Chereads / Choose to love (Amore Series #1) / Chapter 4 - CHAPTER 4

Chapter 4 - CHAPTER 4

"Sopia? Sarah?"

Nakita namin si Clara malapit sa may entrance ng hospital.

"Hoy, ano ka bang babae ka,ha? Pinag-alala mo kami." yinakap ko si Clara.

"Clara, ano ba kasing nangyare. Sabi ni Trish bigla ka na lang daw umalis." sabi ni Sarah na nasa likod ko.

Napabuntong hininga si Clara at tuloy tuloy ang pagbagsak ng luha niya. Nag-alala naman ako kaya yinakap ko siya ulit. Tinapik tapik ko ang likod niya para kumalma siya.

"Shhhh, andito lang kami. Tahan na" pagpapakalma ko.

Pina-upo muna namin siya sa gilid. Iyak pa rin siya ng iyak.

"K-kasi naaksidente s-sila m-mom at d-dad habang p-pauwi sila. S-sabi ni t-tita, dead o-on arrival daw si m-mom. Tapos si d-dad hindi pa rin gising h-hanggang ngayon." kuwento niya habang patuloy pa rin sa pag-iyak.

Yinakap ko ulit siya kaya lang lalong lumakas ang paghikbi niya.

Umalis muna saglit si Sarah para bumili ng tubig. Habang sinamahan ko naman dito si Clara. Mas ngayon niya kailangan ng makakasama.

Teka, nasaan si M? Luminga-linga ako sa paligid pero hindi ko siya nakita. Umuwi na siguro, sayang hindi pa naman ako nakapag-paalam.

Maya-maya pa dumating na si Sarah na may dalang tubig, saka ice cream, ako nagpabili nun.

Binuksan ko ang ice cream saka kinain yun.

"Nakasalubong ko si Michael, kailangan na daw niyang umalis." sabi ni Sarah.

Sabi na eh umuwi na. Sa Monday ko na lang siya pasalamatan.

Biglang nag ring ang phone ko at nakita kong tumatawag si Mama, patay may dinner nga pala!

Tumayo muna ako at lumayo saka sinagot ang tawag.

"Pia, nasaan kana ba?! Sabi ko naman sayo diba may bisita ako ngayon, nasaan kabang bata ka,ha?" bungad niya kaagad sa akin.

"Nasa hospital po ako, nandito si Clara, may nangyari, emergency."

"Oh, ganun ba, dalian mo at umuwi kana wag ka na masiyadong magpagabi."

"Ok,po."

Pinatay ko na ang tawag at bumalik na sa puwesto ko. Ilang minuto pa ay dumating na si Trisha.

Hindi ko alam paano ko sasabihin na kailangan ko ng umuwi, kailangan ako dito ng kaibigan ko eh.

Napagdesisyunan namin na doon muna pansamantala si Clara kila Trisha. Hindi naman siya puwedeng doon sa bahay niya, ang kasama lang niya ay ang mga kasambahay, dahil ang tita niya ang nagbabantay sa Papa niya rito. Pumayag naman kaagad si Clara, para na rin daw hindi na siya alalahanin ng tita niya.

Pagkauwi ko, dumiretso na ako sa kuwarto ko para magbihis, dahil parating na daw ang bisita ni Mama.

Tama nga, pagkababa ko, nakahanda na ang pagkain at nandun na ang bisita ni mama.

Tahimik akong umupo at nagdasal saka sabay sabay na kaming kumain.

"By the way, kamusta na ang friend mo, Pia?"tanong ni mom.

"Magiging ok din po siya." sabi ko. Kasi totoo naman hindi ok si Clara, kaya magiging ok.

Tumango na lang si Mama.

"Ah, oo nga pala, ito si Andrew." pagpapakilala niya sa lalaki.

May itsura naman yung Andrew,matangkad at mukhang mabait.

Hindi ako naniniwalang bisita lang to. At tama na naman ako, dahil sinabi ni Mama na boyfriend niya ito--mali magpapakasal na daw sila. Kanina lang daw nagpropose ang Andrew. Nalaman ko din na 6 months na sila. At ngayon lang niya sinabi sa akin, patawa minsan.

Pagkatapos ng lahat ng pagkukuwento ni Mama tungkol dun sa Andrew umakyat na ako, uuwi na rin daw yung Andrew.

-

Humiga ako sa kama ko. Hindi ko alam anong ang dapat na reaksiyon ko sa pagpapakilala sa Andrew na yun.

Ito naba? Ito naba yung kinatatakutan ko? Ang magkaroon ng sariling pamilya ang mga nagulang ko. At ako? Maiiwan na ba ako mag-isa?

Ni hindi man lang ako tinanong ni Mama, anong nararamdaman ko dahil magpapakasal na siya sa ibang lalaki.

