Chereads / Ancestal God's Artifacts / Chapter 38 - Chapter 35

Chapter 38 - Chapter 35

Hindi namalayan ni Van Grego na papalapit na sa kanya ang isang pigura ng isang tao. Nagulat na lamang siya ng pumunta ang hindi niya kilalang tao na isa ring Cultivator sa kanyang harapan. Doon lamang siya naging alerto.

Ito ang isang katangian ng mga Cultivator, kagaya ni Van Grego, kahit sinong makakaramdam ng malalakas na enerhiya at aura sa isang kapwa Cultivator o anumang nilalang, agad na tinataas nila ang kanilang depensa sa maaaring maging masama at surpresang atake. Ito ang tinatawag na isang natural na instinct ng mga Cultivator. Isang biyayang ibinigay sa mga nilalang na nagsasagawa ng Cultivation.

Isang pambihirang kakayahan sa lahat ngunit kung mahina ka, kamatayan o malalim na sugat pa rin ang iyong kahihinatnan.

Agad na tiningnan ni Van Grego ang taong nasa kanyang harapan. Isa itong lalaki na walang kahit na anong sa katawan maging sa paa. Sa aura at magulong enerhiya sa katawan nito ay masasabing may nangyaring kaganapan sa kanya. Pinagisipang mabuti ito ni Van Grego lalo pa't imposible namang may nilalang na pagala-gala dito lalo't pat isang maliit na isla lamang ito sa napakalawak at mabagsik na dagat na ito. Isama mo pang may naglalakihang mga alon na rumaraga dito. May marahas na hangin ang iyong mararamdaman na nagbibigay kilabot sa lugar ngunit para kay Van Grego, isa lamang itong natural na pangyayari. Alam niyang dapat na iwaksi ang takot. Ilang beses na rin siyang nalagay sa mga napakadelikadong sitwasyon na kung saan sinubok siya kahit ang kaniyang buhay ay nasa alanganing sitwasyon. Inaasahan niya na ito o mas may malala pang sitwasyon ang mangyayari.

Kasabay ng paghampas ng rumaragasang alon at napakarahas na paghampas ng hangin ay nananatili pa rin siyang walang kibo. Maging ang taong nasa harapan niya ay nanatili ring tahimik. Sa lagay nila na magkaharap sa isat-isa ay kalmado pa rin sila.

May hinalungkat si Van Grego na bagay sa kanyang Interspatial Ring at agad niya itong ibinigay sa walang saplot na nasa anyong tao na Martial Whale Beast.

Isa itong napakagandang damit panlalaki na may komportableng tela na angkop para suotin ng balyena. Maya-maya ay nasuot na ito ng batang balyena na kasyang kasya sa kanyang pangangatawan.

Bhanggang ngayon ay may naiilang pa rin na ekspresyon sa mukha sa dalawang lalaking magkaharap ngayon.

Ilang minuto ang nakalipas ay nasira ang nakakabinging katahimikan.

"Aking kaibigan, Salamat sa iyong napakalaking tulong sa akin!" Panimulang pagkakasabi ng Martial Whale Beast na may himig ng pagpapasalamat

"Walang anuman iyon Ginoong Balyena, Hindi lamang ikaw ang nagkaroon ng benepisyo sa ginawa kong aksyon, maging ako rin ay nagbenipisyo din." Kalmadong pagkakasabi ni Van Grego na siyang naging sagot niya na may paglilinaw sa sitwasyon nila.

Agad na ipinakita ni Van Grego ang mga isa sa naglalakihang bato na nakolekta niya mula sa bunganga ng Martial Whale Beasts na noo'y isa lamang pangkaraniwang batang balyena. Agad niya ding ibinalik sa isa sa kanyang Interspatial Ring kung saan niya inilagay ang lahat ng nakuhang Martial Whale Stones.

"Ang batong iyan ay isang pahirap sa aming mga Martial Whale Beasts at walang maidudulot na maganda sa amin ang iyan, Itinuturing namin iyang sumpa lalo pa't nagdulot iyan ng walang hanggang sugat at pasa sa amin na nakaapekto sa Cultivation namin." Sagot ng Martial Whale Beast

"Dahil sa tulong mo'y ako ay nakawala sa restrictions ng aming mga lahi na naging balakid upang magtamo kami ng kalayaan na maging isang Cultivator at halos karamihan sa amin ay gustong maranasang maging tao." Dagdag na aabi ng Martial Whale Beasts na ngayon ay nasa kanyang Human Form. Hindimaitatangging masaya siya ngunit makikitaan rin ng kalungkutanang mga nito.

