Chereads / Unanticipated Love (Tagalog) / Chapter 8 - Chapter 8: Apology

Chapter 8 - Chapter 8: Apology

Bumungad kaagad sa akin ang isang katutak na text messages mula sa kanya. Binuksan ko ito at binasa.

Mi cielo:

I am sorry for what I did yesterday. Can we talk? Pag-usapan natin please mamayang lunch at don't forget na dalhan mo ako ng masarap na ulam.

Napangiti ako sa aking nabasa pero may parte pa rin sa puso ko nasaktan sa ginawa niya kahapon. Ngayon napalitan naman ng saya. Akala ko habang buhay na galit siya sa akin na di malamang dahilan.

Binasa ko lang message at di ko muna ni-replyan. Bumangon na rin ako sa kama saka nag-unat unat ng mga braso saka lumabas ng silid upang kumain muna ng almusal.

Pagsapit ng 11AM pumunta muna ako sa kusina at hinanda na ang mga pagkain na dadalhin ko.

"May pagtatalo o hindi pagkakaunawaan ba kayo ni Greige kahapon?" Nag-usisang pahayag ni Yaya Helena sa akin habang tinutulungan akong ayusin ang mga pagkain na dadalhin ko mamaya sa opisina.

Natigilan ako sa buong pagtataka dahil sa kung paano niya nalaman na umiyak ako kahapon.

"Nakita ko kasi kahapon mukhang maga mga mata mo dahil sa pag-iyak." saad niya kaya nagtaka ako dahil sa pagkakaalam ko kasi hindi ko siya nakasalubong o napansin man lang. "Totoo ba?"

Napatango lamang ako bilang sagot.

"Badtrip lang siguro siya sa trabaho." aking tugon saka ipinagpatuloy ang ginagawa.

"Pero hindi iyon ang sapat na dahilan para saktan ka niya. May kaunting respeto pa rin sana lalo na babae ka. Ayaw ko nang matulad ka pa sa ginawa niya sa kakambal mo." sambit ni Yaya na dahilan para natigilan ako.

"Ano po ang ginawa niya sa kapatid ko, Yaya Helena?" Medyo may kalakasan ang aking tinig at di na muna binalak pang ituloy ang mga ginagawa.

Mas mahalaga ngayon ang malaman ko ang totoo. Ito na 'yong hinihintay kong sagot sa aking tanong. Nag-alala pa rin ako sa kambal kong 'yon kahit marami kaming di napagkasunduan noon at kahit ganito siya ka-harsh.

"Madalas sila magtalo ni Greige noon hanggang sa muntikan na niyang masapak ang mga kapatid mo kung di pa ito makita ng magulang mo." Pagsisimula niya ng kwento. "Nagrereklamo kasi si Athena na kung bakit wala ng oras sa kanya ang boyfriend niya. Sa isip ng kapatid mo nambababae si Greige pero ang totoo naman talaga ay naging busy lang masyado siya, workaholic lang 'yong tao."

Pero di niya pa rin ginawa 'yon. Ngayon, may ideya na ako sa tunay na pagkatao ni kolokoy.

"Mahal pa rin naman siya ni Greige kaso mas mahal niya ang trabaho at last priority lang siya." dagdag pa ni Yaya kaya naging malinaw na sa akin ang lahat.

Siguro iyon ang dahilan kung bakit naaksidente ang kapatid ko at naka-coma ngayon siya dahil labis itong nasasaktan.

Marami rin akong na-missed sa mga naganap dito lalo na kay Athena. Siguro kung di ako umalis, mas makikilala ko nang maaga ang kolokoy na 'yon at di na sana ako nakatago sa likod ng maskara.

"Sige po alis na muna ako Yaya Helena." paalam ko sa kanya.

"Mag-iingat ka anak at ayaw ko nang may mangyari sayo katulad ng nangyari sa kapatid ko.

Pagkadating-dating ko ng opisina, masaya niyang mukha ang bumumgad sa akin.

"Heto na pala yung pagkain mo." sambit ko habang inaayos ang mga gamit sa mesa.

Napakunot siya ng noo, "Why di ka dito kakain?"

"Hindi. Sabay na lang kami ni Tery kakain sa bahay." Seryoso kong sagot na hindi siya nililingon.

"Sige aalis na ako. Kukunin ko na lang ulit 'yan mamayang hapon."

Akmang naglalakad na ako palabas ng opisina nang mabilis niya akong hatakin pabalik.

Kailangan ko itong gawin sa kanya ang magmatigas para maramdaman rin niya ang naramdaman ko kahapon.

"Dito ka na kumain, please?" Pakiusap niya at pinaupo ako sa sofa ulit. "Mag-uusap pa tayo."

"Para saan?" Balik kong tanong.

Nagkukunwari lang akong di alam pero alam ko na pero masakit lang 'yong ginawa niya.

"Ok, I'm sorry!" Napapikit siya ng mga mata. "I'm sorry if I was emotional yesterday and it hurts you."

Nakikita ko ang sincerity sa paghingi niya ng tawad pero masakit pa rin dito- sa puso.

