Chereads / Ancestal God's Artifacts / Chapter 32 - Chapter 29

Chapter 32 - Chapter 29

Mabilis siyang nakabalik sa Alchemy Powerhouse Association, Agad niyang itinago ang kanyang pakpak sa era at tumalon pababa  ng lupa. Iniba niya na din ang kanyang itsura't pangangatawan bilang si Mr. V na nasa anyong binata. Isang buwan na rin ang nakalipas kung Kaya't marami siyang inaasahan na kahit na anong progreso sa kanyang plano.

Pinuntahan niya agad ang mga trabahador niya at mga naging temporary Leader lalo pa't wala ngayon ang mga tunay na leader ng bawat Department kung Kaya't nagtalaga sila ng mga mapagkakatiwalaang mga tauhan. Tiningnan niya ang mga lagay nilang nasa maayos na lagay naman at halos madami ang nagbago at naglago lalo na ang mga Sales Department na patuloy na lumalago. Madaling naubos ang mga nagagawang mga Pills na ipinapadala sa Third Rate Class lalo na sa nasasakupang mga rehiyon nito.

Hindi din sila sumu-supply direkta sa First Rate at Second Rate lalo na't ang binabayaran nila ay madaling nauubos ang mga pambihirang mga produkto kagaya ng Pills. Dinudumog ang kanilang produkto kung Kaya't nasa maramihang paggawa na ang mga Alchemy Department at ang Production Department na patuloy na abala sa pag-angkat ng mga produkto.

Maraming umaasa sa mga kaya nilang gawin at lalo na't naging demand na ito. Kahit ganon ay tinitiyak nilang maging tago parin lalo pa't alam nilang magiging hadlang ang mga First Rate at Second Rate Class.

Ang presyo ng pills ay iba -iba sa Tatlong Class.

Ang presyo ng Third ay nasa standard prize at kung ikukumparasa presyo na ibinibigay sa Second Rate Class ay limang beses ang halaga ng bawat produkto. Sa First Rate Class ay sampong beses ang presyo.

Ang kanilang mga naging puhunan sa pagbenta ng mga Pills ay napakalaki na hindi nila inaasahang malaki ang naging kita nila sa naging sales preduction nila noon. Hanggang ngayon ay patuloy pa sa paglaki. Ang mga kinikita nila ay inilalagay sa Vault na binabantayang maigi ng ilang mga miyembro ng Hunters Department. Ang iba ay nangangalugad ng mga dungeons at nangangalap ng mga ingredients sa paggawa ng pills kahit na marami pa silang mga natira upang magsilbi na ring training sa kanila.

Hindi na din sila nababawasan lalo na't maraming mga pambihirang pills na dala-dala nila sa paglalakbay at sa tulong na rin ng Safety and Precautionary Department at ng Intelligence Department ay mas naging 99 % success rate ang bawat mga misyon na isinasagawa sa paghahanap ng mga lugar na hindi lubhang delikado upang maiwasan rin ang malagas ang grupo. May kasabihan ang grupo na "Wag maging ganid sa kayamanan, mas importante ang buhay kaysa kamatayan."

Ito ang lahat ng nalaman niyang mga kaganapan sa loob ng tanggapan.

Papasok pa lamang si Mr. V ay madami na din ang mga bumabati sa kanya kahit na ang lahat ng mga miyembro ng Iba't ibang Department ay naging sobrang abala sa kani-kanilang gawain ay hindi nag-atubiling bigyan ng atensyon ang taong nagbigay pag-asa at nagbago sa takbo ng buhay nila.

Agad din silang sinabihan ni Mr  V na ipagpatuloy lang nila nag ginawa nila na siya namang sinunod ng lahat at lubos din silang humahanga dito lalo pa't hindi niya pa rin pinapabayaan sila na kahit karaniwang miyembro lamang ay binibigyang-importansya pa rin ni Mr. V kung Kaya't mas lalong humanga ito sa napakabuting katangian ng binata lalo na ang mga kababaihan.

Bumalik na rin ang mga sigla ng mga nakaraang buwan lamang na mga nabiling mga alipin na ngayo'y isa sa mga mangagawa ng mga Departamento. Isa na rito ang kababaihang noo'y nasa kamay ng mga kalalakihan ng Halvyn City, makikita ang kanilang masisiglang mga aura at may kulay na ekspresyon na makikita sa mga mata at sa matatamis nilang mga ngit i sa labi. Binigyan niya rin ito ng kanyang atensyon at oras lalo pa't nalaman niyang marami ang naging inner member ng Iba't ibang Departamento ang mga kababaihang ito. Tunay ngang kamangha-mangha ang katangian ng kababaihan na pinatunayan nilang hindi lamang kalalakihan ang may lakas at kakayahan sa paggawa ng mga bagay-bagay. Isa itong patunay na ikakagulat at ikakalaglag-panga ng mga kalalakihan lalo na ang mga kalalakihang umabuso sa kanilang katawan at moral.