"Kung iyong mamarapatin, nais kong malaman kung ano ang pangalan mo at sa iyong karagdagang mga impormasyon, ginoong balyena?" Tanong ni Van Grego na may himig ng pakikiusap.

"Ako ay si Nexus Gallo, kabilang sa mga ordinaryong mamamayan ng mga Martial Whale Beasts. Isa ako sa mga nakaraang buwan lamang na mga batang balyena na dumaan sa pagsubok sa pagtuklas ng mga bagay-bagay sa karagatang ito. Maraming mga nakakatakot na mga nilalang ngunit ang aming lahi ay itinuturing na tagapagbantay ng maliit na porsyento ng karagatang iyong nakikita.

Kahit na maraming malalakas na nilalang ay hindi nila gustong banggain ang mga itinalagang tagapagbantay ng karagatang ito. Malaki ang magiging kabayaran sa magiigng kapinsalaan na ito. Itinuturing na mahahalagang mga nilalang ang mga tagapagbantay lalo pa't mas pinapaburan sila ng kalangitan. Isa parin iyong misteryoso sa amin maging sa iba, sinasabing noon pang mga sinaunang panahon ito at isa kami sa lahing naatangan ng tungkulin na ipatupad ang batas para sa lahat ng mga naninirahan sa dagat. Marami pa ring lumalabag at marami din ang sumusunod. Tungkulin lang namin na pangalagaan ang dagat ngunit ang mga natural na gawain ng mga nilalang na napakalakas maging ng mga mahihina ay hindi na namin saklaw. Masasabi mong hindi kami sobrang makapangyarihan at hindi din sobrang mahihina." Mahabang sagot at salaysay ng batang balyena na nagngangalang Nexus Gallo.

"Salamat Ginoong Nexus Gallo sa iyong mahabang sagot. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Ako si Mr. Van na mula sa Hyno Continent. Wala akong masasabing mga ekstraordinaryong mga bagay na makapagtataas sa aking sarili. Isa lamang akong hamak na Cultivator na may Cultivation na 8-star Martial Ancestor Realm, Isa akong  manlalakbay na patungo sana sa ibang Kontinente ngunit ako'y nakatagpo ng mga kaaway kung kaya't ako'y tumakas na lamang sa hindi kalakihang bangka. Hindi ko lubos maisip kung bakit ako'y nakatagpo sa isang pangyayari na kahit ako'y lubos na nagtataka at namamangha rin sa ilang oras lamang ang nakalilipas." Mahabang pagkakasabi ni Van Grego upang ipakikila ang kanyang sarili na hanggang ngayon ay nasa binatang anyo at sa mga pangyayaring hindi niya inaasahang mangyari at masaksihan.

Hindi din niya sinabi ang lahat ng impormasyong tungkol sa kaniya. Napakadelikado pa't hindi niya kilala ng lubusan ang Martial Whale Beasts na nasa anyong tao na. Hindi niya din inaasahang siya ang magiging dahilan ng pagkawala ng restriction ng batang balyena na nagdulot sa mabilis na pagtaas ng rank ng balyena na sa ngayon ay isa ng ganap na 9-Star Martial Dominator Realm na noon pang ay may lakas na Peak Martial Ancestor Realm. Napakalaki ng itinaas ng lebel nito na para sa iba ay napakaimposibleng mangyari. Isang agarang pagtaas ng rank na magdudulot ng napakalaki at masamang epekto nito sa Cultivation ng Martial Whale Beast na nasa kaniyang harapan. Hindi naman ito sobrang malala kumpara sa kanya. Isang misteryo pa rin ang kakahinatnan niya kapag nawala ang seal.

Marami mang problema ang kanyang kakaharapin ay handa siyang magbayad ng malaki kahit ang kanyang sariling buhay. Hindi din siya nagsisisi dahil kahit na hindi masira ang seal ay may magtatangkang sumakop at masasakop pa rin sa huli ang kontinente ng Hyno.

Kahit na tapos na magsalita si Van Grego ay nanatiling walang imik ang Martial Whale Beast na nasa kanyang harapan.

