Chereads / Unanticipated Love (Tagalog) / Chapter 14 - Chapter 14: Love Hurts

Chapter 14 - Chapter 14: Love Hurts

Dinig na dinig ko ang hiyaw ng mga tao. Pinag-uusapan rin silang dalawa ng mga tao.

"Bagay na bagay nga sila. Nakakakilig." saad ng isang babae na malapit sa aking kinaroroonan. "Gwapo saka maganda." kasabay ng pagtili ng limang magkakasamang mga babae na dahilan para mag-iba ang aking pakiramdam.

Maya-maya nagsimula na silang kumanta. Isang pamilyar na awitin ang aking naririnig. Buwan by Jk Labaho.

Ako sayo'y, ikaw ay akin.

Ganda mo sa paningin.

Ako ngayo'y nag-iisa.

Sana ay tabihan na.

Inaawit niya iyon habang nakatitig kay Athena kaya't di ko maiwasan ang mainis pero kailangan pigilan ang sarili. Di pwede ako gumawa ng gulo dito. Masisira ang aking reputasyon at mawawala ang tiwala sa akin ni Papa.

Kaunti na lang babagsak na rin ang aking luha sa nakikita ko. Ang sakit lang na nakikita ko siyang nakangiti pero hindi ako ang dahilan. Huminga ako nang malalim at sinubukang panoorin sila baka sakaling mapansin niya ako. Subalit, matapos ang sampung minuto hindi niya pa rin ako napansin.

Panahon na sigurong lumayo. Di ko na kaya baka kasi kapag di ko napigilan ang emosyon ko may mangyayaring ikasisira ng imahe ko.

Naglakad na rin ako pabalik ng kotse at doon ko binuhos ang sakit nararamdaman.

"Susuko ka na ba, Greige? Akala ko ba kaya mo?" Sigaw ng aking isip saka isinandig ang ulo sa manibela.

"Akala ko ba handa ka ng kausapin siya at bakit hindi mo ginawa!" Inis na inis kong saad kasabay ng pagwawala ko sa loob.

"Bakit ganoon na lang ako bilis palitan? Bakit!"

Matapos ang pagdadrama ko niyon, mabilis akong tumango sa kwarto at nahiga. Muli kong naramdaman ang pananakit ng ulo.

Althaea Cassidy's POV

Napansin ko kaagad ang mabilis niyang paglisan. Hindi ko namalayan na kanina pa pala siyang nanonood sa aming dalawa. Bigla akong nakaramdam ng guilt sa aking sarili.

"Ang sama ko. Sinaktan ko siya." bulyaw ko sa aking isip. "Napakasama mo, Althaea."

Mga ilang sandali pa ay nabalik ako sa ulirat nang kinakausap na pala ako ni Zen.

"Are you ok?" Nag-aalalang tanong niya kaya mas nilapitan niya ako na ikinalakas ng hiyaw ng mga tao.

Maraming nagsasabing nakakilig kaming dalawang.

"Sana all na lang ako!" sabi ng isang babae sa bandang dulo.

"Next song, please?" Muling request ng mga nanonood dito sa amin kaya naman bahagyang humiwalay sa akin si Zen.

"Sigurado kang kaya mo pa?" Napatango ako bilang saad.

Napabuntong-hininga ako para ihanda muli ang sarili saka sinumulan kantahin ang song na 'to na pinamagatang "Kahit Ayaw Mo Na" by This Band.

Lakas-loob ko lang inawit mula sa umpisa hanggang sa napunta na sa chorus.

Oh, bakit ba kailangan pang umalis?

Pakiusap lang na huwag ka nang lumihis

Tayo'y mag-usap, teka lang,

ika'y huminto

Huwag mo 'kong iwan, aayusin natin 'to

Sana mapag-usapan pa natin ito kung di kaagad sumuko. Mahal na mahal kita Greige. Kung alam mo lang sana. Kung di sana ako magpapanggap hahayaan ko pa rin ang sarili na mahalin ka. Kaso hindi eh. Magkaiba ang landas natin.

Sa ngayon, nilulubos ko na dahil kapag nagising na ang kakambal ko siya na ang makakasama mo ulit. Babalik na rin ako sa dating buhay kasama ang boyfriend kong walang ginawa kundi mahalin ako.

Matapos ang kantahan hinatid na rin ako ni Zen sa bahay. Nagulat rin ako nang makita ko sina Mom and Dad, nakisamangot ito sa akin.

