"Trisha? Pia?"
Nagulat ako sa tumawag sa amin. Si Sarah. Kasama si Clara. Rhyming pala name nila!
"Hoy, kayong dalawa, ha! Kanina pa namin kayo hinihintay sa likod ng school!"
Naki-upo na si Clara at Sarah saka naman biglang dumating sila Ivan. Binaba nila ang mga tray na dala nila at ang para sa amin ni Trish.
Umupo si Michael sa tabi ko kaya napapagitnaan niya ako at ni Clara. Si Trisha naman ay napapagitnaan ni Ivan at Sarah.
Clara cleared her throat kaya napatingin kami sa kaniya. May mapanukso din siyang mukha na malamang para sa amin ni Trish.
"Puwede niyo ipakilala, Pia, Trisha." nangkit ang mga mata ni Clara pagdating sa akin. Bakit sa akin lang?!
"Kilala mo na siya, Clara! Si Ivan! Naging ka-group natin."
"Ha? Ivan?" nag-isip pa si Clara kaya napa-face palm si Trish.
"Ivan, hello? Ikaw pa nga humatak sa kaniya na mapunta sa group natin, ano ka ba naman, Clara!"
"Ah, ok naalala ko na! Ian Vanlen, tama?"
"Yes." sagot ni Ivan--Ian--Ivan ah basta Ivan na lang. Iyon din tawag ni Trish, eh!
"Pia?" bumaling sa akin si Clara, mas lalong naging mapang-inis ang tingin niya sa akin.
"S-si M--Michael, kaklase namin ni Sarah." tinuro ko pa si Michael na nasa tabi ko.
"Kaklase niyo, Sarah?" tanong ni Clara kay Sarah. Nag-isip pa sandali si Sarah saka tumango din naman.
"Ahh, ganoon ba, sige order muna kami ni Sarah ng pagkain. Yung dalawa naman diyan ang mag-intay." halata naman na ang tinutukoy niyang dalawa ay kami ni Trish.
Tinuloy na lang namin ang pagkain at hinintay sila Sarah bumalik. Nakipag-kuwentuhan sila dito kila Ivan at M.
Si Ivan ay nakikipag-usap naman dahil nga naging ka-group naman siya nila Trish. Si Michael naman... kapag tinatanong lang siya sasagot.
Kahit gusto kong makipag-usap sa kaniya, nahihiya ako eh. Kasi nga, diba, yung, sinabi niya, bast alam niyo na yun.
-
At kapag nga naman nasa mood ang panahon. Naging magka-group pa kami ni Michael sa isang project. Research project. Kasama namin si Sarah. Ako, si Sarah, Dianne, Roy, at Michael.
Suwerte na lang ako at nandito si Sarah. Ang pinili kasi ng teacher namin ay yung mga limang magkakatabi sa upuan.
Nandito kami ngayon sa likod ng school nakaupo kami sa bench na nalililiman naman ng puno.
Pare-pareho kaming tahimik, hindi ko alam saan sisimulan ang pag-uusap namin. Sa hi? Hello? Goodbye? And everything?
"Ehem. So, saan natin gagawin ang research? Sa bahay ng isa sa atin or sa ibang lugar na lang?" si Sarah na ang nagsalita.
Mas marami ang may gusto sa ibang lugar na lang. Para daw yung ibang malalayo ang bahay ay makakapunta pa rin. Ang napag-usapan ay sa isang café shop. Lahat naman ay pumayag kaya nagkaniya-kaniya na kaming uwi at bukas na lang ulit magkikita-kita.
-
Ng makalabas ng school nakita ko si mama na tinatawag ako katabi niya ang kotse ni Andrew. Nasa backseat lang ako at tahimik lang ang biyahe. Ang gagawin lang pala ay mamimili sila ng lugar kung saan sila ikakasal, nawalan agad ako ng gana. Tuwang-tuwa si mama na para bang hindi niya iyon ginawa pa noon.
Napili nila na ganapin ang kasal sa isang simbahan, ayaw daw kasi ni mama ng beach wedding. Beach wedding kasi ang naganap na kasal nuon kay mama at papa.
