Chereads / Ancestal God's Artifacts / Chapter 37 - Chapter 34

Chapter 37 - Chapter 34

Ang nasaksihang rituwal ng pagbabasbas ng kalangitan sa isang hindi pa ganap na Martial Whale Beasts ay nagpahanga sa kanya. Marami siyang nakuhang impormasyon ukol dito.

Tunay ngang mas pinagpapala ang mga Martial Beasts ng kalangitan kahit na sumusunod ang mga ito sa Law of Jungle kahit ang mga tao man ay ganun din ang paraan upang mabuhay. Tanging malakas lamang ang nagkakamit ng lahat ng mga bagay sa mundong ito pero sa lagay ng isang sa mga Martial Beasts, mas pinahahalagahan sila ng kalangitan.

Hindi man gustong isipin ito ni Van Grego pero yun talaga ang maiisip ng kung sinuman ang nakasaksi sa mga nagaganap ngayon.

Ang kaninang malakas na ulan ay ngayon ay tumila na dahil na rin sa espesyal na kaganapan ngayon.

Makikita sa ngayon ang kabaligtaran ng estado ng tao at Martial Beast. Likas na walang pag-iisip ang Martial Beast at kung naging malakas siya ay saka lamang siya kikilalanin ng langit lalo pa't wala ng limitasyon ang Cultivation ng isang Martial Beast.

Maging ang Tribulation ng mga Martial Beast ay kakaiba. Makikita sa medyo may kalaliman ang dambuhalang balyena na malapit ng mabasbasan.

Makikitang ang bawat bahagi ng balat ng Martial Whale Beasts sa katawan ay nagliliwanag. Ang tubig na nasa katawan miya ay umiikot-ikot na parang ipo-ipong gawa sa tubig. Makikita sa tubig ang iba't ibang simbolo na nakahulma gamit ang mga tubig. Isa itong misteryosong Rune.

Masyadong komplikado ito na kahit siya'y nahihirapan din. Napakahirap matutunan ang mga Runes, mula sa pinakasimple, komplikado at misteryosong Rune. Kung bihira ang magkaroon ng Alchemist at Forger, mas mahirap maging isang Runemaster. Kahanga-hangang pangyayaring ito.

Lahat ng mga ito ay nagpapasimula pa lamang ng gaganaping pagbabasbas.

Nagsimula ng magkaroon ng mas malalaking mga ipo-ipo sa paligid ng dambuhalang balyena. Maraming mga naglalakihang mga alon ang makikita ngunit hindi sa marahas na paraan. Ang mga hindi maintindihang mga Runes ay nakikita na ito ng maigi at konti lamang ang naintindihan ni Van Grego. Napakamisteryoso nito hindi katulad ng sa mga defensive Formation Arrays.

Hindi niya na muna iniisip ng malalim ang mga ito. Alam niyang ang mundo ng Martial Arts ay napakamisteryoso at puno ng hiwaga. Lahat ng bagay ay posibleng mangyari kahit ito'y sobrang imposible.

Balang araw iniisip ni Van Grego na matutuklasan niya din ang lahat ng mga sikretong nakapaloob sa mundong ito o kung may mundo pang nag-eexist liban sa mundong ito.

Nawala ang iniisip niya sa kanyang nakikita ngayon.

Makikita sa kalangitan direkta sa ibabaw ng uluhan ng isang batang balyena ang kumikinang na bagay pababa sa sa batang balyena. Nananatili itong nasa ganoong posisyon kanina ang batang balyena upang maging matagumpay ang isinasagawang rituwal ngayon.

Ibang-iba ito a iba kahit sa Tribulation. Hindi ito nagkakaroon ng marahas na pagkidlat bagkus ay isang pagpapala sa pamamagitan ng pagbabasbas.

Itinuturing itong napakaespesyal para sa mga Martial Beast. Isang karangalan ang maging isang Cultivator dahil na rin sa hindi lamang sila magkakaroon ng mga pagkakataon na tumaas ang kanilang Cultivation ng mabilis kundi ay magkakaroon sila ng kakayahang mag-anyo bilang tao. Ito ang tinatawag nilang Human Form ng mga Beasts.