"Sinasabi mo bang mula ka sa isinumpang maliit na Kontinente?"sabi ng gulat na gulat na Martial Whale Beastna si Nexus Gallo

"Oo, at nais kung maglakbay ngunit natambangan ako kung kaya't pumalaot akong mag-isa lalo pa't mamamatay din ako kung magpapahuli ako sa kanila." Sagot ni Van Grego na may kasamang eksplenasyon.

"Mabuti nalang talaga at ako ang unang nakakita sayo, maraming pagala-galang malalakas na nilalang dito at napakaliit ng tsansa mong mabuhay." Sabi ni Nexus Gallo na may himig ng simpatiya kay Van Grego.

"Maraming salamat sa mga tulong mo sa akin lalo pa't nakatagpo ako ng isa sa mga lahing  tagapagbantay ng karagatan na ito na siyang teritoryo niyo." Makikita talaga ang sinseridad sa pagkakasabi ni Van Grego sa bawat salitang lumalabas sa kaniyang bibig na tanda ng pagkakaroon ng malaking utang na loob kay Nexus Gallo.

"Walang anuman iyon kaibigan, tungkulin ng mga tagapagbantay ng karagatang ito na siguraduhing walang digmaang mangyayari sa pagitan ng tao at ng mga Martial Beast. Lalo pa't iniiwasan rin  naming mangyari ang kung anumang matinding digmaan na walang maidudulot na mabuti sa kahit sino sa atin.

Tungkulin namin iyon dahil kung ano ang mangyaring kapabayaan namin sa aming mga nasasakupang teritoryo ay kalabagan iyon sa aming tungkulin na magreresulta ng matinding kaparusahan sa kalangitan at iyon ang aming iniiwasan kahit gaano pa kalakas ang mga nilalang na nandirito sa ilalim ng karagatan ay natatakot pa rin sila sa kanilang seguridad at kamatayan." Sagot ni Nexus Gallo na may seryosong ekspresyon sa maamo nitong mukha.

"Ginoong Nexus, paano ba makakaalis sa lugar na ito? Plano ko na sanang pumunta sa mga kontinente na malapit sa kontinente ng Hyno upang tumuklas ng mga lugar at mga forbidden Areas ngunit wala akong kakayahan lalo pa't aigurado akong kahit sa himpapawid ay hindi din ligtas lalo pa't nararamdaman kung mas delikado kung lilipad ako dahil sa mababang antas ng lakas ko ay imposible na makaligtas ako sa mga nilalang na lumilipad na nagtatago sa mga ulap." May pangambang pagkakasabi ni Van Grego na halatang may kasiguraduhan sa kanyang pagkakasabing mga banta sa isasagawa niyang paglipad.

"Tama ka sa iyong sinasabi Ginoing Van Grego lalo pa't sa himpapawid ay may mga malalakas na nilalang na naghihintay sa mga biktimang gusto nilang maging hapunan. Milyon-milyong mga Martial Bird Beasts ang naririyan lalo na sa mga kaulapan na grupo-grupo o isang malalaking mga batalyon na kahit sinuman ay mahihirapang makaligtas. Kung makakaligtas ka man ay isang himala na lamang lalo pa't ang halos lahat ng nilalang sa himpapawid ay may lakas na hindi bababa sa Peak Martial Ancestor kung kaya't ang paglipad ay napakaimposibleng makaligtas ka, kung malalaglag ka man ay sa karagatan ka rin babagsak at paniguradong kakainin ka din ng mga nilalang sa ilalim ng karagatan ng wlaang alinlangan." Seryosong pagkakasabi ni Nexus Gallo na may binigay na mahalagang impormasyon na nagbabala kay Van Grego kung may plano itong makipagsapalaran.

Nahintatakutan si Van Grego lalo pa't naalala niya ang kanyang karanasan sa mga Black Sparrow Birds na tatlumpo lamang ang bilang na may lakas ng Peak Martial Ancestor ngunit halos namatay na siya, ano pa kaya ang batalyon ng ibon? Siguradong pati mga buto niya sa katawan ay walang matira maging kahit na anong bahagi ng kanyang katawan Kaya't ang plano niyang ito ay bigo lalo pa't isang kalunos-lunos na kamatayan lamang ang kanyang kahihinatnan.

