Huminto kami sa malawak na lupa na napapaligiran ng puno at mga halaman. At ang naka-agaw ng pansin ko ay ang mga pusa.
Isa..Dalawa...tatlo...lima...
Higit sampu ang nakikita kong pusa, kinuha ni Michael ang isang pusa. May lahi iyon dahil kakaiba sa iba pang pusa na narito.
"This is Iya. Pusa ko siya, pero ayaw ng parents ko kay Iya, kaya dinala ko siya dito. Lagi ko siyang pinupuntahan at tuwing pupuntahan ko si Iya may kasama na siyang mga pusa."
Napangiti ako sa sinabi niya. Ang cute ni Iya, yung berde niyang mga mata, mukha naman siyang mabait, kulay puti ang balahibo nito. Nakakalungkot nga lang dahil ayaw sa kaniya ng parents ni Michael.
"Puwede ko siya hawakan?" tumango naman si Michael kaya hinimas ko muna ang ulo ni Iya. Bumaba naman ang tenga ni Iya at pumikit, sobrang cute.
Kinuha ko siya sa braso ni Michael at binuhat, patuloy ko parin hinihimas ang ulo niya. Ng mangawit ay uupo na sana ako sa damuhan kaso pinigilan ako ni Michael. Sabi niya ay hintayin ko daw siya at may kukuhanin lang siya sa sasakyan.
Pinabayaan ko naman siya at hinayaang makipaglaro si Iya sa kasama niyang mga pusa, lahat sila ang cute.
Bumalik si Michael na may dalang jacket at pagkain ng pusa saka tubig na nasa bote. Binaba niya ang jacket niya sa lapag saka ako pinaupo doon. Lumapit siya sa pakainan ng pusa na nasa dulo. Lima ang pakainan at malalaki ang mga iyon siguro kasing laki ng plato,at limang inuman ng tubig. Nilagyan niya isa-isa ang mga pakainan, saka nagsimulang kumain ang mga pusa.
Umupo sa tabi ko si M, natawa kami pareho ni M dahil yung ibang pusa ay nilalayo ang pakainan para hindi makakuha ang iba pang pusa. Malaki naman ang pakainan na iyon.
"Kahapon lima lang silang nandiyan, kaya nagulat ako kanina dahil labing-dalawa na sila." natawa din ako sa sinabi ni Michael.
Nai-imagine ko ang sinabi ng limang pusa sa nakikita nilang ibang pusa. "tara doon, rich ang nagpapakain sa amin, cat food ang binibili." Lalo akong natawa dahil sa iniisip ko.
Nagulat ako ng tumunog ang phone ko at may nag-text.
From Sarah babe:
Sana kana? Five minutes na lang magsisimula na ang klase.
Nagulat ako dahil sa text ni Sarah sa akin. Hindi ko na siya nagawang replyan. Sinabi ko naman kaagad iyon kay Michael. Sabi niya ay hindi daw kami aabot dahil walong minuto ang biyahe pabalik, kaya sabi ko ay huwag na lang.
Ang sunod din naman ng klase na iyon ay lunch na, kaya sa lunch na lang kami babalik. Late din naman kami. Sabi naman ni Michael ay ok lang daw na sa lunch na bumalik. Tinanong ko siya dahil naguilty ako dahil pati siya hindi na makaka- attend ng klase.
"Don't worry it's ok." iyon lang ang sinabi niya at hindi ko na siya kinulit, baka ipakain na ako dito sa pusa eh.
Nasa hita niya si Iya na hinihimas niya, mayroon ding nakahiga sa gilid niya at sa gilid ko. May pusa sa hita ko na hindi ko kilala, itim lang ang balat nito at kulay blue naman ang mata. Hanggang sa napansin ko ang collar niya, may dog--i mean, cat tag doon at ang nakalagay ay 'Rio'. Sinilip ko din ang iba pang pusa at yung lima kabilang na si Iya ay may cat tag din.
"Binilhan mo din sila ng cat tag?"
"Yes. I want to give them name, and eventually hindi ko makabisado pangalan nila dahil ang iba ay magkamukha ang kulay ng balahibo at kulay ng mata. Iyong mga bagong dating na pusa, wala pa silang collar dahil bago pa lang sila."
Napa-ngiti ako sa sinabi niya, mabait din naman pala siya.
"Mind helping me name the remaining seven cats?" tumango ako.
Nagtulong kami sa pagpangalan ng pitong pusa. Lilia, Leo, Amira, Vilo, Nala, Max, and Tom. Iyon ang mga naisip naming pangalan ng pitong pusa.
-
Ng makita namin ang oras, ay lunch na sa school. Kaya tumayo na kami at niligpit ang jacket niya.
"Ba-bye, cats. Bye, Iya. Next time ulit." nag-ba-bye pa ako sa kanila na para bang naiintindihan nila ang sinasabi ko.