Habang pauwi na kami, napagdesisyunan pa nila na kumain sa labas ng hapunan. Nasa isang kilalang restaurant kami kumain. Wala na sana akong pakialam, kaso... nakita ko ang isang tao na hindi ko maaasahang makikita ko pa muli. Ang papa ko.
Kasabay niyang kumain ang bago niyang pamilya. Mukhang masaya naman siya. Napansin rin ata sila ni mama at ni Andrew. Tinanong ni Andrew si mama kung gusto na nitong umalis. Pero sabi ni mama ay ayos lang daw. Sa akin hindi ayos.
Hindi ba nila ako tatanungin kung ok lang sa akin ang kumain sa iisang lugar kasama ang papa...ko?
Tahimik pa rin ako kahit kumakain na kami. Lagi akong napapatingin sa gawi nila Papa. At ng pang-ilang tingin ko na ay sakto namang napatingin din siya sa gawi ko. Gulat ang mga mukha ni papa ng makita kaming kumakain.
Sa hindi ko malamang dahilan, nginitian ko siya, yung tipid na ngiti. Pero hindi siya ngumiti pabalik, binalik lang niya ang tingin sa pamilya niya na para bang hindi ako nakita.
Hanggang sa maihatid kami ng Andrew ay hindi ko maalis sa isipan ko ang nangyari.
-
"Ma, aalis po ako ngayon. May group research po kami."
Pagka-uwi ko galing school ay dumiretso agad ako sa bahay para magpalit ng damit at magpaalam kay mama.
"Sige." ni hindi man lang ako tiningnan ni mama at busy sa ka-text niyang Andrew.
Tingnan mo si mama nuon nagalit kasi hindi ako nagpaalam, ngayong nagpapaalam ako para namang walang pake. Pero keribels lang.
Lumabas ako ng bahay at may usapan kami ni Sarah na susunduin daw niya ako dito. Sa gate 1 kasi malapit ang bahay niya at sa gate 2 naman ang akin.
"Hey, Pia. Let's go?"
Naka-upo siya sa likod ng kotse ni...Kyle?
"Hoy, Kyle, ano ginagawa mo dito?" tanong ko ng makaupo sa katabi ni Sarah.
"Malamang ihahatid kayo."
"Sarah, seatbelt ka, baka ibabangga tayo ni Kyle kaya sinama tayo."
"Grabe ka, Pia! Wala talagang tiwala? Saka hindi ko ito ibabangga nandito si Sarah."
"So, kung ako lang nandito, ibabangga mo?"
"Kapag hindi ka tumahimik baka gawin ko talaga."
Napanguso na lang ako saka tumingin sa bintana. Ng makarating sa café ay nagpaalam na kami ni Sarah kay Kyle.
"Ay, teka, hiramin ko muna si Sarah saglit. Mauna kana, Pia."
"Bakit? Ano pag-uusapan niyo, ha? Baka bina-backstab niyo ako."
Sinamaan na ako ng tingin ni Kyle kaya bumaba na ako ng sasakyan niya baka mainis pa sa akin at lagyan na ng tape ang bunganga ko.
Pumasok na ako sa loob ng café shop at ang nakita ko lang ay si Michael, mukhang wala pa ang iba.
"Hey." napatayo pa si Michael sa hindi ko alam na dahilan. Ewan ko din bakit siya tumatayo.
Nginitian ko lang siya saka umupo sa katapat niyang upuan.
"M-may nagawa na akong kaunting research kagabi para sa part ko."
"Ha? Talaga? Ambilis naman?" grabe nahiya naman ako, wala akong ginawa kagabi kung hindi ang magpagulong-gulong sa kama ko habang nagce-cellphone.
"Do..you want to see it?"
Tumango naman ako. Nacurious din ako kung paano siya gumawa ng research na natapos lang niya kagabi. Ang tagal niya ipakita kaya lumipat na ako ng upuan sa katabi niya.
Nakita kong may pinindot siya kaya nag-iba ang background ng laptop niya, naging fully white lang. Hindi ko rin nakita ano yung pinalitan niya dahil mabilis niya iyong pinindot.