"Naiinis ako sayo kasi pakiramdam ko ini-ignore mo lang ako." sagot niya na dahilan para ma-confused ako.

"I don't know what you're talking about." Naguguluhan kong tugon.

"You didn't know?" Tumango ako.

"So it's fine. Kalimutan na lang natin 'yon at kumain na tayo." saad niya saka nagsimula na kaming kumain.

Wala umimik sa aming pareho habang kumakain. Tuloy lang ako sa pagkuha ng ulam at kanin samantalang siya naman ay patuloy lang na nilalasap ang kinakain.

Pagkalipas ng ilang minuto, nauna siyang natapos at maya-maya pa naubos ko na rin.

Liligpitin ko na sana ang mga pinagkainan nang pigilan niya ako. Siya ang nagpresintang magligpit ng pinagkainan at ipinaupo lang ako sa gilid.

Pinapanood ko na lang siya habang ginagawa niya iyon. Naging mabagal ang takbo ng oras subalit kaagad akong naalarma sa sarili. Napailing ako sa aking paligid para kunwari hindi ako sa kanya nakatingin baka kasi ano pa masabi niya.

"The food is so delicious. Ikaw ba nagluto?" Tanong niya matapos ligpitin ang mga kalat sa mesa saka siya tumabi sa inuuupan ko.

Naging comfortable na ako kapag nakakausap siya na di tulad ng dati na naiirita ako sa kanya. I don't know why.

"Hindi eh. Busy kasi ako and you knoe that. Si Yaya Helena ang nagluto ng meal natin." Maliwanag kong tugon sa kanya.

Napatango-tango si kolokoy bilang reaksyon.

"Kailan mo naman ako ipagluluto katulad ng dati noong sa bahay ka. Mas masarap kasi ikaw magluto." sabi niya kaya napaiwas na lang ako ng tingin.

"Kapag siguro hindi na busy." tugon ko kaagad.

"Ok na na tayo? Siguro naman natanggap mo na sorry ko?" Bigla niyang sambit kaya napaisip kaagad ako kung ano isusunod ng gagawin.

Ayos naman eh at na-realized kong he changed. Di na siya tulad ng dati. Ok na sa akin iyong paghingi niya ng tawag. Ramdam ko naman ang sincerity niya pero sa ngayon gusto ko muna siya asarin.

Ilang segundo bago ko siya sinagot, "Actually, hindi pa. Di sapat sa akin ang 'sorry' lang." Napakunot siya ng noo sa aking sinabi.

"Why? What can I do just to accept my apology, mi cielo?" Pakiusap niya dahilan na natuwa ako kasi gumana 'yong plano. Galing ko talaga.

"Hindi ako makakapayag na di mo pa rin ako napapatawad. Ano ba pwede kong gawin? Please, sabihin mo!" Pangungulit niyang saad at kitang-kita sa itsura niya ang pagkalungkot. "Now, what?"

Ngumisi kasabay ng pagsabing, nagbibiro lang ako. Mas lalo na-frustrate siya ginawa ko.

"What?" naguguluhan niya pa ring tanong.

"I said, it is a joke." Tumawa ako nang may kalakasan habang siya naman ay tinignan ako nang masama. Nag-peace sign ako sa kanya pagkatapos.

"Pinagtitripan mo ba ako?" kanyang saad habang nanatili pa rin seryoso ang itsura niya.

"It's not a good joke, Athena." dugtong pa niya pero hindi pa rin ako tumitigil sa pagtawa. Hindi talaga siya mabiro.

"Pikon mo naman." puna ko pa dahilan para mas nilapit niya ang sarili sa akin at ipinaharap ako sa kanya.

"You want a kiss? Para maging fair lang sa ating dalawa?" Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi niya at siya naman ngayon ang nakangisi.

"Do you want? Tell me. Hindi ako magdadalawang isip." sabi pa niya. "Ito lang pala magpapatigil sayo eh." saad niya habang nakakaloka kanyang itsura.

"Alright, I'll behave." kasabay ng pagkrus ko ng dalawang daliri.

"Akala mo, ah!" sambit ni kolokoy at nanatili pa rin siya sa ganoong reaksyon.

Maya-maya pa napatitig ako sa aking relos. Malapit na pala sumapit ang ala-una ng hapon. Kailangan ko na palang umalis.

Akmang tatayo na ako sa sofa nang bigla niya akong hatakin sa braso at pinaupo ulit.

"Stay here." maotoridad niyang saad. "Nagmo-moment pa nga tayo eh aalis ka na?"

"Marami pa kasi akong mahalagang aasikusahin sa bahay." Pagpapaliwanag ko subalit hindi niya pinakinggan.

"No. Stay here, please? Gusto ko kasi ganitong moment natin na hindi nag-aaway o nagtatalo."

Nagiging people-pleaser na rin ang isang 'to ah di gaya dati. Napaka-rude niya.

"Gusto ko pa makita ang 'new Athena' sa harap ko." dinig ko. "Wala na 'yong dating napaka-demanding at selosang girlfriend."

