Napagdesisiyunan ni Van Grego na hindi na muna siya babalik sa Alchemy Powerhouse lalo pa't kailangan niyang puntahan ang mga lugar kung saan siya bibili ng mga alipin na kailanma'y ayaw niyang ituring na alipin ang kahit na sinuman lalo pa't katulad lamang siya, sila, na may hangaring mapabuti ang lagay nila. Lalo pa ngayon na kulang na kulang pa ang mga Manpower o lakas ng mga tao sa kanyang panig.
Naglakbay siya ng tatlong araw sa iba't ibang panig ng Kontinente, marami na siyang nabiling mga aliping mas kalunos-lunos pa sa naging kalagayan ng mga nabili niya sa Slavery City. Ang kanyang mga taong nabili sa Halvyn City ng First Rate ay halos lahat ng mga kababaihang halos wala ng mga pantakip sa katawan, maging ang mga kamay at paa na sana'y parte ng katawan ay wala na.
Ginawa na lamang silang mga laruan ng mga tao. Ang mga kalalakihan ang itinuturing na pundasyon ng Halvyn City at mga kababaiha'y tinuturing na mahina sa kahit na anong larangan , maging pang-aliw lamang ang tingin ng mga kalalakihan dito sa kababaihang patuloy na dinungisan.
(A/N:SPARTA lang?)
(A/N: Kawawa ng mga kababaihan kahit ngayon nag-eexist at karaniwang problema pa rin ito ng lipunan, lapastangan! 😞🤧😢)
Wala silang magagawa, kahit ang mga karatig na mga siyudad ay pinagbabawalan lalo na ang mga kababaihan na pumasok sa Halvyn City lalo pa't alam na nila ang kakahinatnan nila sa kamay ng mga kalalakihan.
Itinuturing itong siyudad ng kamalasan para sa kababaihan. Magiging napakasamang bangungunot ito sa reyalidad nila isama pa ang mababang pagtingin ng mga kalalakihan.
Makikita sa mata ni Mr. V (naka-diguise po siya) ang napakalungkot na emosyon pero pinananatili niya lamang kalmado ang kanyang ekspresyon lalo pa't wala pa siya sa lugar na kayang tapatan ang lakas ng isang siyudad.
Hindi siya napaghihinaan ng loob bagkus ay nagpalakas pa ito lalo sa kanyang loob na sagipin ang mga kaawa-awang mga kababaihang nakaranas ng mga pambababoy at mga physical na sakit sa kamay ng mga walang pusong mga kalalakihan.
Lahat ng mga kababaihan ay may mga pasa sa iba't ibang parte maging sa mga kaselanan nila ay hindi pinaligtas, walang awa silang ginawamg parang laruang itatapon na lamang.
Halos buto't balat na ang mga ito. Halos lahat ay nanghihina sa gutom maging sa traumang kanilang napagdaanan. Wala silang laban kahit na ibenta sila kaninuman lalo pa't alam nilang wala ng patutunguhan ang kanilang buhay lalo pa't hindi na kompleto ang kanilang mga parte ng katawan kagaya ng paa't-kamay maging ang kanilang dantian ay nasira na rin na nagresulta sa sobrang paghina ng resistensya maging ang pagbaba ng Cultivation.
Alam nilang hindi sila malakas para baguhin ang kapalaran nila Kaya't wala na ring saysay ang buhay nila para sa kanila. Kahit anong gawin nila ay mamamatay na rin sila at mistulang patay rin sila dahil sa paglapastangan sa kanila. Kahit na umiyak pa sila ng dugo ay wala pa ring magbabago lalo pa't nangyari na ang nangyari.
Agad na nakipagnegosasyon si Mr. V sa isang Lider ng kalalakihang nagbebenta ng alipin at nagkasundo sa presyon 30 million ang nasa mahigit 800,000 kababaihan.
Napakamahal nito pero hindi na siya nagreklamo at nag-request pa si Mr. V ng karagdagang kababaihan na sinang-ayunan naman ng Lider.
Mahigit 400,000 na kababaihan ang naidagdag na nagkakahalaga ng 20 million Martial Money kung Kaya't sa kabuuan ay 50 million Martial Money ang nagastos niya at hindi niya ito pinagsisihan.
Mas nag-alab ang pait at galit sa puso ni Mr. V sa sumunod na pangyayari.
Mula sa malayo ay maririnig mo ang mga yapak ng mga kabayo at mga palahaw ng mga kababaihang nakasabit sa makabilaang parte ng mga kabayo. Mistulang mga hayop lamang ang turing ng mga kalalakihan ng Halvyn City lalo pa't isinabit lamang ang mga kabaaihang nakatali sa magkabilaan na konting pagkakabuhol lamang ay maaaring malaglag at madaganan ang mga kababaihan na magreresulta ng kapinsalaan o dagliang kamataya n ng kababaihan lalo pa't halos naghihingangalo na ang lahat at gusto ng magpalaglag para matapos na ang buhay nila. Mabuti na lamang at mahihigpit ang tali ngunit nagresulta rin ito ng pagtuklap ng mga balat sa katawan ng kababaihan.
