Chereads / Ancestal God's Artifacts / Chapter 40 - Chapter 37

Chapter 40 - Chapter 37

Umatras ng napakabilis sila ni Nexus Gallo at Van Grego upang makaiwas sa maaaring maging pinsala kapag nasa malapit sila sa nagbabadyang labanan sa pagitan ng dalawang malalakas na Martial Fish Beast sa lugar na ito ng South Teritory.

Kahit na isa ring Martial Beast si Nexus Gallo ay dapat na wag na siyang makialam sa labanan ng dalawang malalakas na Martial Fish Beasts na ito lalo pa't isa na siyang ganap na Cultivator na itinuturing ng hiwalay sa kahit na sinuman sa lahi ng Martial Beasts.

Ganap na siyang Cultivator ngayon kung Kaya't ang pagiging isang miyembro ng Martial Beasts ng karagatang ito maging ang aktibidad o kaganapan dito ay hindi na sakop ng kanyang tungkulin. Naputol na ang kanyang tungkulin sa kanilang lahi na mangalaga sa karagatan. Isang masakit na katotohanan ito na alam at pangarap na ng lahat ng karamihan.

Masakit isipin para kay Nexus Gallo ang mga bagay na ito na kailanman ay wala na siyang pagpipilian.

Nangyari na ang nangyari kahit pa isa siya sa lahi na pumoprotekta sa karagatan ay dapat niya parin isipin na may mga bagay talagang hindi saklaw ng kanilang batas. Masasabing ang kanilang pamumuhay bilang Martial Beasts ay sinusunod din ang batas ng Kagubatan.

Tanging malalakas lamang ang kayang magtagumpay sa huli, walang magagawa ang mahina.

Sa kanilang nakikita na magiging labanan ngayon sa pagitan ng Martial Titanic Fish Beast at Martial Doom Fish Beast ay walang magpapatalo maging ang kanilang lakas ay halos magkapantay lamang na may antas na Martial Monarch Realm.

Makikitang hindi na mapipigilan ang magaganap na labanan lalo pa't sa galaw pa lamang ng dalawa ay siguradong magkakapira-piraso ang sinuman na tamaan ng kanilang mga natural na mga sandata katulad na lamang ng matatalas at matutulis na mga palikpik maging ang kanilang mga naglalakihang mga ngipin na sa tingin ni Van Grego ay mamamatay siya kapag nakagat siya nito.

Kahit na nasa malayong parte sila ay kitang-kita ni  Van Grego ang mga magiging kaganapan dahil sa tulong ng Immortal Eye.

Nagkaroon ng mga bagong abilidad si Nexus Gallo dahil naging ganap na siyang Cultivator katulad na lamang ng Beast Telepathy na maaaring kumausap sa kahit sino sa pamamagitan nito.

Sa tulong ng Beast Telepathy ay nagsimula ng kausapin ni Nexus Gallo si Van Grego gamit ang kaniyang isip.

"Ang iyong masasaksihan aking kaibigan ay isa ito sa tinatawag na Martial Fish Battle sa pagitan ng dalawang malalakas na Martial Fish Beasts. Asahan ming mapangwasak ang mga ito at kahit ang seguridad natin ay hindi din magiging ligtas. Hindi na din tayo pwedeng umalis sa lugar na ito sapagkat ang mga Martial Beast na nasa teritoryong ito malapit sa atin ay likas na mapagmasid at kung sinuman ang nasa teritoryong malapit sa labanan nito ay hindi pwedeng umalis at sila ang tatanggap ng mga tumalsik na mga atake na baka magdulot ng kamatayan sa kahit na sinumang tamaan nito. Nasa labanan na tayo kanina at ang pag-atras ay napakaimposible." Mahabang pahayag ni Nexus Gallo na halata sa kaniyang boses ang matinding panlulumo lalo pa't hindi ito magiging madali at maging siya ay nabitag sa madugong labanan na ito.

