"Hi?" Naiilang kong bati kay M.
Paano ba naman, para akong nahuli sa krimen sa nararamdaman kong to. Sino ba namang hindi maiilang kung bigla na lang tong nagigising.
Pero tong katabi ko, nakatingin lang sa akin na mas nagpapadagdag ng pagka-ilang.
"Hi."balik na bati niya habang nakatingin pa rin sa akin na walang emosiyong mababasa sa mukha niya.
Hayy buti naman nagsalita na to. Pero ngayon diko alam kung anong gagawin ko.
Tatayo na ba ako at magpapa-alam o i explain na hiniram ko ang notebook niya?
Or i-kiss ko siya? joke, joke lang yun ha.
"Ahm, ano, hiniram-"
"Hindi ko matandaang nanghiram ka." putol niya sa sinasabi ko habang kunot ang nuo.
Bastos din pala to ha, nagsasalita ako eh. Saka nagpa-alam kaya ako, hindi niya lang narinig.
"Nagpa-alam kaya ako kanina."mahina kong bulong.
"Ha? I'm sorry, i didn't hear you." sambit niya.
Obvious ba? Hininaan ko na nga lang ang boses ko para di niya marinig, nakakaramdam ba to?
"Ah, ano, sabi ko tulog ka kasi kaya hindi ako nakapag-paalam." paliwanag ko.
Tumango lang naman ang kausap ko. Yun na yun? Di niya talaga ako aawayin?
Sayang naman. Sisisihin ko pa naman siya na tulog kasi siya kaya saan ako magpapa-alam.
Nakatingin lang ako sa kaniya habang inaayos niya ang gamit niya. Pero hindi nakaligtas sa akin ang maliit na ngiting sumilay sa mukhang malambot niyang lips.
Baliw ata tong naka-usap ko, ngumingiti mag-isa. Baka kapamilya ni Clara to.
Ng matapos na siyang mag-ayos naglakad na siya palabas ng pinto kaya minadali ko ang pag-aayos ng mga gamit ko.
Lakad takbo ang ginawa ko para makasabay sa kaniya. Ayokong maiwan mag-isa doon noh. Mamaya may mga multo na pakalat kalat. Kaunti pa naman na ang mga studiyante sa oras na to baka nga kami na lang anditong studiyante eh.
Speaking of oras, tumingin ako sa oras ng phone ko at nakitang 6 na ng hapon. Kaya pala mediyo madilim na din.
Habang palabas ng school nadaanan pa namin ang guard na mukhang nagche-check na lang kung may mga studiyante pa sa loob.
Nginitian naman kami ni manong guard ng makasalubong siya.
Ng makalabas ng school, dire-diretso lang ang lakad niya na mukhang may dalang sariling kotse to. Sungit niya magba-bye pa naman ako pero ok lang nakakahiya rin naman noh.
Naglakad na lang din ako sa may sakayan ng jeep. Matagal tagal rin bago ako may nasakyang jeep na buti na lang may nasakyan pa ako.
Nakita kong malapit na ang jeep sa subdivision kung nasaan ang bahay ko.
Nag inhale exhale ako dahil nakakahiya kasi talaga. Kahit pa na maraming beses na akong nakasakay ng jeep parang laging first time ko.
"Para po!" sambit ko ng makitang nandoon na ang jeep sa may tapat ng subdivision.
Dali-dali akong bumaba at pumasok sa gate. Naglakad din ako papunta sa bahay.
Isang minuto din ang inabot ko ng makarating ako sa bahay namin.
Kaagad akong nagpunta ng kusina para ibaba ang hawak kong water jug na dala-dala ko sa school.
Nilinis ko ang loob nuon at nilagay sa may gilid ng lababo para matuyo.
Lalabas na sana ako ng kusina ng makita kong pumasok ang mama ko sa bahay na mukhang kakagaling lang sa trabaho, may kausap pa siya phone niya.
"Yes, of course. I'm sure she'll like you. Okay. Bye. See you tomorrow." rinig kong pagka-usap niya sa phone.
Nakangiti pa siya habang tinatago ang phone niga sa bag niya. Nagulat pa siya ng makitang nakatayo ako malapit sa may kusina.
Lumapit lang ako sa kaniya at nagmano.
"Oh,Pia, kakauwi mo lang ba?" tanong niya.
"Opo." maikli kong sagot.
"Bakit parang inabutan ka na ng dilim."
"May tinapos lang po akong notes sa school." sagot ko.
Napatango-tango naman siya. Aakyat na sana ako sa hagdan ng may sinabi siya.
"Bukas nga pala may bisita tayo, si Andrew, be nice to him, alright? Makakasama natin siya sa dinner bukas."
Napatigil ako, diko alam kung anong sasabihin ko o anong dapat na i-react ko.
Humarap ako sa kaniya at tumangk saka tinuloy na ang pag-akyat sa hagdan. Pagkapasok ko ng kuwarto kaagad ko iyong ni-lock.
