Chereads / Choose to love (Amore Series #1) / Chapter 3 - CHAPTER 3

Chapter 3 - CHAPTER 3

"Anong score mo?" tanong ko kay M.

Nakatingin kasi siya sa akin kanina kaya tumayo na ako at lumapit sa kaniya para siya na ang tanungin ko ng score.

Nakakahiya din naman, nakatingin na eh, saka wala na akong ibang matanungan kaya ok lang, nakakahiya nga lang.

Tumingin lang ulit sa akin si M binalik ang tingin sa papel na nasa lamesa niya at pinakita iyon sa akin.

Pipi ba To? Bakit ayaw magsalita? Papahirapan pa akong magbasa, tamad naman pala neto.

Nagulat ako ng ang score niya ay 30/60. Awww sana all pasado, buti pa siya.

"Bakita ganiyan score mo?" tanong ko.

Natigilan siya sa tanong ko at gulat na tumingin sa akin para siyang kinakabahan na ewan, baka natatae?

"Ako nga 29 score ko, ikaw umabot sa pasadong score."dagdag ko habang tinitingnan ang mga sagot niya. Infairness, maganda pa rin sulat.

Umupo na ako sa katabi niyang upuan, absent naman ata ang naka-upo dito dahil wala pa rin. Pinag kukumpara ko ang sagot niya sa sagot ko, mamaya maging 30 pa akin diba?, sayang naman.

Kaso hindi nakaayon sa akin ang tadhana at mukhang badtrip dahil hindi pa rin nabago ang score ko.

"Oh, M." inabot ko sa kaniya ang hawak kong papel na naglalaman ng quiz niya at ng pasadong score niyang 30.

Tatayo na sana ako pero dumating na ang kasunod na teacher, kaya naman nag-stay na lang ako.

Nag-start ng mag discuss ang teacher. At dahil wala ako sa puwesto ko, wala din ang mga gamit ko sa akin.

"Psstt, pakopyahin mo ulit ako notes mamaya, ha?" bulong ko sa katabi kong tahimik na nagsusulat.

Tumingin siya sa akin, halatang naguguluhan siya pero tumango naman siya.

Ilang minuto pa ang lumipas na may kasamang overtime ng teacher ay natapos din.

Bumalik ako sa puwesto ko para kuhanin ang notebook at ballpen ko.

Bumalik ako sa katabi ni M, at nilahad ang kamay ko para sa notebook niya.

Kunot nuo naman siyang tumingin sa akin. Tanga nito, kanina ko pa sinabi yung notebook.

"Yung notebook." ngumuso pa ako para ituro ang notebook niyang nasa lamesa pa rin niya.

Sa wakas naintindihan na niya at binigay naman niya sa akin.

"Ako na magsusulat." sabi ni M, na kinagulat ko.

Totoo ba? Tama ba narinig ko? Siya na magsusulat ng notes? Wow, grasiya ang lapit mo naman masiyado.

"Seryoso?" tanong ko para maka-sigurado at hindi lang guni-guni ang narinig ko.

Tinaasan niya ako ng kilay, "ayaw mo?" tanong niya.

Nakakahiya kaya, bakit kaya may mga taong mababait talaga hanu? Nakakahiya kaya dahil baka masiyado na akong nakaka-abala. Pero alam niyo naman masamang tumanggi sa grasiya baka hindi na to maulit. Pero nakakahiya talaga. Inabot ko na sa kaniya ang notebook ko.

"Sige sulat kana." sabi ko ng makitang nakatingin lang siya sa akin at hindi pa rin siya nagstart magsulat.

Napa-iling siya pero sinimulan pa ring magsulat. Wow, ang ganda talaga ng sulat.

Napa-ngiti ako ng makitang patapos na siya. Dapat lang matapos niya yan, siya nag volunteer eh.

Sakto namang pagkapasok ng teacher ang paglagay niya ng notebook ko sa lamesa, natapos na niya ata.

-

Nakatunganga lang ako dun dahil math na ang subject, bakit parang ang hirap intindihin kapag math.

Feeling ko aantukin na naman ako.

-

Buti na lang natapos na ang klase dahil baka makatulog na naman ako. Bakit ang haba ng oras kapag hinihintay, ano?

Anyways, andito ako ngayon sa likod ng school, kinuha ko kay Trish yung picnic blanket dahil hindi daw siya dito kakain pati si Clara.

Si Sarah inaya ko pero tumanggi siya dahil may ginagawa siyang take home activity sa Math. Ayaw daw niya sagutan sa bahay para pahinga na lang siya at mag-advance study sa mga susunod na lessons. Talino niya noh, ang sipag pa sana ganun din ako, pero ayoko, mahirap.

Kaya ngayon andito ang Pia niyo mag-isa kumakain. Na akala ko payapa na at mag-isa na talaga akong kakain pero may isang dalaga ang lumalapit papunta sa akin.

"Hi, Piabells" bati ni Clarang paparating.

"Oh, akala ko ba busy at may ginagawa? " tanong ko.

"Naawa kasi ako sayo, masiyado kang lonely diyan." tugon niya.