Narinig ni Mr. Van  ang naging pahayag ni Nexus Gallo sa kaniyang isipan ng maigi at nagulat siya lalo pa't ang kanyang narinig ay nakakagulat at nalungkot din siya sa pangyayaring ito dahil sila ang sasalo sa mga atake at hindi sila makakatakas sa magiging madugong labanan.

Ang mga malalakas na Martial Fish Beast na ito ay tinuturing na Destructive Fish Type Beasts kung saan ang lugar na ito ay magiging kalunos-lunos ang magiging kalagayan nito  dahil likas na magulo ang labanan sa Pagitan ng Martial Fish Beast lalo pa't ang laki nila ay hindi masusukat.

Wala silang magagawa lalo pa't ang pangyayari na ito ay nakalagay na sa kanilang kapalaran at magiging unang hamon nila ng magkasama. Ang tangi lamang nilang gagawin ay makaligtas sa nagbabadyang kamatayan.

"Ganon pala iyon, napakatuso naman ng mga Martial Beasts, gagawin pa tayong mga alay sa magiging labanan na ito kaya pala halos lahat ng Martial Beasts kanina ay umalis hindi man lang nagsasabi, hmmp!" Maktol ni Van Grego na nasa anyo parin ni Mr. Van na makikitaan ng pagkayamot at galit sa mga Martial Beast sa karagatan na ito.

"Paano ka nila sasabihan eh hindi ka nila nakikita kung makita ka nila ay kakainin ka nila ng diretso at maging ang pagkikipag-usap ay hindi nila kaya sapagkat hindi sila ganap na Cultivator, tanging mga Peak Martial Ancestor lamang pataas ang kayang magkaroon ng isip ngunit depende iyon sa klase ng Martial Beasts na iyong makakasalamuha. Katulad na lamang ng mga Cultivator, mayroong masama at mayroon ding mabuti ngunit mayroon ding walang pinapanigan sa dalawa o tinatawag na Neutral Beast, sila yung mga beasts na ayaw magkaroon ng anumang suliranin sa dalawa at ang kanilang tugon o tulong ay hindi basta-basta makukuha." Pagpapaliwanag ni Nexus Gallo kay Mr. Van

Nagbalik sa kanilang mga sarili sila ni Nexus Gallo at Van Grego. Parehas na itinaas ni Van Grego maging si Nexus Gallo ang kanilang depensa. Nasa Martial Whale Beast ang anyo ni  Nexus Gallo kung kaya't sa laki nito ay siguradong magkakaroon siya ng pinsala ngunit doaat niyang kayanin ito lalo pa't itinuring siya maging ang kanyang angkan sa pagiging Guardian Beast ngunit ang mga ito ay walang bisa kung mabibitag sila sa magaganap na labanan.

Isa itong kahihiyan kung hahayaan lamang siya na umalis ay isa itong kahihiyan lalo pa't itinuring silang mga Guardian Beast ay mataas na tungkulin at maituturing na karangalan kung Kaya't walang dahilan upang umatras sila sa isang labanan. Bilang isa sa mga nangangalaga sa karagatan ay maituturing na may dignidad at reputasyon silang iniingatan. Maituturing na ang pag-atras ay kaduwagan at bilang isang Guardian Beast ay tungkulin din nilang iangat ang dignidad nila.

Sa labanang ito, hindi pwedeng makialam ang kahit na sino, magiging malaking gulo ito sapagkat kapag may sumali ay siguradong sasali ang malalakas na Martial Beast na nasa paligid lamang.

