Chereads / Ancestal God's Artifacts / Chapter 33 - Chapter 30

Chapter 33 - Chapter 30

Mabilis na bumulusok si Van Grego na makikita mo ang kanyang kalunos- lunos na sinapit ng makatagpo ang isa sa mababagsik na mga Black Sparrow Birds na walang awa siyang pinagtutulungan upang sana'y patayin at kainin ngunit nahuli sila.

Ito'y isang napakakakaibang pangyayari lalo pa't bihira lamang ang mangyaring may makaligtas sa kanilang estratehiya sa pagpapahirap sa biktima at sa huli ay hindi nila makakain.

Sa katangiang taglay ng mabagsik na mga halimaw na ibong ito ay napakaswerte ni Van Grego lalo pa't nakaligtas siya sa bingit ng kamatayan.

Kahit na hinang-hina na si Van Grego at hindi na niya maramdaman ang kanyang katawan  ay marami pa rin siyang naiisip ukol sa kalagayan niya ngayon at sa hinaharap.

Ang mga ito ay kung makakatakas nga ba siya sa kamatayang humahabol sa kanya ?

O magtatagumpay na rin ang mga pagsubok at mga humahadlang sa kanya upang maging matagumpay sa huli?

Katawan niya na mismo ang sumuko at patuloy na ring nawawalan ng pag-asa ang kanyang puso at diwa.

Kahit pilitin niya mang gumalaw at kuhanin ang kanyang tinatagong mga pambihirang Advance Pills ay hindi niya ito makukuha.

Unti-unti na siyang nawawalan ng malay-tao at kahit pagluha ay hindi niya magawa kahit nagsusumigaw siya sa inis at hinagpis.

Hanggang sa dumilim ang kanyang paningin baon ang walang hanggang paghihinagpis at kasawiang kanyang natamo.

Nagkaroon ng malaking pagsabog at may mahinang pagalaw ng lupa.

Kahit na pinoprotektahan pa siya ng kanyang tatlong pares ng pakpak ay nagtamo pa rin siya ng matinding pinsala.

Kahit sino ay talagang maaawa lalo na sa kalunos-lunos lunis na sinapit ng batang ito.

May mga malalaking hiwa ng mga malalalim na sugat ang makikita sa iba't ibang parte ng katawan dulot ng malalaki at matatalim na mga kuko ng Black Sparrow Birds.

Hindi man nakikita ng ilan ngunit ang nasa likod na bahagi ng katawan ni Van Grego ang mas kritikal ang lagay lalo pa't ito ang mas pinuntirya ng Black Sparrow Birds at pang-lalansi lamang ang umaatake sa harapan ng katawan ni Van Grego.

Isang patunay na mapanlinlang ang mga Black Sparrow Birds at mas gustong tapusin ang kanilang mga magiging pagkain sa pamamagitan ng pagpapahirap muna upang sila ay ganahan.

Kung isa lamang o  sampo ay kayang tapatan at patayin ni Van Grego kahit na 8-Star Martial Ancestor Realm pa lamang ang kanyang Cultivation na may lakas na kayang tapatan ang 2-Star Martial Dominator Realm Experts.

Ngunit sa dami ng kalabang may tatlumpo ang bilang ay siguradong nasa alanganin siyang sitwasyon patunay na minsan hindi sa lakas lamang ang palaging nananalo sa labanan kundi ay sa dami ng bilang.

Samantala...

Walang malay pa rin si Van Grego sa kaniyang pinagbagsakan. Wala pa rin itong malay at malapit ng bawian ng buhay.

Ngunit may hindi inaasahang mangyayari na naging napakalaking pabor sa buhay ni Van Grego na isang biyayang mabigyan ng tsansang mabuhay muli.

Unti-unti nabalutan ang buong katawan ni Van Grego ng napakaliwanag na magkahalong asul at puting ilaw.

Ang liwanag na bumalot sa katawan ni Van Grego ay ang enerhiya na kayang pagalingin ang kanyang mga malalalim na sugat at mga pasa.

