Mabuti na lamang at agad silang nakapagtago ni Van Grego isang matibay na bato. Sa tulong na din ng Whale's Shield of Water ni Nexus ay nakaiwas sila sa naglalakihan at matutulis na mga tinik ng Martial Doom Fish Beast.
Hindi maiiwasan ang mapoot sa kalapastangan ng Martial Doom Fish ang lahat ng mga nabitag sa labanang ito. Halatang planado ang laban na ito. At sila ang magiging pawns ng dalawang naglalakihan at naglalalakasang Martial Monarch Beasts na ito. Lahat ng mga ito ay posible at legal.
Ginagawa nila itong aktong ito na kunwari ay labanan para may masila at makain sila na mga mahihinang Martial Beast. Papahirapan nila ito ng husto
Ito ang isa sa mga ugali na sinusunod sa batas ng kagubatan. Walang pwedeng makahadlang kung ikaw ay mahina lamang. Isang napakasakit na katotohanan para sa mga mahihinang nilalang at masayang kaganapan para sa malalakas. Wala silang magagawa, sinasabi nilang ginawa ang mahihina para lamang gawing pagkain ng malalakas, maging laruan na pwedeng bawian ng buhay kung walang silbi at gawing alipin habang nabubuhay ang mga ito.
Kahit binigyan sila ng buhay ay ginagawa lamang silang mga alipin ng sariling lupain, maging hamak na mababang uri ang tingin sa kanila. Masakit na katotohanang kahit anong gawin nila ay hindi sila kailanman magiging malakas.
Kahit si Nexus Gallo ay naiisip na ang kahihinatnan nito. Halatang planado ang lahat ng ito. Sa katunayan ay may iilang mga katulad niyang tagapangalaga ng karagatan ang nandirito na ngayon niya lamang nakita. Sa katunayan ay ang Martial Whale Beast ang itinuturing na isa sa pinakamahinang nilalang dito ayon sa mga nalaman niya ng maliit pa siya.
Ang lahi niya na isang Martial Whale Beast ay maraming restrictions maliban pa sa mga mga Martial Beast Stones na nabunot at nakolekta ni Van Grego ay may iba pang restrictions ang nakalagaysa kanya. Palaisipan pa rin ito sa lahat ng Martial Beast sa karagatan lalong lalo na sa mga Martial Whale Beast.
Halos lahat ng naging ganap na Cultivator na Martial Whale Beast ay hindi nila natagpuan maging ang iba pang mga Martial Sea Beast.
Nawala sa isang iglap ang mga iniisip ni Nexus Gallo dahil sa isa na namang malakas na atake na galing naman sa Martial Titanic Fish Beast.
"Mr. Van, isa ito sa pinakamalakas na atake ng Martial Titanic Fish Beast at ang atakeng ito ay wawasakin ang lahat ng direksiyon, ito ay ang Titanic Sword Bouncing Scale Technique!" Nahintatakutan na sabi ni Nexus Gallo dahil kahit siya ay hindi alam kung kakayanin niyang makaligtas sa mga atake nito.
Matapos niyang ipaliwanag ang Technique ay siya namang mabilis na pagsagawa ng mapangwasak na Technique ng Martial Titanic Fish Beast.
Unti-unting nagliwanag ang balat ng Martial Titanic Fish Beast. Natuklap ang mga kaliskis nito at bawat isang kalikis ay pumorma na isang espada na malaki at mahaba lamang ng kaunti kaysa sa ordinaryong espada. Kulay ginto ang espada na nagreresulta ng nakakasilaw na liwanag.
Mabilis na gumalaw ang mga gintong espada na gawa sa kaliskis ng Martial Titanic Fish Beast at lumipad ito sa iba't ibang direksiyon.
Halatang hindi tinatamaan ng Martial Titanic Fish Beast ang Martial Doom Fish Beast. Iaang aktong lahat ng mga nabitag ay nalaman na ang gustong iparating ng dalawang Martial Monarch Fish Beast na ito.