Mahina akong natawa. Ganto rin nun si Papa. Nag divorce sila ni Mama, nagtataka ako noon bakit walang sila eh birthday ko nun. 10 years old ako noon.

Nalaman ko na nag hiwalay sila, sa mismong araw ng birthday ko. Kaya wala sila noon sa bahay. Ng mangyari yun, hindi na ulit ako binisita ni papa. Kahit anong okasiyon wala siya. May sarili na kasing pamilya.

Nainis ako noon kay Papa, kasi lagi siyang wala at parang kinalimutan na niya ako. Hindi ko alam na mangyayari pala ulit yun.

Si mama naman ang mang-iiwan. Magpapakasal na siya sa lalaking 6 months palang niyang jowa.

Pareho lang naman sila ni papa, hindi tinanong ang nararamdaman ko. Basta naghiwalay sila, at magkakaroon ng sariling pamilya. Kailan ba nila tinanong kung ok lang ako?

Mapait akong natawa habang tumutulo na ang mga luha kong hindi nagpapapigil.

Iyak lang ako ng iyak hanggang sa tumigil iyon ng kusa.

Pinilit kong matulog dahil ayoko ng umiyak. Pero hindi ko alam ilang minuto na akong nakapikit pero hindi pa rin ako makatulog.

Kinuha ko ang phone ko at nag bukas ng instagram. Scroll lang ako ng scroll baka makatulong para maaga akong makatulog.

Pero napatingin ako sa isang post. May lalaking nakaupo sa sahig habang nakikipaglaro sa bata.

Yung lalaki na yun ay ang papa ko. Ito ang bago niyang mundo ang bago niyang pamilya. Nakangiti si papa at tuwang-tuwa.

Post pala ito ng bagong asawa ng papa ko.May caption itong ' Thank you for accepting my child'. Tama. Hindi kay Papa ang batang nasa post. Sa ibang lalaki. Pero masaya si papa. Masaya siya kasama ang batang hindi kaniya, habang ako etong anak niya, hindi niya maalala.

Nag scroll pa ulit ako. At nakita ko naman ang post ng papa ko. Iyon yung bata kanina. Nakangiti ang bata habang nakatingin sa camera. May caption yung 'My princess.'

Princess. Tawag niya rin sa akin nuon. Nuong naglalaro kami nung bata pa ako. Itatawag rin pala niya yun sa ibang bata.

Hindi ako nagagalit sa bagong pamilya ng papa ko. Naiinggit ako, dahil nagawa nilang maging masaya kahit na hindi naging masaya ang dating pamilya ng papa ko. Paano naisip ni papa na magiging maayos ang pagsasamahan nila ng bago niyang asawa kung hindi naging maayos ang pagsasama nila ni mama.

Paano niya naisip na gagana ang relasiyon nila kung hindi gumana ang relasiyon niya kasama si Mama. Galit ako kay papa at hindi sa bago niyang pamilya. Magkaiba yun.

Pinatay ko na ang phone ko dahil nag-uumpisa na namang tumulo ang luha ko, hindi ko na yun pinigilan dahil alam kong hindi rin naman magpapapigil ang mga luha ko

Hanggang sa nakatulog na nga ako ng tuluyan.

-

Dahil sabado ngayon, mga alas-nuwebe na ako ng umaga nagising. Naligo lang ako at nagbihis saka kumain.

Dadalaw ako kila Trisha dahil andun din si Clara.

Nag jeep na lang ako papunta sa bahay nila Trish. Nilakad ko ang paubta sa bahay nila dahil nasa subdivision. Pagkatapos ay kaagad na akong nag doorbell.

Hindi rin naman nagtagal ay pinapasok na ako ng kasanbahay nila Trish.

"Claraaaa" mahabang tawag ko kay Clara na nakaupo sa may kama nakatulala sa kawalan. Halata rin na puyat siya at kakagaling lang sa pag-iyak.

Pagka-upo ko sa tabi niya ay kaagad ko siyang niyakap.

"Tumawag si tita kagabi."

"Ha? talaga? Ano daw balita?" tanong ko.

Bigla na lang siyang humagulgol kaya nagpanic ako bigla. Niyakap ko na lang siya ulit at hinimas himas ang likod niya para tumahan naman siya.

"S-sabi niya, wala na daw si d-dad." patuloy pa rin siyang umiiyak, at sa bawat segundo palakas lang yun ng palakas.

Sa senaryong nakikita ko, parang gusto ko na lang din maki-iyak. Masakit na makitang umiiyak at nasasaktan ang kaibigan mo.

Patuloy lang ako sa pagpapatahan sa kaniya. Hindi ako nagsasalita dahil alam kong maiiyak lang din ako. Hindi niya kailangan ng isa pang iiyak.

Ng tumahan siya, pinahiga ko siya at nakatulog din naman agad siya. Mukhang pagod na pagod talaga siya.