Walong minuto nga ang naging biyahe namin pabalik, binilang ko na para sa susunod na pupunta ako dito alam ko na ilang minuto ang makakabalik.
Ng makarating kami sa school, nakita ko kaagad sila Trish, Clara, at Sarah sa harap ng school. Pagkababa ko ng sasakyan ni Michael ay kaagad ko silang pinuntahan.
"Oh, bakit kayo nandiyan--" biglang yumakap sa akin si Trisha dahilan para maputol ang sinasabi ko. Lumapit din sa amin sila sarah.
"Nag-text ako sayo, na-receive mo ba?" tanong ni Sarah.
"Ah, oo, na-receive ko." sagot ko at humiwalay na ng yakap sa akin si Trisha.
"Gaga ka, akala namin nawawala ka na." napanguso ako sa sinabi ni Clara, nakalimutan ko replyan si sarah eh.
"Hi, Uhm, I'm sorry, hindi kami nagpaalam sa inyo. Sorry for making you worry to Pia."
Napatigil ang mga kaibigan ko ng dahil sa pagsasalita ni M. Kaagad namang tumingin sa akin si Clara ng makahulugan, halatang mang-iinis na naman mamaya.
"Oh, that's okay." nakangiting sabi ni Trisha.
"Nag-enjoy naman ata sa Pia." pabulong na sabi ni Clara pero narinig ko pa rin siya. Humanda sa akin tong babae na to mamaya.
"Gusto mo sumabay ka na sa amin mag-lunch?" yaya ni Sarah kay Michael.
Pumayag naman si M, at sumabay na sa amin mag-lunch. Nakakapanibago dahil tahimik lang si Clara habang kumakain. Pero ang lalong nakakapanibago ay nakatingin lang siya sa akin.
Pagkatapos kumain, bumalik na kami sa kaniya-kaniyang klase. Sabay-saby kami ni Michael at Sarah bumalik.
Naging mapayapa lang ang klase, pero ang utak ko lumilipad sa kung saan. Bigla na lang ako mapapangiti kapag naaalala ko yung paghawak ng kamay ni Michael sa kamay ko. Para akong tanga na nakangiti dahil hindi iyon mawala sa isipan ko.
-
Nagdesisyon kaming magkakaibigan na mag-sleep over sa bahay nila Clara. Bukas na ang libing ng mga magulang niya, kaya naisipan naming dito na lang matulog.
"Baka gusto mong magkuwento, Pia?" tumataas-baba pa ang kilay ni Clara.
"Ano namang iku-kuwento ko, ha?"
"Malamang iyong nangyari kanina, saan kayo pumunta ni Michael, ha?"
"Pati ba naman ikaw, Sarah? Tigilan niyo nga ako! Hindi ako makapili ng movie, oh! Alas- diyes na ng gabi kaya!" pinagtawanan lang nila ang sinabi ko, mga baliw.
Ang napili naming panoorin ay ang fear street, sinimulan namin sa Fear Street Part One.
Habang nasa kalagitnaan ng movie biglang tumunog ang cellphone ko, kaya binuksan ko iyon.
Nakita kong may nag-text pero hindi ko kilala kung sino.
From: +63*********
Hi
To: +63*********
Hello?
From: +63*********
I just wanted to thank you.
To: +63*********
I'm sorry. Who is this and thank you for what?
Hinintay ko ang reply ng taong ito dahil wala akong matandaang may kakilala akong ganito ang number at anong thank you? Binaba ko na ang phone ko dahil hindi na sumagot yung kausap ko, baka wrong number lang siya.
Ilang segundo pa ay tumunog ulit ang phone ko, at pagkabukas ko noon ay iyon din ang number.
From: +63*********
Thank you for the gift! I've been wearing this smile ever since you gave it to me.
Kikiligin na sana ako pero hindi ko kilala to. Ilang segundo ang pinalipas ko bago siya ni-replyan.
To: +63*********
Nice pick-up line :)) Can you tell me who are you?
From: +63*********
You already know me, you just have to guess my name.
To: +63*********
Clue?
From: +63*********
Okay. Here's the clue: I have a nickname that has only one letter.
Nickname? One letter? Sino namang-- can it be... no, no, it can't be. Paano naman niya malalaman ang number ko. Pero isa lang naman ang kilala kong one letter lang ang nickname, dahil ako mismo nagbigay nun.
To: +63*********
Michael?
From: +63*********
It's M.
Nagulat ako pero mas lalo akong nagulat dahil hindi ko alam kung kanino niya nakuha ang number ko. Hindi naman niya tinanong yun kanina.
To: +63*********
Paano mo nalaman number ko?
From: +63*********
From your friend. Clara :)
--
*The picture is from google :))*