"She gave this to me.She's a good person, kuya Michael!"
Tuwang-tuwa ang batang babae dahil binigay ko sa kaniya ang ice scramble KO. Oo akin, ipilit pa rin natin.
Akala naman niya, pasalamat siya mabait akong tao at cute siya.
Andito kami ngayon sa may bench malapit kay manong na nagtitinda ng ice scramble na nagliligpit na ng gamit.
"Kapatid mo?" tanong ko kay M.
"Cousin." simple niyang sagot habang pinupunusan ng paniyo ang bibig ng batang babae na Bella pala ang pangalan.
Nakita ko naman sa gilid ng mata ko ang mga simpleng ngiti nila Clara sa gilid ko katapat ng inuupuan nila M. Si Sarah daw nagpa-una ng umalis. Sabi kasama daw lalaki--si Kyle. Iyong Kyle na yun, alam ko may crush yun kay Sarah eh.Luma-love life ang Mommy Sarah ko.
Nandito ako naka-upo habang--ewan ko din ba ano pa ginagawa namin dito. Hinatak lang ako nila Trisha dito eh.
"Bakit tayo naka-upo dito? May hinihintay ba tayo?" tanong ko sa kanila.
"Ha? Ewan ko din. Tara na nga."
Naunang tumayo si Clara saka sumunod kami ni Trisha. Nagtawanan naman kami dahil sa katangahang nagawa namin.
Nakita kong nakatingin sa akin si M, kaya nilingon ko siya at nginitian. Hindi ko alam kung namalik-mata lang ako dahil nakita ko ang bahagyang pagmula ng mukha niya. Siguro nga namalik-mata lang ako.
-
"Mag-ingat ka, ha? Tawagan mo kami kapag nalukungkot ka, huwag yung para lang sabihin na naiihi ka."
Totoo yun ha, ilang beses niya ako nuon na tinawagan para lang sabihin na naiihi siya, parang tanga lang diba?
Anyways, nandito kami ngayon sa kuwarto ni Clara--sa guest room nila Trish. Inaayos namin ang gamit niya dahil babalik na siya sa bahay nila. Tutulungan daw niya ang Tita niya sa pag-aayos ng libing ng mga magulang niya.
"Para namang mag-aabroad ako niyan, Pia."
Natawa ako dahil sa sinabi niya. Ako ang nagtitiklop ng damit niya ng MAAYOS. Dahil ang ginagawa niya kanina ay tiklop-tiklupan lang.
"Heyyy, girls." ang biglang pagsulpot ni Sarah sa pinto. Hobby na niya ata ang biglang pagsulpot ng hindi kumakatok.
"Ay andiyan na si Mommy Sarah. Bigla na lang nawawala at babalik ang mahal na prinsesa." natawa kami dahil sa sinabi ni Clara.
"Kamusta? Date ba yun? Kuwento naman diyan, oh." tumataas-baba pa ang kilay ko.
"Si Mommy Sarah, magkakaroon naba ng Daddy?" panunukso ni Trisha.
"Tumigil nga kayo diyan."lumapit si Sarah para tumulong sa pag-aayos ng gamit ni Clara. Hindi rin naman nakawala sa paningin namin ang pamumula ng mukha ni Sarah.
Si Sarah talaga masiyadong obvious hahaha. Halata namang may crush siya kay Kyle. Bwisit na lalaking yun hindi na nagpakita sa amin.
"Bakit hindi na nagpapakita yan Kyle na yan sa amin ha? Puro sayo na lang nagpapakita, may favoritism talaga."
"Oo nga, ang daya!"
"Baka kasi nagde-date kaya laging silang dalawa pang. Ayieee."
"Ewan ko! Bakit ako tinatanong niyo? Saka hindi kami nagdi-date noh."
Pinagtawanan namin ang reaksiyon ni Sarah dahil namumula na ang mukha niya.
"Ay, parang tanga lang Clara! Umalis ka nga diyan." inis na sabi ko kay Clara ng daganan niya ang mga natiklop ng damit.
"Ano bayan!"
"Umalis ka diyan Clara!"
Sunod-sunod na ang pagrereklamo ng mga kaibigan ko dahil sa ginawa ni Clara.