Ang mga gintong espada na lumilipad ay mabilis na bumulusok sa magulong paraan na maging ang iba ay napipinsala nito.
Ang mga malalakas na Martial Sea Beast ay naiiwasan din ang mga atake ngunit maiiwasan pa kaya nila ang susunod na atake?
Agad na nagsagawa ng atake na hindi galing sa Martial Titanic Fish Beast kundi sa Martial Doom Fish Beast?
"Mr. Van, humanda ka sa susunod na atake!" Paalala ni Nexus Gallo gamit ang isip sa anyong-binata ni Van Grego.
"Hmmm..." Tipid na sagot ni Van Grego kay Nexus Gallo.
Agad na nakiramdam si Van Grego sa paligid at nang makumpira niya ang nasagap niyang enerhiya galing sa Martial Doom Fish Beast tanda na gagawa ito ng atakeng tatapos sa kanila ni Nexus Gallo maging sa mga nabitag ng huwad na labanang ito.
Dahil sa nawili sila sa pag-iwas ng atake ay tanging sila ni Van Grego at iilan lamang ang nakaramdam ng enerhiya. Hindi naman ito ganon kadaling masagap idagdag mo pa ang malakas na atake ng Martial Titanic Fish Beast na hanggang ngayon ay patuloy parin sa pagbulusok sa iba't ibang direksyon at tumatalbog itong muli kung kaya't halos lahat ay nandoon ang kanilang mga buong atensyon na siyang magdudulot ng kamatayan nila.
"Isang combination attack ang gagawin ng dalawang tusong Martial Monarch Fish Beast na ito. Ang gagawing atake ng Martial Doom Fish Beast ay ang kanilang signature Technique at 'yun ay ang Doom Fish Gravity Pull Technique! Malinaw na pagkakasabi ni Nexus Gallo na halata sa boses ang matinding takot. Takot sa maagang pagkasawi nila.
Kahit si Van Grego ay nagulat din sa kalapastangan at pagiging tuso ng dambuhalang Martial Monarch Fish Beast na nasa harapan niya. Ito ang pinakakinaiinisan niya sa lahat.
Ang gawing laruan ang mahihina at planong diktahan ang kasamaan ng malalakas na nilalang.
Hindi sila isang manlilikha para diktahan ang kapalaran ng ibang mga nilalang na maging ang manlilikha ay hindi nila binawian ng buhay ang kahit na sinong mahihina.
Dahil sa kawalanghiyaang at hindi makatarungang ginagawa ng mga Martial Monarch Fish Beast na ito ay kumukulo ang dugo ni Van Grego sa galit.
Maya-maya lamang ay natapos ng isinagawa ng Martial Doom Fish Beast ang kanyang Technique at ibinato niya ito.
Agad na nagsipaglubog ang katawan maging ang mga paa ng lahat ng sakop ng Doom Fish Gravity Pull Technique. Liban na lamang sa dalawang malalaki at malalakas na Martial Monarch Fish Beast ay wala ng nakakagalaw pa. Tanging mga nakatungtong lamang Martial Monarch Realm ang hindi maapektuhan ng Technique na ito.
Maging si Nexus Gallo ay hindi din makagalaw at ang ibang mga Cultivator ay hindi din makakilos dulot ng Technique ng Martial Doom Fish Beast na isang ganap na Martial Monarch Fish Beast kumpara kay Nexus Gallo na isang hamak lamang na Martial Dominator Realm Expert. Ilang Star pa at realm ang dapat niyang abutin bago siya maging isang ganap na Martial Monarch Realm Expert. Isa na siyang ganap Cultivator kung Kaya't ang pagiging isang beast ay dapat niya ng kalimutan sa oras na magsagawa siya ng Cultivation.
Yun ang batas ng karagatang ito. Na kahit siya'y hindi ito mababali. Magdudulot ito ng sigalot sa oras na makialam pa siya.
Samantala...
Nagulat na lamang si Nexus Gallo sa naramdaman niyang sakit sa bandang gilid ng kanyang tiyan. Makikita ang nakatarak na gintong espada dito na ngayon ay nahaluan ng napakasaganang dugo mula sa katawan nito.
