at naramdaman niya na sumailalim din sa pagbabago ang kanyang katawan. Ang pinakahalatang pagbabago ay ang kanyang reaction speed.

Hmmmmmmmm...

Habang sila ay kumakain, napatingin si Zhao Feng sa isang langaw na lumilipad sa paligid.

Nakita ng kanyang kaliwang mata ang ruta ng paglipad ng langaw at nagawa pa niyang suriin ang kasarian nito. Sa katunayan, nagawa niya ring makita ang mga ugat sa pakpak nito.

Shoosh!

Ginalaw niya ang kanyang chopsticks base sa kanyang instinct.

Nang biglang huminto ang humuhuning tunog.

Hahaha! Tinignan ni Zhao Feng ang langaw na napatay ng kanyang chopsticks at tumawa sa kanyang puso.

Ang sarap ng ganitong pakiramdam!

Sobrang sarap ng ganito!

Dahil sa kanyang kaliwang mata, lubhang nalagpasan ni Zhao Feng and reaction speed at paningin ng mga karaniwang tao.

Matapos kumain, naramdaman ni Zhao Feng na puno siya ng sigla, kaya't nagmadali siya papuntang martial arts field. May pakiramdam siya na maaaring magbago ang kanyang buhay dahil sa pagbabago sa kanyang kaliwang mata.

Nagbigay ng sumisirit na init ang kanyang kaliwang mata at pagkatapos nito, nagbigay din ito ng peh-peh na tunog ng tibok ng puso.

Hindi niya alam na habang sumasanib ang misteryosong eyeball sa kanya, dahan-dahang ding nagbabago ang kanyang bloodline at katawan.

*********************************

Sa Martial Arts Field

Si Zhao Feng ay tulad pa rin ng normal at nagsimulang mag-ensayo ng kanyang fist core martial arts.

"Hahaha! Zhao Feng, sa wakas nandito ka na, akala ko magiging isang kang pagong na nagtatago sa iyong shell…," May tawang nanggaling sa kabilang panig ng martial arts field.

Letse! Sumumpa si Zhao Feng sa kanyang puso at matapos ay tumingin sa maskuladong si Zhao Kun na naglalakad papalapit. Naalala niya ang 'one move battle' niya kay Zhao Kun.

Dahil sa pagtawa ni Zhao Kun, maraming sect disciple sa martial arts field ang nagsilapitan.

Mukhang hindi na maiiwasan ito...

Ang maari lang gawin ni Zhao Feng ay lumakad upang labanan siya.

"Zhao Feng, isang galaw, maghanda ka na! Kakailanganin ko lang ng isang galaw para pabagsakin ka!"

Kumilos agad siya nang matapos siyang magsalita, parang isang dambuhalang tigre ang katawan ni Zhao Kun na sumugod papunta kay Zhao Feng. Gamit ang isang kakaibang stance, ang kanyang katawan at dalawang kamay ay umurong na parang isang nakalalasong ahas na nagbibigay ng isang madilim at katakot-takot na pakiramdam.

Nakaramdam si Zhao Feng ng panlalamig, na para bang may nakatingin sa kanyang isang ahas.

"Whoa, yun ang high ranked martial art Thirteen Changes of the Poisonous Snake!" nanggaling sa isang excited na sigaw mula sa crowd na nakakilala sa galaw ni Zhao Kun.

"High ranked martial art, paano ito nangyari?! Karamihan sa mga second disciples ay maaari lamang makapunta sa Martial Arts Library at makakuha ng middle rank martial arts, paano nakakuha si Zhao Kun ng isang high rank?!"

"Malamang hindi niyo alam ito, pero ang lolo ni Zhao Kun ay isa sa mga sect elders…"

"Kaya pala kampante si Zhao Kun na mananalo siya sa isang galaw, dahil natutunan niya ang Thirteen Changes of the Poisonous Snake!"

Nakaramdam ng panlalamig ang mga disciples sa paligid, at ang ilan sa mga mas mataas ang cultivation kay Zhao Kun ay naging mataimtim ang itsura.

"Isa yung high rank martial arts skill." Huminga ng malamig si Zhao Feng.