Sila ang Martial Beast Council, mas malakas sila at kaya nilang magbago ng anyo. Itinuturing na pangalawa sa pinakamalakas at may Awtoridad sa karagatan na sakop nito. Ang sinumang lumabag sa batas katulad ng sa labanan ay sila mismo ang papatay sa mismong sasali. Bawat isa sa kanila ay isa ng ganap na Martial God Realm Beast. Libo-libo ang mga miyembro ng Martial Beasts Council at malalakas na kahit sino ay kinakatakutan sila. Walang magagawa ang kahit na sino sa kanila. Sa taglay nilang lakas ay kayang-kaya nilang wasakin ang isang maliit na Kontinente maging ang malaking Kontinente. Sila ay nagkalat sa ibat-ibang parte ng Karagatan ngunit hindi buong karagatan ang sakop nila kung ikukumpara sa iba ay masyadong maliit lamang na parte ang kanilang nasasakupan.

Ngayon ay may isang daan na miyembro ng Martial Beasts Council ang nandirito upang obserbahan ang magiging labanan

"Ang pangingialam sa laban ay isang kahangalan." Ito ang isa sa mga batas na ipinapatupad nila.

Samantala...

Maraming mga Iba't ibang Martial Beasts ang nabitag sa surpresang labanan na ito. Hindi lamang sila Van Grego ang nandito dahil na rin sa Immortal Eye niya ay nakikita niya ang mga Martial Beasts na may iba't ibang antas. Sa kasamaan palad ay may mga iilang mahihina at mabababang antas ang nandito at may malalakas ding Martial Beasts ngunit kung ikukumpara sa maglalabang Martial Titanic Fish Beast at Martial Doom Fish Beast ay walang wala sila dito.

Tanging ang nakikita ni Van Grego na Pinakamalakas ay ang Martial Ore Fish Beast na isang  Peak Martial Dominator Beast. Kung ikukumpara ang Martial Ore Fish Beast sa mga maglalaban ay parang langaw lamang ito para sa Martial Doom Fish Beast o kaya ay sa Martial Titanic Fish Beast. Isang Realm pa bago sila makatapak sa Martial Monarch at napakahirap nitong abutin.

Kailangan pa ng ilang daan taon o libong taon bago makatapak sa Martial Monarch Realm. Napakaimposibleng mangyari na magiging ganon na lamang kadali para sila ay makatapak agad-agad sa maikling panahon lamang idagdag mo pa ang Restrictions ng isang Martial Beasts o kaya ang isang taong naging Cultivator.

Isang pangarap na kailanman ay mananatiling pangarap lamang sa lahat ng mga tao mula pang pagkabata nila. Masakit na katotohanang kahit si Van Grego ay nangangarap din mula pa pagkabata ngunit sa mga nangyari sa buhay niya alam niyang maaabot niya din ito.

Aabutin niya ang pinakamataas o maging ang hangganan ng Cultivation. Hindi siya mananatiling mahina at kontento dahil kapag naging Cultivator ka, isinumpa mo nang magcucultivate ka at wala ng atrasan sa iyong isinumpang tatahaking daan upang maging isang malakas na Cultivator o Martial Artist sa abot ng iyong makakaya.

Nabigla na lamang sila maging si Van Grego nang umatake ang Martial Titanic Fish, gamit ang kanyang matatalas na palikpik ay mabilis siyang lumangoy paitaas upang gumawa ng pamatay na atake.

"Van Grego humanda ka sapagkat ang labanang ito ay mas madugo pa sa inaakala mo, labanan ito ng Martial Fish Beast hanggang kamatayan kung makakaligtas o magkahiwalay tayo ay magkita na lamang tayo sa Black Water Trench , diretsuhin mo na lamang patimog na bahagi upang makapunta doon. Makikita mo ang mga Martial Light Stones na kumikinang, palatandaan na malapit ka na sa bungad ng Forbidden Areas na may napakadelikadong mga patibong." Maliwanag na paalala ni Nexus Gallo kay Mr. Van dahil maging siya ay hindi sigurado sa kahihinatnan ng sitwasyong ito na pilit na humahadlang sa kanila.

