Chereads / Ancestal God's Artifacts / Chapter 36 - Chapter 33

Chapter 36 - Chapter 33

Sa oras ng paghigop ng bangka ay naisama ang katawan ni Van Grego. Hindi siya kinain ng halimaw bagkos ay ang bangka ang puntirya nito.

Nagkapira-piraso ang bangka dahil na rin sa impact na nangyari paglamon. Kaunting sugat lamang ang kanyang natamo at gumaling na ito ng uminom siya ng Advance Quality Martial  Healing Pills.

Nasa loob na siya ng bunganga ng halimaw. Sa pagkakaalam niya ay isa itong Martial Baby Whale Beast na may lakas na katumbas ng 2-star Martial Dominator Realm. Hindi ito sobrang malakas lalo pa't batang balyena ito.

Malaki ang katawan ng Baby Whale Beast ngunit kung ikukumpara ito sa totoong mga Martial Whale Beast ay walang binatbat ang batang balyenang ito sa napakalaking katawan ng mga ganap ng Martial Whale Beasts.

Ang mga matatandang mga balyena ay may kabuuang lakas ng isang Martial Precognitor Realm o mataas pa. May sariling paraan ang mga nilalang na mg Martial Beast upang palakasin din ang kanilang antas na lakas at laki.

May naging konklusiyon na siya kung bakit lumalaki at lumalakas ng husto mga Martial Beast sa dagat at iyon ay ang pagkakaroon ng mga Cultivation Resources o kaya ay may masaganang Martial Qi ang karagatang ito.

Agad niyang sinubukang magcultivate sa loob ng bunganga ng Martial Baby Whale Beast na siyang naging lokasyon niya ngayon.

Itinuon ni Van Grego ang kanyang divine sense sa karagatan. Nalaman niyang yaman nga sa Martial Qi ang lugar na ito lalo pa't madami at napakasagana ng mga Martial Qi.

Nagcultivate muna siya upang mawala ang mga pagod sa kanyang katawan. Hindi na niya kailangan pang kumain ngunit nakakaramdam pa rin siya ng pagod. Tanging paghigop ng Martial Qi na lamang ang pwede niyang magawa lal pa't napakaepektibo ng pamamaraang ito upang malunasan ang pagod o kaya ay ang pagrefine ng mga Cultivation Resources.

Anim na oras ang tantiya ni Van Grego matapos siyang magcultivate at plano niyang maghalughog o humanap ng kayamanan sa bunganga ng batang balyena.

Inilibot ni Van Grego ang kanyang mata. Kung sinuman ang makakakita sa loob ng bhnganga ng isang balyena ay matatakot din. Ngunit si Van Grego ay may kalmadong ekspresyon.

Nakikita ni Van Grego ang naglalakihang mga ngipin ng batang balyena samahan pa ng mga seaweed at kung ano pang mga halaman ang kumakapit sa,ngipin nito. May mga traparent na likido na pumapatak sa itaas na parte ng bunganga ng batang balyena na sa tantsa niys ay mga  laway ng nilalang na ito.

Habang papasok si Van Grego sa mas malayong parte ng batang balyena ay mas nababasa tanda na nas malapit na siya sa hangganang bahagi ng bunganga. Ang mismong tinatapakan ni Van Grego ay ang mismong dila ng batang Martial Whale Beasts na isang Water -Type Martial Beast.

Habang papalapit ng papalapit si Van Grego sa loob ng mismong hangganan ay lumiliwanag. Dahil sa kuryusidad ay pinagpatuloy niya pa rin sng kanyang paglalakad. Nang makita niya ang kung anong lumiliwanag kani-kanina lamang ay siya namang panlalaki ng kanyang mata.

Hindi lamang isa, dalawa o tatlo kundi ay hindi mabilang na mga kumikinang at may iba't ibang sukat. Ito ang kayamanang itinatago ng mga balyena.

Ito ay ang Martial Whale Stones na may malaking maitutulong sa mga Cultivator kapag na-refine ito.

Sa lagay naman ng mga Martial Whale Beasts, ang pagkakaroon ng Martial Whale Stones ay balakid sa agarang pagpapataas ng kanilang ma lebel. Maraming nalaman si Van Grego sa libro kung Kaya't ipinagpapasalamat niya ang mga ito.

Maya-maya lamang ay binunot niya ang isa sa mga nakabaong Martial Whale Stones. Nagkaroon ng pag-iba ng kilos ang batamg balyena tanda na may masakit itong nararamdaman. Hindi muna ito kumikilos bagkus nagcucultivate muna pansamantala.

