"Class dismissed."
Kanina pa naka-ayos gamit ko, dahil binibilang ko talaga ang oras. Bumaling na lang ako sa katabi ko si Sarah--kaibigan ko.
Nag-aayos pa siya ng gamit niya kaya inintay ko na lang.
"Tara na?" tanong ko ng makitang ayos na siya.
Tinanguan lang niya ko, saka sabay kaming lumabas ng room.
Si Sarah tahimik lang talaga siya, kumbaga observant ang tawag. She's also the oldest among us, ilang buwan lang naman.
Ako din naman tahimik, mas lamang nga lang ang daldal.
Hindi na kami dumaan sa cafeteria, dumeretso na kami sa mini garden sa likod ng school. Andun na yung dalawa pa naming kaibigan, nagpabili na kasi kami kanina, dahil naunang natapos klase nila.
"Oh, andiyan na pala kayo." bati ni Trisha.
Si Trisha naman ang pinaka bata, buwan lang din ang bata niya sa amin. Pero siya ang pinaka-friendly, kumbaga kapag nagsalita yan parang anghel, hinulog nga lang ng langit dahil may pagka-masungit din.
Katabi naman niya si Carla ang sunod sa pinaka-matanda, isang buwan lang ang bata niya kay Sarah. Mabait si Carla, wag mo lang gagalitin, pero ang cute niya kasing magalit. Mataray siya pero maingay, kung ano-ano lumalabas sa bibig, sarap tapalan ng tape minsan.
Umupo na kami ni Sarah, nakaupo kami sa lapag, laging may dala si Trisha na picnic blanket, dahil madalas na kami kumakain dito.
Kumain lang kami ng tahimik. Pero si Carla hindi niya kaya yun.
"Uy,Pia." tawag niya sakin.
"Ano?" kalmado kong tanong ng hindi tumitingin sa kaniya.
"Anonsiyo." sabi niya saka tumawa.
Diko alam minsan kung bakit laging lumuluwag turnilyo niya sa utak.
"Dimo na naman nainom gamot mo noh?" tanong ko sa kaniya.
"Narinig ko kasi kanina yun, gusto ko lang i-try." tapos inirapan ako, sampalin koto eh.
"Apaka-hirap at ang daming pinapagawa ng mga teachers, di man lang maawa."reklamo ni Clara.
Napuno lang ang lunch break namin ng pagrereklamo ni Clara. May pagkakataon na binabara ko siya para mainis. Si Trisha naman taga-suway sa amin. Pero si Sarah ngi ngiti lang pero di magsasalita.
Pagkatapos kumain, nagligpit na kami, at naglakad-lakad muna para bumaba ang kinain namin.
Syempre di mawawala ang pagpapa-picture ni Clara, ginawa pa akong photographer, pero baka yun ang future ko.
"Ang pangit niyang kuha mo, upo ka nga diyan saka mo ako picturan." reklamo ni Clara.
Joke, di pala yun ang future ko, di na ako mag photographer, epal kasi ni Clara, dapat anggulo niya ang masusunod samantalang ako yung nagpi picture dito oh.
"Ikaw na kaya mag-picture dito oh. Ako po ang photographer kung nakakalimutan mo po." pambabara ko.
Hindi man lang binigyan ni Clara ng pansin ang sinabi ko at tinuloy ang pag po-pose dun. Akala naman niya kinaganda niya yun.
Napa-buntong hininga na lang ako at sinunod ang sinasabi niya. Hampas ko kaya mukha neto sa cellphone niya.
Picture doon picture dito ang naging itsura namin. Nakakapagod pala maging photographer, ikaw na nga nagpipicture, nagrereklamo pa yung babaeng nag-ngangalang Clara.
Sila Sarah naman tawa ng tawa samantalang kinakawawa ako dito. Hindi man lang ako tulungan. Bad sila.
"Tulungan niyo kaya ako dito? puwede naman wag na kayo mahiya." sabi ko kila Sarah. Tinawanan lang naman ako ng luka.
"Oy dito ka tumingin andito ako. Dalian mo dun ka muna para mas maganda yung anggulo." utos ni sino paba si Clarang maganda.
Pagkatapos mag-picturan na sa wakas ay natapos na din, pero ako pa ang pinapili ni Clara ng mga magagandang photos, na kinagulo ng utak ko. Pano ba naman magpapapili siya tapos sasabihin niya ang pangit ng napili ko.
Sa 20 na photos na yun 7 lang ang si-nave niya. Hindi ako makapaniwala sa ginawa ni Clara na yun, pagkatapos ng lahat lahat ng ginawa ko pito lang ang isa-save niya. Pero ang Clara hindi makaramdam at tinawanan lang ang itsura kong parang nasawi.
