Chereads / Choose to love (Amore Series #1) / Chapter 7 - CHAPTER 7

Chapter 7 - CHAPTER 7

Sobrang awkward.

Nandito kami ngayon ni M sa may bench, sa mini park ng subdivision. Kumakain kami ng ice cream na hindi ko tinanggihan kanina. Sayang eh, grasiya na ang lumalapit sa akin.

Hindi ko alam kung naririnig niya ang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa tahimik.

"Ano--"

"That--"

Napatahimik kaming pareho dahil nagkasabay kaming magsalita.

"You go first." nangingiting sabi niya.

"Uhm, Thank you dito sa ice cream."

"A-actually, my c-cousin B-bella, asked me to give y-you an ice cream as a t-thank you for the ice s-scramble."

"Ah, pakisabi salamat."

Akala ko pa naman dahil gusto niya lang akong bigyan. Saka sana ice sramble na lang din ang binigay niya sa akin. Pero ok na yung ice cream, masarap din naman.

"Na..gustuhan mo ba yung ice cream?" tanong niya.

"Hmm? Oo, masarap naman." napapatango ko pang sagot.

Favorite flavor ko kaya yung binigay niya sa akin, cookies and cream, actually, marami pa akong favorite flavors ng ice cream. Nag-stand out lang yung cookies and cream.

"It's because it is your favorite ice cream flavor." pabulong niyang sabi na narinig ko din naman.

Oh my mama, pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko. Nababasa niya ba ang utak ko? Paano niya nalaman na favorite ko to?

"H-ha? Paano mo nalaman?"

"I-uhh-it's- I-i just guessed it, because that's also Bella's favorite."

Siguro nga hinulaan niya lang, marami din namang taong may favorite sa cookies and cream eh.

Napansin kong namumula ng bahagya ang mukha niya. Ng makita niyang nakatingin ako sa mukha niya bigla siya nag-iwas ng tingin.

I smiled to myself. Adorable.

"Uhm, it's getting dark, do you want to come back now?"

Tumango naman ako saka sumunod na sa kaniya pabalik.

Nagpa-alam lang ako sa kaniya ng makarating sa tapat ng bahay nila Trisha. Dapat ay uuwi na kaagad ako kaso lang inaya ako ni tita Shayne na kumain na sa kanila ng hapunan. Nag-usap na lang kami ni Sarah na sabay kaming uuwi mamaya.

-

"Hindi na, maraming pinapagawa sa amin eh. Dito na lang muna kami kakain sa room."

Andito ako ngayon sa room nila Trisha at Clara. Hindi daw sila sasabay sa akin kumain ngayong lunch.

Si Sarah naman nandoon sa room namin, nagri-review. Nagri-review ng nga advance lessons. Ang sipag diba?

Kinuha ko lang ang picnic blanket kay Trish. Kahit ako na lang kakain mag-isa gusto ko pa rin mag picnic blanket noh.

"Sige. Thank you. Bye! Bye!"

Nagpasalamat lang ako saka umalis na. Nagpunta na ako sa mini park sa likod ng school.

Kumakain ako ng mapayapa ng mapadaan sa harap ko si Selene.

"Hey, you. Have you seen Ben?"

Lakas ng loob magtanong ha. Feeling close siya?

"Ewan ko kung nasaan yun. Paki ko naman nasaan siya."

Inirapan niya ako saka maglalakad na sana ng may naisip akong kalokohan.

"Siguro busy yung Ben. Baka kasama si Trisha at nakikipagbalikan. O baka naman may kasamang iba. Baka may kasamang ibang babae."

Napapangiti ako dahil nakikita ko ang inis sa mukha niya. Napalingon naman siya kaagad sa akin. At bumaba para mag pantay kami.

Nadumihan tuloy yung picnic blanket.

"Ben would never do that. Sino ka para siraan siya, ha?"

Napangisi ako, "Ewan. Kasi nagawa na niya yan kay Trisha. Kaya hindi imposible na ulitin niya." mapang-inis kong sabi habang kumakagat sa cheese stick na hawak ko.

"Hey, babe, what are you doing there?" tawag ni Ben gago kay Selene.

Tumingin naman si Selene sa kaniya habang galit ang mukha. Nag-walk out ang Selene shokoy at sinundan naman siya ng nagtatakang mukha ni Ben ten.

I guess it gives me 1 point.