Ang kaninang naiiwasan na espada ng lahat ng mga Martial Sea Beasts na ngayon ay malaya na lamang itong lumilipad at bumubulusok sa
mga katawan ng mga ito na animo'y tinatanggap ng walang pwersahang nagaganap na nagdudulot ng malalalim na sugat sa mga Martial Sea Beasts.
Halos lahat ng mga Martial Beasts ay naghihingalo, maririnig sa iba't ibang direksyon ang mga impit na may tanda ng paghihirap at mga sakit sa bawat pagtarak ng mga espada. Kunsang natatarak at nabubunot ang mga espada sa kalunos-lunos na mga katawan ng mga Martial Sea Beasts.
Wala silang kalaban-laban sa lakas ng Technique ng Martial Doom Fish Beast at maging ng Martial Titanic Fish Beast. Isang indikasyon ang sinisisi nila, ang pagiging mahina nila hanggang ngayon.
Ngunit nabigla ang lahat sa pagkakaroon ng misteryong enerhiya ang nasasagap nila na unti-unting nararamdaman nila. Purong negatibong enerhiya na alam nilang hindi galing sa dalawang Martial Monarch Fish Beast.
Naliligo na sa sariling dugo si Nexus Gallo galing sa malalalim nitong mga sariwang sugat na animo'y gripo ang dugo ni Nexus Gallo na patuloy parin sa pag-agos palabas ng kanyang katawan. Bawat pagtarak nito ay makikitaan ng mga talsik ng dugo na ang iba ay nasasamahan pa ng sarili nitong mga laman palabas sa katawan nito. Isang masalimuot na kamatayan ang kanyang naiisip na katapusan ukol dito. Siguro nga ay dito na siya mamamatay.
Ngunit nagulat na lamang siya ng unti-unting gumagaling ang kanyang mga sugat. Kusang bumabalik sa normal ang kanyang kalagayan maging ang lakas niya ay nanumbalik sa dati.
Unti-unting naramdaman niya ang paglakas ng enerhiya na mula kay Van Grego na makikitaan ng negatibong enerhiya na bumabalot sa katawan nito. Nasa ilalim pa rinsiya ng Technique kung Kaya't hindi siya nakakagalaw ngunit ang kanyang bibig ngayin ay unti-unting bumubuka na kahit siya'y walang kontrol.
Alam niyang hindi ang Martial Titanic Fish Beast ang komokontrol dito kundi si Mr. Van, ang binatang kanyang nakilala at naging kaibigan sa maliit na panahon lamang.
Pabulusok na sana ang mga gintong espada para hagupitin ang mga naghihingalong mga Martial Sea Beasts na ang iba ay nangamatay na dahil sa hindi kinaya ang sakit ng mga atake na tumama sa kanilang katawan na nauwi sa kanilang maagang kamatayan.
Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari...
Biglang sumabog ang malakas at misteryosong enerhiya sa katawan ni Van Grego na nakipagkiskisan sa enerhiya at technique ng
dalawang Martial Monarch Fish Beasts na agad na winasak ng misteryosong enerhiya ang gintong espada maging ang Doom Fish Gravity Pull Technique ay nawalan ng bisa.
Napasuka ng dugo ang Martial Titanic Fish Beast sapagkat nawasak ang kanyang napakatibay na mga kaliskis na wala pang naitatalang nakawasak nito. Sa ngayon ay nasa alanganin na siyang sitwasyon na napakadelikado lalo pa't wala na siyang pananggalang na mauuwi sa kritikal na kalagayan niya. Tanging ang Martial Doom Fish Beast na lamang ang kanyang maasahan upang makaligtas dito. Tuso man siya ay alam niya rin ang salitang "tumakas" para sa kaligtasan niya.
Agad na umatras ang Martial Titanic Fish sa kinatatsyuan niya papunta sa Martial Doom Fish Beast upang humingi ng suporta ngunit hindi niya inaasahan ang susunod na pangyayari.