Sa Zhao Sect, maaari lamang matutunan ng mga disciples na mas mababa sa ikaapat na ranggo ang low o middle ranked martial arts. Para kay Zhao Feng, dahil hindi pa niya naabot ang ikalawang ranggo ng Martial Path, hindi siya maaring makapasok sa Martial Arts Library ng sect kaya hindi pa siya maaaring makapag-aral ng low rank martial arts.

Ang Thirteen Changes of the Poisonous Snake ay isang high rank martial arts skill, at ang pinsalang dulot nito ay 'di hamak na mas mataas kaysa sa low at middle rank martial arts, paano pa kung sa core rank martial arts?

Sa sandaling ito, ang gumagalaw na kamay ni Zhao Kun ay nagbigay ng malaking pressure kay Zhao Feng, na para bang kapag gumalaw siya, aatake ang makamandag na ahas!

Kaya pala kampante si Zhao Kun na pabagsakin ako sa isang move! Bumilis ang tibok ng puso ni Zhao Feng, at dahil dun, sa ilalim ng normal na kalagayan, hindi niya kayang tanggapin kahit isang atake mula sa high rank martial arts skill.

At maliban pa dito, mas mataas ng isang ranggo ang cultivation ni Zhao Kun kaysa sa kanya!

Peh! Peh!

Sa ilalim ng pressure, naramdaman ni Zhao Feng na gumalaw ang kanyang kaliwang mata at siya'y nakaramdam ng biglaang pagkasabik. Nilagay niya ang lahat ng kanyang lakas sa kanyang kaliwang mata at tinarget si Zhao Kun. Walang nakakita nito, at sa sandaling ito ay nagbigay ng mahinang berdeng liwanag ang kaliwang mata ni Zhao Feng...

Shoosh!

Pakiramdam ni Zhao Feng na bigla siyang nag super-vision mode. Sa kanyang paningin, lumaki ang katawan ni Zhao Kun, at ang bawat pagbabago, pati na ang kanyang paghinga, pagtibok ng puso, ang kanyang mga muscles, mga ugat, lahat ay nakikita ng kanyang kaliwang mata.

Sa sandaling iyon, tila bumagal ang mundo ng ilang beses.

Ngunit hindi bumagal ang mundo! Ang pagbabago ay sa bilis ng reaction ni Zhao Feng!

Sa ilalim ng pressure, nakaramdam ang puso ni Zhao Feng ng matinding kapayapaan at kapanatagan.

Ang kanyang kalaban na si Zhao Kun ay nagkaroon ng hindi maintindihang panginginig at isang biglaang pakiramdam na ang lahat ng kanyang mga sikreto ay kitang-kita.

"Third Change of the Poisonous Snake!"

Biglang naging walang imik ang mukha ni Zhao Kun at ginamit niya ang kanyang pinakamalakas na atake nang walang pag-aalinlangan at gumalaw na parang kidlat na may parehong matinding bilis at lakas. Ang kanyang katawan ay tila isang makamandag na ahas.

Shoosh!

Sa isang iglap, nagsama ang dalawang daliri ni Zhao Kun na parang mga pangil ng isang makamandag na ahas at humawi sa hangin habang patusok ito tungo kay Zhao Feng.

Ang bilis! Isip ng karamihan sa mga sect disciples. Karamihan sa kabataan na mga nasa ikalawang ranggo ng rank Martial Path ay hindi manlang nagawang makita kung paano gumalaw si Zhao Kun.

Habang malapit nang tumama ang mala pangil na daliri ni Zhao Kun kay Zhao Feng—

Pah!

Biglang may isang malakas na kamao ang sumuntok sa hangin na tumama sa braso ni Zhao Kun at nagpabagsak sa kanya!

Anong nangyari? Naramdaman ni Zhao Kun na nanginig ang kanyang isip habang nanigas naman ang kanyang katawan dahil sa pagkabigla at namanhid ang kanyang braso.

Ang kanyang mga daliri na kalahating pulgada na lang ang layo sa dibdib ni Zhao Feng, ay hindi na makaabante pa!

Whoosh—

Biglang nanakit ang tiyan ni Zhao Kun habang siya ay napatalsik habang sumisigaw.

"Anong nangyari?!" sigaw ng mga disciple dahil sa gulat.

"Isang galaw, talo ka na…"