Hapon na ngayon at walang ginawa si Van Grego kundi ipagpapatuloy ang kanyang pagcu-cultivate at hindi niya namalayan na limang araw na ang nakalipas ngayon.
Lampas isang linggo na siya sa patuloy na pagcu-cultivate upang lumakas pa lalo ang kabuuang lakas niya at hindi naman siya nabigo.
Mas naging mabilis ang pagcu-cultivate niya sa pagitan ng paggamit ngpaghigop ng Martial Qi sa pamamagitan ng External Qi Absorbing Technique na nagbibigay ibayong lakas sa pangangatawan ni Van Grego ngunit hindi siya nagkaroon ng pagpapataas ng lebel niya.
Agad na minulat ni Van Grego aang kanyang mata tanda na tapos na siya sa isinagawa niyang limang araw na Cultivation.
Hapon na rin ito at alam niyang maya-maya lamang ay dadating at dadaong na rin ang malaking sasakyang pandaong papunta sa iba't ibang karatig-kontintente upang masundan niya ang kanyang ipinadalang mga lider sa iba't ibang mga kalapit na Kontinente upang magtayo ng malalaking sangay ng Alchemy Powerhouse Association lalo pa't gusto nilang magkaroon ng maraming mga tao silang mahikayat lalo na ang mga biniyayaan na maging Alchemist o nagtataglay ng Alchemy Divine Flames.
Hindi lamang mga Alchemist ang hihikayatin nila maging ang mga taong biniyayaan ng mga kakaibang talento sa kani-kanilang mga kontinente.
Halimbawa na dun ay ang Yao Continent na may ipinagmamalalaking lahat ng mga Cultivator na isinilang na kayang magtaglay ng dalawang Martial Spirit ng sabay. Isang paglabag sa larangan ng pagtahak ng Cultivation na ibinigay sa kanila mismo ng kalangitan. Maraming malalakas na mga Cultivator ang nandoon sa Yao Continent at maging ang ibang Kontinente na malapit sa Hyno Continent ay halos biniyayaan ng natatangi na lubos na ikinadismaya ni Van Grego.
Ibang- iba ito kumpara sa naging kalagayan at kapalaran ng Hyno Continent na imbes na biyayaan ng kalangitan ay sinumpa pa ito dahil sa mga bagong salta noon na mga Royal Families ng Royal Clan na hindi kabilang sa mamamayan noon ng Hyno Continent.
Ito ang nagbigay ng sakit sa ulo kay Van Grego lalo pa't maraming plano ang kanyang gagawin. Iniisip niyang lahat ng mga ito para sa mga mamamayan ng Kontinenteng ito at sa magiging kalagayan at kapalaran ng mga naninirahan dito.
Bumalik lamang sa reyalidad si Van Grego ng marinig ang mga boses ng mga nagtitinda at naglalakong mga negosyante o tagabenta ng mga bagay-bagay.
Marami ang nagbebenta ng mga dambuhalang mga isda. Hindi ito mga pangkaraniwan lamang lalo pa't ang hahaba at malalaki talaga ang mga isda katulad na lamang ng Martial Milk Fish Beast na may lakas na Diamond Rank at ang Martial GunFish Beast na may lakas na Martial Warrior Realm.
Ilan lamang yan sa mga isdang nakakamanghang pagmasdan lalo pa't ang lalaki at nagmimistulang higante kumpara sa mga Cultivator na nandito. Sa sukat ng mga isda ay walang-wala kung ikukumpara sa laki ng tao.
Napakaposible ang manghuli ng mga dambuhalang mga isda sa pamamagitan ng Martial Fish Net na kayang manghuli ng kahit na anong klaseng isda depende sa kalidad ng Martial Fish Net.
Ang Martial Net ay gawa sa mga misteryosong materyales na ginagamit ng mga Forge Masters na magaling sa larangan ng forging ng kahit na anong bagay.
Kayang-kaya nilang gumawa ng mga kakaibang bagay depende sa kung ano ang kaya nila.
