"Hay nako, Pia! Kung hindi pa sinabi sa akin ni ate Beth eh hindi ko malalaman na lumabas ka kagabi."
"Opo, sorry po."
Halos hindi ko na maintindihan ang sinasabi ni Mama dahil kakagising ko pa lang at nakahiga pa ako sa kama. Ala-una na ata ako naka-uwi. Aba, buti umuwi pa ako kahit anong oras na dahil baka hindi lang sermon ang inabot ko kay mama.
Pero kasalanan ko pa rin naman. Pero hindi ako nagsisisi na pumunta ako kila Trish.
"Pia! Tumayo ka na diyan. Hay nako! Pagkatapos ng klase mo susunduin kita kasama ko tito Andrew mo."
Hay, wala na akong choice kung hindi pumayag. Kahit naman anong sabihin ko isasama pa rin niya ako doon sa Andrew.
-
"What happened in your assignment? Kulang na lang hindi mo na ito gawin, Pia. Isa na lang ang nasagutan mo, mali pa."
Sermon sa bahay sermon din sa school. Nandito pa rin ako ngayon sa loob ng room habang ang mga kasama ko ay nagla-lunch na, kainggit!
"S-sorry po, hindi lang talaga natapos...babawi na lang po ako."
Hindi ko talaga alam kung makakabawi pa ako dahil math to. Kung hindi siguro ako tinawagan ni Trish, malamang iniiyakan ko na yung math na assignment habang nanonood ng movie.
"Ok, mag-lunch ka na din."
"Ok po, thank you po."
Hayyy, buti naman. Dumaan muna akong comfort room dahil kanina ko pa pinipigilan ang ihi ko.
Pagkalabas ko ng baniyo nakarinig ako ng mga bulungan. Sinundan ko ang ingay at dinala ako nuon sa pinaka-dulo. Kaunti lang ang pumupunta dito dahil wala namang laman ang mga rooms dahil luma na ito at ginawa na lang tambakan ng nga upuan.
Nakita ko duon si Selene at Trisha. Kasama ni Selene si girl 1 at girl 2.
"Hoy! Anong ginagawa niyo diyan, ha!" pagsuway ko kila Selene and the girls. powerpuff girls.
"Ikaw na namang babae ka? Umalis ka na nga dito hindi ka naman kasali!" pfft, ang arte ni girl 2 pang-bata naman ang linyahan.
"Hoy, tigilan mo ako! Pinapakulo mo na kaagad dugo ko. Tabi nga diyan!" sinadya kong banggain ang braso ni girl 2 at pinuntahan ko si Trisha na umiiyak na.
"Umalis ka nga dito, akala mo hindi ko pa nakakalimutan ang pagsampal mo sa aking babae ka, ha?"
"O, bakit? Gusto mo ng isa pang sampal? Tara dito, oh! Bigyan ko kayo."
"Whatever, next time na lang kita gagantihan and you better be ready!" haha im so scared.
"Let's just talk about Trisha. The fake, stupid bitch who killed her sister--" sinampal ko si girl 2 dahilan para maputol ang pinagsasasabi niya.
Napaupo siya kaagad sa sahig habang hawak ang pisngi niya. Hinawakan naman ni Trish ang braso ko.
"Pia, tigilan mo na yan, tara na." aalis na sana kami ni Trish pero hinarangan kami ni Selene.
"Oops, where are you going, Trisha? Don't you want to talk about your sister? Why? Feeling guilty? Because she died? Because you kill her--no wait! Because you're the reason you're sister died and you are also the reason your parents divorced--"
"Below the belt, Selene!" sigaw ko sa kaniya ng mapa-upo siya sa sahig dahil sa pagkakalakas ng sampal ko.
"Hey, how dare you slap her!"epal ni girl 1
"O, bakit? Gusto mo rin?" inamba ko ang kamay ko ng sampal kaya naman tumahimik si girl 1, natakot ata.
"Selene? Trisha?" dumating na si Ben ten.
"Ay buti naman dumating kana! Pagsabihan mo nga yang babae mo na tigilan niya na si Trish--"
"Ben, babe! That girl, Pia, slapped me. Look oh, here. It hurts!" ginigigil ako ng Selene na yan, ha, pinutol pa sinasabi ko.
Lumapit naman kaagad sa kaniya si Ben ten at hinimas ang pisngi nito.
"What did you do to her?"hinawakan ni Ben ang magkabila kong braso.
"Ano ba?! Bitawan mo nga ako!" imbis na bitawan ay hinigpitan pa ng gago ang hawak sa braso ko.
"Ano ba, Ben, bitawan mo nga ang kaibigan ko!" hinahampas ni Trish ang braso ni Ben.
"That's right, babe, hold her tight. Gagantihan ko lang siya ng sampal na binigay niya sa akin." sabi ng namumula pa rin ang pisnging si Selene.
"Hands off." Sabi ni...M?
"Trisha?" sabi ni... sino nga ba to? Kasama ni Michael eh, hindi ko naman to kilala.
Lumapit si Michael at pinipilit na tanggalin ang kamay ni Ben na nakahawak sa braso ko. Nakita ko ang pagdiin ng kamay ni Michael sa kamay ni Ben. Napa-aray si Ben at inalis ang kamay sa braso ko.
Hinawakan ni M ang kamay ko saka hinila paalis sa lugar na iyon.
"Nasaan sila Trisha?" tanong ko ng mapansin na hindi ko makita kahit saan ang kaibigan ko.
"She's with Ivan."
"Ang tanong ko saan, hindi sino kasama, englishin ko pa ba?"
Hindi niya ako sinagot dahil baka na-bingi na siya bigla. Patuloy lang siya sa paghila sa akin na hindi ko alam kung kailan kami hihinto. Sabihin ko na bang hindi pa ako kumakain? Sumasakit na tiyan ko.
Mukhang hindi na kailangan dah huminto kami sa cafeteria at sa isang lamesa nandoon sila Trisha at Ivan...daw. Si Michael nagsabi ha! Ivan daw pangalan eh.
Umupo din ako doon saka umalis sila Michael at Ivan para kumuha ng pagkain.
"Ok ka lang, Trish?" tanong ko ng makitang tahimik lang siya.
"Ano ng gagawin ko, Pia? Malamang ipagkakalat ni Selene ang nalaman niya."
"Ipagdasal na lang sana natin na may natitira pang konsensiya sa loob niya at hindi niya ipagkalat iyon. Pero sa ugali niya malabong mayroon siyang konsensiya. Pero andito lang naman ako...saka yung...Ivan..."
Nanlaki ang mga mata niya kaya nalaman kong may something talaga.
"Baka gusto mong mag-kuwento? Paano mo nakilala yung Ivan, ha?"
"Baliw. Kasama namin siya ni Clara, nakasama lang namin ni Clara sa group work. Eh, ikaw? Iyon ba yung Michael?"
Tumango ako kaya napangiti siya ng malaki. Ano na naman?
"Sasabihin ko yan kila Sarah." tumawa siya kaya napangiti na rin ako. Ako na naman ang topic. Ayos na ako sa ganito ang makitang masaya si Trish pati na ang mga kaibigan ko.
"Trisha? Pia?"
--