"Ngunit maaari kitang tulungang makaligtas at makapunta sa iba't ibang kontinente ngunit sa isang kondisyon!" Makikita ang masayang ngiti ni Nexus Gallo ngunit kinilabutan si Van Grego lalo pa't hindi niya pa ito kilalang lubusan ngunit magaan ang loob niya dito. Parang ngayon pa lamang siya may nakausap na matagal liban sa kanyang mapagmahak na ina at sa palautos niyang ama.

Pinag-isipang mabuti ito ni Van Grego lalo pa't tinatanong niya pa sa kaniyang sarili ang mga posibleng maging kondisyon pero mas lamang ang kanyang iniisip na magiging ligtas siya so wala siyang iisiping iba pa. Maganda na ito kaysa mananatili pa siya ng matagal na mag-isa sa maliit na isla na ito.

"Depende sa kondisyon mo kung kaya kong ibigay ito o ipahintulot ang iyong nais kung kayat sabihin mo sa akin ang iyong magiging kondisyon." Kalmadong pagkakasabi ni Van Grego na may himig ng paninigurado sa magiging kondisyon ni Nexus Gallo.

"Gusto kong sumama sa mga paglalakbay mo lalo pa't nag-iisa na ako ngayon. Wala akong mapupuntahan lalo pa't hindi na kabilang sa lugar at sa angkan ng mga Martial Beast ang kung sinuman sa mga miyembro nito ang nabasbasan na at ganap ng isang Cultivator. Itinuturing na isang mahalagang Martial Beast ang naging isang Cultivator lalo pa't nalampasan niya na ito. Kapag nalaman ng ibang mga lahi o angkan ng mga Martial Beast na naninirahan sa malalim na karagatang ito na ganap na akong Cultivator ay nasa alanganin na akong sitwasyon kung kayat hindi na ako nararapat na manatili sa isang lugar lamang. Wala na akong Restrictions sa kahit na anong katawan ko kung Kaya't gusto ko ding maging Cultivator. Ipinapangako kung babalik ako kapag kaya ko ng protektahan ang sarili ko at maging ang angkan ko. Yun nga lang, mag-iisip sila na namatay ako pero mas okay na yun kahit na masakit mawala'y sa mga kapatid ko at sa magulang ko maging sa buong angkan." Mahabang salaysay ni Nexus Gallo at ngayon ay hindi maikakailang makikita sa mukha nito ang matinding kalungkutan at mga negatibong mga pag-iisip lalo na sa mga maaamo nitong mga mata nap arang iiyak na.

Nang marinig ni Van Grego ang kondisyon ni Nexus Gallo ay nag-aalinlangan siya ngunit ng marinig niya ang mga salaysay niya ay hindi niya din maiiwasan na mamangha lalo pa't kagaya ni Van Grego ay may halos pareho silang layunin sa buhay lalo pa't hindi sila nagkakalayo ng sitwasyon dahil dun ay unti-unti niya na ding binbuksan ang kanyang puso at isip sa maaari niyang maging tunay na kaibigan at kasangga sa mga plano niya sa buhay maging sa mga pagsubok na kanyang kakaharapin.

"Ang sagot ko sa kondisyon mo ay Oo, isasama kita a aking paglalakbay sa mga iba't ibang lugar at sa mga kontinente. Ang kondisyon mo ay napakasimple at nakikita kong may mabuti ka ring hangarin kung kaya't sino naman ako para ika'y tanggihan?" Masayang sambit ni Van Grego lalo pa't isa itong oportunidad. May makakasama siyang isang malakas na Martial Beast. Hindi lamang iyon dahil isa rin ito sa lahi ng mga tagapagbantay ng karagatang ito. May makakasama pa siya at magiging libreng mount niya sa paglalakbay lalo na sa katubigan sa alinmang parte ng karagatang ito. Saka na lamang siya hahanap ng magiging mount sarili niyang mount.

Pangarap ng halos lahat na makasakay at magkaroon ng mount na Martial Beast at isa na doon si Van Grego.

Maya-maya pa ay naputol ang iniisip ni Van Grego.

"Sinabi mo ba kanina na gusto mong tumuklas ng mga lugar lalong- lalo na ang mga forbidden  Areas, tama ba kaibigan?" Ang pagtatanong ni Nexus Gallo kay Van Grego tungkol na narinig niya kani-kanina lamang.

Tanging tango lamang ang ibinigay na sagot ni Van Grego na masasabing sumasang-ayon siya sa tanong ni Nexus Gallo.