"U-uh, here."
Ng makita ko yun ay napatango-tango ako. Ang sinabi ko lang ay maayos at maganda ang pagkakagawa niya. Kaya nilabas ko na rin ang laptop ko saka sinimulan ng gawin ang part ko. Nakakahiya kaya.
Maya-maya pa isa-isa ng dumating ang ka-group namin. Huling dumating si Sarah na malungkot at halatang malalim ang iniisip.
Ng makaupo si Sarah sa tabi ko ay agad ko siyang tinanong kung anong problema, ngunit sinabi lang niya ay wala at ngumiti na.
Pinakita ni Sarah ang part niya sa research. Tapos na din pala niya ang part niya, may kaunti pa siyang in-edit. Edi, sana all. Tinuloy ko na lang ang akin. Nagpalitan kami ng suggestions, at feedbacks. Maganda naman ang kinalabasan niyon. Ng mag alas-sais na ng gabi ay nagpaalam na kami sa isa't isa.
Ng makaalis na ang lahat napansin kong hindi pa rin tumatayo si Sarah sa inuupuan niya kaya umupo na lang ulit ako sa tabi niya.
"Sarah, magsabi ka nga sa akin. May problema ba? At huwag mo sabihing wala dahil halatang mayroon naman."
"K-kasi.. Si K-kyle kasi..."
"Anong si Kyle? Wait, manliligaw na siya? Inaya ka na niya makipag-date? Sinabi niyang gusto ka niya? Oh my!"
"H-hindi, w-walang ganun."
"Eh, ano?" bumagsak ang balikat ko.
"Sabi ni Kyle, nagdesisyon daw ang parents niya na doon na siya pag-aralin sa ibang bansa." mas lalong lumungkot ang mga mata ni Sarah.
"Nalulungkot ako kasi..diba...bestfriend ko siya. Tapos biglang hindi ko na siya makikita." may luhang tumulo sa mga mata ni Sarah. At pati ako naapektuhan nuon. Ayoko ng makitang nalulungkot ang mga kaibigan ko.
Niyakap ko si Sarah. Hindi na ako nagsalita dahil kahit ako ay nalulungkot. Nag-stay pa kami ng ilang oras ng magdesisyon na siyang umuwi.
Nag-taxi kami pauwi, hinintay kong makapasok si Sarah sa loob ng bahay niya, saka nagpahintay ako sa taxi sa tapat ng bahay nila Kyle.
Ng nag doorbell ako kaagad namang lumabas si Kyle.
Nagulat pa siya ng makita ako pero ng makitang malungkot ang mukha ko ay lumungkot din ang mukha niya, "Alam mo na? Sinabi na siguro sayo ni Sarah."
Malungkot siyang ngumiti kaya nalungkot din ako, daming lungkot.
Kahit naman palagi ko siyang kaaway at siya ang number one hater ko at kahit minsan salaola siya, at kahit minsan pangit siya, at kahit minsan bully ko siya, at kahit minsan epal siya ay kaibigan ko pa rin naman siya.
Napabuntong-hininga si Kyle. Alam kong mahirap din sa kaniyang umalis. At alam kong malungkot din siya kasi maiiwan niya si Sarah, ang best friend niya. Dami kong alam.
"Kapag umalis na ako, ikaw na bahala kay Sarah, ha. Sasabihan ko din si Clara dahil mas malapit ang bahay niya kay Sarah. Kapag may sakit si Sarah, sabihan niyo agad ako. Kapag malungkot siya ako din sabihan niyo. Ikaw ang kaklase ni Sarah kaya kapag nahihirapan na siya sa pag-aaral, ayain mo siya kumain. Gusto niya lagi mataas grades niya, kaya kapag mababa grades niya sabihin mo lang yung mga mababa ang grades. Kapag--"
Naputol ang sinasabi ni Kyle dahil niyakap ko siya, dami niya kasing satsat, Joke! Ma-mimiss ko din kasi ang lukong to.
