Chereads / Ancestal God's Artifacts / Chapter 31 - Chapter 28

Chapter 31 - Chapter 28

Hinatid na ni Van Grego ang mga kababaihan sa Alchemy Powerhouse Association lalo pa't wala na siyang oras upang gugulin pa dito at ipinahabilin na lamang niya ito sa mga taong miyembro ng mga Departamento.

Nagmamadali siya lalo pa't madami pa siyang planong kailangan na isakatuparan.

Nabili niya na rin ang ibang mga alipin at nasa mas maayos na kondisyon kumpara sa mga alipin noon ng Slavery City at ng Halvyn City.

Mabuti na lamang at madali ang pagkuha at pagbili ng alipin sa mga lugar kagaya ng Vulture City, Aldura Village at marami pang iba. Umabot na sa Anim na milyong alipin ang meron siya pero konti lamang ang kanyang pinagkakatiwalaan.

Nagpunta siya sa isang tagong lugar malapit sa Sacred Pond at marami-rami din siyang nadiskubre lalong lalo na ang kanyang Martial Spirit na nakuha sa loob ng Interstellar Palace at ngayon ay nakatago paring misteryo maging ang lugar nito.

Maging ang kanyang sphere ay pinangangambahan niyang lumaki pa ito ng tuluyan.

Malaki ang problemang kinakaharap ni Van Grego lalo pa't malahigante na ang laki nito. Mas nakakatakot na ang  itsura nito lalo pa't may mga iba't ibang mala-usok na mga dragon sa paligid nito na mistulang nagcu-cultivate?

Nabigla siya kanyang natuklasan lalo pa't malaking tulong ito. Kung pagbaasehan ang Pakapalan ng Martial Qi ay mas madami at makapal ng Sampong beses ito kumpara sa pagsagap ng Martial sa labas. Nang nilagay niya ito sa Interstellar Dimension ay dalawangpong beses ang kapal ng Qi niyang ito.

Nahuhulma na ang mga noo'y isang pangkaraniwang enerhiya lamang pero ngayon ay nakikita na ng kanyang mga mata ang ito. Tinatawag na Dragon Martial Qi ang mga ito kung tumagal pa ito ay magiging tunay na dragon na ito na kayang mag-supply ng masaganang Martial Qi na lubhang makakatulong sa mga cultivator.

Mayroong mga dragon Martial ang halos mga lugar na angkop sa pagcucultivate at may masaganang Martial Qi.

Marami siyang naiisip na mga posibilidad na mga bagay-bagay lalo na sa kanyang sphere.

Paano pa kaya kong nilagay ko  ito sa loob ng Myriad Painting ? Kinakausap niya ang kanyang sarili at pag-iisip ng mga bagay-bagay.

At nagulat siya sa kanyang naiisip, kung magiging ganon ay mapapadali ang pagtaas ng rank niya. Kung sana ay may magiging tapat sana siyang mapagkakatiwalaan ay mas magiging mabuti pa ito.

Inaalala niya ang mga pwedeng maging advantage niya para lalo pang lumakas ang kaniyang pwersa.

Agad na pumasok sa kanyang isip ang nakuha niyang mga bangkay sa 180th room kung saan ang nakuha niyang Twin Technique na Mask of Appearance Technique at Body Changing Technique.

Hinanap niya ang Interspatial Ring na nilagyan ng Iba't ibang mga bangkay. Hindi niya pa in-inspeksyon ang rank ng mahigit isang libong bangkay dahil sa pagmamamdali niya. Hindi niya noon alam kung ilang matataas ang rank ng mga Cultivator.

Nakakapagtaka pa lalo na't ang iba ay hindi niya malaman ang totoong lakas kahit na gusto niyang malaman. Ipinagpapalagay niya na lamang na naapektuhan lamang dahil sa katandaan at tagal na ng panahon.

Pumasok siya sa Myriad Painting. Agad niyang pinagmasdan ang makalaglag pangang tanawin nito na kahit siya ay namamangha pa rin. Mas naging berde ang paligid lalo pa't parang  nawala ang mga hamog noon na tumatakip sa malalawak na bundok.