"Napakaswerte mo kaibigan lalo't marami akong alam na mga forbidden Areas na matatagpuan mismo sa karagatan!" May kompiyansya na pagkakasabi ni Nexus Gallo na dahilan upang makuha ang buong atensyon ni Van Grego na hanggang ngayon ay nasa anyong binata (Si Mr. Van). Wala muna siyang plano na ipaalam sa kahit na sino kung sino talaga siya.

Talaga ba? Gusto ko sanang puntahan ang isa sa makapangyarihang forbidden Areas na malapit dito sa lokasyon natin, meron ba? Tanong ni Van Grego na may pananabik sa magiging karanasan nila ngayon ngunit isinasaalang-alang niya pa rin ang mga posibilidad na mang mangyari sa loob ng Fobidden Areas.

"Oo naman, may malapit na makapangyarihang forbidden Areas dito sa lokasyon natin. Ang forbidden Areas na iyon ay tinatawag na Black water Trench. Isa iyong lagusan na ginawa ng isang hindi kilalang Cultivator maging ang ibang mga Cultivator ay hindi nakalabas ng buhay. Hindi pa nagkaroon ng successor ang namatay na Martial Arts Expert. Kung kaya't halika na ng makarating na agad tayo!" Masayang sabi ni Nexus na halata

Tumango na lamang ulit si Van Grego lalo pa't sobrang saya niya ngayon, isa namang delikadong pagsubok ang kanyang susuungin.

Lingid sa kaalaman ni Van Grego ay biglang naging bughaw ang mata niya ngunit agad din itong nawala na napansin din ito ni Nexus Gallo at nakaramdam siya ng matinding takot. Isa lamang ibig sabihin nito ay may napakalakas ng Martial Spirit Beast na nasa kay Van Grego na kahit si Nexus Gallo na isang tagapagbantay ng karagatan ay natakot dito. Hindi ito isa basta-bastang Martial Spirit Beast.

Masyadong napapambihira at napakalakas ng Martial Spirit Beast na nasa katawan ni Van Grego na tanging si Nexus Gallo lamang ang nakakaramdam ng napakalakas na enerhiya na inilabas ng Martial Spirit Beast.

Kahit na malalakas na nilalang na nakita ni Nexus Gallo noong sa ilalim ng karagatan pa lamang siya ay hindi nagbigay ng sobrang takot sa kanya pero sa kaunting enerhiyang inilalabas ng Martial Spirit Beast na nakakubli sa binatang kaharap niya ay hindi niya mapigilang halos mapaluhod na halos bumiyak sa katawan niya ng pira-piraso. Mabuti na lamang at madalian lamang dahil kung hindi ay patay na sana siya ngayon sa harapang ng binata.

Hindi lamang si Nexus Gallo ang nakaramdam ng enerhiya na galing sa misteryosong Martial Spirit Beast kahit na malalakas na mga nilalang kailalimanng karagatan na malapit sa lokasyon ni Van Grego maging sa kaitaasan ng himpapawid ay tumahimik at tanda ng pag-alis lalo pa't ang nilalang na nasa katawan ng binata ay hindi basta-basta.

Napakakaiba sa lahat. Maituturing na isang diyos na Martial Spirit Beast ayon sa kanyang pagkakaalam at hindi pwedeng kalabanin ng mga mahihinang mga nilalang dahil ayon sa kanyang kaalaman ay kayang-kaya nitong sirain kahit na anuman na mga lupain, malalawak na karagatan maging ang himpapawid at ang kalangitan. Isang Martial Spirit na walang sinusunod na batas. Ang batas ay ang salita nito. Ang salita nito'y kapangyarihan.

Nangangako si Nexus Gallo na magiging tapat siya sa binatang si Mr. Van. Hindi na siya mag-aalinlangan pa lalo't taglay ng binata ang pambihirang Martial Spirit na sa mga alamat lamang maririnig pero nasaksihan ni Nexus Gallo ang pambihirang Martial Spirit na ito na kahit na siya'y handang paglingkuran ito kahit ang kanyang buhay ay kaniyang iaalay.

"Sa wakas natagpuan na kita, Aming Pinakagalang-galang na Pinagmulan!"  Matalinhagang sabi ni Nexus sa kanyang isipan na bakas sa mukha niya ang saya, mangha at katapatang iaalay sa binatang nagtataglay ng pambihirang Martial Spirit Beast na hahatid ng mala-delubyong hagupit sa kung sinumang haharang sa dinadaan nito!