Chereads / Choose to love (Amore Series #1) / Chapter 5 - CHAPTER 5

Chapter 5 - CHAPTER 5

"Oh, Pia, you're home. Come sit with us."

Ng makauwi ako naghahapunan na sila Mama. Kasama yung Andrew.

"No, thanks. Kumain na po ako kila Trisha."tumango lang si Mama kaya naman dumiretso na ako sa kuwarto ko sa taas.

Nagpunta muna ako ng baniyo para maglinis ng katawan saka nahiga sa kama. Biglang tumunog ang phone ko at nakitang tumatawag si Clara.

"Yes?"

"Pia, andito yung Selene sa labas ng bahay ni Trish, nag-aaway ata sa may gate."

"Ha? Wala ba diyan sila tita?"

"Wala eh, umalis. Hoy, hoy, teka lang, may kasamang dalawang babae yung Selene!! Teka, baba lang ako. Balitaan kita mamaya. Bye."

Binaba na ni Clara ang tawag. Bakit naman nandun yung Selene, ang kapal ng mukha ha. Kinuha ko yung backpack ko at naglagay ng mga damit. Hindi ko na napalitan ang suot kong pajama kaya nag hoodie jacket na lang ako.

Pagkababa ko, nakita kong nanonood ng tv si mama kasama yung Andrew. Napatingin naman agad silang dalawa ng mapansin na bumaba ako.

"Uh, may sleepover po kami nila Trish."

Kumunot naman kaagad ang nuo ni mama dahil sa sinabi ko.

"Malalim na ang gabi, aalis ka pa rin?"

Malalim na nga ang gabi, ba't andito parin yung Andrew?

"Hayaan mo na,hon.Halika, Pia, hatid na lang kita." singit ni Andrew.

"Sige, tama, magpahatid ka na lang sa tito Andrew mo." No! No way!

Ako naman ngayon ang kumunot ang noo. "H-hindi na po, kaya ko naman mag-isa."

"Magpapahatid ka o hindi ka pupunta doon?" Wala akong nagawa kung hindi ang magpahatid sa Andrew. Tinakot na ako ni mama eh, ano pang laban ko.

-

Nakarating naman kami ng matiwasay sa bahay nila Trisha, kaagad na rin akong nagpa-alam at nagpasalamat sa Andrew. Buti hindi na siya nakipag-usap sa akin, wala din ako sa mood.

Ng makaalis na ang kotse saka ko lang nakita na andoon pa rin ang Selene. Nandoon lang si Trisha sa likod ni Clara, para siyang naiiyak. Si Clara ang nakikipag taasan ng boses dun sa Selene.

Nakita kong kinuha ng isa sa kasama ni Selene si Trisha saka ito sinampal ng Selene kaya naman lumapit pa ako sa kanila.

"Hoy, Clara, tigilan mo nga yan." pag-awat ko kay Clara ng makitang muntik na niyang hampasin si Selene.

Napatingin naman kaagad sila sa akin." Oh, whoever you are pakisabi nga dito sa kaibigan mo huwag siyang makigulo dahil hindi naman siya kasa--"

Naputol ang maarteng pagsasalita ni Selene dahil sa pagsampal ko sa kaniya. "Para yan sa pang-aahas sa boyfriend ni Trisha."

"How dare yo--"

Sinampal ko ulit siya sa ikalawang beses. "Para naman iyan sa panggugulo mo kay Trish dito."

Ikatlong beses. "Para iyan sa pagsampal mo kay Trisha."napaupo na si Selene sa lapag habang hawak ang magkabila ang pisngi niyang namumula, kita rin na namamasa na ang mga mata niya.

"How dare you do that to Selene, you bitch--" susugurin na sana ako ng kaibigan ni Selene na pangalanan nating Gaga 1 ng biglang may humawak sa kamay niya.

"Leave or I will call the guards." sabi ng isang lalaki na nararamdaman ko ang presensiya sa likod ko.

Mabilis naman inagaw ni Gaga 1 ang kamay niya at tinulungan si Selene na tumayo ang gaga 2 naman ay nag-iwan pa ng matalim na irap saka sumakay sa dala nilang kotse. Dukutin ko pa mata niya eh, makita niya.

Tingnan mo magsisi-alisan din naman pala, ang lalakas ng loob manugod sila din naman natakot.

" Everyone alright?". what in the world!? Hindi naman ako inform na dito nakatira si M--este Michael.

Tumango lang naman kaming lahat, tinulungan ni Clara si Trisha na pumasok sa loob. Saka naman ako humarap kay Michael.

"T-thank you nga pala sa kahapon saka ngayon." bakit ako nabulol???

"You're welcome." ginulo niya yung buhok ko saka tumalikod at lumakad na.

Buti na lang umalis na siya, dahil baka narinig pa niya ang lakas ng tibok ng puso ko. Siraulo din kasi, bigla na lang gagawin yun hehe.

"Hoy, ano, diyan ka na lang?" panirang moment ni Clara.

Pumasok naman ako sa loob saka dumiretso sa kuwarto ni Trisha, naramdaman kong nakasaunod naman sa akin si Clara.