Umupo ako sa gilid ng kama ko habang hindi parin alam ang irereact sa narinig ko.
Ilang segundo akong ganun, ng mag simulang tumulo ang mga luha ko, hindi ko alam kung bakit pero tuloy tuloy lang yun sa pagtulo.
Dati nagagalit pa ako kay papa dahil sa naramdaman ko nuon dahil sa kaniya. Pero hindi ko alam na mararamdaman ko ulit yun ng dahil naman kay Mama.
Hindi ko alam ilang minuto akong umiiyak at pinipigilang mag-ingay, ng huminto na ang pagtulo ng mga luha ko. Kaya ayokong umiiyak nawawalan ako ng kontrol at kahit ako nahihirapan na patahanin ang sarili ko.
Pumasok na lang ako ng baniyo para maglinis ng katawan.
Nagbihis lang ako ng simpleng t-shirt at pajama saka humiga sa kama. Napaupo lang ako ng may marinig akong kumakatok sa pintuan ko.
Pagkabukas ko noon nakita kong si Ate Beth lang pala ang isa sa kasambahay dito sa bahay.
"Ma'am, kain na daw po ng hapunan." pag-aya sa akin ni ate Beth.
Nakakailang na ang tawag sa akin ay ma'am samantalang mas matanda siya sa akin.
"Sige po, susunod na lang po ako." sambit ko habang nakangiti.
Ngumiti naman si ate Beth at bumaba na ng hagdan. Pagkatapos kong magsuklay ay bumaba na rin ako para maghapunan.
Nandoon na si Mama at kumakain, umupo din naman ako doon at sinimulan ring kumain.
Tahimik lang kami habang kumakain, kaya naman mabilis lang akong natapos kumain.
Pagkatapos kumain tumayo na si mama at umakyat. Tumayo naman ako at tumulong sa pagliligpit ng pinagkainan, hindi naman nila ako paghuhugasin. Tinatamad din ako maghugas eh, hindi naman ako ganun kabait.
Pagkatapos tumulong, pumunta muna ako sa likod ng bahay sa may garden para maglakad lakad at bumaba ang kinain ko. Para kasing puno ang tiyan ko at ang bigat-bigat kaya nasanay na ako. Hindi rin naman nagtagal at naramdaman kong sumakit ang tiyan ko at parang nadudumi ako.
Pumunta na lang ako sa may baniyo para ilabas ang kinain. Lagi namang ganito kapag katapos kumain sa cr agad ako, mabilis din ata metabolism ko.
Naghugas ako ng kamay at umakyat na sa kuwarto ko.
Pagkapasok sa kuwarto ginawa ko na lang ang night routine ko ang skincare routine.
Humiga na ako sa kama ko para matulog. Pero kahit anong pikit ko hindi pa rin ako makatulog.
Binuksan ko na lang ang tv at nagpatugtog.
Ilang oras na akong gising, 9 na ng gabi pero di parin ako makatulog. Nagpatugtog na nga ako pero hindi pa rin ako makatulog.
Kaya naman umupo na ako sa kama at kinuha ang phone ko sa gilid para i-chat ang mga kaibigan ko.
Homiess w/o house
You:
Gising pa kayo?
Keratrish:
Yep.
Mommy Sarah:
Yes
Clara with tiara:
Tulog na, naghihilik pa nga
Natawa ako sa reply ni Clara. Tinatanong ng maayos eh. Tumunog ang phone ko at nakitang may text si Sarah pa-pm sa akin.
Sarah babe
Sarah babe:
Naka-uwi kana?
You:
Yes po, di ko pa pala nasabi.Sorry.
Sarah babe:
That's ok. Good to know you are safe
You:
💕
Iyon lang ang nireply ko kay Sarah. Biglang nag-ring ang phone ko dahil may tumatawag.
Keratrish from Homiess w/o house is
calling..
Sinagot ko naman yun kaagad at nakita ang mga pagmumukha nila Clara, Trisha at Sarah.
"Heyy, guys, can't sleep too?" tanong ko.
"Tulog na nga ako eh, ulit ulit?" pambabara ni Clara.
"Funny mo, sarap kurutin ng pisngi mo." sambit ko.
"Tigil na nga yan, tatagal na naman yan eh." suway ni Sarah.
"Away bata, mga bata nga naman talaga, bata moments. hahahhaha." pang-iinis ni Trisha na ikinatawa na din naming lahat.
Natahimik ang lahat at napatigil sa pagtawa dahil sumingit sa video call ni Trish ang Mommy niya.
"Hello, sweeties." malambing na bati ng mommy niya.
Ang mommy ni Trisha ay nakakatakot ang aura pero kung kikilalanin mo siya, she's the sweetest, dun siguro namana ni Trish yun.
"Ok lang po kami, Tita."si Clara na ang sumagot.
Nakipag-kuwentuhan muna ang mommy ni Trish na may halong pang-iinis dahil sa mga kinukuwento niyang tungkol kay Trisha.
Hindi rin naman nagtagal at nagpa-alam na si Tita Shayne at may gagawin pa daw siya.