Napaiwas ako ng tingin sa sinabi niya. Ganoon na lang kabilis para mapansin niya ang pagbabago ni Athena pero hindi naman iyon ang totoo. Ibang pagkatao at may ibang pangalan ng isang babae ang kanyang nasa harap ngayon.

Nauunawaan ko naman si Greige na di magawa ng aking kapatid kaya hindi naging healthy ang relationship nila.

Athena is a immature woman dahil masyado siyang ini-spoiled ng parent ko, binigay sa kanya lahat pati luho nito na di naman nagawang ibigay sa akin. May unfair treatment sa pagitan naming dalawa. Kaya umalis ako at namuhay nang mag-isa sa Manila.

"I was happy when you changed too." aniya. "Hindi na ikaw 'yong nakilala ko na dating babae. Mas napahamahal ako sa kung ano nakikita ko sayo ngayon." Napangiti akong pilit sa sinabi niya kasabay ng paghawak sa aking kamay.

Mas lumalakas at bumibilis ang tibok ng puso ko.

"Kaya pinipilit ko rin ang sarili na magbago para sayo para maging ok lahat ang sa atin at maging masaya rin tulad nito." dagdag pa niya habang nanatiling nakatitig pa rin siya sa akin na hindi magawang ikurap kanyang mga mata.

Nakikipagtitigan din ako sa kanya upang labanan ang nararamdaman ko ngayon.

"You don't have to force yourself. Ang pagbabago ay kusa lang 'yan nangyayari." Paliwanag ko sa kanya.

"But I want us to be happy. Nagsasawa na rin ako sa parating argumento nating dalawa is just because of simple things." Pahayag rin niya at sinang-ayunan ko naman.

Naestatwa ako sa ganoong sistema namin. Nagtitinginan kaming dalawa sa mata habang nag-uusap. Unti-unti na niyang nilalapit ang mukha niya sa akin. Akmang hahalikan na niya ako ulit kaya wala akong nagawa kundi ang sumabay sa agos. Madaling mapapansin kapag hindi ako sumunod. Masasayang lang ang lahat. Di pa ang tamang panahon para lumabas ang totoo lalo na wala pa sa recovery ang kumpanya at higit sa lahat, hindi pa nagigising si Athena mula sa coma.

Mga ilang segundo nang lumipas wala akong naramdamang dumampi na labi sa akin. Sinubukan kong imulat ng kaunti ang mga mata. Nagulat akong nakatitig lang sa akin si kolokoy kaya mas lumakas ang heartbeat ko sa ganoong eksena namin.

Narinig ko siyang ngumisi kaya umayos na lang din kaagad ako ng upo.

"Akala mo hahalikan kita?" Natatawa niyang sambit. "This is not the right place to do that thing. It's unprofessional!"

"What are you talking about, mi cielo?" Nabubulol kong saad. "Don't say those things to me."

Tapos tinawanan niya lang ako. Ngayon, siya nanaman ang nang-iinis sa akin. Talagang bumabawi siya sa ginawa ko kanina.

"Why are you stuttering, mi cielo?" Tanong niya kaagad sa akin habang binabasa ang facial expression ko. Napailing-iling ako dahil sa matinding ilang ko.

Humalakhak siya na may kasamang pambubuyo, "Parang ikaw iyong batang hindi mapakali nang makita ang crush niya, haha."

Inikutan ko lang siya ng mata bilang tugon. Tapos, pilit na ngiti lang iginawad ko sa kanya. Napansin niya 'yon kaya natigilan rin siya.

"Kidding." sabi niya. "Pikon ka rin pala pero malakas mang-asar."

Napapatig ako sa orasan at napansin kong mag-aalas dos na pala ng hapon. Tumayo na rin ako kaagad na dahilan ng pagbago ng kanyang expression.

"Aalis ka na?" mabilis niyang tanong at tumangu-tango lang ako bilang sagot. "I am sorry if I get offended you." Hinawakan niya aking kamay at pinisil ito.

"Yes. Marami pa kasi talaga akong gagawin."

"Saka ikaw. Marami ka ring dapat tapusin, right?" saad ko habang kinukuha ang mga gamit na dala ko kanina.

"Yeah pero mas gusto pa kita makasama at makausap." sabi niya.

"But you need to focus in your work." Paliwanag ko naman ulit sa kanya.

Dati-rati naka-focus lang siya sa work. Di na niya pina-priority masyado ang oras sa ganitong bagay. Pero ngayon, siya na ang naghe-hesitate.

"Aalis nako. See you in other day." Naglakad na rin ako palabas ng office nang mapansin kong nagkumpulan ang ilan sa mga employees at nakatitig pa mga ito sa akin.

Mukhang pinag-uusapan nila ako. Mga ilang sandali pa ay narinig ko ang isa sa pinag-uusapan nila.

Nagulat sila sa biglaang pagbabago ng kanilang boss at umaasa silang di na ito bumalik katulad dati. Kahit ako rin naman para sa kakambal ko.

Sumakay kaagad ako ng elevator at nagmadaling pumasok ng kotse. Sa kalagitnaan ng aking pagmamaneho, nang biglang tumunog ang cellphone ko. Tinabi ko muna ang sasakyan saka sinagot ang tawag.