Lumabas muna ako ng kuwarto at pumunta sa kuwarto ni Trish.

"Knock, knock?"

Walang nagsasalita at hindi rin ako pinagbubuksan ng pinto. Pero naririnig kong umiiyak si Trish.

Pinihit ko na pabukas ang pinto at nakitang naka-upo sa sahig si Trish at humahagulgol.

Ng makalapit ako doon ko lang din napansin na nasa lapag ang phone niya. Nakalitaw ang litrato noon ng Ben na may kahalikang babae. Si Selene.

Punyetang babae na yun. Sinasabi na nga ba. Tama si Clara, mga manlooko ang putrages.

"Trish.", niyakap ko lang si Trish habang patuloy siya sa pag-iyak.

"Bakit ganoon? Naging mabait naman ako kay Ben, naging maalaga, nirerespeto ko mga desisyon niya, lagi ko din siyang sinusuportahan. Pero bakit niya ako niloko? Masama ba akong tao? May kulang ba sakin? Pangit ba...ako?"

"Shhh, hindi ikaw ang problema. Sila yun, Trish. Ang bait-bait mo kaya. Tanga lang siya kasi hinayaan ka niya mawala. Hayaan muna yung nga gagong yun, hindi dapat sila pinag-aaksayahan ng luha. Ganda mo kaya, pangit din nung Ben, gago siya."

"T-tapos si Selene, kaibigan ko siya. Alam ko pinaplastic lang niya ako dahil halata naman. Pero kahit ganoon, kaibigan pa rin ang turing ko sa kaniya. At akala ko kaibigan na rin ang turing niya sa akin. Bakit? Hindi rin ba ako naging mabuting kaibigan? May mali ba akong ginawa sa kaniya? Paano niya nagawa yun?"

"Sabi ko nga, mga gago sila. Hayaan mo sila mag-gaguhan. Basta ikaw huwag ka na makipag gaguhan sa kanila. Hayaan mo magsama ang mga gago. Huwag mo aksayahin ang luha mo sa mga gago. Mas maganda ka kaysa dun sa Selene."

"Andaming gago na yan." napapangiti na niyang sabi.

"Alam mo ba bakit pinili ni Ben gago si Selene?"

"Kasi mas maganda siya at mas gusto siya ni Ben kaysa sa akin?"

"Mali. Kasi pareho silang gago. Kaya si Ben mas type niya ang mga gago kasi gago din siya."

Mahina ng natawa si Trish dahil sa sinabi ko. At hindi ko napigilang hindi rin mapangiti.

Nakasandal sa balikat ko si Trish habang hinahaplos ko ang buhok niya para kumalma siya. Tumigil na ang pagtulo ng nga luha niya pero pasinghot-singhot pa siya.

"Saka nga pala. Nasabi na ba ni Clara yung.. nangyari?" tanong niya sa akin.

Tumango naman ako bilang sagot sa kaniya.

"Alam mo ba, iyak din ng iyak si Clara kagabi. Pero nagjojoke pa rin siya sa akin. Nagjojoke siya para isipin ko na ok lang siya. Kasi alam niya na muntik ko na siyang samahan umiyak."pag-kuwento ni Trish. Tumahan na siya ngayon.

"Hay nako, parang hindi mo naman yun kilala. Mataray lang siya pero mabilis talaga siyang masaktan."

"Tara na? Mukhang hindi pa kayo nag-aalmusal ni Clara." pag-aya ko at tumayo na saka pinagpagan ang damit. Ganoon din ang ginawa ni Trish saka sabay kaming pumunta sa kuwarto ni Clara.

-

"Tarantadong Ben yan. Sinasabi ko na may tinatagong kagaguhan yun eh."

Nandito kami ngayon sa kuwarto ni Trisha, alas tres na ng hapon at nanonood kami ng movie sa Netflix.

Kaya heto ngayon, pagka-kuwento namin kay Clara tungkol kay Ben, naglalabas na ng salita.

"Tapos isa pang Selene na yan, sabihin mo lang sa akin, sasabunutan ko yun kapag nakita ko." dagdag pa ni Clara.

"Samahan kita, sabunutan natin." singit ko.

"Huwag niyo na yan gawin. Babatukan ko kayo." sabi ni Sarah na kakapasok pa lang sa kuwarto.

"Sarahhhhhh" lumapit ako sa kaniya saka siya niyakap. Mukhang mommy ko siya na hindi nakita sa buong araw.

Lumapit din sila Trish at Clara para makiyakap, habang sumisigaw.

"Mommyyy"

"Mommyy Sarahhh"

Nagtawanan naman kami na para bang walang mga problema sa buhay ang mga gaga.

Kahit na matataray ang mga to, love ko pa din naman sila noh.

And it's so nice to see their sweet smiles.

--