Chereads / Ancestal God's Artifacts / Chapter 39 - Chapter 36

Chapter 39 - Chapter 36

Agad na pumunta si Nexus Gallo kasama ang misteryosong binata na si Mr. Van. Hindi niya alam ngunit dahil sa konektado siya sa isang pambihirang Martial Spirit ay hindi niya din mapigilang maging masaya lalo pa't isang karangalan ang pagsilbihan ang misteryosong Martial Spirit ngunit konektado sa kanilang mga Martial Beast.

Ang isang Martial Spirit ay tinuturing na mga matataas na nilalang na inatasang maging kasangga ng isang Martial Expert.

Sa lagay ni Mr. Van ay mahina lamang ang antas niya. Nangangailangan pa ng panahon upang makapag-isa sa Martial Spirit na napakamisteryoso. Kahit sino ang tatanungin, wala pang nakatalang may nagmay-ari ng malakas na Martial Spirit na isang Martial Ancestor. Ito ang mga iniisip ni Nexus Gallo.

Kailangan niyang maging maingat, ayaw niyang magising o kaya ay galitin ang Pambihirang Martial Spirit sa katawan ng binata sapagkat iyon ang magiging katapusan niya, sa isip-isip niya.

Nagising lamang siya sa kaniyang malalim na iniisip dahil sa pagtapik sa kanya ni Mr. Van. Hindi maitatangging misteryoso pa rin sa kanya ang binata. Sumumpa na siya ng karapatan dito kung kaya't gagawin niya ang lahat upang protektahan ito at magiging kasangga niya ito sa lahat ng hamon at pagsubok mula ngayon.

Nagsimula ng magbago ang anyo ni Nexus Gallo mula sa pagiging tao pabalik muli sa kanyang totoong anyo, isang ganap na Martial Whale Beast.

Dahil sa basbas ay makikita ang napakalaking paghabago hindi lamang sa rank kung hindi pati na rin sa laki. Ang laki niya ngayon ay doble ang sukat niys kumpara noon. Ang kanyang itim na itim na balat na balyena ay unti-unti ng nagbabago na ang kulay nito ay unti-unti ng nagiging bughaw tanda na sa paglipas lamang ng taon ay makikilala at ganap na siyang isang Martial Whale Beast.

Makikita ng iba na isang ordinaryong balyena lamang siya pero ang totoo ay isa na siyang Martial Beast Cultivator at kapag naging malakas pa siya ay magiging isa na siya sa tatawaging Martial Beast Expert na ang bilis ng kanilang Cultivation bilang Martial Beasts ay mas mabilis kumpara sa kanino man kung Kaya't masasabing malalakas sila ngunit konti lamang ang alam ni Nexus Gallo na naging Martial Beast Cultivator, Konti nga ba?

Agad na ibinuka ni Nexus Gallo ang kanyang bibig lalo pa't bakas na sa mukha ni Mr. Van ang yamot at inisngunit ang mga magkaibang kulay ng mata nito mababakasan ng pagkasabik sa gagawin nilang pagpasok sa Black Water Trench na isa sa kilala na  napakadelikadong Forbidden Areas dito sa karagatan na ito na makikita sa pamamagitan ng Hyno Continent.

Ang parte ng karagatang kanilang tatahakin sa pamamagitan ng paglangoy ay nasa bandang timog na bahagi ng karagatang ito. Tinatawag din itong The Giant Fishes Land kung saan nakatira ang mga malalaking mga isda na dambuhala ang laki na hindi halos maisip ng iba.

Wala na silang sinayang na oras at agad na naglakbay.

Lumangoy ng mabilis ang Martial Whale Beast na si Nexus Gallo papunta sa nasabing isa sa Forbidden Areas na wala pang nakakapunta sa pinakadulo kung saan magkakaroon ng tsansang maging succesor.

Maraming mga Martial Beast sa karagatan ang nalampasan ni Nexus Gallo lalo pa't hindi sila magagalaw ng kahit na sino dito sa parteng karagatan ito. Ginagalang pa rin sila ng mga Martial Beast kahit na di sila kalakasan.

Sa paglalakbay nila ay hindi mapigilan ni Van Grego na mamangha lalo pa't maraming siyang nakita at natuklasan sa ilalim ng malawak na karagatan. Sa pamamagitan ng Immortal Eye at Immortal Technique ay kaya niyang malaman ang mga lebel o rank  ng mga kakaibang nilalang na kanyang nakikita na sa tulong ng immortal eye ay malaya siyang makita kahit pa nasa loob siya ng bunganga ng Martial Whale Beast na totoong anyo ni Nexus Gallo.

