Chereads / Ancestal God's Artifacts / Chapter 46 - Chapter 43

Chapter 46 - Chapter 43

Ngayon ay nagbalik na ang kanyang isipan sa sitwasyong kinakaharap niya na mangyayari maya-maya lamang. Ang kanyang naging karanasan kani-kanina lamang ay nagpataas ng kumpiyansa niya sa kanyang sarili upang labanan ang malalakas na Martial Beasts na ayon sa pagkakarinig niya sa isinigaw ni Nexus Gallo ay hukbo ng isang malaking Alyansa na tinatawag na Beasts Devil Alliance.

Ngayon ay gusto niyang mangolekta ng mas marami pang mga Beast Core kung kaya't gusto niyang sumugal sa isang sitwasyon kung saan magiging komplikado ang mangyayari ngunit tiwala naman si Van Grego sa kanyang kakayahan na hiram lamang dahil sa selyo ng kontinenteng iyon.

Sa tulong ng misteryosong Martial Spirit na nasa kanyang katawan ay marami siyang magiging lamang sa gaganaping labanan.

"Kailangan kung sumugal, walang mapapala kung mapapadaig ako sa aking karuwagan at takot!" Tanging sambit ni Van Grego sa kanyang isipan upang palakasin ang kanyang loob.

Itinuon niya na lamang ang kanyang sarili sa gaganaping sagupaan niya at ng kaniyang kakalabaning hukbo. Hindi niya maiiwasang mangamba ngunit may tiwala siya sa kanyang kakayahan na kaya niyang sumugal at lumaban sa kanyang kalaban na hukbo.

Masyadong mapanganib ngunit para kay Van Grego ay tanging ang sumusugal at sumusuong sa matitinding laban ang tunay na Cultivator. Isa na itong karaniwang nangyayari sa bawat bahagi ng Cultivation World. Lahat ay nakakaranas ng panganib na may layunin. Ang layuning iyon ay ang magpalakas at lumakas para labanan ang mga kapwa malalakas na mga Cultivator ng mundong ito. Kung wala kang lakas at kapangyarihan ay mananatili ka na lamang sunod-sunuran sa mas malakas sa iyo.

Ito ang pinakaayaw na mangyari ni Van Grego sa kanyang sarili maging sa mga mamamayan ng kanilang Kontinente o maging ang iba pang Kontinente. Ang makulong sa isang sitwasyon na kung saan ay kakapit na lamang sa patalim ang ibang mga Cultivator at gagawa ng masama sa kapwa nila Cultivator. Isang ideolohiyang kahit sino ay alam ang takbo ng mundong ito.

Ginawa ang mundong ito upang maging malakas ang isang tao, ngunit kapalit nito ay walang hanggang pagpapakasakit kung ikaw ay mahina at patuloy na humihina at kung malakas ka ay patuloy kang lumalakas, ang salita mo ay batas kung saan ang bawat galaw mo ay tama ngunit ang mahihina pa rin ang palaging nasa mali.

Lahat ng ito ay patuloy na nasa isip ni Van Grego. Ang kanyang katawan ngayon ay nababalot ng bughaw na apoy galing sa misteryosong Martial Spirit.

Ikinalma niya ang kanyang sarili lalo pa't ang kanyang emosyon ang kanyang pinakainiingatan lalo pa't kung hindi mo makokontrol ito ay ikaw ang kokomtrolin nito.

Ramdam na ramdam niVan Grego ang bawat paggalaw ng lupa na wari'y lumilindol. Ang mga yabag ng mga sinasabing mga hukbo ng Martial Beast ay wari'y nagpapaliwanag ng di kaaya-ayang mangyayari sa sinumang haharang sa dinadaanan nito.

Malinaw na ngayon na nakikita ang mga hukbo ng Martial Beast na kabilang sa Beast Devil Alliance. Mahigit isang kilometro na lamang ang agwat nila at ang pwesto ni Van Grego.

Ang daloy ng tubig ay naging sobrang rahas na rin na wari'y walang tigil sa paghampas ng nakakamatay nitong babala sa sinuman.

Malayo pa lamang ay may umatake na agad kay Van Grego na kung saan ang mga nagtatalimang mga bala ng palaso at maging ang mga nagtutulisang mga flying sword ay mabilis na lumilipad papunta sa pwesto niya.

Ngayon ay masasabi mong gumagawa agad ng maduming paraan ang mga kalaban upang pahirapan st tapusin na siya.

Natamaan si Van Grego sa iba't ibang parte ng kanyang katawan. Lubos na nasiyahan ang mga Martial Beast sa plano nila. Sa nangyaring ito ay lumakas ang kanilang kumpiyansa at tinuring na sobrang hina ng binatang nasa kanilang harapan, napatigil sila sa kanilang pwesto.

Maririnig mo ang kanilang ungol na wari'y nagdidikta n kanilang pagkapanalo ngunit sa ginawa nilang pagtigil ay siya namang hindi inaasahan pangyayari na tatapos sa kanila.

Palihim na ginawa ni Van Grego ang kanyang Technique na wari'y kahit sinong makakakita ay matatawa sa galaw nito. Halos lahat ng hukbo ay natatawa sa pinanggagawa ni Van Grego.

Tahimik lamang na nanonood si Nexus Gallo na may kalayuan sa pwesto ng gaganaping labanan. Taimtim na nag-aabang sa susunod na mangyayari maya-maya lamang.