Hindi niya saklaw ang lawak ng Myriad Painting pero alam niyang may tinatagong pambihirang bagay ito. Marami ring mga Martial Beasts ang kanyang nakikita sa paligid na halos lahat ay grupo-grupo na may pare-parehas na rank.

Makulimlim noon ang paligid noon at masyadong makapal ang hamog noon kong Kaya't muntik na siyang mapahamak noon.

Marami pa siyang naobserbahang mga bagay upang maging handa sa mga di inaasahang pangyayari. 

Mamya-maya lamang ay inilabas na ni Van Grego ang kanyang mala-higanteng sphere na nakakatakot pa rin tingnan ng kahit na sino lalo pa't mas lumaki ang maiitim nitong mga ulap sa paligid samahan pa ng nakapangingilabot na kidlat na kung iyong mahahawakan ay magdudulot ng malaking pinsala ito.

Ngunit hindi ito kinatatakutan ni Van Grego lalo pa't may kasabihan silang Wag katakutan ang iyong sarili, bagkus katakutan ang kung ano ang gagawin ng iba sayo!" Kahit siya ay di pa rin niya malaman ang nakatagong sagot tungkol sa idiomang ito

Agad niya na ring kinuha ang isang pang Interstellar Dimension na naglalaman ng mahigit isang libong bangkay. Para hindi ito magtaksil sa kanya at mawala ang masasama nitong hangarin ay nilagyan niya ng tubig na galing sa Sacred Pond upang mawalan ng kontrol ang kasamaan sa katawan ng bangkay ng namayapa na bumura sa lahat ng Cultivation upang magsimula ulit pero ang talento ng isang martial Artists ay nandyan pa rin at nilagyan ng Martial Bind Will Technique kung saan ay magiging tapat ang mga ito ayon sa kagustuhan niya.

Agad na inilagay ni Van Grego sa Sentro ng malawak na kapatagang ito ang Higanteng Sphere na halatang natutuwa pa lalo na't may mayaman at makapal na Martial Qi sa loob ng Myriad Painting. Natutulog pa rin ang will na nasa sphere at tanging natural lamang na reaksyon nito ang inilalabas. Sobrang bilis ng paghigop nito ng Martial Qi halos mag-anyong ipo-ipo ang Makapal na Martial Qi papunta sa bawat parte ng Sphere. Agad na nagkakaroon ng pagbabago. Ilang daang beses ang bilis ng paghigop nito.

Agad na ipinuwesto niya ang mga bangkay na walang pang ranggo na Cultivation sa paligid ng Sphere. Nagbigay si Van Grego ng sariling hibla ng kanyang will sa mga bangkay ng mga namayapang Cultivator upang magkaroon ito ng sariling kamalayan at pag-iisip na magtatapat sa kanya sa kahit na anumang delikadong sitwasyon.

Ayon na rin sa kanyang sariling kapangyarihan, kinontrol niya ang sphere na kinonekta niya sa bangkay at naglabas ito ng napakasagana at napakakapal na Martial Qi.

Agad na nagkaroon ng improvement ang mga bangkay lalo na't nag-umpisa ng magcultivate ang mga ito ayon sa Martial Qi na inilalabas ng Sphere.

Hinayaan na muna ang pangyayari na ito at nagcultivate ng maigi upang maibsan o mawala ang mga unpure energies na nakahalo sa kanyang natural na Martial Qi dulot na rin noon ng mabilisang paglevel-up. Ayaw niyang mastock sa lebel na ito kung kaya't ilalaan niya ang oras at araw sa seklusyong ito na malayo at tago sa ibang  nilalang.

Makalipas ang isang buwan na puspusang pagcu-cultivate ay nalampasan niya noong sampung araw pa lamang siya dito. Ang Emperor rank niya noon ay isa ng siyang ganap na 6th Star Martial Ancestor Realm.

