Chereads / Ancestal God's Artifacts / Chapter 35 - Chapter 32

Chapter 35 - Chapter 32

Samantala, naglalakad si Van Grego at mas dinalian niya lalo pa't malapit ng lumarga ang sakayang pandagat kung saan ito ay isang napakalaking barko na ginawa upang makapaglakbay ng maigi sa naglalakihang alon at kayang kumarga ng mga produkto maging ang mga taong sakay nito. 

"Hali na kayo, maya-maya lamang ay lalarga na ang malaking barko!" Sambit ng isang miyembro ng samahang pandagat. Halata sa suot nitong katulad ng mga Crew ng Barko.

"Hintay!"

"Andyan na kami!"

"Sa wakas lalarga na ang barko!"

"Paunahin niyo ako!"

"Padaan naman!"

"Wag nga kayong humarang sa daan!"

Yan lang ang mga ilan sa mga naririnig ni Van Grego mula sa mga bunganga ng mga tao. Nagmistulang sabungan ng manok ang mga tao hindi lamang sa malalakas nilang sigaw at hinaing kundi sa maladelubyong pagsisiksikan na animo'y di makakasakay ng malaking barkong ito.

Sa pagkilatis ni Van Grego sa mga pasaherong ito ay halos karamihan ay mga negosyante at halps naririto ay noon pa alam ang patakaran ng barko lalo pa't parsng kilala na nila sa mukha ang kanilang sinasabihan.

Hinayaan nalang muna ni Van Grego na makasakay ang lahat.

Di rin nagtagal ay naging maayos na rin ang pagsakay sa pasahero lalo pa't halos ay nakasakay na. Napakalawak ng espasyo ng malaking barkong ito lulan ng mga produkto at maging ang mga taong sumakay dito.

Humanap si Van Grego ng maayos at komportableng pwesto sa loob ng barko at nakita niya ang isang bakanteng silya gawa sa matibay at matigas na kahoy.

Lahat na ng pasahero ay nakasakay na sa barko maging ang mga produktong gagawing kalakal ay maayos na nilagay lahat sa barko kung kaya't agad na rin nagsimulang umandar ang barko mula sa mahina ay pabilis na din ng pabilis ang pag-andar na siyang humahati sa naglalakihang mga alon.

Halos kalahati lamang ng espasyo ng barko ang napuno. Halata namang hindi siksikan dito. Maraming nakikita si Van Grego na nag-uusap patungkol sa negosyo, sa mga babae, sa alak at iba pa na agad niyang ipinagkibit balikat.

Ngunit nang siya'y magpapahinga na sana ay siya namang pagdating ng mga taong nagmamanman sa kanya kani-kanina lamang. May pitong katao ito at halatang sa gitna ang lider ng grupong ito.

Sa mukha pa lamang ay mahahalata na wala itong gagawing mabuti lalo't kitang-kita ang ekspresyon sa mukha nito ang nakabusangot na mukha at napakasiga na halata sa mga kilos  sa bawat isa sa pitong taong may masamang plano sa kaniya.

Naging kalmado pa rin ang ekspresyon ni Van Grego lalo pa't ayaw niyang gumawa ng kahit na anong ikakapahamak niya.

Mabilis na nakarating ang pitong taong ito at may kuno't noo.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, ibigay mo sa amin ang iyong mga kayamanang dala ng hindi na tayo magkaproblema pa!" May pagkahambog na pagkasabi nito na halatang may banta sa bawat salita nito.

"Wala akong kayamanang dala-dala na aking pangangalaga tanging sapat na pera lamang ang aking dala." Mahinahong pagkakasabi nito na walang bahid ng takot sa kanyang pagkakasabi.

"Sinungaling!, Alam kong may binili ka na scroll kani-kanina lamang, ibigay mo na lamang sa amin iyon!" sambit ng lider na may halong utos.

"Isang scroll lamang iyon na ipinag-utos ng aking Master upang ibigay sa kanya, ang inyong iminumungkahi ay lubhang aking tututulan lalo pa't mahalag iyon sa kanya." Mahinahon pa rin ang pagkakasabi ni Van Grego na halatang nagtitimpi na sa kakulitan ng grupong ito.

"Ang dami mong satsat, kapkapan niyo na yan at ubusin ang lahat ng makikita niyong mga bagay na itinatago niya lalo na ang mga singsing sa kamay niya, siguradong malaki ang halaga niyan!" sambit ng lider sa kanyang mga kasamahan na plano ng kikilan si Van Grego sa marahas na paraan.

Napasinghap na lamang ang iba at lubos na naaawa sa bintang nasa harapan nila halatang wala itong laban sa pitong armadong taong ito. Hindi na nila nais makialam sa bagay na ito lalo pa't ayaw nilang madamay sa gulong ito.