Maraming kayang gawing imbensiyon ang mga ito ngunit ang iba ay kulang sa kaalaman kaya't hindi nila ipinagpapatuloy ang ganitong propesyon lalo pa't nangangailan din ito ng malaking halaga katulad ng sa propesyon bilang Alchemist ngunit para maging Forge Masters ay kailangan nila ng mga kasangkapang magbubuo ng kanilang imbensiyon sa pamamagitan ng mga mamahaling mga bato at napakatibay na yamang-mineral kagaya ng metal at maging ang paggawaan na lubos na ikinanlumo ng karamihan.
Isang karangalan at biyayang maituturing ang mga ipinanganak uoang maging Forge Master lalo pa't hindi lamang bibihira ang maging Forge Master kundi maging ang karangalan at proteksiyon sa isang Forge Master ay napakahigpit lalo pa't kung sino ang kumakalaban sa mga ito ay magiging alanganin ang buhay kapag nagalit ang isang Totoong Forge Master.
Marami siyang gabundok na libro tungkol sa forging si Van Grego ngunit mas pinagtuunan niya ng pansin ang Alchemist at sa nakikitang kahusayan at kamangha-manghang bagay na ginawa ng Forging Master ay gusto niya ding subukan ito sa susunod na mga buwanlalo pa't mahigit pitong buwan na lamang ang kanyang panahon lalo na't dadating na nag labanan kaya't nais niyang magkaroon ng maraming armas at kagamitan pandigma kung tuluyan na ngang matuloy ang naglalagablab na labanan at digmaan.
Masyadong marahas ang buhay ng mundong ito lalo pa't ang kasamaa'y nakaukit na sa mata ng bawat Cultivator. Ayaw niya mang isipin ngunit niyang baguhin ang mga naging prinsipyo at batas ng kontinenteng ito maging ang ipinatupad ng batas ng kalangitan.
Biniyayaan din siya ng kalangitan na maging isang Forger. Ngunit kakaiba ang sa kanya lalo pa't lahat ng mga Forger ay may nakatayong maliit ngunit mahabang espada sa kanilang mga braso.
Ngunit mayroon ding mga tao na biniyayaan na magkaroon ng kakaibang disenyo na nagpapatunay na sila ay isa ring Forger kagaya na laman ng isang espada na hugis buwan, o kaya ay tatlong pahalang na espada at iba pa na bibihira lamang ang magkaroon nito.
Sa lagay ni Van Grego ay mayroon siyang tatak na kakaiba sa lahat na maging siya ay naguguluhan sa kanyang katauhan.
Naguguluhan si Van Grego sa nais iparating ng simbolong pag-aari niya.
Noon pa niya nalaman ng nasa labas pa siya ng Interstellar Palace ngunit hindi ito inugkat pa ng malalim. Mayroon si Van Grego ng malaking espada na parang hinahati ang kalangitan maging ang kalupaan at katubigan na tatak sa bandang kanang dibdib.
Kung Kaya't iwas na iwas din siya sa paghuhubad ng damit lalo pa't isa ito sa kanyang iniingatang sikreto ngayon.
Kapag nabunyag ito na mayroon siyang kakaibang tatak ay siguradong susugod lahat ng mga kilalang Forger na galing sa matataas at malalakas na Kontinente upang gawing disipulo ng sapilitan na magiging mitsa ng pagkapalpak ng kaniyang plano. Ayaw niyang matali sa isang sitwasyon na mahirap lutasin.
Iwinaksi niya itong lahat sa kanyang pangamba sa isipan at ipinagpatuloy ang paglalakad. Kahit na medyo dumidilim na ay nakikita niya pa rin ng maayos ang mga itinitinda ng mga negosyanteng namumuhunan.
Nakabalat na siya kanina pa lamang ng makaalis siya sa lugar na kanyang pinamalagian sa loob ng limang araw.
Samatala, may nakita siyang kakaibang bagay ngunit sa mata ng ilan ay wala itong silbi pero para sa kanya ay kapaki-pakinabang ito lalo pa sa kanyang gustong maging planong maging susunod na propesyon.
Agad na pumunta si Van Grego sa maliit na tindahan ng mga scolls. Makikita niya ng malinaw ang nakapaloob na selyo upang pigilan ang paglabas nito ng kakaibang aura.