Sa tulong na rin ng Masaganang enerhiya at mga pambihirang Pills na mayroon siya kaso nga lang ay hindi na masyadong naging epektibo ang mga ito sa kanya. Habang papataas na ang Rank niya ay papahina na rin ang bisa ng mga Medicinal Herbs at Pills. Ang mga High-Level na Pills ay hindi na rin naging epektibo noon kung Kaya't Nagcultivate na lamang siya ng maigi na hindi gumagamit ng Pills na lubhang mabagal para sa kanya lalo pa't dalawang lebel lang ang nadagdag sa kanya nitong nakaraang dalawang weeks na sa kasalukyan niyang lakas ay 8th Level Martial Ancestor Realm.

Hindi niya noon pinapabilis ang kanyang pagtaas sa bawat rank bagkus ay may natutunan at natuklasan siya na kakaibang bagay na lubhang makakatulong sa kanya at iyon ay ang pagpapalakas ng kanyang physical na katawan at lakas na kayang tapatan ang mas mataas na lebel sa kanya at ito ay ang tinatawag na Martial External Qi. Kakaiba ito sa normal na pagcucultivate sapagkat nangangailangan ito ng puspusang pagti-training sa pamamagitan ng larangang pisikalan na tutulong sa isang cultivator na mag-asborb ng Martial Qi galing sa labas ng katawan papunta sa mga pores ng bawat balat ng isang Cultivator na siyang magpapalakas sa pisikal na katawan ng Martial Artist.

Ang karaniwang sumasagawa sa ganitong pagsasanay ay ang mga hindi nabigyan ng pagkakataon na magcultivate mula pa ng ipinanganak sila na hindi kayang magcultivate at yung ibang taong nagkaroon ng damage ang mga kanilang mga dantian o mas kilala sa tawag na mga Crippled Cultivator.

Napakalaki ng naging tulong ng External Qi Training sa kay Van Grego lalo pa't laya niya ng makipagsabayan sa mas malakas niyang kalaban. Mabilis na nag-improve ang naging pag-eensayo niya sa pamamagitan ng kaniyang napakasipag sa pagpapalakas ng pisikal na katawan at sa tulong ng Twin Technique ng Internal Qi Absorbing Technique at iyon ay ang External Qi Absobing Technique kung Kaya't sa dalawang weeks na pag-eensayo ay napakabilis ng kanyang nag-improve ng kanyang kabuuang lakas kahit na nananatiling 8th Star Martial Ancestor Realm pa lamang siya na kayang makipagsabayan sa 2-Star Martial Dominator Realm  Experts na lubos niyang ikinatuwa.

Limang araw matapos ang pag-eensayo ni Van Grego ay gumawa siya ng mga panibagong pills at yun ay ang mga Advance Pills na makakatulong aa pagpapataas niya ng kanyang lebel at makakatulong din ng malaki sa ibang mga eksperto ng kontinenteng ito lalong-lalo na ang nasa kanyang panig.

Napakabihira lamang ng mga Alchemist na mayroong mga kaalaman at kakayahang mag-produce ng mga Pills, ano pa kaya kung Advance Pills ang nga ito? Siguradong duudmugin sila ng Iba't ibang Martial Experts sa iba't ibang parte ng mga kontinente maging ng mga karatig na mga lugar. Isang pill palang nito ay maituturing ng pambihira, ano pa kaya kung napakarami na nito!?!

Samantala...

Ang pagpapataas ng lebel ni Van Grego na walong rank na ayon sa kanya ay napakabagal kung malalaman lamang ito ng ibang mga cultivator ay luluwa ang mga nito kahit na sabihing hindi buong buwan itong nakapagcultivate masyado pa rin itong di kapani-paniwala lalo pa't kahit sila ay hindi basta-basta makakaapak ng isang lebel ng isang buwan kung hindi sila susuwertehin ay hindi sila makakaayat o makakadagdag ng isang lebel, paano pa kaya ang walong lebel? Hindi nila ito inaasahan lalo pa't ang mga taong ito ay tinuturing na super genius ng kanilang Kontinente at karatig na Kontinente.