Tanging magagawa lamang nila ay manood at makisimpatiya na lamang. Ganito ang kalakaran dito, kilala na ang mga grupo sa kanilang madudungis na gawa at walang nakakligtas sa kanilang mga kamay lalo na sa kanilang gustong makuha lalo na pagdating sa pagmamay-ari at kayamanang itinatago ng pasahero na nakuha ang atensyon nila.

Bago pa man makalapit ang isa sa pitong miyembro ng mga nangingikil ay agad na ginamitan niya ito ng Technique. Ito ay ang One Million Steps Technique.

Nagkaroon ng mga after-images at hindi ito masundan o matamaan ng isang papasugod na mangingikil sana kay Van Grego.

Dahil sa nangyari ay sumugod ang lahat ng mga miyembro nila liban na lamang sa lider nila, isa itong pagpapahiya lalo pa't naturingan silang mangingikil ngunit hindi nila madakip-dakip ang estrangherong binata.

Parehas lamang ang nangyari sa naunang miyembro. Pinaglalaruan pa sila ng mga after-images na nakikita nila. Masyadong mabilis kung kaya't wala silang natatamaan, tanging hangin lamang ang nasusuntok nila maging ang kanilang mga Technique ay walang nagawa upang hulihin ang binata.

Dahil sa nangyayaring ito ay gusto ng tapusin ni Van Grego ang mga mangingikil na ito. Binigyan niya ang bawat miyembro ng isang malalakas na suntok.

Ang suntok sa bawat isa ay nagsilbing finishing blow lalo na't ng masuntok sila ay napasuka sila ng maraming dugo. Liban pa doon ay napinsala din ng malaki ang kanilang lamang-loob dahil sa halos mabiyak ang kanilang tiyan sa dalawa. Kaya't ng tamaan sila ay halos lumuwa ang kanilang mga mata hindi dahil sa suntok kung hindi sa malabakal nitong tigas at lakas.

Hindi iyon tinodo ni Van Grego ang mga suntok dahil baka ikamatay pa ng mga Cultivator na mga miyembro ng mga mangingikil.

Tanging natitira na lamang ay ang lider ng mga mangingikil at sa nasaksihan nito ay hindi niya ito makakysng mag-isa. Hindi niya sukat akalain na malakas pala ang estrangherong binata na nasa kanysng harapan.

Agad siyang kumaripas ng takbo upang tumakas kundi ay upang humanap ng mga reresbak sa naging kalagayan ng kagrupo niya.

Hindi hahayaang hindi  siya makapaghiganti sa sinapit ng kanyang mga tauhan.

"Lintik lamang ang walang ganti!" Sambit ng Lider ng grupo ng mga mangingikil habang tumatakbo papunta sa direksyon na hihingan niya ng tulong para sa resbak.

Samantala, napahanga ang mga nakasaksi at nakapanood ng pangyayaring ito. Ngayon lang may lumaban sa grupo ng mga sigang mangingikil at napataob pa mismo ang kagrupo nito.

"Ang galing mo!" Sambit ng lalaking Cultivator na halatang di gaanong malakas lalo pa sa napakahina nitong Cultivation.

"Isa kang malakas na nagpapanggap na mahina!" Sambit ng may katabaang lalaki na nabiktima noong nakaraang araw.

"Sa wakas ay may tumuro ng leksiyon s kanila!" Sambit ng isang negosyanteng nakutungan noon.

"Buti nga sa mga mangingikil na 'to!" Sambit ng isang ginang habang pinagsisipa ang mga nambitikma sa kanya.

"Ibalik niyo ang mga kinuha niyo na gamit at pera sa akin!" Sabi ng isang buto't balat na binatang lalaki habang pinaghahampas ang mga mangingikil.

Halos hindi na nakilala ang mga itsura ng mga miyembro ng mga mangingikil lalo pa't kinuyog sila ng halos lahat ng mga taong nabiktima nila noon.

Isang napakasakit at kalunos-lunos ang nangyari sa mga ito.

Nawala sa eksena si Van Grego na nasa binatang anyo.

Maya-maya pa ay may naramdaman si Van Grego ng malalakas na presenya. Hindi lamang isa o dalawa kundi napakarami. Nakikita niya ng malinaw sa di kalayuan ang mga Cultivator na kasama ang lider na tumakas kani-kanina lamang.

Napahampas na lamang si Van Grego ng kanyang noo dahil na rin sa alam niyang nasa malaki siyang problema ngayon.