Umalis na kami dahil baka abutan pa ng bell. Dapat ganun no, unahan ang bell para cool, joke lang si Clara kasi ang inutusan mag bell kaya sinamahan lang namin.
Ngayon lang inutusan si Clara mag bell. Syempre dahil diko pa nata-try yun, ako na yung nag bell bago pa pindutin yun ni Clara.Ganti ko yun noh.Sinamaan naman ako ng tingin ni Clara. Kurutin ko pa pisngi niya eh.
Napahagikgik naman ako ng marinig ang ingay noon at ang pagtakbuhan ng mga estudiyante.
Pagkatapos noon bumalik na kami sa kaniya-kaniyang room. Syempre naunahan ko ang teacher, galing ko talaga.
Malapit lang kasi ang bell sa room namin. Basta magaling pa rin ako, walang angal. Sampalin ko may angal.
-
Nung patapos na ang klase bigla akong tinamaan ng antok, kaya hinilig ko ang ulo ko at ginawang unan ang braso ko sa lamesa para matulog.
Bago pa ako tuluyang makatulog narinig ko pa ang walang humpay na paalala ng teacher ko na may quiz bukas. Sakit sa tenga. Pati na rin sa utak.
-
Ilang minuto din siguro akong nakatulog.Nagising lang ako ng maramdaman kong may nagyuyugyog ng balikat ko. Pag-angat ko ng tingin si Sarah the quiet pala yun.
"Buti nagising kana, may quiz pala tayo bukas ha, kung hindi mo lang narinig."
paalala niya.
"Ah, narinig ko kanina, salamat." ani ko.Maririnig ko talaga yun, bago pa ako matulog yun ang bukang bibig ng teacher ko eh.
Nag-aalisan na pala ang mga tao sa room mukhang kakatapos pa lang ng klase. Pati rin ang teacher sa harapan nag-aayos na ng gamit.
Napalaki ang mga mata ko ng makitang hindi ko natapos ang sinusulat ko dahil nga nakatulog ako.
"Tara na?" Aya sa akin ni Sarah.
Naka-ayos na pala siya ng mga gamit niya, ayoko namang magpa-intay pa sa kaniya, dahil nga magsusulat pa ako diba.
"Hindi na muna ako sasabay, sige na, mauna kana." tanggi ko.
"Sige, ikaw bahala, ingat pauwi, ha? Magre- review din pala ko para sa quiz bukas." Di man lang ako pinilit ni Sarah babe, joke lang.
"Ikaw din mag-ingat ka." ani ko ng nakangiti.
Tango at ngiti lang ang sinagot niya sa akin bago naglakad palabas ng room.
Nakita ko pa sila Clara at Trisha sa labas ng room namin na sinalubong si Sarah. May sinabi lang si Sarah sa kanila at kumaway na sakin si Trish habang irap ang kay Clara. Inirapan ko din siya. Kahit kailan tong Clara na to apaka ganda. Diko sasabihin na 'apaka-sungit ni Clara, totoo yun', kasi mabait ako.
Sabay-sabay na silang umalis.
Ilang minuto kong tinuon ang mga mata ko sa notebook ko para tingnan kung saan ako nahinto o baka natapos ko na pala yung sinusulat diko lang alam.
Pagkatapos ng ilang minuto, tinuon ko ulit ang pansin ko sa whiteboard, kaso nagulat ako ng makitang burado na lahat ng nakasulat doon at umalis na yung teacher namin.
Nakakainis, sana pala di ko muna pinauwi si Sarah para sa kaniya ako kumopya. Sarap magdabog.Pero hayaan na malamang busy na si Sarah para mag- review. Sisisihin ko si Clara kasi ang cute niya.
Nilinga ko ang mga mata ko sa buong room, nakita ko ang lalaking natutulog na tatlong upuan ang layo sa akin.
Nilapitan ko siya para masiguro kung tulog nga talaga. Baka kasi nagtutulug-tulugan lang
Tulog nga si kuya, sayang naman sa kaniya na lang sana ako kokopya.
Napatingin ako sa lamesa niya may notebook kasi doon at tapos na siya magsulat.
Buti pa to nakatulog pero tapos na magsulat. How to be you po?
Tinusok-tusok ko yung balikat niya para gisingin.
"Kuya?Psstt" tawag ko.
Teka, ano nga pangalan neto? Lagi lang kasi tong tahimik kaya hindi ko napapansin, madalas ko naman siyang makita pero ngiti lang ang bati ko pero siya ala lang, mukhang masungit.
Ang naalala ko letter M simula ng pangalan. Edi M muna ang tawag ko, talino ko talaga.Hayy, beauty and brain.
"Psstt, gising ka muna, oy. " paggising ko ulit. Sarap tulog ni M, nananaginip atang nakahiga sa marshmallows.
"Hellooo??"
"Knock, knock?"
Kinurot ko pa siya sa braso para magising.