Hindi kayo nagkakamali ng dinig dahil tinalian nila ang baywang ng mga kababaihan lalo pa't wala na sipang kamay o paa.
Agad siyang nagpaalam sa mga kalalakihang may malademonying ngiti lalo pa't nagkapera sila ng malaking halaga.
Dali-dali niyang ginamit ang wrap stone upang ilayo ang mga kakababaihang ito. Agad silang nagteleport sa malawak na parang.
May nakita siyang parang nanghihingalo na isang babae, wala na rin itong saplot at halatang wala na rin itong lakas pa pero patuloy pa rin lumalaban sa buhay. Walang buhay na rin ang kaniyang mga magagandang mata, hindi na rin ito makikitaan ng pagluha na wari'y naubos na noon pa, nanatiling tahimik lamang ngunit mahahalata mong may sakit na dinaramdam sa kanyang katawan.
Agad na nilapitan ni Mr. V at niyakap. Naalala niya ang kanyang ina at ayaw niyang mangyari ito sa kaniyang inang nagpakita ng pag-aaruga sa kanya lalong-lalo na ang ang pagtrato at pagrespeto sa kababaihan. Kung di pa siya magtatagumpay ngayon ay sobra pa sa kalagayang ito ang matatamo ng mamamayang kontinenteng ito at ayaw niyang mangyari ito. Ipinapangako niyang mas dadalian niya pagsagawa ng kanyang mga plano.
Naaawa siya sa kalagayan ng mga kababaihang ito, hindi niya din masisisi kung ganito ang sinapit ng mga ginawang alipin pero babaguhin niya ito.
Nagulat ang mga kababaihan sa inaasal ng binata. Lalo pa't napatunayan nilang iba ang binata sa mga umabuso sa kanila. Makikita sa mata ng binata na awang-awang siya sa kanila at masasabi pa rin nilang may mabuting tao pa rin sa mundo ng Cultivation.
Ibinuksan niya ang Interspatial Ring at inilabas ang gabundok na damit na sobra pa sa sapat na damit na disente para sa mga kababaihang ito.
Maya-maya lamang ay nagulat sila sa susunod na ginawa ni Mr. V.
Nasaksihan nilang pinainom at pinakain ang naghihingalong dalaga ng kakaibang pill. Halos lahat ay hindi mapigilang magtaka sa ekspresyon na ipinapakita ng dalagang tinulungan ni Mr. V. Maya-maya pa ay may nasaksihan ang lahat ng kababaihan. Nagliwanag ang katawan ng dalaga lalo na sa parteng nawala o nasira na. Unti-unting tumubo ang kanyang mga kamay sa kanyang braso maging ang mga paa niya sa kanyang binti na tumubo mula sa kawalan. Nakapikit pa ngayon ang babaeng ipinakain niya ang pambihirang pill na Martial Regenerating Pill.
Nang imulat niya ang mata niya ay nakita niya ang parte ng katawan niya na kompleto at pawang walang kahit na anong pasa, sugat o maging peklat ay wala. Napakagaan ng katawan niya at nang tumayo siya ay nagtatalon-talon siya sa saya, nagtatakbo siya at kahit na ano-ano pa upang masigurong hindi siya nanaginip. Hindi nga siya nagkamali lalo pa't kompleto ang nasa katawan niya at walang sakit na iniinda sa mga maseselan niyang bahagi.
Agad siyang tumakbo kay Mr. V at yumakap ng mahigpit. Nagmumukha silang magkasintahan ng dalaga. Namula sila pareho kaya halos matawa na rin ang lahat. Agad ding humiwalay sila sa isa't isa lalo pa't napaka-awkward ng sitwasyon. Agad ding nagbihis ang dalaga ng damit na disente.
(A/N:wag kang lumalovelife Van Grego, you're just 12 years old!😂BATANG AMA lang?)
Agad siyang tumulong sa pagpapakain ng Pills (Martial Regenerating Pills at Martial Healing Pills) ang bawat isa at agad na nangyari ang mala-himalang epekto ng pambihirang Pills na ito.
Halos lahat ay nakadamit na din ng maayos at disente. Todo pasalamat ang lahat. Nangako silang magiging tapat sila kay Mr. V. Sinabi niya sa kanila na gagawin niya ang lahat na Outer Member ng Alchemy Powerhouse Association sila at ihanda ang sarili nila sa mga puspusang training. Nangako naman ang lahat na pag-iigihan ang pag-eensayo para makabawi sa pangalawang buhay nila. Iwinaksi nila ang mga ala-alang naging masamang bangungot para sa kanila at magsimula muli ng magandang buhay.