Ayaw niyang mag- iba ng anyo lalo pa't sa napakaliit ng mga taong sakay nito ay mahahanap pa rin siya o kaya ay mabunyag ang mga sikreto niya. Tanging magagawa niya ay tumakas.

Agad siyang nag-isip ng paraan at mabuti na lamang at may naisip siya na makakatulong sa kanya.

Agad siyang pumunta sa kanang direksyon kung saan makikita ang mga bangka na ginagamit sa mga emergency lamang na pagkakataon.

Nasa malayo pa ang kalaban na papasok sa kaliwang direksyon kung Kaya't wala na siyang sinayang na oras at agad-agad na pumunta at pumasok sa kanang direksyon ng hindi gumagawa ng ano mang ingay sa nagkakagulo pa ring mga tao na patuloy sa pangunguyog.

Wala na si Van Grego sa malaking espasyo kung saan dito namamalagi ang mga pasahero.

Ngayon ay dumating na ang limampong katao na hiningan ng tulong ng lider ng mangingikil. Agad na natahimik at bumalik sa puwesto ang mga sumali sa nasabing pagkuyog. Umayos sila ng pwesto at ikinalma ang kanilsng sarili lalo na sng kani-kanilang emosyon. Naging sapat na rin ang mga pambubugbog upang makaganti sa kinikil sa kanila.

Agad na tinulungang buhatin ang anim na lubhang sugatang mga miyembro ng mangingikil ng mga tauhan ng hinigan ng tulong ng lider.

Nalaman nilang wala na ang binatang kaninang nambugbog sa grupo ng mangingikil na

Hinalughog nila ng mabilis  ang mga lugar sa malaking barkong ito na pwedeng pagtaguan at puntahan ng estrangherong binata ngunit hindi nila mahanap ito. Tanging ang sakayan ng mga bangka na lamang ang hindi nila napuntahan at nahalughog.

Agad silang pumunta sa lugar para lamang sa mga Emergency na mga sitwasyon.

Nakita nila sa di kalayuan ang may di kalakihang bangka na ginagit ng binata sa pagtakas. Mabilis ang usad ng pagsagwan ng bangka kung kaya't mabilis din ang pag-abante at pagkakaroon ng malayong distansya sa barko.

Yung nga lang ay sa kamalas-malasan ay may maulang panahon ngayon. Hindi nagtagal ay lumakas ang ulan at paglakas ng sobra ng hangin tanda na may kalamidad na magyayari.

Ang mga nakakita ng mga pangyayari lalo na ang mga pasahero ay lubos na naaawa sa kahindik- hindik na sasapitin ng estrangherong binata na nagpabilib sa kanila kani-kanina lamang ngunit nalalapit na lamang sa kalunos-lunos na kamatayan.

Hindi alam ni Van Grego kung saan na siya papunta. Halos hindi na din makita ang kanyang nasa harapan, tanging walang hanggang tubig na lamang ang kanyang nakikita lalo pa't nasa kalagitnaan siya ng karagatan at halos papalayo na ang distansya ng malaking barko sa kanya.

Habang papatagal ang oras ng niya ay papakapal at papalakas ang mga ulan samahan ng naglalakasang hangin. Hindi alam ni Van Grego ang kanyang gagawin o kung saan siya paroroon.

Kung hindi siya aalis sa malaking barko na iyon ay huhulihin at papahirapan siya ng mga mababagsik na mga tao lalo na ang mga mangingikil saka papatayin. Mas mainam na ito sa kanya kaysa sa maagang pagkamatay sa kamay ng mga Cultivator.

Ilang oras ng walang hanggang pagsagwan ay huminto si Van Grego ng Kaunti. Naglalakihang mga alon ang kanyang nakikita.

Gabi na rin ngunit nakikita niya pa rin ng maayos ang lahat mg kaganapan sa kanyang paligid lalo na ang mga dambuhalang mga alon sa pamamagitan ng kanyang immortal eye.

Halos makailang beses na rin muntikang mataob ang maliit na bangka.

Ngunit ng lumao'y nahihirapan na si Van Grego sa pag-iwas ng mga mababagsik na alon.

Naiwasan niyam niya ang malaking alon na paparating ngunit may paparating ulit na napakalaking alon na wala siyang takas kung tatamaan siya.

Ngunit bago pa siya tamaan ay may isang dambuhalang halimaw nagpakita mula sa kung saan ang mabilis na kinain ang maliit na barko na sakay nito na si Van Grego na may naglalakihang mga mata bago tuluyang lamuning lamunin ito at walang itinirang anong bakas sa pinagyarihang ito.

Tanging dagat lamang at ang mga alon ang naging saksi sa kalunos-lunos na sinapit ni Van Grego sa kamay ng dambuhalang halimaw.