Umirap na lang ako.

"Gaga, wag ka ng umirap di ka naman sanay." sabi niya.

"Edi ikaw na marunong." inikot ko ulit ang mga mata ko.

Paki nga niya, eh sa hindi ko magawa yung ikot-mata eh. At least nagta-try ako.

Natapos kaming kumain ng puro dada ang bibig ni Clara. Nalaman ko na nagpaturo siya kay Trisha, kaya natapos agad siya. Sabay lang daw sila ni Trish matapos magsagot pero pinili na ni Trisha dun kumain.

"Oy alam mo ba, nakita ko yung boyfriend ni Trish yung Ben ata pangalan. Nakita ko kanina sa cafeteria may kausap na babae.Iyong luko na yun nagloloko agad 2 weeks palang sila." kuwento niya habang nagliligpit kami ng pinagkainan.

"Baka naman walang issue yun, usap lang." sabi ko, dahil baka nga binibigyan lang ni Clara ng issue yun.

At kung totoo man yun, tingnan na lang natin anong mangyayari.

"Sige, hindi ko bibigyan ng issue yun." sabi niya. Alam naman namin ang nangyare kay Trish at sa ex-boyfriend niya nuon, manloloko amp.

"Hi, guys." sino ba tong babae na to?

"Oh,Selene,hi"bati ni Clara na nakangiti. Pekeng ngiti.

"Oh,where's Trisha?"tanong ng ano ulit pangalan? Ah Belene.

"Nasa room." sagot ni Clara.

"Oh, i see. I have to go now, bye girls."

Ng makaalis yung Belene, tumingin ako kay Clara para magtanong.

"Sino yung Belene?"

"Selene. Selene yun. Kaklase namin. Kasama ata sa circle of friends ni Trish. Pero siya yung nakita kong kasama nung Ben."

Kasama nung Ben? si Selene? Friend naman pala siya ni Trish eh. Siguro naman walang mali dun...diba?

Naglakad na kami ni Clara, nagkahiwalay pa kami dahil pakaliwa siya sa kanan naman ang daan ko.

Naabutan ko pa si Michael sa may hallway, nginitian ko ulit siya tulad ng ginagawa ko kapag nagkakasalubong kami.

Akala ko wala ulit siya irereaksiyon tulad dati, pero nginitian niya rin ako pabalik.

Wait.Ito ang unang beses na nginitian niya ako, hindi siya umiwas ng ngiti, pero NGINITIAN niya ako. Hindi yun peke, alam ko totoo yun dahil labas pa ang ngipin niya ng nginitian niya ko.

Baka good mood si M. Umiling na lang ako saka pumasok na sa room naramdaman ko namang nakasunod sa akin si M.

Nagsimula na ang klaseng walang katapusan, feeling ko pagod na ako kahit kakatapos lang ng lunch.

Nakaka-antok din dahil kakatapos lang kumain ng lunch.

-

Natapos din ang lahat ng mga klase at sa wakas ay makaka-uwi na ako.

Nag-unat unat muna ako. Napatingin ako kay Sarah na parang kinakabahan habang may ka text.

"Sarah? Bakit ganiyan mukha mo? May problema ba?" tanong ko.

"Nag-text kasi si Trisha, sabi niya may emergency daw ata si Clara dahil mafaling umalis ng school pagkatapos ng klase."

"Ha? Anong emergency daw?" tanong ko, kinakabahan na.

"Hindi ko din alam eh, naiwan daw ni Clara mga gamit niya, kaya hindi rin alam ni Trish pano ma-contact si Clara." tugon ni Sarah, nagmamadali ng magligpit.

Minadali ko na rin ang pagliligpit at sumabay kay Sarah. Nilibot namin muna ang buong school dahil baka andito lang siya.

Naghiwalay muna kami ni Sarah, sabi niya umalis na daw si Trisha, sinundo daw siya ng Mommy niya.

Ang alam ko kasi death anniversary ng Ate niya ngayon, kaya kailangan talagang andun siya.

Patuloy pa rin ako sa pag-ikot sa buong school, ng makita ko sa likod ng school si M. Nagulat pa siya ng makita ko, siguro dahil sa mukha kong balisa at may bahid ng pag-aalala.

Lumapit siya sa akin,"What's wrong?" tanong niya.

"Hindi ko kasi mahanap kaibigan ko." malungkot kong tugon.

"Maybe i can help." nagliwanag ang mukha ko sa sinabi niya.

"Talaga? Paano?"tanong ko.

Tumalikod lang siya sa akin at kinuha ang phone niya, may pinagpipindot siya dun saka may tinawagan.

"Hello... Yes,this is me... someone's location...Yes." Rinig kong sabi niya sa kabilang linya.

"What's your friend's name?" bigla niyang tanong pagkaharap niya sa akin.

"C-claire Rafela Sinclar." sagot ko.

"Sinclar. Claire Rafaela Sinclar." sabi pa niya sa kausap.

Pagkababa niya ng telepono niya, tumingin ulit siya sa akin.

"Come here." hinawakan niya ang kamay ko at pinaupo sa kanina niyang inuupuan na bench.