"Alam niyo ba--"
"Hindi." pagputol ko sa sinasabi niya.
"Funny mo. Parang tanga." inis na sabi niya sa akin.
Nag-peace sign lang naman ako saka pinagpatuloy na niya ang pagsasalita niya.
"Alam niyo b--wag na pala yun baka putulin lang ng isa diyan. Kung wala kayo feeling ko nakakulong lang ako sa kuwarto ko sa bahay namin at umiiyak, baka nga hindi pa ako kumain dun. So, thank you. Verh much--Ano bayan Trisha, umiiyak kaagad."
Natawa kami sa huli niyang sinabi. Yumakap naman kaagad kami sa kaniya.
"Ano ba iyan, Clara, drama-rama sa hapon lang." pabiro kong hinampas ang likod niya.
"Tama na nga! Hindi na yan yakap eh, sakal na yan!" humiga kaming lahat sa kama saka nagtawanan.
"Hoy, umalis kayo diyan. Ayan, uulit na naman tayo magtiklop. Kulit kasi!" inis na sabi ni mommy Sarah. Pati din naman siya nakahiga sa kama. Hindi naman namin pinansin ang sinabi niya saka nagtawanan lang ulit.
-
Isang oras na kaming nagliligpit ng gamit ni Clara--na hanggang ngayon hindi pa rin natatapos. Ang gugulo kasi--
"Tumigil nga kayo!" suway ni Sarah kay Trisha at Clara na naghahampasan ng unan.
"Hoy, kayo, inii-stress niyo si Sarah, ako na lang ang mabait dito--" naputol ang pagsasalita ko ng may lumipad na unan sa mukha ko.
"Oopps, sarreyy." nakangiting pang-iinis ni Clara.
Kinuha ko ang binatong unan sa akin saka umakyat ng kama at nakipag hampasan sa kanila.
"Hoy ano ba naman kayo?! Hindi na tayo matatapos mag-ayos niyan eh! Alas-tres na ng hapon--" nabitawan ni Trisha ang unan kaya tumilapon yun sa mukha ni Sarah.
Napatigil kaming lahat, dahil nakakatakot magalit si Sarah. Patay! Tahimik lang si Sarah, at mukhang magkakaroon na ng war.
Pinulot ni Sarah ang unan at tumakbo sa kama para maki-gulo sa amin. Nagtawanan na naman kami dahil sa pinaggagagawa namin.
*Knock knock*
Napatigil kaming lahat ng may kumatok sa pintuan.
"Trisha? Girls? Andito na ang tita ni Clara, hinahanap na siya."
Nagtinginan kaming lahat dahil sa sinabi ni tita Shayne.
"O-opo, Mom!"
Nagmamadali kaming bumaba ng kama saka inayos ang mga gamit pati ang unan. Inayos din namin ang mga damit ni Clara.
Ng matapos ay sabay sabay kaming bumaba ng hagdan. At tulad ng sabi ni tita Shayne andoon na nga sa baba ang tita ni Clara.
"Tita!" lumapit si Clara sa tita niya saka ito niyakap.
Kami namang tatlo pinagtulungan namin ang maleta ni Clara na isakay sa likod ng kotse nila Clara.
Nagpa-alam at nagpasalamat din si Clara kila tita Shayne saka lumabas na.
"Ingat ka sa America, ha?" biro ko sa kaniya dahilan para mapangiti siya.
Ang tinitirhang subdivision ay doonn din ang tinitirahan ko, kaso sa Phase 1 sila Clara at Sarah sa Phase 3 naman ang akin. Si Trisha lang ang nakahiwalay ng subdivision.
Isa-isa ng pumasok sa kuwarto sila Trisha. Kaya nahuli ako, papasok na sana ako pero may boses na nagsalita.
"Uh, Pia?"
Humarap ako at nakita ang itsura ni M. Namumula pa ng kaunti ang mukha niya.
Ang pagharap ko na iyon ang dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko.
Naka-itim siyang hoodie at may hawak sa kamay na inaabot niya sa akin.
"Do you want some... Ice cream?"
--
→_→
Q: What's your favorite color of rose? And it's meaning?