Hindi na din naging apektado ang maraming kababaihan lalo pa't sa kanilang estado at katayuan, walang-wala na sa kontinenteng ito ang kayang apakan sila. Lahat ng mga nakasalamuha nila dito ay kapwa nil mga aliping naging alipin ng mapang-abusong tao kung Kaya't malaki ang utang na loob nila dito. Lahat ng mga naging miyembro ng Iba't ibang Department at maging ang hindi pa ay may mga malalaking mga halaga ng perang nasa kanila patunay na hindi na sila alipin kundi may propesyong itiniwala sa kanila ni Mr. V.

Hindi nila mapigilang maging emosyunal, hindi sa naging masalimuot nilang kapalaran at karanasan noon kundi ay dahil sa magandang bukas sa kanila na walang pag-aalinlangang ibinigay sa kanila.

Mayroong pinangako sa kanila si Mr. V at yun ay ang maging malaya pagkatapos ng mga problemang kakaharapin nila. Pero hindi na ito ang gusto ng marami, marami ng naging tapat sa kay Van Grego lalo na't malaki ang tulong niya. Nilinaw niyang hindi ito ang ibig niyang sabihin bagkos ay magiging malaya sila sa kanilang pamumuhay, walang magdidikta sa gagawin nila at tuparin ng bawat isa ang kanilang mga pangarap na maluha-luha ang iba sa narinig na ito. Isang pahayag na nagbuhos ng lahat ng kanilang emosyon at patuloy pa rin ang iba sa pagpapasalamat.

Natapos ang naging tagpuan na nagpangiti rin kay Mr. V. Ngayon ay pumunta si Mr. V sa mismong Alchemy Department upang makipag-usap sa mga Alchemist na karamihan ay ang mga miyemro at Pamilya ng Chandelo Tribe.

Agad na pinaunlakan ito ng lahat at itinigil muna pansamantala ang mga gawain ng bawat isa. Ipinaalam ni Mr. V na gagawa sila ng mga panibagonh Pills at ibang produkto na may mataas na antas na walang iba ay ang Advance Grade  Pills at iba pang produkto ng Alchemy.

Marami ang natuwa sa kanilang narinig at hindi nila ito pinagdududahan lalo pa't napatunayan nilang hindi nagbibiro si Van Grego sa kanyang sinasabi lalo na't seryoso ito sa lahat ng sinasabi nito lalo na't nasa seryoso silang sitwasyon.

Agad na itinuro ang paggawa ng mga Advance Grade Pills at iba pa kagaya ng Glamor Lucky Essence, Advance Blood Lutos Essence at iba pa.

Natuwa ang lahat at may bago silang natutunan. Lahat ng mga itinuro ni Mr. V ay natutunan na nila ng lubos kung Kaya't mas natuwa pa ulit sila at todo pasalamat ang lahat ng Alchemist dito. Dahil dito, siguradong mas lalaki ang kita ng Alchemy Powerhouse Association lalo na't dudumugim sila ng Iba't ibang Cultivator sa bagong Produktong kanilang ilalabas.

Matapos ang lahat ng ginawa ni Mr. V sa loob ng napakalaking gusali ay hindi na siya pumunta pa sa dalawang kalapit na gusali na naging tirahan at ensayuhan ng Outer Member dahil ayaw niyang ma-expose sa iba lalo pa't hindi niya pa rin pinagkakatiwalaan ang lahat ng nandito.

Agad na siyang dumiretso sa tanggapan upang ihabilin sa matataas na opisyales liban sa mga lider na ipabatid na mawawala muna siya ng mga ilang buwan at ipagpapatuloy lamang ang kanilang gawain at pagcu-cultivate.

Mabilis na umalis si Mr. V upang maglakbay na sa papunta sa daungan o port ng Rutang Pandagat papunta sa ibang mga karatig na mga naglalakihang Kontinente. Hindi niya na din pinalitan ang anyo niya uoang makaiwas sa atensyon ng marami.

Nakaabot na siya sa paanan ng masukal na gubat at inilabas niya na ang kanyang tatlong pares na mga pakpak at lumipad ng mabilis sa makakapal na ulap. Mabilis ang ginawa niyang  paglipad upang makarating sa daungan.

Inabot siya ng tatlong araw ng paglalakbay ng walang pahinga at tanging pag-inom lang ng mga Advance Pills ang kanyang ginawa upang matugunan ang fatigue sa katawan niya. Mahigit isang daang libo ang layo ng Alchemy Powerhouse Association sa daungan kung Kaya't malayo ang lalakbayin mo papunta sa daungan.

Malapit na siya sa hangganan ng lupain kung saan ang lokasyon ng daungan, nagalak siya sa kaniyang nakita gamit ang Immortal Eye na sa wakas ay nakaabot na din siya at malapit na soya lalo pa't ilang kilometro na lamang ang kanyang lalampasan para makapunta dito.

Ngunit hindi lamang iyon ang nasagap niya lalo pa't may mga grupo ng higanteng ibon ang kanyang nararamdamang mabilis na dumadating sa kaniyang lokasyon. Agad siyang gumamit ng One Million Steps na naging dahilan upang makadistansya siya sa nakaambang panganib.