Deserve for making Trisha cry. Actually, mas sobra ang ginawa nila kay Trish.

"Can i join you? If you're comfortable with it."

Bumilis ang pagtibok ng puso ko ng makita si Michael sa harapan ko.

My god, Cassie. He looked so adorable in his pose. Ang kanang kamay niya ay nasa batok niya habang hawak ang pagkain niya sa kabilang kamay.

"Uh...s-sure." nabubulol kong sagot habang inaalis ang mga kalat ko para makaupo siya sa kabilang side.

Umupo naman kaagad siya at kumain na.

Inalok ko siya ng cheese stick--na buti tinanggihan niya. Inaalok ko lang siya para maging mabait at hindi dahil gusto ko talaga.

"Favorite mo cheese stick?"

"Oo, bakit?" nakatass kilay kong balik na tanong.

"Nothing. That explains why you looked like you would hurt me kung tinanggap ko yung cheese stick kanina." tumawa pa siya.

Masiyado ba akong halata? Nako, lupa lamunin mo na ako. Nakakahiya na masiyadong obvious ang pagpapanggap kong mabait.

"Hindi kaya! Gusto mo bigyan talaga kita ngayon eh!" ipilit natin please.

Sa pagkakataong ito kinuha na niya ang cheese stick sa kamay ko. Syempre naman ngumiti pa rin ako, pekeng ngiti. Ipipilit ko talaga ito.

Ngumuso lang ako saka inubos na ang natitirang dalawang cheese stick, mahirap na noh.

"Can i have that?" tanong niya ng hawak ko na ang pangalawa at panghuling cheese stick sa kamay ko na papunta na sa bunganga ko.

Nagkunwari akong hindi ko siya narinig.

"Ha? Ano ulit?"

"I said, can i have that? Nagustuhan ko yung lasa." inulit pa talaga ng luko. Saka, syempre naman masarap iyan ako ba naman nagluto eh.

Nagbalot lang ako ng cheese si Ate Beth talaga nagluto.

"Ahh eto ba?" tinaas ko ang hawak kong cheese stick.

"Yes." natatawa niyang sagot. Anong funny? Pa-share it naman.

"Are you gonna give it to me?"

"Ha? Lakasan mo nga boses mo?" ipilit talaga natin.

Napa-ngiti siya, "I said are you gonna give me that because i asked for it?"

"Ahh, iyon ba sabi mo?"

Tumango pa ang Michael Midañez. Hindi makiramdam? Manhid lang? Hindi ba obvious ayokong ibigay to.

Pinutol ko sa kalahati ang cheese stick na hawak ko saka pareho yun sinubo sa bibig ko--Joke lang, hindi naman ako ganoon kasama. Baka bigla na lang ako neto sakalin dahil sa inis.

Binigay ko sa kaniya ang kalahati ng cheese stick. Saka ko kinain yung isang kalahati, baka hingin na naman niya isaksak ko na to sa bunganga niya eh.

Naka-ngiti naman niya yun tinanggap at kinain.

"Masarap ba talaga?" tanong ko.

"Hm? Yes, masarap."

Hmm, may taste din pala sa pagkain. Try ko nga magluto niyan yung ako na talaga magluluto. Masarap daw eh.

Para lang hindi ko na maabala si Ate Beth, meaning para sa akin at hindi kay Michael. Ano siya, gold?

Nililigpit ko na ang pagkin dahil ilang minuto na lang ay magsisimula na ang sunod na klase ko--namin pala.

Pinatayo ako ni M dahil siya na ang nagtiklop ng picnic blanket. Saka sabay na kaming naglakad papunta sa room.

Ngayon ko lang napansin--i mean, napagtuonan ng pansin. Ang guwapo pala talaga niya. Yung pagkakaayos ng buhok niya o baka kahit magulo buhok niya guwapo pa rin to eh. Guwapo din ng mata niya. Pati ang maputing kutis niya na nakakadagdag sa pagka-guwapo niya.

Add to crush list ko na sana siya kaso dapat alam ko muna ugali niya. Mamaya multo lang pala to, o di kaya masama talaga ugali. Tsk. tsk. ok na safe.

Malapit na kami sa room ng mag-bell na. Bibilisan ko na sana ang lakad ko pero may sinabi si M na nagpahinto sa akin dito sa kinatatayuan ko. Nagpagunaw at nagpabilis ng tibok ng puso ko.

"I have a crush on you."

--

^o^