"Art of Fire: Trap of Death!" Sigaw ni Van Grego sa pagtatapos ng Technique na ito.S obrang init ang nararamdaman ni Van Grego sa paggamit ng Technique na ito. Pangalawang beses niya pa lamang ito nagawa kung kaya't nahihirapan pa rin siya.

Natatawa pa rin ang buong hukbo ng Martial Beasts. Ilang sandali pa ay nagkaroon ng napakarahas na daloy ng tubig. Unti-unting kumukulo na animo'y sa sobrang init ay kusa itong nag-eevaporate. Ngayon ay ramdam na ramdam ng buong hukbo ang sobrang init hindi lamang ng tubig kundi maging ang pabilog na bagay na mabilis na bumubulusok pailalim diretso sa kanilang kinatatayuan. Maraming naestatwa sa kakaibang pangyayaring ito sa kanila at marami din ang pinilit na makaalis sa lugar na kanilang kinatatayuan ngunit nahuli pa rin silang lahat. Wala ni isang nakatakas. Sobrang laki ng Barrier na nagmistulang bitag o hawla sa lahat ng Martial Beasts na ito.

Bawat isa ay may lakas ng isang Martial Dominator Realm kung kaya't napakahirap kung lalabanan niya ito ng mano-mano. Isa lamang siyang hamak na 8-Star Martial Ancestor Realm isama pang hiram lamang niya ang lakas na ito ng selyo.

Lahat ng mga miyembro ng isang malaking hukbo ng Martial Beasts na ito ay umaatungal ng malakas ngunit alam ni Van Grego na pinagbabantaan na siya ng mga ito. Wala naman siyang paki ukol dito.

Sa loob ng sampong segundo ay agad na may bumubulusok na mga malalaking mga apoy direkta na tatama mismo sa loob ng pabilog na bitag. Ang mga hukbo ng Martial Beasts na nabitag ay halos mamilog ang mga mata nila. Alam nilang katapusan na nila, hindi na sila makakatakas pa.

Ang apoy na kakaulay mismo ng kalangitan ay tinupok ang lahat ngmga Martial Beasts na nasa loob ng nasabing pabilog na bitag. Dinig na dinig sa labas ng bitag ang mga hinaing at paghihinagpis ng mga Martial Beasts. Ang kaninang mga itsura ng mababagsik na mga halimaw ay napalitan ng pagkatakot, pagkamuhi at pagpapakasakit sa napakainit na apoy na kombinasyon ng apoy ni Van Grego at ng misteryosong Martial Spirit.

Walang nagawa ang mga Martial Beasts na ito kung hindi ang hintayin na lamang ang nagbabadya nilang kamatayan.

Makikita sa loob ng pabilog na bitag ang pagkalapnos at pagkasunog ng mga balat ng mga Martial Beasts na maging si Nexus Gallo na isa ring Martial Beasts ay nahintatakutan ngunit may pagkaawa rin na nadarama. Ngunit alam niya bagay lamang ito sa kanila lalo pa't marami na ring mga perwisyong naidulot ang grupo ng Alyansa na ito.

Maraming pang mga pagsabog ang naririnig sa loob ng bitag na ito.Sa huli ay tanging mga abo na lamang ang natira sa loob ng bitag. Maging ang lupa ay sobrang lalim na kahit si Van Grego ay hindi inaasahan na ganito kalakas ang nasabing Technique na ito na maging siya ay nagimbal sa lakas ng Technique na ito. Yung inaakala niyang sobrang lakas na ang Technique na iyon a loob ng Myriad Painting ay mas may ikalalakas pa pala ito. Tanging one-fourth lamang ang impact na iyon sa lupa sa loob ng Myriad Painting na hindi niya na ipinsgtataka, napakamisteryosong bagay din iyon na maging siya ay nahihirapan ding tuklasin.

Bumalik na sa normal ang daloy ng tubig maging ang paggalaw nito ay nasa ayos na. Ang mga abo ng lahat ng hukbo ng Martial Beasts ay nawala na ngunit ang may kabigatang mga Beast Cores ay kumikinang na animo'y bituin dahil sa sobrang dami nito.

Kumislap sa galak ang dalawang mata ni Van Grego dahil sa napakaraming Beast Cores na nakakalat sa buhanginan. Wala siyang sinayang na oras at pinulot niya ito. Limang libong Beast Cores ang napulot niya sa pangkalahatan na siyang ikinagalak niya pa lalo.

Sobrang nagalak pa siya nang marami siyang nakitang mga Martial Spirit na nakakalatna agad isinilid sa isang Ultra-High Spiritual Sack na kung saan ay sakong lalagyan na ito ay angkop para sa mga Martial Spirit idagdag pang Ultra-High Spiritual Sack ito na siyang magbibigay ng karagdagang benepisyo sa Martial Spirits na ilalagsy dito.

Sa hindi kalayuan ay nakatanaw pa rin si Nexus Gallo sa buong pangyayari na siya ay naging saksi sa kaganapang ito. Hinayaan niya na lamang si Mr. Van na mangolekta ng mga Beast Cores at Martial Spirit. Wala din iyong halaga sa kanya lalo pa't isa siyang Martial Beast Guardian. Walang epekto sa kanya ang Beast Cores o kahit ang Martial Spirit. Tanging pagkain lamang ng laman ng kapwa niya Martial Beasts ang epektibong paraan upang makabenipisyo siya ngunit wala ng natira sa kanya. Tanging abo na lamang ang natira na siyang ikinanlumo niya.