Titigil na sana ako kasi nga masama manggising ng tulog. Totoo yun ha, bastos kaya kung natutulog yung tao na parang ang himbing tapos guguluhin ko lang at gigisingin sa payapa niyang pagpapahinga.
Sinabunutan ko si M.
Wala eh ayaw talaga gumising. Bumalik ako sa puwesto para kuhanin yung notebook at ballpen ko. Pagkatapos bumalik ako dun para umupo sa katabing puwesto ni M. Kinuha ko yung notebook niya para kumopya na lang ako, habang tulog to.
"Pahiram muna ng notebook mo ha, kokopya lang ako." pagpapa-alam ko.
Ayan ha at least nagpa-alam naman ako, bahala na siya kung narinig niya yun, kasalanan naman niya, ba't kasi ayaw niya gumising.
Hindi naman siguro to magagalit. Kapag nagalit to siya sisisihin ko dahil ayaw niya gumising.
Kinurot at sinabunutan ko na ayaw pa rin niya gumising.
Sinimulan ko na ang pagkopya ng notes.
Wow, grabe ang ganda ng sulat ni M. Parang sulat babae, apaka-ayos at linis.
Ang sulat ko kasi maayos lang kapag hindi minamadali, pero kapag madalian parang dinaanan ng bagyo tapos sinamahan ng buhawi.
Pinagpatuloy ko na lang ang pagsusulat ko. Binagalan ko syempre ang pagsusulat ko, ginagandahan ko ng pilit. Kahiya naman sa katabi ko na napaka-ganda magsulat.
Bumalik ulit ako sa puwesto para kumuha ng color blue at violet na ballpen,pang de-design ko sa sinusulat ko.
Tatlong page pa ang isusulat ko, pero nasa unang page palang ako. Uhgg nakakatamad, pero ok lang maganda naman ako.
Nung nasa pangalawang page na ako, napa-ngiti ako, ibig sabihin kasi noon patapos na ako, kaya naman kinuha ko yung phone ko sa puwesto ko, saka bumalik sa katabing puwesto ni M.
Binuksan ko muna ang phone ko, may na-receive pala akong text. Pagbukas ko galing kay Sarah.
From Sarah babe:
Nakauwi kana ba?
To: Sarah Babe
Hindi pa nga eh, nagsusulat pa ako notes.
Sarah babe
Ha? Sana pala inintay na kita.
You
Hindi na, ok lang yun, malapit naman na ako matapos.
Sarah babe
Ganun ba, sige, mag-ingat ka na lang. Text moko kapag naka-uwi kana.
You
Okii
Binaba ko muna ang phone ko sa gilid ng mesa para ituloy ang naputol kong pagsusulat.
Hindi ko na namalayan ang oras dahil tuloy-tuloy lang ako sa pagsusulat. Siguro matagal din dahil naaliw ako sa pagdedesign.
Nasa pangatlong page na ako, pero parang ngayon pa ako tinatamaan ng katamaran, kaya naman sinarado ko muna ang notebook. Bumaling ako sa katabi ko at nakitang ganun parin ang puwesto at natutulog pa rin.
Pero ngayon hawak niya yung phone niya. Hawak naba niya phone niya kanina? Parang hindi naman. Pero hayaan mo na baka hindi ko lang napansin dahil sa notebook niya ako nakatingin.
Pumunta ako sa puwesto ko para tingnan sa bag ko kung may pagkain akong nakatago. Pero sa kamalasan nga naman wala akong nakita. Sama ng life.
Kinapa ko naman ang bulsa ko at naramdamang may laman iyon. Kinuha ko ang nakapa ko sa bulsa ko, nakita kong dalawang mentos lang pala iyon.
Kinain ko pa rin ang isa, at binalik ulit sa bulsa ko ang isa pa.
Bumalik na ako sa katabing puwesto ni M. Umupo ako saka pinagpatuloy ko ang pagsusulat.
Hindi tulad nung una-unang page na maayos, ngayon sa panghuling page ang gulo na ng sulat ko, triny ko pa rin naman kaso nangangalay na talaga ang kamay ko.
Parang ang bigat na ng kamay ko at nakakatamad na. Tinapos ko pa rin naman ang pagsusulat ko. Dinaan ko na lang sa design design.
Natawa ako sa sarili ko ng lagyan ko ng heart ang sulok ng page notebook ng sinusulatan ko. Parang bata.
Ng matapos na akong magsulat, isinara ko na ang notebook ko at notebook ni M. Binalik ko na ang notebook sa lamesa ng may-ari na dilat na ang mga matang nakatingin sa akin.
Tatayo na sana ako ng may ma-realize ako.
Bumaling ulit ako sa katabi ko.
At dilat pa rin ang mga mata
Tama
Gising na ang luko!!!
--