Chereads / Choose to love (Amore Series #1) / Chapter 8 - CHAPTER 8

Chapter 8 - CHAPTER 8

"Hoy, Pia!"

Nagulat ako sa pagsigaw sa akin ni Kyle. Ihh naman kasi, bwisit si Michael bigla na lang babanat. Kung hindi lang naabutan ng teacher doon, malamang hindi ako makakaalis sa puwesto ko doon.

Hayy, M, ano ba pinagsasasabi mo? Pinapakilig mo ako.

"Ha? Ano sabi mo?"

"Sabi ko nasaan si Sarah?"

"Ewan. Saka mukha bang alam ko kung nasaan si Sarah? Eh pareho lang naman tayong nandito."sagot ko sa katanungan ni Kyle. Nasaan na nga ba si Sarah?

"Aba,Kyle, anong naisip mo at nagpakita ka na sa amin?" bati ng kakadating lang na si Clara.

Andito kami ngayon sa Mall. Nakatambay kami sa may Dairy Queen.

"Masama ba? Baka lang kasi nami-miss niyo na ako."

"Utot mo, hindi ka namin na-miss. Ang saya kaya namin." pambabara ko kay Kyle.

Sasagot pa sana siya pero dumating na si Trish kasama si Sarah.

"Kyleeee! It's been a week since hindi ka nagpakita, na-miss ka namin." yumakap pa si Trisha kay Kyle.

"Buti kapa Trisha na-miss mo ako. Yung iba kasi diyan deny pa."

"Correction, Trish. Ikaw lang naka-miss hindi namin." singit ni Clara.

Lumapit naman si Kyle kay Sarah na uupo pa lang saka niyakap ito sa likod.

"Tingnan mo, Sarah, inaaway ako." parang batang sumbong ni Kyle kay Sarah.

"Umalis ka nga diyan, Kyle!"

Pinagtawanan namin si Kyle dahil pinaalis lang siya ni Sarah. Hahahhaha.

"Naka-order naba kayo?" tanong ni Sarah.

"Ikaw lang in-order ko, Sarah. Sila, hindi.Hayaan mo sila pumila ng mahaba." sagot ni Kyle.

"Ano ba naman yan!"

"Kyle, may favoritism ka talaga!"

"I will take back what i said. I really didn't miss you, Kyle!"

Sunod-sunod kaming nagreklamo dahil sa sinabi ni Kyle. Ito talagang lalaki nato, may favoritism.

"Joke lang, kayo naman. Syempre in-order ko na rin kayo. Lakas niyo kaya sa akin!" tawa-tawa pa ang luko.

Maya-maya pa tinawag na si Kyle sa counter at sumama si Sarah para may katulong si Kyle sa pagbitbit ng order.

"Are you two dating each other?" biglaang tanong ni Trisha kila Kyle at Sarah.

"H-hindi ah!" depensa ni Sarah.

"Hindi pa." pagsingit ni Kyle.

"Ay! Ay! Anong banat yan, Kyle. May something na talaga. Kayo,ha, pa-secret pa." gulat na sabi ko.

Namumula ang pisngi nung dalawa kaya nagtawanan kami.

"H-hoy tumigil nga kayo! Si Clara di naman, ha!" napatingin kami kay Clara dahil sa sinabi ni Sarah.

"Oh, bakit ako nadamay?"

"Clara, aminin mo naaaa."

"Spill!"

"Bakit hindi ko alam yan, ha?"

Pati ang mga mukha ni Clara ay namula na rin. Sinasabi na! Mga may secret na ito. May mga tinatagong love life.

"Si Pia din naman, ha!"

"Oh? Bakit sa akin naman napunta?" gagang Clara na ito pati ako dinamay.

"Totoo kaya! Nakita ko kanina kasama mo kumain eh isang lalaki!"

Ililipat talaga sa akin ang topic! Grabe! Hindi ko sila kinaya.

"Bakit? Kasama naman namin yun ni Sarah, ah!"

"Huuu maniwala!"

"Huwag kayo maniwala diyan! Si Pia yan eh, hindi yan kapani-paniwala!"

Binato ko si Kyle ng tissue dahil sa sinabi niya.

"Tarantado ka, Kyle! Anong hindi kapani-paniwala, ha?" nilakihan ko pa siya ng mata.

"Ay iniiba yung topic!" Itong si Clara halatang may galit sa akin.

"Sino ba yung kasama mo?" tanong ni Sarah.

Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin kaso mukhang wala na akong kawala dahil lahat sila hinihintay ang sagot ko. Hays, no choice.

"Si M-michael..."

Natahimik naman sila sa sinabi ko. Mga baliw na to, wala man lang reaksiyon.

"Crush mo?" malapit na, Trish!

"H-hindi ah!"

"Yieee, dalaga na si Pia!" gago ka, Kyle!

"Crush na crush na crush kita~" kumakanta pa po si Clara.

"Piaa! Yieee Michael pala, ha!"

"Kinikilig na ang baby Pia!"

"Oh my, Pia! You will be the topic for the meantime! Yieee! Can't wait to meet Michael!"