Nang makalapit na ang Martial Titanic Fish Beast sa Martial Doom Fish Beast ay agad na sinakmal siya ng Martial Doom Fish Beast sa bandang leeg. Kahit na nagpupumiglas siya ay wala siyang magagawa sapagkat malubha siyang nasugatan idagdag pang wala na siyang pangdepensa na nawasak na agad ng tuluyan.
Lumaki ang mata ng Martial Titanic Fish Beast ngunit wala siyang nagawa. Impit na sigaw lamang ang nagawa niya matapos siya malagutan ng buhay.
Mabilis na kinain ng Martial Doom Fish Beast ang bawat laman ng Martial Titanic Fish Beast na sa bawat kagat niya ay nararamdaman niya ang masaganang enerhiya na pumupuno at nagbibigay sa kanya ng ibayong lakas. Siguradong tataas ng sobra ang lakas nito maging ang rank niya sa isip-isip ng Martial Doom Fish Beast.
Kinain niya ito sa harap mismo ng lahat ng mga Martial Sea Beasts na nabitag dito. Isang akto ng pagtatraydor sa kaalyansa nito na hindi na ordinayo para sa kanila.
Sa wakas ay naubos na ng Martial Doom Fish Beast na kainin ang bawat laman ng Martial Titanic Fish Beast na walang itinira kahit buto man lang. Bawat laman ay talagang inubos.
Isang biyaya ito para sa Martial Doom Fish Beast lalo pa't ngayon pa lang siya nakakain ng Martial Monarch Fish Beast lalo pa't pahirapan ang pagpatay sa katulad niyang ranggo o mas mataas pa sa kanya.
Nagpapakita lamang na ang tuso ay palaging tuso. Walang kaibi-kaibigan sa oras ng kagipitan na magdudulot lamang ng kamatayan ang pagiging mahina.
Aalis na sana ang Martial Doom Fish Beast lalo pa't wala na siyang pakialam sa iba pa. Gusto niyang tuluyang i-refine lahat ng enerhiyang galing sa Martial Titanic Fish Beast lalo pa't napakasagana nito. Kung hindi siya nagkakamali ay kaya niya ng maging isang tunay na Martial God Beast at magiging ganap na siyang Cultivator. Pag nangyari yun ay mas makikilala siya sa buong kontinente at maging isa sa pinakamalakas na nilalang. Namuo na gahamang plano sa isip ng Martial Doom Fish Beast hindi alintana ang kanyang naaapakang iba.
Aalis ka na lang ba ng hindi nagpapasalamat? may himig ng pagka-sarkastiko ang boses ni Van Grego na nasa anyong binata na si Mr. Van.
Ang kanyang pag-alis ay nahinto sa kanyang boses na narinig. Agad niyang nilingon ito at nakita niya ang binata na may maamong mukha na may kakaibang pares ng mata na magkaiba ang kulay na berde ang isa at pula ang sa kabila ngunit agad siyang lumangoy ng mabilis. Wala na siyang dapat sayangin na oras lalo pa't gusto niya ng maging isang ganap na Cultivator.
Ang pagsasayang ng oras sa walang kwentang lalo na sa binatang nakita niya na para sa kanya ay isang basura lamang na naghahanap ng atensyon.
Isang hamak na binatang may rank na 8-Star Martial Ancestor Realm Expert ay walang kwenta ito sa kanya.
"Humanda sa kalapastangan na ginawa mo!"
Sambit ng binata sa Martial Doom Fish Beast ng bigla itong nagpakita sa harap mismo ng Martial Doom Fish Beast.
Ang binatang nakita niya kanina ay ibang-iba na sa ngayon. Ang mga mata nito ay parang nag-aapoy na kulay bughaw na lubos na ikinalaki ng mata ng Martial Doom Fish Beast.
Huli na para pagsisihan ang kanyang nagawang kabulastugan at kalapastanganan.
Nanlalaki ang mata nito sa binata na wari'y pinagsakluban ng langit at lupa.