Nakita niya ng malapitan ang ibon at may nakakabit na bato sa kanilang mga noo. Mahahalata ito sapagkat nagliliwanag ang bato na alam na alam ni  Van Grego kung ano ito, ito ay ang Martial Beast Core na isang 8th Grade Core.

Nalaman niyang nasa Peak Martial Dominator Realm ang mga ibong ito kung Kaya't hindi ito hadlang kahit na nasa 8th Star Martial Ancestor Realm pa lamang siya ay kaya niya pa ring makipagsabayan sa ordinaryong 4th Star Martial Dominator Realm.

Ang mga Martial Beast na ito ay ang Black Sparrow Birds na paboritong kinakain ang mga Cultivator o mga nilalang na lumilipad sa lugar na ito sa himpapawid na siyang sinasabing kanilang teritoryo.

Agad na lumusob ang mga Black Sparrow Birds at inihahanda ang mga matatalas nilang mga kuko na handang hatiin si Mr. V sa pira-piraso.

(A/N: Mr. V pa rin po yung sinasabi ko dahil naka-disguise pa rin po siya. Si Mr. V at Van Grego ay iisa po)

Hindi din ine-expext ni Mr. V na napakabilis nito na kayang makipagsabayan sa kabuuang bilis niya. Hindi niya napaghandaan ang paunang atake nito na kumalmot sa balat ni Mr. V sa bandang braso dahil na din sa mabilis nitong atake na nag-iwan ng napakalaking sugat sa kaniya. Muntik na siyang mamamatay sa atakeng ito lalo pa't tanging pagsangga lamang ni Mr. V ng dalawang mga braso niya sa bandang dibdib ang nagawa niya sa surpresang atake ng isa sa Black Sparrow Bird.

Inida niya ang sakit galing sa mga sugat niya sa dalawang braso. Agad siyang uminom ng Advance Healing Pills na bagong gawa niya lamang. Agad na gumaling ang kanyang kamay ngunit hindi pa ito kumpletong gumaling lalo pa't patuloy pa itong nire-restore ang mga tissue upang ibalik sa dati.

Agad siyang nakaramdam ng susunod na mga atake lalo pa't naging alerto siya ngunit mabilis talaga ang mga ibong ito.

Umatake ang mga Black Sparrow Birds na may tatlumpo ang bilang. Ang ibang mga atake ay naiwasan niya ngunit nagtamo siya ng sugat, hindi sa braso kundi sa bandang hita at binti dahil na rin sa pagtakas sa pamamagitan ng paglipad ngunit nahabol pa rin.

Hinang-hina na siya ngunit wala siyang magagawa lalo pa't ang pakpak niya na lamang ang tanging sumusuporta sa kanya. Hindi siya makakatakas pa lalo na't sa bilis ay hindi niya mapapantayan ito sapagkat hindi pa siya nakaapak sa Martial Sky Realm kung Kaya't wala pa siyang ganoong klaseng bilis.

Wala na rin siyang maisip na solusyon lalo pa't wala na siyang lakas pa kahit na maka-ilang inom na siya ng Advance Pills.

Umatake ulit ang mga Black Sparrow Birds n hindi alam kung ano ang bagong estratehiyang gagawin na kahit si Mr. V ay nanghihinaya na talaga at halos pipikit na ng tuluyan ang mga talukap ng mata.

Umatake ng mabilis ang mga Black Sparrow Birds na paisa-isa at naiwasan niya ang labindalawang atake ngunit nagulat na lamang siya na may papasugod sa likod niya na kahit siya ay hindi ito inaasahan.

Huli na para ito ay iwasan, sumuka ng maraming dugo si Mr. V  hanggang sa hindi niya alam kung ilang porsyente ng dugo ang lumalabas sa bibig pati sa kanyang likod na patuloy na binubutas ng Black Sparrow Birds lalo na't sila ang isa sa pinakamapanganib at pinapahirapan ang mga naging biktima nito saka nito kakainin.

Bumulwak ang masaganang dugo sa katawan ni Van Grego pati ang kanyang Technique ay nawalan na ng bisa dahil parang wala ng lakas  na natitira.

Umatake ang mga Black Sparrow Birds sa Iba't ibang parte ng Katawan ni Van Grego at hindi na niya ito naiiwasan.

Hinayaan na ni Van Grego na magpatihulog na lamang ang kalunos-lunos na katawan niya pababa na ikinagalit ng Black Sparrow Birds.

Ngunit nahuli na sila, mabilis na nahulog ang katawan ni Van Grego pababa na parang bulalakaw.

Agad na tumiklop ang anim na pakpak.

Masakit ang loob ni Van Grego, wala siyang nagawa ukol sa pangyayaring ito. Kahit na mamamatay siya ay sisikapin niya pa ring mabuhay muli.

Ayaw niyang sumuko pero huli na, huli na para lumaban pa lalo na't sariling katawan niya na mismo ang sumuko.

Baon niya sa kaniyang naghihingalo at kalunos-lunos na kalagayan ang kanyang determinadong puso at hangarin. Patuloy na nahihirapan siyang huminga at tuluyan ng pumikit na wari'y tinatanggap ang nagbabadyang kamatayan.