Nagtataka man sinunod ko na rin at umupo.

"Here. Drink some water." abot niya sa akin ng bote.

Kahit nagtataka na talaga ako ininom ko parin ang binigay niya.

Narinig kong tumunog ang phone ko at nakitang si Sarah yun.

"Hello,Pia, Nasaan ka?" bati niya agad sa kabilang linya.

"Nandito ako sa likod ng school, wala si Clara dito, nandito si...M" nag-alangan pa ako kung sasabihin ko talaga kung sino ang kasama ko dahil hindi ko din matandaan ang pangalan ng kasama ko.

"Ha? Pupunta na ako diyan." sabi niya at pinatay na ang tawag.

"M?" tanong sa akin ng katabi ko.

"Ha? Ano...Hindi ko kasi matandaan pangalan mo...kaya M na lang. Diba simula sa M pangalan mo?" sambit ko.

"Yes, my name starts with letter M, Michael. Michael Midañez." sabi niya.

Ayun at least tama ako M, diba talino ko. Sabi ko na Michael eh, galing ko talaga.

Mahina siyang natawa, "You just gave me a nick name." sabi niya.English ng english to ah.

Oh diba pati siya manghang mangha na naisip ko yung M, ako lang ata nakaisip nun.

"Ganun talaga kapag matalino, nakaka-isip ng kakaibang nick name." sabi ko na proud pa.

Mahina ulit siyang natawa. Napuno ng katahimikan ang kapaligiran. Hindi man lang tinanong nito pangalan ko. Nag-iintay ako dito.

"Hindi mo ba tatanungin talaga pangalan ko?" hindi ko na napigilang hindi magtanong.

"I already know your name." sagot niya.

Edi wow, siya na, ako na may hindi alam ang pangalan.

Napuno ulit ng silence ang kapaligiran ng dumating si Sarah. Infairness, ang tagal din ng babaeng to ah.

"Hoy, Sarah, bakit ang tagal mo?" napatayo pa ako ng makita siya.

"Eh tinawagan pa ako ni Trisha eh, saka nagtanong na din ako sa mga nakasalubong ko." sabi niya ng maka-upo sa tabi ko.

"Hi." bati niya kay M. Michael pala.

Pero parang ang haba ng Michael nakakatamad tawagin. M na lang talaga, madali pa.

Tipid na ngiti lang ang sinagot ni M.

"Paano mo yan nakilala?"bulong ni Sarah sa akin pagka-upo ko.

"Long story, next time mo na alamin." bulong ko pabalik sa kaniya

Umayos naman kami ng upo, dahil nakaramdam kami ng hiya dahil nagbubulungan kami dito.

Nakita kong hawak ni M ang phone niya at parang may ka-chat.

Ilang segundo ang tinagal niya doon. Ng bigla siyang bumaling sa amin.

"Let's go, we'll go to your friend." sabi niya saka nag-ayos ng gamit niya.

Nagulat ako at napatayo saka lumakad na dahil hawak niya ang kamay ko.

Nakita ko naman na nakasunod na si Sarah sa likod. Sumakay kami sa kotse ni M. Nasa katabi ako ng driver's seat at sa passenger seat naman si Sarah. Nagkatinginan pa kami ni Sarah sa mirror.

Ganda ng loob ng kotse ha, bigatin amp.

Bigla na lang nag-iba ring abg phone ni Sarah, akala ko ng akin yung tumutunog.

"Hello? Oo, papunta na kami, sige, sige, ingat ka din." rinig kong pagka-usap ni Sarah saka binaba ang phone.

Ng makitang nakatingin ako sa kaniya nagsalita siya.

"Si Trish lang, nagtatanong." napatango naman ako sa sinabi niya. Hindi ko naman masisisi kung biglang tawag si Trish maya't maya dahil wala siya dito.

At malamang kinakabahan din siya tulad namin. Tulad na lang ngayon nagring naman ang phone ko.Si Trish na naman.

"Hoy, Trish, wala pang isang minuto tumatawag kana agad."sabi ko.

"Eh, Kinakabahan kasi ako, pagkatapos ng pagdalaw namin ni Mom kay ate, pupunta ako ha? Kaya sabihan mo ako kung saan,ok? Baka tumawag ulit ako, basta every 5 minutes na? Ah, basta tatawag ako. Mag-ingat kayo ha. Balitaan niyo lang ako ng balitaan." sunod-sunod niyang sabi, naiintindihan ko naman siya dahil na nag-aalala lang siya kay Clara lalo na at wala siya dito.

"Sige,sige, kami ng bahala, mag-ingat ka din."sabi ko.

Ayaw pa ngang ibaba na Trish ang tawag kung hindi ko lang siya pinilit. Sabi ko huwag niya muna kaming intindihin. Tinago ko na ang phone ko sa bag ko.

Hindi ko na binilang ang oras dahil nakalimutan ko at tinatamad ako. Nakita ko na lang na huminto siya sa isang parking ng isang...

Anong...

...Hospital?

--

(If you liked my story, please share it! Have a nice day ahead!)