"Ok ka lang? buwisit yun ha, akala mo sino para manampal ng ganiyan."sabi ni Clara ng maka-upo kami.

Bigla naman nag-ring ang phone ni Clara at tumatawag si Sarah.

"Hi, girls. Clara told me what happen. Ok lang kayo? Ikaw Trish ok ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Sarah.

"O-oo ok lang kami" si Trisha ang sumagot.

Nakipag-kuwentuhan pa si Sarah sa amin ng kung ano-anong bagay. Paminsan-minsan rin ay nagjojoke si Clara. Nakikita naming ngumingiti si Trisha o kaya naman minsan ay tumatawa. Alam ko namang ginagawa lang iyon ni Sarah at Clara para mabawasan ang lungkot ni Trisha. At si Trisha alam kong alam din niya ang ginagawa ng dalawa.

"Thank you guys for always having my back." sabi ni Trisha kaya nginitian namin siya, saka nagpa-alam na kay Sarah.

Magkakatabi kaming matutulog tatlo. Pinapagitnaan namin si Trisha.

"Thank you for earlier, I really appreciate what you did. But, you really shouldn't slap Selene."bulong ni Trisha sa tainga ko ng makahiga na kami.

"Wala yun, saka deserve yun ni Selene." nakangiti kong sabi.

Ngumiti na din si Trisha saka pumikit na para matulog. Ng silipin ko si Clara nakita kong tulog na rin ito.

-

"Hoy, ang tagal mo diyan ha."

Nakabihis na kasi sila ni Trisha, eh late na ako nagising. Kaya heto ako ngayon nagbibihis na sa loob ng baniyo. Buti na lang nagdala ako ng damit kagabi dahil magsisimba nga kami ngayon dahil Linggo.

Nagsuot lang ako ng black casual plain square neck puff sleeve dress. Tinernuhan ko iyon ng white flat sandals na pinahiram sa akin ni Trisha.

Ng makalabas ako ng baniyo nakita kong lumalabas na sila sa pintuan, tingnan mo yung mga yun hindi man lang ako hintayin.

Nagmamadali kong kinuha ang bag ko saka sumunod na sa dalawa.

Nagpaalam lang kami kay Tita Shayne saka sumakay na sa kotse nila Trish.

Pagkadating sa simbahan andoon na rin si Sarah.

-

Nagho-homilya ang pari ngunit tingin pa rin ako ng tingin sa labas. Nakikita ko kasi yung ice scramble stand sa may labas ng simbahan.

"Hoy, lagot ka kay father, kung saan-saan napupunta mata mo." suway sa akin ni Clara.

Tumingin na lang ulit ako sa harapan para mataimtim na magmisa. Mamaya na lang ako bibili ng ice scramble.

-

Natapos ang misa at nauna pa sa akin si Clara na bumili ni ice scramble. Diba, mukhang kanina tinitingnan niya din to eh. Maka-suway sa akin kanina siya din naman pala.

Marami-rami din ang bumibili kaya heto ako ngayon nasa dulo ng pila. Si Clara naman kasi hindi pa ako sinabay kanina ng bumili siya.

Kanina walo kaming nakapila ngayon ay tatlo na lang. Ipinapanalangin ko na sana may matira man lang sa akin dahil mukhang paubos na yung dala ni manong.

Ng ako na ang bibili, saktong isang cup na lang ang kasiya. Oh, diba sakto pa sa akin eto ang totoong meant to be.

"Dali! Dali! Mauubos na yung ice scramble!" sigaw ng matis na boses ng batang babaeng papalapit sa tindahan ng ice scramble.

"Kuya, meron pa po ba?" tanong ng batang

babae.

"Nako, ineng, huli na ito eh, ubos na ang ice scramble ko." sabi ni manong habang nilalagyan ng marshmallow ang cup ko.

Halatang nalungkot ang batang babae dahil bumaba ng kaunti ang balikat nito.

Binigay na sa akin ni manong ang cup na puno ng ice scramble. Hmmmm, nakakatakam.

Kinuha ko ang kutsara para pangkuha ng ice scramble pero hindi ko tinuloy. Paano ba naman kasi nakatingin sa akin ang batang babae na nay naluluhang mata.

Ang cute niya diyan, nakadagdag sa cute niya ang mini dress niya. Yiee, kyot lang, pero kahit gaano yan ka- cute hindi ko bibigay ang ice scramble ko noh. Pinaghirapan ko kaya to.

Kaya lang kawawa naman---no, no, hindi ko to bibigay. Patuloy pa rin na nakatingin sa akin ang batang babae. Kaya pinantayan ko ang tangkad niya.

"Oh, sayo na lang. Kanina ka pa nakatingin." sabi ko saka binigay sa bata ang hawak kobg cup. Nagliwanag naman kaagad ang mukha nito. Naririnig ko din ang pagbungisngis ni Clara na nasa may gilid lang. Andoon din si Trisha na nakangiti habang napapa-iling. Ewan ko saan na napadpad si Sarah.

Bakit ganoon sila, nagsasakripisiyon na nga ako tinatawanan pa ako.

"Bella! There you are, i told you to wait for me. Saan kaba--"

Naputol ang sinasabi ng lalaking paparating ng makita ako ni...

M!?

--