Napatakip na lang ako sa mukha ko dahil sa ingay at sabay sabay na pagsasalita ng mga kaibigan ko. Nakakahiya! Nasa mall pa naman kami! Pinagtitinginan na nga kami ng nga taong dumadaan! Hayss!

-

"Pangit ng suggestion mo, Clara!"

"Mas pangit ka, Kyle!"

Napaka-iingay! Natapos na ang panunukso nila sa akin at nandito naman kami sa clubhouse--subdivisiong tinitirhan nila Trish.

Ngayon ay nag-uusap sila tungkol sa puwede naming puntahan sa sem-break dahil malapit na ang December.

"I suggest we go to the beach! It will be fun! Sulit ang bakasiyon."

"Sorry, Trish, kahit mabait ka sa akin mas gusto ko ng camping." pag-epal ni Kyle.

Nag-aaway-away ang friends dahil iba ang gusto ng iba--ni Kyle lang pala.

Ang gusto ni Kyle ay camping ang gusto naman nila Trish ay beach. Ang gusto kasi ni Kyle sa bundok mag camping.

Ako, ok lang ako kahit ano doon sa dalawa. Dahil tingin ko pareho namang masaya at exciting. Si Sarah din tahimik lang, ayaw talaga ni Sarah ng maingay. Nakakapagtaka bakit naging kaibigan niya si Kyle noh? Apaka ingay kaya ni Kyle.

"Camping nalang kasi! Masaya din naman doon!" ipilit mo pa Kyle! Dalawa na kalaban mo diyan.

"No, beach is more fun, Kyle!"

"Kaya nga! Tama si Trisha, mas masaya mag beach! Tanungin mo si Sarah! Ok lang diba sa beach, Sarah?"

"Ha? Oo, ok lang naman."

"Oh diba ano ka, Kyle, talo kana, si Sarah na nagsalita. Hahahahah" singit ko kahit hindi ako kasali.

Natahimik sandali si Kyle na parang nag-iisip, wala naman siyang utak.

"Ok lang ba talaga beach sayo?" ulit na tanong ni Kyle. Tumango naman si Sarah.

"Sige na nga! Beach na kung beach!" Sumuko ang luko hahahha.

"Thank you, Kyle!"

"Hahahaha ano kaba, Trish, kay Sarah ka dapat mag-thank you!"

"Si Sarah lang pala ang katapat, ha!"

Pinagtawanan pa namin lalo si Kyle dahil sa pamumula ng mukha niya. Pati si sarah ay naki-tawa na rin kahit bahagyang namumula ang mukha niya.

-

Nakahiga ako ngayon sa kama ko. Wala akong ginagawa kaya nanonood ako ngayon ng movie sa tv ko, habang gumagawa ng assignment. Multi-tasking ang tawag dito. Masipag kasi ako.

Tumunog ang phone ko at nakitang si Trisha ang tumatawag.

"Pia.." malumnay ang boses ni Trish.

"Bakit? May problema ba? Nasaan ka?"

"Napanaginipan ko si ate.." nagsimula na siyang humikbi ng mahina.

"P-pia, nakita ko si a-ate. N-nakita k-ko ulit s-siya."

Tiningnan ko ang orasan at nakitang alas-onse na ng gabi, pinatay ko ang tawag pati na rin ang tv. Tinabi ko ang ginagawa kong assignment saka nagsuot ng hoodie. Kinuha ko ang phone at wallet ko saka lumabas ng bahay.

-

Nag-taxi na lang ako papunta kila Trisha. Nasa tapat ako ng bahay nila, hindi naman ako puwedeng mag doorbell kasi baka tulog na ang ibang kasama nila sa bahay. Kaya nagpapasalamat ako ng may lumabas na isang kasambahay nila Trish at pinapasok ako.

Dumiretso kaagad ako sa kuwarto ni Trish kaso naka-lock ito.

"Trish? Si Pia to."

Pinapasok din naman ako kaagad ni Trisha. Niyakap ko siya ng makitang basang-basa ng luha ang mukha niya.

"N-napanaginipan k-ko s-si a-ate." iyak lang siya ng iyak sa balikat ko.

"K-kasalanan k-ko t-talaga."

"Shh.. hindi mo kasalanan ang nangyare, aksidente lang lahat yun."

"N-nalaman n-ni S-selene a-ang nangyare n-noon. A-ano ng g-gagawin ko?"

"Hayaan mo si Selene, hindi ka namin papabayaan nila Sarah."

Ng tumahan at kumalma na siya ay hiniga ko siya sa kama.

"Puwede huwag mo munang sabihin kila Sarah? Ayokong malaman ng mga kaibigan natin. Alam mo na baka...alam mo na yun."

"Sige, hindi ko sasabihin. Pero, Trish, hindi nila gagawin sayo ang ginawa ng mga kaklase mo nuon sayo. Parang hindi mo kilala sila Clara."

"Please just don't tell them..yet."

"Okay, if you say so. Ayaw mo din ba sabihin sa mommy mo?"

"N-no, naghiwalay sila ni dad because of what happen...in ate."

"Ok."

Ilang minuto pa ang lumipas saka nakatulog na si Trisha. Saka lang ako may naalala.

Hindi ako nakapag-paalam kay Mama.

--