Althaea Cassidy's POV
Masakit makitang hindi ako dahilan ng mga ngiti niya. Masakit makitang masaya na siya kasama ang iba. Ganoon na pala kadali sa kanya ang lahat.
Teka, bakit nga pala ko ito sinasabi? Hindi naman ako ang tunay niyang girlfriend. Bakit masyado na ako naaapektuhan. Eh di kaya, mahal ko na nga talaga siya? Pero hindi pwede.
Hindi na ako nagdalawang isip sumakay ng kotse at nagtungo sa isang lugar na kung saan naka-confine ang kapatid ko.
Sinalubong ako ng mga trabahador doon at katiwala ng bahay.
"Good afternoon, Ma'am." saad nila at binati ko rin sila pabalik.
"Mabuti na lang napadalaw ka, Ma'am Althaea." saad naman ni Aling Zabelle. "Tuloy na po kayo."
"Kamusta na po si Athena?" Kaagad kong tanong dahilan para mawala ang mga ngiti niya sa labi.
"Wala pa ring pagbabago sa condition niya. Nalulungkot pa rin sina Mom and Dad mo nang nagpunta sila rito nakaraan." kanyang tugon habang tinitimpla muna niya ako ng maiinom.
Pagkatapos ko uminom ng kape, nagtungo muna ako sa itaas papunta sa kwarto ni Athena. Nakita ko pa rin siyang nakahiga at nakakabit pa rin sa kanya ang dextrose. Hindi ko maiwasan makaramdam ng lungkot na nakikita ang aking kakambal sa ganitong sitwasyon.
Maya-maya pa ay hinawakan ko ang mga kamay niya. Iniyak ko lahat ng aking nararamdamang sakit.
"I am sorry, Athena. I am sorry kung nahulog ang loob ko sa kanya. Hindi ko sinasadya." sabi ko sa habang nakahawak pa rin sa kanyang mga kamay. "Sana magising ka na habang di pa huli ang lahat saka para makabalik na rin ako sa dati kong buhay."
Pagsapit ng ala-singko ng hapon. Nag-text ako kina Mom and Dad na hindi muna ako makakauwi at napagdesisyon kong manatili muna dito ng ilang araw.
"Mabuti, napag-isipan mong tumagal ng ilang araw dito. Mas makakapasyal ka sa palibot ng inyong hacienda at makakasama mo pa ang iyong kapatid." sabi ni Aling Zabelle. "Malaking tulong 'yan sa kanya para mapabilis ang recovery."
"Sana nga po." saad ko at muling sumimsim ng tsaa.
"Tiwala lang na magigising siya." Napangiti na lang ako sa sinabi ni Aling Zabelle.
Napatingin siya sa orasan saka tumitig sa akin, "Alas-otso na pala ng gabi. Hindi ka pa matutulog, Ma'am Althaea?"
"Matutulog na rin po siguro ako." Tumayo na ako sa aking kinauupuan saka na nagtungo na rin sa pansamantala kong matutulugan.
Kaagad akong nagising matapos ang limang oras na tulog ko. Napag-isipan ko munang lumabas ng silid para kumuha ng tubig. Nanunuyo ang aking lalamunan.
Mga ilang sandali, napunta ang paningin ko sa cellphone ni Athena. Kinuha ko ito at sinubukan tawagan ulit si Greige.
Matapos ang ilang segundo may sumagot.
"Hello!" bungad niya at sa halip na sagutin ang tanong kaagad kong binaba ang phone.
Pinaghahampas ko ang ulo ng unan sa sobrang sakit na nararamdaman. Narinig ko ang music background kanina. Halatang nasa isang club siya. Hindi ko alam na umiinom rin siya at pumupunta sa ganoong lugar.
"Napaka-unfair niya. Kung sino pa 'yong may ginagawang kalokohan siya pa ang galit!" Naiinis na saad ko sa sarili.
"Bakit pa kasi hinayaan ko lang na mahulog ang loob ko sa taong 'yon. Di ko deserve ang masaktan ng ganito." Naluluhang sabi ko habang nakatalukbong pa rin ako ng unan sa ulo.
KINABUKASAN. Hindi naging maganda ang gising ko at napansin kaagad iyon ni Aling Zabelle.
"Mabuti pa inumin mo itong mainit na kape, Ma'am Althaea." sabay lahad niya sa akin ng isang tasa na may lamang kape. "May problema po ba?" Nag-alala niyang tanong sa akin.
"Hindi lang siguro ako nakatulog nang maayos kagabi." Pagsisinungaling, pero kaagad ko siyang napaniwala. "Pero mamaya ayos na po ulit ako."
"Sige. Basta kung kailangan mo lang ng makakausap nandito naman ako." sabi ni Yaya Zabelle at tumango lang ako bilang tugon. "Oh sige, dito ka na muna. Marami pa kasi kaming gagawin ngayon."