Kahit ganoon ay nanatiling nakapikit at walang malay ang binata tandang nasaid lahat ng enerhiyang taglay nito maging ang pagod at hirap na dinanas nito.

Walang kahit na anong peklat o alinmang bakas ang makikita sa alinmang bahagi o parte ng katawan ni Van Grego patunay na malakas ang enerhiyang taglay ng misteryosong enerhiya.

Unti-unti na ring nawawala ang misteryosong ilaw at biglang may lumabas na nilalang na kulay puti at bughaw sa dantian ni Van Grego at napakalaki nito na may anyong tao ngunit may patulis itong tenga.

Ito ay walang iba kung hindi ang Misteryosong Martial Spirit na may napakalungkot na ekspresyon tanda ng may napakamahabaging tingin sa binata.

Dahil sa mga ipinamalas na kamangha-manghang katangian ng binata at sa napakabuti at puro nitong puso ay napukaw ng maaga ang natutulog pang Martial Spirit na ito na ngayon ay gising na.

Isa itong Misteryosong Martial Spirit. Tanging ang karapat-dapat lamang na mga tao na may taglay ng napakapambihirang katangian at kalakasan ang kayang magpaamo at mapasunod ito.

Isa itong may buhay na Martial Spirit at hindi basta- basta mamamatay. Isa ito sa  napakapambihira at napakamisteryosong Martial Spirit. Hindi pa rin tukoy ang pinagmulan nito.

Hindi man ito itinuturing na pinakamalakas sa buong Martial Worlds pero sa maliit na kontinenteng ito o maging sa karatig na mga malalaking Kontinente ay maituturing itong napakalaking kayamanan. Hindi din ito matutumbasan ng kahit na anong yaman.

Nakalipas na ang isang araw at patuloy pa rin itong nagbabantay upang hintayin ang paggising ng kanyang amo, ang kanyang magiging kasangga sa anumang laban.

Kapag tuluyan na silang makapag-isa ng batang nasa harapan niya ay mawawala na ang kanyang kamalayan na makakalabas-masok sa katawan ng batang ito katulad ngayon.

Mananatili siyang iisa sa kanyang magiging amo hanggang sa huling hininga nito.

Magigising lamang ang kanyang diwa kung may gustong manghimasok sa kanya katulad na lamang ng mga Martial Spirit na gusto siyang saktan o pahirapan.

Ito ay hindi alam ni Van Grego at ipapaalam niya rin ito sa hinaharap. Lalo pa't kailangan niya subukin pa lalo ang katatagan at kung anong pambihirang bagay ang tinataglay ng binatang ito lalo pa't tanging ang Immortal Eye lamang ang nagpasunod sa kanya kung Kaya't hindi pa rin kumbinsido ang misteryosong Martial Spirit na ito.

Agad ding umiba ang timpla ng ekspresyon na makikita sa mukha ng misteryosong Martial Spirit na ito lalo pa't noong nakaraang mga oras lamang ay nasiyahan siya pero ng inisip niya ang pangyayari ay hindi pa rin siya naging kumbinsido lalo pa't napakahina pa ng batang kanyang pagsisilbihan.

Napasimangot na lamang siya dahil sa parang nadala siya ng kanyang emosyon pero natabunan na ito lalo pa't hindi niya pa rin nakikita ang kung anumang espesyal sa batang ito.

Sa mahabang oras ng paghihintay ng Misteryosong Martial Spirit ay sa wakas ay unti- unti ng nagkamalay ito.

Unti-unting minulat ni Van Grego ang kanyang nagagandahang pula at berdeng mga mata na noo'y isang lamang mga napakaitim na mga pares ng mata.

Nagulat siya sa kanyang nakita lalo pa't nasa kanyang harapan ngayon ang kanyang Misteryosong Martial Spirit.

Sinong hindi magugulat?