Hindi ko alam ang dahilan pero bakas sa kanila ang pagkainis sa akin na parang napakabigat ng nagawa kong kamalian.

"Where have you been with that guy?" Bungad sa akin ng aking ama.

"Who is that guy na kasama mo sa video na 'to?" Tanong naman sa akin ni Mom habang pinapakita niya sa akin ang nasabing video sa kanyang cellphone.

"He is my boyfriend." Nanginginig na sagot ko.

"Boyfriend?" Napatango ako.

"We don't know you have a boyfriend." sambit ni Dad.

"Anong pumasok diyan sa isip mo at gumawa ng ganito?" sigaw sa akin ni Mom.

"Hindi mo ba alam? Mapapahiya tayo sa magulang ni Greige." sabi pa nito at nanatili lang ako nakayuko.

"Ano na lang sasabihin nila sa sa'yo pati sa amin?" saad ni Dad.

"Na may malandi kaming anak? Pumapatol sa kaninong lalaki!" Sa sinabi niyong 'yon doon ako natigilan.

Hindi ko akalain na sasabihan nila ako ng ganoon. Napakasakit. Hindi nila alam ang buong kwento pero di ko maari ipaalam sa kanila ang nangyari dahil mas magiging magulo.

"Nakakahiya ka, Althaea." dagdag pa ni Mom.

"Stop this now." Awat naman sa kanya ni Dad.

Ganyan naman talaga sila eh. Wala akong nagawang tama lagi. Ako parating sinisisi sa nangyari na kahit si Athena naman talaga ang puno't dulo nito, na kahit iyong kakambal ko ang may nagawang pagkakamali kundi dahil sa kanya hindi rin ito mangyayari. Hindi dahil sa kanya masaya pa sana ako ngayon. Hindi dahil sa kanya mayroon akong peace of mind. Ang problema sa kanila puro lang pera at walang pakialam sa nararamdaman ko.

Sa halip na sagutin ko sila, iniwanan ko na lang at tumakbo papunta ng kwarto. Mabilis kong ni-lock ang pinto at humiga sa kama. Dito muli ilabas lahat ng aking nararamdaman.

"Sobrang hirap na ako. Gusto ko nang maayos at tahimik na buhay na hindi nagpapanggap na ibang tao." sabi ko habang nanatili pa rin ako sa paghikbi.

PAGKALIPAS NG TATLONG oras ng aking pamamalagi sa kwarto, nakarinig ako ng sunud-sunod na katok.

"Sino 'yan?" Habang pinupunas ko ang mukha mula sa pag-iyak.

"Pinadadala mo ni Aling Helena itong gabihan niyo, Ma'am Thaea." sabi nito kaagad kong pinagbuksan ng pinto.

"Salamat." Matapos, umalis kaagad si Ate Dai at siya na ang nag-lock ng pintuan.

Laking pasasalamat ko na lang na nariyan si Yaya Helena para alalahanin ako. Siya iyong taong madalas kong nakakausap dito noon kapag nalulungkot ako. Kaagad ko iyong kinain at naghilamos ng sarili.

Biglang tumunog ang phone at napansin ko ang mga text messages galing kay Gin at Zen. Hindi ko makakausap ngayon si Gin dahil alam kong busy siya ngayon. Pina-overtime daw siya ni Sir Gerald.

Sinubukan kong titigan ang cellphone ni Athena kung may text sa akin si Greige pero wala akong natanggap. Talagang kinalimutan na nga niya ako.

Napahinga ako nang malalim. Nabasa ko ang text ni Zen. Uuwi na raw siya bukas pabalik ng Manila. Ang bilis naman. Akala ko ako iyong pinuntahan niya dito para bisitahin. Balak ko pa naman sanang mamasyal kasama siya para malibang ako.

Zen:

May pinagagawa lang sa akin si Sir kaya napunta ako dito.

Iyan ang sabi sa text niya. Nagpunta siya nang dahil sa trabaho hindi dahil sa akin.

Zen:

Bukas magkita tayo sa bus terminal ng 10:00 A.M. Good night and see you tomorrow.

SUMUNOD NA ARAW, napaaga ako ng gising para ihanda ang sarili sa muling pagkikita namin ni Zen. Ito na iyong huling araw na makikita ko siya. Ilang buwan nanamang bibilangin para makapunta siya ulit dito.