"Ok lang po, Aling Zabelle. Maglilibot lang muna ako siguro sa buong hacienda." Napatango lang rin siya bilang tugon.
"Basta kung kailangan mo rin ng tulong. Tawagin mo lang ako, Ma'am Althaea." Nginitian ko na lang siya bilang sagot.
Pagkatapos, naligo na rin ako saka napag-isipan nang tignan at bisitahin ang ibang lugar dito sa hacienda gamit lamang ang bisikleta.
Napadpad ako sa isang taniman ng mga mais at napansin din ng mga trabahador doon ang aking presensya. Binati nila ako at ganoon rin ginawa ko saka bumalik sila sa kanilang ginagawa. Tahimik ko lang sila pinagmamasdan habang sila naman ay puno ng energy sa pag-aasikaso ng taniman.
Ilang araw na pamamalagi ko sa hacienda namin, naisipan ko na ring umuwi sa mansion dahil panigurado hinahanap na nila ako roon.
It's been five days since Greige and I are ignoring to each other. It's been five days I am feeling lonely about our little misunderstanding. Lalo nang malaman kong may kasama siyang ibang babae.
Pagkarating ko ng bahay kaagad akong sinalubong at binati ng mga maids namin pati na rin si Terylene.
"Ma'am Athena, sa wakas nakauwi ka na rin!" Bungad niya nang makita ako.
"Bakit?" Tanong ko kaagad sa kanya na dahilan ng pagkunot ng aking noo.
"Wala naman, na-miss lang po kita eh." aniya habang naglalakad kami patungong living room. "Kamusta ang bakasyon?"
"Ayos lang. Na-enjoy ko ang limang araw. Dami kong natutunan na mga bagay na hindi ko nagagawa noon."
"Like?" anito.
"Planting crops, fruits and vegetables. All my life di ko pa narasanasan ang magtanim." Kwento ko sa kanya. "I have experienced too na hindi madali maging isang farmer. Dugo't pawis."
"True, Ma'am Althaea kasi na-experience ko rin siya noong nag-aaral pa ako." kwento niya. "Si lolo at lola kasi magsasaka lang ikinabubuhay nila noon." dagdag pa niya. "Sabi sa akin ni Papa pag-aralan at sanayin ko raw ang sarili sa ganoong bagay kaya naman bata pa lang sumubok rin ako sa pagtatanim ng palay kapag walang pasok."
Sa sobrang haba ng usapan namin nakalimutan ni Terylene na may dapat pa pala siyang tapusin.
"Sorry, Ma'am nakalimutan ko tuloy na may gagawin pa pala ako." Nahihiya niyang sambit sa akin.
"Ayos lang. Hindi naman kita pagagalitan."
Matapos niyon, nagtungo muna ako sa kwarto para makapagpahinga at makaligo. Balak kong pumunta ng mall ngayon dahil mayroon akong bibilhin na kailangan sa opisina. Bukas na lang ako babalik sa trabaho. Magpapaliwanag na lang ako kina Mom and Dad.
ALAS-DIYES NG UMAGA na ako nakapunta ng mall. Napag-isipan ko munang maglakad-lakad sandali bago magpunta sa bibilhan kong gamit.
Sa paglalakad ko nang may biglang tumawag sa akin. Pamilyar ang kanyang boses at wala ng ibang tatawag sa akin ng gan'on kundi si Troezen Rioja Montañez, my real boyfriend.
Nagulat ako nang makita siya. Halos di na makagalaw sa aking kinatatayuan.
"Kailan ka dumating? Why didn'tell me you go here?" sunud-sunod at kinakabahan kong tanong.
Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ngayon ng kaba. Dapat nga, masaya akong nakita ko siya. Ito naman iyong inaasam ko dati di ba? Bakit parang nagbago na? Bakit gan'on na lang kabilis mawala?
"I want to suprise you, wifey." sabi niya sa akin na nakangiti at niyakap nang napakahigpit. "I miss you so much."
"Ako rin." Aaminin ko pa rin sa sarili na nami-miss ko siya pero di na gaya ng dati na sobrang nasasabik akong makita siya.
"Bakit mo man lang ako sinabahan na pupuntahan mo ako rito?" Nagtataka kong tanong sa kanya.
"Gusto kitang i-surprise eh." muli niyang sagot kaya di na ako nagpumilit pang magtanong sa kanya.
Maya-maya bumitaw na rin kami sa isa't isa sa pagkakayakap nang may isang lalaking bumungad sa akin.
Napadako ang tingin ko sa kanya at nanlaki ang aking mga mata. Isang nakakatakot na tingin ang mismong nagpalakas ng tibok ng aking puso.
"Greige?" Nabubulol kong saad matapos makita ko siya na nakatingin sa aming pareho