"Ikaw ha, Trisha, ginawa kang pamunas ni Chabbie" pang-iinis ni Sarah ng maka-alis si tita Shayne.
Nagtawanan naman kami. Ang kuwento kasi ni tita Shayne, na si chabbie daw nuon yung aso nila Trish, ay dumumi at dinilaan pa ang puwet. Pero si Trish binuhat si Chabbie at dinilaan siya sa mukha.
Pinagpatuloy lang namin ang pag-uusap at nagpaalam sa isa't isa ng makaramdam na ng antok.
"See you guys tomorrow, love youuu." paalam ni Trisha, sweet talaga nito.
Nag ba-bye na din kami. Napansin ko ang oras at nakitang alas dose na pala ng madaling araw.
Ako, hindi pa ako inaantok, kaya bumaba ako at kumuha ng tsitsirya, ang nakita ko ay ang piattos kaya iyon ang dinampot ko.
Umakyat na ulit ako ng kuwarto ko saka kinain ang piattos habang nanonood ng kung ano-ano sa youtube.
Ng makaramdam ng antok pinatay ko na ang tv, tinapon ko na rin ang piattos dahil inaantok na ako. Pumasok na ako ng baniyo para mag tooth brush.
Pagkatapos, humiga na ako sa kama ko, pinindot ko sa gilid ko ang led projector kaya naman mga stars at moon ang tumambad sa akin ng tumingin ako sa kisame.
Unti-unting pumikit ang mga mata ko at tuluyan ng nakatulog.
-
Nagising ako ng mediyo late na, kaya naman nagmamadali ako ngayon. Lakad takbo ang ginawa ko kaya naman hingal na hingal ako pagdating sa labas ng subdivision.
Ng may makita akong paparating na jeep pumara agad ako, saka dali-daling sumakay.
"Para po!" sigaw ko ng makitang nasa tapat na ako ng school.
Bumaba kaagad ako, at tumakbo papunta sa room ko may nga naabutan pa akong teacher sa hallway kaya napapahinto ako sa pagtakbo saka bumati at nag lakad na lang. Bawal daw kasi magatatakbo sa hallway.
Ng makarating ako sa room ko habol ko ang hininga kong umupo sa katabi ni Sarah.
"Anong nangyare sayo? Buti na lang nakaabot kapa, 30 seconds na lang dadating na ang teacher. Kung nalate ka hindi kapa aabot sa quiz." sabi agad ni Sarah ng makaupo ako.
"Ha? Ok lang ako, na late lang ako ng gising pero--" napahinto ako sa pagsasalita ng may maalala ako.
"Teka, quiz? Tama ba rinig ko? Quiz?" tanong ko ulit.
"Oo, quiz, diba sabi ko naman kahapon?" sagot ni Sarah.
Oo nga pala, may quiz ngayon.
Patay, di ako nakapag-review. Ala na patay na ang grades ko. Sana naman hindi mahirap ang i-quiz dahil nakatulugan ko rin ang discussion ng teacher ko.
Magre-review pa sana ako pero pumasok na sa room ang teacher namin.
"Good Morning class. Ready for our quiz today." seryosong sambit ng teacher. Seryoso naman nito, aga-aga pa eh.
Nagsimula na ang quiz at may part namang multiple choice na eenie-meenie-miney-mo ko lang.
Sana naman tama yung mga sagot ko sa part na identification.
-
Natapos na ang quiz at ang naging score ko ay 29/60, sayang nga eh hindi naka-abot sa 30, 30 ang pasado eh.
Bumaling ako sa katabi ko, at nakitang nawawala na. Nakita ko si Sarah sa harap kausap ang teacher, nagtatanong siguro tungkol sa quiz.
Hinintay ko na lang na makabalik si Sarah para tanungin ang score niya.
"Ano score mo?" tanong sa akin ni Sarah ng maka-upo siya sa upuan niya.
"29/60", simple kong sagot
"Ikaw ba? Ano score mo?" balik na tanong ko.
"59/60, " mukhang malungkot pa niyang sagot.
"Ang taas naman pala ng score mo, eh bat ganiyan mukha mo?"
"Syempre may mali, etong part pa naman na kasi na ito ang mas ni-review ko." paliwanag niya.
Nakakahiya naman pala ako nga hindi umabot sa passing score ang nakuha ko pero masaya na ako. Samantalang si Sarah, isa lang mali pero nanghihinayang na.
Paano naman kasi ako manghihinayang sa score ko kung hindi naman ako nag-review.Saka ok na yung score ko noh, ang in-expect ko nga ay 10 or 20 ang score ko.
Inikot ko ulit ang mga mata ko sa room para makita kung may mapagtatanungan ako ng score nila. Hindi naman siguro masama yun, gusto ko lang makita kung may mas mababa pa ang score sa akin dahil ayokong makaramdam ng hiya.
Pero ang nakita ko ay ang mga mata ng isang tao na nakatuon sa akin.
Ang mga mata ni M.
--