Ngayon, nakarating na rin sa wakas at nakita ko siyang kumaway sa akin.

"Kanina ka pa ba?" Bungad kong tanong at naupo sa tabi niya.

"Fifteen minutes bago ka dumating." nakangiti pa ring saad niya sa akin.

"Ano ba 'yan aalis ka na kaagad. Di man lang kita napasyal dito." Nagmamaktol kong sa kanya dahiilan para himasin niya buhok ko sa ulo.

"Hayaan mo kapag nagkaroon ako ng leave." sabi niya lang.

"Matatagal pa siguro 'yon." Kasabay ng paghinga ko nang malalim.

"Bakit kaya hindi ka na lang sumama sa akin?" Kaagad akong napalingon sa kanya sa aking narinig.

"Kailangan ako ng magulang ko, Zen." Malungkot kong saad.

Hindi ko pwedeng iwan sa ere sina Mom and Dad. Kahit ganoon sila, di ko pwedeng pabayaan sila. Mas lalo lang magkakaroon ng issue sa pamilya namin.

"I understand." Isang pilit na ngiti ang ginawad ni Zen. "Nag-alala na kasi ako sa kalagayan mo. Ang payat mo na at dami mo ng wrinkles sa mukha." saad niya na may halong pang-aasar kaya naman nginusuan ko siya pabalik na parang bata.

Nagkwentuhan at nagbiruan kami ni Zen hanggang sa dumating na ang bus na kanyang sasakyan.

Tutulungan ko na sana siyang bitbitin ang mga gamit.

"Huwag na, Althaea. Kaya ko naman 'to eh. Mapapagod ka lang." kanyang sabi habang binubuhat na ang mga gamit papasok ng bus.

Hinalikan niya ako sa noo bago siya nagpaalam sa akin, "Mag-iingat ka, wifey. Huwag mo pababayaan ang sarili mo ah." paalala pa niya kaya napangiti nanaman ako.

Bakit kasi hindi ko magawang ibalik ang nararamdaman para sa kanya. Dapat si Zen pa rin ang minahal ko, hinding-hindi ako masasaktan kailanman katulad nito.

Tumango lang ako bilang sagot sa sinabi niya saka naglakad na siya patungo sa uupuan niya.

Pinagmamasdan ko na rin ang pag-alis ng bus hanggang sa nakalayo na ito mula sa aking kinaroroonan.

Napag-isipan ko na ring umuwi kaya naglakad ako papunta sa kotse nang makita ko siya. Nakamasid sa akin. Eh di kaya nakita niya ang lahat? Bakit naman ako magiging concern sa feelings niya.

Wala na akong balak kausapin pa siya kaya akmang bubuksan ko na ang pinto ng sasakyan nang pigilan niya ako.

"Kayo na ba ng lalaking 'yon?" kanyang saad dahilan para harapin ko siya.

"Hindi!" paglilinaw ko dahil kahit anong paliwanag ko naman hindi niya pakikinggan saka hindi niya pwede malaman ang katotohanan. Masasayang lang ang lahat.

"Talaga ba?" Hindi makapaniwala niyang tugon. Tumango lang ako sa kanya. "Akala ko ba magkaibigan lang kayo! Why I saw both of you are very sweet to each other?" giit niyang tanong. "Just friends, wow!"

Wala na akong balak makipagtalo pa sa kanya. Nakakapagod. Wala rin namang patutungan eh.

"Ok. Kung ayaw mo maniwala its up to you. Wala na akong magagawa."

"I will repeat the question. Kayo na ba?" Napapikit na lang ako sa muli niyang tanong.

"No. Can you please let me explain?"

He just chuckled at me that pissed me off.

"Fine. I need to go." Binuksan ko na rin ulit ang pinto ng sasakyan kasabay ng kanyang paglisan sa aking kinaroroonan.

Pagpasok ko ng kotse doon ko lahat binuhos ang aking hinanakit at kalungkutang nararandaman. I'm feel so tired of this. Ayaw ko na!

Pinaghahampas ko nanaman ang manibela sa sobra ring frustrations na nararadaman. I keep asking myself bakit hindi ako magawang paniwalaan kahit I am serious of telling the truth.

Wait, the truth? No, it is not. I forgot that I am supposing to pretend as my sister.

Mga ilang sandali pinaandar ko na ang sasakyan pabalik ng mansion.