Isang di kompleto at misteryosong scrolls na para lamang sa mga tao na biniyayaan na maging pambihirang forging. kahit isang bahagi lamang ito ng scroll ay masasabing kaya nitong magbigay kaalaman at kapangyarihan para maging isang tunay na Forging Grandmaster o kaya ay Forging Supreme.
Napakabihira ng kayamanang ito at natatabunan ang malakas na aura nito para hindi maging nakaw-atensiyon sa lahat.
Ngunit lahat ng ito ay balewala lamang lalo pa't walang takas ito sa immortal eye ni Van Grego lalo pa't isa din siyang Formation Master.
Ang scroll na nasa harapan niya ay isang kayamanan para sa lahat maging sa makakakita nito at ipagbili ito sa isang Formation Master o sa kahit na sinong biniyayaan ng Forging ay magtatamo ng kapangyarihan lalong lalo na sa kaalaman sa Forging at pagkakaroon ng mataas na posisyon sa lipunan.
Agad na hinanap niya ang may-ari ng maliit na tindahang ito. Halos di na namamalagi ang negosyanteng nagbebenta ng scrolls dito lalo pa't halos wala ng bumibili sa kaniyang binebentang mga scrolls.Halos lahat ng mga ito ay ordinaryong scrolls na lamang para sa kaniya kung Kaya't wala siya sa puwesto nito.
Maraming beses na tumawag si Van Grego sa may-ari at sa wakas ay lumabas na din ang negosyanteng namumuhunan.
Agad na sinabi ni Van Grego ang kanyang nais na bilhin ang isang scroll na kanyang hawak-hawak ngayin sa kanyang Kanang kamay.
Agad na ipinagbili ng matandang lalaki na may-ari ng tindahan sa mababang halaga na 400 Martial Money ngunit binayaran siya ni Van Grego ng dalawampong libong Martial Money na kanyang ikinaluwa ng mata.
Malaking halaga na para sa kanya at sa kanyang pamilya ang dalawampong libong piso na magpapatuloy pa niya ang pagbebenta ng mga scrolls ngunit mas bibili siya ng mga Top Quality na mga scrolls para mapaunlad niya ang kanyang negosyo .
Na-inspeksiyon ng may-ari ng mabuti ang mga scroll na kanyang binebenta at wala siyang nakikitang kakaiba kung Kaya't ibinigay niya lamang ang mga scroll sa mababang halaga.
Nakipag-deal sila sa isa't isa at sa huli ay nagpabatid ng pagpapasalamat sa binatang nagbabalat-kayo na si Van Grego ang may-ari ng maliit na tindahang ito.
Walang pagsudlan ng tuwa ang may-ari at masayang bumalik sa loob ng tindahan na planong maghahanap muli ng supplier ng mga iba't ibang klaseng scrolls upang masimulang muling magbenta ngayon ng mga Top Quality na mga Scrolls.
Lingid sa kaalaman ni Van Grego (na nasa anyo pa rin ni Mr V) ay may nagmamasid sa bawat galaw niya ito ay walang iba kung hindi ang mga tagapangasiwa ng parte ng daungan dito. Ang mga taong nasa mga daungan ay nag-iimbestiga sa mga bagong mga saltang mga tao dito at binabantayan ang galaw.
Ang mga nakita nila sa binatang lalaki ay kakaiba lalo pa't ng makita nilang malaki ang binayad ni Van Grego sa isang scroll. Plano nilang nakawin ito maging ang mga pera at kayamanang itinatago ni Van Grego.
Humahanap sila ng tiyempo upang maperahan at makuha ang mga pagmamay-ari ni Van Grego. Sa mga iniisip palang nilang masasamang planong ito ay mas lalo silang nananabik sa kayamanang makukuha nila.
Sa barko mismo nila gagawin ang pangingikil upang walang ligtas o takas ang binata a kanila.
"Patay kang binata ka sa amin mamaya, bwahahaha!!!!!!" May panalong sambit ng lider ng mga mangingikil ng daungang ito."
Walang kaalam-alam si Van Grego sa naghihintay na kapahamakan na susubok sa kanyang katatagan at sa delubyong kanyang dadanasin maya-maya lamang