Napakabihira nito lalo pa't kailan pa may nabalitang o impormasyon na may isang Martial Spirit na kayang lumabas at pumasok sa dantian ng isang Cultivator?

Napakaimposibleng mangyari iyon. Napaka- imposible na nga kay Van Grego na masaksihan itong pumasok lamang basta-basta ang Misteryosong Martial Spirit na ito ngunit ang lumabas at makawala sa isa sa kanyang Martial Roots ay napakaimposible pa rin sa kanya ang pangyayaring ito. Kahit sino naman ay lubos na magugulat sa pangyayaring ito lalo pa't napakaimposibleng mangyari ito.

Matapos na maisip ang mga bagay-bagay na nangyari sa kanya noon ay napakaimposible ring mangyari sa iba at masaksihan ito ulit ay agad na rin siyang nakabalik na may kalmadong ekspresyon.

Hindi na niya ito ikakagulat pa. Ito'y isang makakatotohanang bagay na mahirap paniwalaan ngunit ang mundo ng Martial Arts ay kung saan lahat ay posible kahit ang napakaimposibleng bagay.

Agad niyang tiningnan ang misteryosong Martial Spirit na hanggang ngayon ay may mapangutsang tingin. Isang patunay na hindi pa rin natanggap at nagustuhan ng napakalaking nilalang na ito sa kanyang harapan.

Dahil sa pag-aanalisa ng bagay-bagay si Van Grego ay namangha siya lalo pa't tinulungan siyang mabuhay muli ng misteryosong Martial Spirit na ito.

"Salamat po dahil niligtas niyo ang aking buhay! Napakalaking utang na loob ang aking pinagkakautangan ko at hindi ko po ito makakalimutan!" Mahabang pagpapasalamat niya sa misteryosong Martial Spirit na nasa harapan niya.

"Hmmp!" Nakasimangot na sabi ng misteryosong Martial Spirit kay Evor na may mapangutyang tingin.

Tingin na nagpapakahulugang nangmamaliit dahil sa pagiging mahina ni Van Grego.

Agad-agad na bumalik ang misteryosong Martial Spirit sa loob ng kanyang dantian at agad na pinuluputan ng kanyang Martial Roots.

Kahit anong pakikipag-usap ang gawin ni Van Grego sa loob ng kanyang dantian kung saan ang misteryosong Martial Spirit ay wala siyang naririnig na kung anumang tugon o sagot. Nananatili lamang itong walang kibo o anumang galaw na malinaw na ipinapakitang ayaw niyang makipag-usap.

Dahil sa nakitang reaksyon ng kanyang misteryosong Martial Spirit kani-kanina lamang ay tinigilan niya na lamang ang pangungulit.

Agad na rin siyang bumangon lalo pa't nasa malalim na hukay pa rin siya na kanyang pinagbagsakan kani-kaninang oras lamang.

Naglakad-lakad siya at wala siyang nakitang pagala-galang ano mang Martial Beast.

Nakarating siya sa isang mataas bahagi ng lupa at may napakalalim na bangin na hindi makita ang pinakailalim nito.

Marami siyang nalaman at natutunan sa mga dinanas niya.

Sa ngayon ay gusto niyang lumakas. Sa tuwing  naiisip niya ang naging tugon at reaksyon ng kanyang misteryosong Martial Spirit ay nagkaroon siya ng lakas ng loob upang magpursigi at mapatunayan hindi lamang sa kanyang misteryosong Martial Spirit kundi sa lahat ng Cultivator dito at sa iba pang mga kontinente at lupain na malakas siya at pinapangarap niya ngayong maging pinakamalakas upang hindi na siya banggain o tapak-tapakan lamang ng mga tao maging ang mga malalakas na nilalang.

"Magiging malakas at magiging kilala bilang  pinakamalakas akong Martial Expert sa buong mundo ng Martial Arts, Isinusumpa ko sa pangalan ng Kalangitan at ng Manlilikha ng mundong ito!" Buong lakas na sigaw ni Van Grego na may buong kalakasan at paninindigan.