Ang mga nakita niya ay katulad na lamang ng mga dambuhalang mga isda na isa na rito ay ang Martial Titanic Fish Beast na sobrang laki pa kaysa sa Martial Whale Beast na may rank na Martial Monarch Realm Beast. Hindi maitatangging hindi hamak na mas malakas ito sa ilan sa mga tagapagbantay ng bahagi ng karagatang ito.

Ang Martial Titanic Fish Beast ay mayroong dambuhala at nakakatakot na panlabas na kaayuan. Maliban sa laki nito ay hindi maitatangging may likas rin itong kakaibang kaanyuan lalo na't ang kaliskis ng Martial Titanic Fish Beast ay gawa sa matibay na mga kulay pula na mga kaliskis na sinasamahan pa ng matulis nitong buntot.

May matibay na pananggalang ang kanyang mga katawan lalo na ang bandang pusod nito. May patulis itong nguso na siya ring ginagamit na harapang pang-opensa na siyang nagiging advantage nila sa laban. Hindi sila madaling matatalo ng kanilang ordinaryong kalaban.

Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nagkaroon ng naglalagablab na mga aksyon ang sumunod na pangyayari lalo pa't may hindi inaasahang bisita ang maghahamon sa Martial Titanic Fish Beast na mortal nitong kaaway ng kanilang lahi.

Nakikita ni Van Grego ng malinaw ang kakarating pa lamang na isang dambuhalang Martial Fish Beast na sa hinuha niya lalo na obserbasyon ay wala itong gawa ng masama.

Ang Martial Doom Fish Beast ay mayroong matitigas na balat at wala itong mga kaliskis. Isang scaleless Fish na makikita mong sa lagay nito ay kayang-kaya nitong pabagsakin ang Martial Titanic Fish Beast. May matitigas na  balat ito sa buong ulo nito maging sa katawan. May mga matutulis itong mga buti sa backbone nito maging ang kanyang braso at kamay ay naymga mautulis ding mga buto na sa pagkislap pa lamang masasabi mong kayang kaya ka nitong pabagsakin sa pamamagitan lamang ng mga kuko at mga buto nito.

Ang Martial Doom Fish Beast na itinuturing na hadlang sa pagiging pinuno ng bahagi ng karagatang ito. Lalo pa't walang kahit na sinong malalakas na lahi ang gustong lumaban sa dalawang mga bloodline ng dalawang dambuhalang Martial Fish Beast na ito

Nginit hindi pa natatapos sa pag-obserba ng dalawang Dambuhalang Martial Fish ay nagsimula na agad.

Agad na umatake ang Martial Doom Fish Beast sa Martial Titanic Fish Beast na nagulat sa pagdating ng bisita na itinuturing nilang kalaban lalo pa't kilala ang Martial Doom Fish Beast bilang isa sa mapangwasak na  nilalang na naninirahan sa malawak na karagatan na ito.

Ngunit dahil sa distansya ay nakapagpataas na rin ng depensa ang Martial Titanic Fish Beast ngunit nahagip pa rin siya ng malakas na atake na dahilang ng pagbundol ng Martial Titanic Fish Beast na dahilan upang magsiwasakan at nagkapira-piraso ang mga bato maging ang mga halamang dagat halimbawa na lamang na dito ay ang naglalakihang kabibe at ang mga algae maging ang seaweeds ay nadamay lalo pa't malakas ang impact na natamo ng Martial Titanic Fish Beast.

Nagkaroon din ng mga maliit na paglindol ang maliit na bahagi ng lupang kiatatyuan nila Van Grego at masabi niyang isang  malaki at madugong labanan ito lalo pa't alam niyang ang Martial Doom Fish ay kilala sa pagiging walang awa at brutal nitong pamamaraan sa ginaganap nilang digmaan.

Hindi inaasahan ni Van Grego maging si Nexus Gallo na maiipit sila sa kasalukuyang gaganaping sagupaan.

"Hindi ito isang madaling paraan para makaiwas sa labanang ito para makapunta sa Black Water Trench." Ito ang namutawi sa isipan ni Van Grego at Nexus Gallo. Tanging pagsinghap at reklamo lamang ang kanilang magagawa ngayon.