Noon pa man ay walang nakakaalam ng tunay na rank ni Van Grego kahit na ang mga trabahador niya o ibang cultivator na nakasalamuha niya ay hindi alam ang Kanyang rank kahit na gumagamit ang mga ito ng mga malalakas na Eye Technique para tuklasin ang lakas ni Van Grego.

Ang totoo niyan ay dahil gumagamit si Van Grego ng isang pambihirang singsing na tinatawag na Interstellar Concealment Ring na lima lamang ang nasa pag-aari niya.

Napakaraming ibang  uri ng Concealment Rings ang nasa kanyang pag-aari na gabundok at hindi mabilang ngunit ito ay may mga limitasyon. Ang mga ito ay Low/Middle/High/Advanced/....////// at Ancient Tier Concealment Rings  ngunit masyadong mataas ang tier ng Interstellar Concealment Rings kaysa sa iba, hindi lamang sa kaunting bilang ng Interstellar Rings ngunit napakapambihirang singsing ito lalo pa't kahit sino sa Kontinenteng ito ay hindi makikita ang kanyang kabuuang lakas kahit na isa pa siyang Martial God Experts na napakapambihira lamang na makita sa kabuuang kontinenteng ito noon ngunit dahil sa limitasyon ng Kontinente ng Hyno ay wala ng naging Martial God dito.

Hindi na nagtataka si Van Grego kung bakit may maga ekspertong may lakas na Martial Monarch noon na nakita sa loob ng Interstellar Palace sa 200th Rooms, yun nga lang ay patay na ito na ikinatuwa ni Van Grego lalo pa't sa lakas niya ay isang langgam lamang siyang ituturing ng mga ekspertong kabilang sa Martial Monarch, ano pa kaya kung makakaharap siya sa isang Martial God?

Isang himala na lamang kung makakaligtas siya dito.

Ipinagkibit-balikat na lamang niya ito at ginawang inspirasyon upang magpursiging mararating niya din sa hinaharap ang Martial God Realm .

Hindi niya na din kailangang humanap pa ng mga nakatagong dungeon o mga lugar dito sa kontinenteng ito lalo pa't wala na siyang oras dito at mag-aaksaya pa siya ng maraming panahon ukol dito.

Ayon sa librong kanyang nabasa About sa mga Fortunate Encounters ay mas mainam na sa labas ng Kontinente humanap ng mga lugar na napakarami at hindi matutumbasang kayamanan at may mga successor din na kinukuha ang mga namayapang malalakas na Martial Experts noong kapanahunan na nagbibigay ng mas maraming benepisyo sa lahat ng makakatagpo at kung susuwertihin ay mapili ng mga Expertong gustong ipasa ang kanilang kakayahan at pag-aari na hinahangad ng maraming Cultivator na mga Martial  Experts din.

Sa kabilang banda wala parin siyang alam sa misteryosong itinatago ng Martial Spirits niya. Hindi niya pa ito matukoy kung paano  gamitin o palabasin.

Ang tanging sigurado lamang  siya ay hindi pa sapat ang kanyang lakas para gamitin ang Martial Spirit na ito. Hindi lamang ito isang ordinaryong Martial Spirits kung Kaya't masyadong mahirap itong alamin lalo pa't ang tanging posibilidad lamang ay isa siya sa masuwerteng nakahanap ng Martial Spirits na kagaya ng nasa kanyang dantian na pinupulutan ng kanyang Martial Vine.

Ngayon ay pinaplano niyang umalis sa lugar na ito at pumunta sa Alchemy Powerhouse Association at masimulan na rin ang kanyang paglalakbay sa labas ng Hyno Continent.

Agad niyang nilabas at ibinuka ang kanyang naggagandahang tatlong pares ng pakpak at lumipad ng napakabilis baon ang maraming kaalamang natuklasan at panibagong hamong haharapin sa hinaharap. Marami mang naisip siyang magiging problema pero hindi siya natatakot na harapin ito lalo pa't hindi siya naiisa, maraming umaasa sa kanya lalo pa't nalalapit na ang oras, ang oras na maghahatid ng delubyo sa kontinenteng ito sa susunod na mga buwan.