"Ikaw din kaya, mag-iingat ka doon. Kami na ang bahala kay Sarah, hindi namin siya papabayaan. Eh, ikaw, ibang tao makakasalamuha mo doon, bagong lugar, kaya mag-ingat ka."
Nakipag-kuwentuhan pa muna ako kay Kyle. Sabi ko din na uwian niya ako ng souvenirs saka chocolates. Sabi ko din babantayan ko si Sarah sa mga aaligid na lalaki, para di siya mawalan ng chance. Um-oo naman ang luko. Halata namang may gusto siya kay Sarah.
Sabi ko nga umamin na kay Sarah bago siya umalis, ayun, na-torpe ang luko at sinabing umuwi na daw ako. Ni hindi man lang muna ako pinakain. Dami kong sabi, noh? Ganoon talaga kapag maganda.
Edi eto ako ngayon sumasakay sa taxi, buti na lang hindi nainip si kuya at hinintay pa rin ako.
"Ang tagal niyo ho, ma'am." ayun, nagreklamo din si manong driver.
Humingi lang ako ng sorry kay kuya. Biniro pa nga ako ni kuya na doble daw ibabayad ko dahil pinaghintay ko siya. Akala ko ng tototohanin pero hindi naman. Sabi nga ni kuya binawasan pa daw niya ng piso yung bayad ko. Grabe diba? Nakaka-touch ng ngipin si kuya.
-
Friday ngayon at walang klase sa isang subject dahil absent ang teacher.
Nairaos naman namin kahapon ang pagpapasa ng research. Ang bilis ng pasahan, noh? Actually, ngayon talaga ang pasahan kaso diba nga, tapos na si Sarah at M sa part nila. Sila Dianne may nasimulan na siya ng dumating siya sa café shop. Kaya naman naging mabilis kami. Lalo na dahil lahat naman ay naki-cooperate sa research project.
Nandito ako sa likod ng school, nakaupo sa bench. May thirty-five minutes pa bago magsimula ang sunod na klase. Si Trish at Clara ay may klase. Si Sarah naman ay ayun sinama siya ni Kyle, ibabalik din daw niya si Sarah bago magsimula ang sunod na klase.
Mas gusto ko dito kaysa maghintay sa room. Wala si Sarah, wala akong kadakdakan, hindi ko naman ka-close yung iba kong kasama doon, kaya no choice dito talaga ang puwesto ko.
Nagulat ako at naputol ang pagmumuni-muni ko ng may umupo sa kabilang dulo ng bench. Si M.
"Ba't ka nandito?" hindi sa pinapaalis ko siya, ha, curious lang.
"Why? Can't i sit here?" ayun at minasama nga niya ang tanong ko.
"Hindi naman, nagtanong lang, minasama mo naman kaagad."
Hindi niya ako pinansin, nilabas lang niya ang phone niya.
"30 minutes before our next class starts." Para saan naman yun? Tingin ba niya hindi ko kayang tumingin ng oras?
"Can i take you to somewhere?" tanong niya na ikinagulat ko.
"Saan naman?" saan bang somewhere?
"I want to surprise you, I mean if you want?"
Tumango ako, dahil gusto kong makita kung saan kami pupunta. Ngumiti naman siya, yung ngiting pati ikaw mapapangiti na din.
Hinawakan niya ang kamay ko, ang lambot ng kamay niya. At nagbigay iyon ng nakakaliting bagay sa tiyan ko. Dinala niya ako sa kotse niya at pinaandar na iyon.
Wala pang sampung minuto ay nakarating na kami sa somewhere na sinasabi niya, kung ito na nga ba yung somewhere. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse saka lumabas ako.
Hindi ko alam kung nasaan kami, bato ang inaapakan namin, pero hinila niya ang kamay ko, at ito na naman ang kakaibang bagay sa tiyan ko, at nagpapabilis ng tibok ng puso ko.
Papunta kami sa mapuno na may damo at maraming bulaklak.
Patuloy lang kami sa paglalakad, yinuko namin ang ulo namin dahil mababa na ang sanga ng punong nadaanan namin.
Ng tumigil kami sa paglalakad ay nagulat ako sa aking nakita.
--