"Oo, kaibigan, magkita na mang tayo doon kung sakaling nasa delikado na tayong sitwasyon ngunit siguraduhin nating makakaligtas tayo!" Sabi ni Van Grego kay Nexus Gallo na wari'y nag-uutos na isalba nila ang sarili nilang buhay. Ayaw na ayaw ni Van Grego na iligtas siya ni Nexus Gallo dahil malaki na ang naging tulong nitoa kanya.

Namuo na ang magiging pamatay na atake ng Martial Titanic Fish Beast.

"Mag-iingat tayo Van Grego, isa yang Titanic Fish Destruction Blast Technique!" Nahintatakutang sabi ni Nexus Gallo sa pamamagitan ng isip.

Tanging tango na lamang ang naging tugon ni Van Grego sa kanyang isip at na halatang kalmado pa rin na wari'y wala siya sa naiipit na labanang ito.

Mabilis na bumulusok paibaba ang Martial Titanic Fish Beast sa direksyon miismo kung saan nakapwesto ang Martial Doom Fish Beast.

Isang malaking pagsabog ang maririnig sa kailaliman ng karagatang ito. Ang kanina'y kalmado at maayos na kondisyon ng parte ng karagatang ito ay nabalot na ng mga lupa.

Kahit na napakalayo nila sa labanan ay nahagip pa rin sila ng impact dahil na rin sa dambuhalang katawan ng Martial Titanic Fish Beast. Ang ibang Martial Beasts ay tumilapon dahil na rin sa hindi kinaya ang pressure at impact ng ginawang atake kung kaya't nagtamo ang ilan ng malalaking pinsala o kaya ay maliliit lamang na sugat sa iba't ibang parte ng katawan.

Unti-unting nakita ng karamihan ang mga naging pinsala ng atake at masasabi nilang kalunos-lunos ang naging resulta. Makikita talagang may napakalalim at malapad na halos pabilog na hugis ang nagawa ng atake. Ang hindi nila inaasahan ay maliliit na sugat lamang ang natamo ng Martial Doom Fish Beast sa naging atake.

Namangha ang karamihan ngunit agad silang nahintatakutan sapagkat madaling mapikon ang mga Martial Doom Fish Beast dahil kilala ang Beast na ito sa pagiging mainitin ang ulo.

Agad na gumawa ng posisyon ang Martial Doom Fish Beast na alam ng lahat na gagawa ito ng mapaminsalang Technique.

"Iyan ang Doom Fish Shattering Bone Technique!" Sambit ni Nexus Gallo sa isipan ni Van Grego.

Mabilis na nagbago ang buto sa katawan ng Martial Doom Fish Beast. Ang mga matulis nitong mga buto ay humaba ng ilang pulgada na halos ang buong katawan nito ay nababalutan ng mga tinik.

Agad nitong pinaulanan ng mga mahahaba at matutulis na tinik sa iba't ibang direksyon ng Martial Titanic Fish Beast na maging ang nasapaligid nito ay pinaulanan nito upang masigurong mapipinsala ang Martial Titanic Fish Beast ng malubha.

Hindi mabilang na mga tinik ang lumilipad at bumubulusok sa iba't ibang direksyon sa mabibilis na paraan. Nagsitago ang mga ilan sa mga kabatuhan at ang ilan ay itinaas ng todo ang kanilang depensa ngunit karamihan ay natamaan at namatay ngunit ang ilan ay naghihingalo na dahil sa kritikal na bahagi ng katawan sila natamaan.

Iilan lamang ang nakaligtas na inaasahan naman ito ng lahat. Dahil sa batas, wala silang magagawa.

Ang tangi lamang nilang magagawa ay piliting mabuhay kahit na alam nilang maliit na tsansa lamang na mabuhay sila. Ito ang masakit na katotohanan kapag ika'y mahinang nilalang lamang. Malalakas lamang ang pwedeng magpasya kung mabubuhay ka o mamamatay ka ng tuluyan.

Mundong noon pa man malalakas lamang ang may kapangyarihang diktahan ang sariling kapalaran maging ng ibang nilalang.