Napakabihira pa ito lalo pa't napakaimposible sa katulad isang Martial Whale Beasts na maging isang Cultivator at lalo pang ikalalaglag ng panga sa mangha kung malalaman ng kalahi ng mga Martial Whale Beasts na ang batang balyena na ito ay nalampasan na ang Restrictions ng isang Martial Beasts. Isang karangalan ito sa lahi nila. Konting bilang llang ang nagiging matagumpay sa Restrictions idagdag mo pang halos lahat ng Martial Beasts ay nangangarap na maging Cultivator.

Habang iniisip ni Van Grego ang mga bagay na ito ay halos lahat ng mga nangyayari sa Ritual Blessings of Heaven ay nasa hangganan na. Kapag napagtagumpayan ito, hindi lamang magiging isang tunay na Martial Arts Cultivator ang batang balyena kundi ay magiging iaa na rin siyang ganap na Martial Whale Beast ng kanilang lahi.

Nagtapos ang isinagawang rituwal sa batang balyena o mas sabihing pinakabatang naging ganap na Martial Whale Beasts at isang pinakabatang Martial Whale Beast na naging isang ganap na Cultivator na naging matagumpay sa isinagawang rituwal na biniyayaan na magkaroon ng Human Form.

Napapansin ni Van Grego na unti-unting nawawala ang mga nagliliwanag na misteryosong bagay sa kalangitan kahit ang Immortal Eye niya ay hindi makakakita sa misteryosong bagay na mula sa itaas ng kalangitan. Hindi siya sigurado pero parang may mali. Hindi niya mapaliwanag pero isa itong masamang pangitain para sa kaniya. Parang may kumokontrol sa lahat ng ito. Hindi niya pa mismo nasisigurado maging ang pag-iimbestiga ay napakaimposible pa ring gawin.

Sa antas niya na lakas ay baka ikamatay niya pa ito. Isa lamang siyang hamak na 8-Star Martial Ancestor Realm Expert. Itinuturing lamang ang antas niya sa iba bilang pangkaraniwang Cultivator. kahit na sabihin nating talentado pa rin siya ngunit dahil sa restrictions ng Kontinente ng Hyno ay bumagal ito.

Dahil na rin siya ang nakasira sa selyo ng Hyno Continent ay bumagal rin ang naging pagpapataas niya kahit na naka-recover ang kanyang katawan ay nasa proseso pa lamang siya ng pagpapagaling.

Hindi man nasira ang kanyang dantian sa nayong pisikal ngunit ang kanyang soulfource ay lubhang nasugatan. Napakahirap pa nitong pagalingin kahit na may mha pambihing pills pa siya na inimon o kinain ay nakatulong ito kahit na maliit pero ang lubhang kailangan niya ay panahon. Panahon na tuluyang gagaling ang kaniyang soulforce.

Sa lagay niyang ito ay napakaimposibleng maging malakas siya. Makaka-recover sana si Van Grego ng mabilis kung may tulong ang kanyang Sphere lalo pa't bahagi nuya ito na lubhang magpapabilis ng kanyang antas na lakas kahit na nasa proseso pa rin siya ng pagpapagaling ng kanyang soulfource ngunit sa sitwasyon ng Sphere niya ay lubhang imposible na ito.

Mas malaki pa ito sa kanya at baka kung ipilit niya ito ay siya namang mas magdudulot ng kapahamakan o hahantong siya sa napakadelikadong sitwasyon. Yun ay ang masakit na kamatayan.

Kahit anong gawin niyang aksyon ngayon ay magdadala lamang ito ng kapahamakan niya, hindi lang mismo niya kundi ang lahat ng mga mamamayan ng Hyno Continent.

Ang kamatayan niya ay katumbas ng pagbagsak ng Hyno Continent. Sa lawak ng Hyno Continent, ang lupain na iyong ay ¼ lamang  o kaya ay mas maliit pa, hindi pa ito binibisita ng marami dahil na rin sa kinikilala itong isa sa mga isinumpang Kontinente.

Masakit man isipin iyo para kay Van Grego pero yun ang katotohanan. Ang katotohanang itinuturing ng iba na isang maliit na insekto na kayang-kayang sirain ninuman. Hindi man maisip ng ilang mga tao sa labas ngunit para sa kanila, walang kabuluhan ang Kontinente ng Hyno.

Alam na alam ni Van Grego ang layunin ng mga Opisyales at namumuno ng mga iba't ibang karatig na Kontinente ng Hyno. Nais lamang nilang gawin itong isang Sub-Continent  at malaya silang abusuhin at gamitin ang mga kayamanang natira dito.