Agad namang pinsgaling ni Van Grego ang bago lamang na sugat maging ang ilang mga parteng nasugatan noon na isa ng karaniwang problemang kinakaharap ng mga Martial Whale Beasts kung kaya't nagsisilbi itong restriction sa lahat ng balyena dahil sa nakakabit na mismo sa kanilang bunganga ang Martial Whale Stones kung Kaya't sa oras na matanggal ang isang mga bato na nakakabit sa mga ito ay nakakramdam sila ng mga ibayong sakit at pagod ngunit dahil sa tulong ni Van Grego ay hindi nagkaroon ng problema sa pagtanggal lalo pa't kumakalma na agad ang Balyena.

Hindi lang maiiwasang umuga lalo pa't napakasakit matanggalan nito lalo pa't halata naman kapag natanggal ay mga sumisirit na mga dugo maging ang laman ng balyena ay natutuklap na nagbunga ng napakasakit na nararamdaman ngunit nawawala din kaagad ito dahil sa tulong na ibinibigay ni Van Grego.

Malapit na din itong  tumuntong at maging isang ganap na Martial Whale Beast.

Noong nakaraang mga buwan pa nagsimulang maglakbay ang mga Martial Whale Beasts na malapit ng maging ganap na Martial Whale Beasts. Ito ay isang pagsubok kung saan kailangan na nilang mapag-isa at humanap ng kanilang kapalaran.

Ito ay napakasakit lalo na sa mga batang balyena ngunit ito ay isang batas ng mga Martial Beast. Kailangan nilang mabuhay mag-isa. Ang nawalay sa kanilang mga sariling magulang pagkatungtong nila sa eksaktong gulang ng pagbibinata o pagdadalaga kagaya ng tao.

Alam na alam din Van Grego ito kung Kaya't masasabi niyang napakalupit ng mundo ng Martial Arts pero dito ay kaya ming makipagsalaran mabuhay at matutong maging malakas. Dito sa mundong ito ay makakapili ka ng sarili mong desisyon at kapalaran ng iba na nasa kamay mo ngunit sa lagay ni Van Grego ay hindi pa ito sapat.

Iwinaksi ni Van Grego ang kanyang iniisip at itinuon ang atensiyon niya sa batang balyena.

Ilang oras din ang lumipas na ginugol ni Van Grego at ngayon ay naubos niya ng ihiwalay mga Martial Whale Stones sa laman ng batang balyena. Napagaling na rin Van Grego ang mga malalalim na sugat nito.

Nakuha at itinago na din ni Van Grego ang mga Martial Whale Stones para gamitin sa hinaharap. Inilagay niya itong mabuti sa isa sa kanyang Interspatial Ring.

Agad na nakaramdam ng kakaiba ang batang balyena. Dahil sa wala ng Restrictions sa kanyang Cultivation, oras na para sa malaking pagbabagong magaganap sa kanya.

Ang maging ganap na Martial Beast Cultivator. Magiging isang ganap na Cultivator sila na kayang magcultivate ng mabilis kaysa sa ordinaryong Cultivator pero magiging katumbas nila ang mga henyo na tao.

Maya-maya lamang ay babasbasan siyan kalangitan upang maging ganap na Cultivator kung kaya't mabilis siyang pumunta sa isang maliit na isla uoang doon ay magpalit ng anyo para sa isasagawang ritwal ng pagbabasbas na kakaiba kumpara sa mga tao.

Mabilis na nakarating sa maliit na isla ang batang balyena.Nagulat na lamang  si Van Grego sa kinikilos ng batang balyena.

Mas ikinagulat ni Van Grego ang pagkapuno ng bibig ng batang balyena at nagkaroon ng whirlpool na tubig na may napakabilis ng pag-ikot huli na para maalarma si Van Grego.

Mabilis siyang nalamon ng tubig at mas ikinagulat niya ang paglabas niya sa bunganga ng Balyena sa pamamagitan ng ilong nito. Tunay ngang dambuhalang nilalang ang balyena.

Unti-unti na rin lumangoy si Van Grego papalayo sa batang balyena at tumuntong siya  sa ibabaw ng lupa ng maliit na isla.

Nakikita niya ngayon ang kakaibang nangyayari sa batang balyena.

Nabasa niya ang pagbabasbas ng mga Martial Beast ngunit ngayon pa lamang siya nakasaksi nito. Halatang namamangha pa rin siya lalo pa't isa itong karangalan lalo pa't bilang lang ang nakakasaksi ng pagbabasbas ng kalangitan.

Tunay na kakaiba sa lahat.