Chereads / Unanticipated Love (Tagalog) / Chapter 13 - Chapter 13: Frustrated

Chapter 13 - Chapter 13: Frustrated

Wexford Greige's POV

Kasalukuyan akong naglalakad sa mall nang makita ko si Athena na may kasamang ibang lalaki. Biglang uminit ang ulo ko sa aking nakita.

Hindi pa kami break, cool-off lang kami pero parang pinatunayan na niya sa akin na totoo ang mga sinasabi ko sa kanya. Kaya pala simula nang umuwi ako rito mula U.S iba na ang treatment niya sa akin dahil may iba na pala nagpapangiti sa kanya.

Hindi ako nagdalawang isip lapitan silang dalawa at nanlaki ang mga niya sa gulat nang makita ako.

"Siya na ba iyong ipinagpalit mo sa akin?" Tanong ko sa kanya habang siya halos di makapagsalita.

Sa halip ang lalaking kasama niya ang sumagot, "What are you talking about?" Nakangising tanong niya. "We are just friends, right?" Nilingon niya si Athena para sumang-ayon ito.

"Mabuti pa umalis na lang tayo." Iyon na lang ang narinig kong sagot mula sa kanya kasabay ng pagtalikod nila sa akin.

Kaagad kong pinigilan siya dahilan muling napatigil silang dalawa sa paglalakad. Napatitig ang lalaki sa kung paano ko hawakan ang kamay ni Athena.

"Greige, can you please let me go? Di ba ito naman ang gusto ang umiwas at lumayo?" giit sa akin ni Athena. "In the first place, ikaw iyong nagdesisyon nito eh kaya huwag kang magagalit na may kasama akong iba."

Saka na niya iniwaksi ang kamay kong nakawak sa kanya at muli niya akong tinalikuran pero hinarangan ko ang daraanan nilang dalawa.

"No. You can't do this to me." Seryosong pahayag ko at ganoon din siya.

"Pwede ba, Greige? Tama na!" May kalalasang boses niyang saad dahilan para makaagaw kami nf atensyon sa mga taong narito. "Napapagod na akong unawain ka. So, please stay away from me!"

Akmang maglalakad na muli silang dalawa nang harangin ko ulit at hinawakan ko ang malambot niyang palad na matagal ko na ring inaasam ulit.

Bigla na lang humawak sa kamay namin ang lalaking kasama niya na pilit na pinaghihiwalay ang sa amin. Kaunti na lang masusuntok ko na ang lalaking ito sa pangingialam.

"Di ba sabi niya tama na raw? Bakit mahirap sayong intindihin 'yon ah?" Muling saad ng lalaking kasama niya.

Akmang susuntukin nang pumagitna sa amin si Athena at tinititigan niya ako hanggang sa iniwan na rin nila ako mag-isa.

"Athena, please come back here!" Tawag at pakiusap ko sa kanya subalit hindi na niya ako pinakinggan pa.

Napahilamos ako sa aking sarili at napag-isipang tawagan si Harold upang yayain siya muling uminom. Napapadalas na talaga ang pag-iinom ko ng alak simula muling magkaroon kami ng problema ni Athena. Hindi ko maipaliwanag minsan sa sarili kung bakit nagiging ganito ako sa kanya ngayon samantala noon naman hinahayaan ko lang na humupa itong galit namin sa isa't isa na walang ginagawa maliban lang sa pagiging tutok ko lang sa trabaho. Ganito ko na ba talaga siya kamahal para magpakalasing na lang at parusahan ang sarili?

"Ang daming alak, ah!" Gulat na saad sa akin ni Harold nang makita niyang nagdala ako halos isang katutak na alak dito sa bahay niya. "Teka, magpapakamatay ka na ba brad?"

Hindi ko siya sinagot at naupo lang ako sa isang malambot na sofa saka napapikit na mga mata.

"Greige, pwede naman natin pag-usapan ito eh. Di mo na kailangan ng alak pa." Paalala niya sa akin, subalit hindi ko siya pinansin.

"Gusto ko makawala sa problema. Sobrang bigat na nararamdaman ko. Di kayang makita siyang masaya na sa ibang lalaki." Biglang nagtaka si Harold matapos marining ang sinabi ko.

"Anong sinasabi mo dyan, bro? Impossible naman 'yang sinasabi mo." sabi niya pa matapos ayusin ang mga alak na iinumin.

"Nakita ko sila kanina. Napakasaya niya habang kinakausap at nakayakap sa lalaking 'yon."

Mga ilang sandali natigilan si Harold sa ginagawa niya at napalingon sa gawi ko.

"Brad, baka lasing ka na." Hindi makapaniwalang-saad ng aking pinsan sa sinabi ko.

"Hindi pa ako lasing. I know what I'm saying here." saad ko kasabay ng paglagak ulit ng iniinom kong vodka.

"How? Ang pagkakilala ko kay Athena ay posessive siya pagdating sayo. Paano nangyaring mayroon siyang lalaking kinakasama ngayon?"

Biglang bumalik sa aking isipan ang mga nasabi sa akin ni Athena kanina na ako raw ang may mali sa aming dalawa. Ako nga ba talaga? Hindi naman ako magkakaganito kung wala rin akong problema sa kanya. Napakagaling niya talaga ang magpalusot.

"I don't know..." Walang ganang sagot ko at muling napapikit ng aking mga mata habang ninamnam ang lasa ng alak.

"I think this is just a misunderstanding. Masyado lang kasi kayo nagpapataasan ng pride kaya ganito. You need to talk about this kapag humupa na iyong galit sa isa't isa." Harold said but I keep ignoring his advice to me.

He didn't know what I feel therefore he never understand me.

"I sense na wala ng patutunguhan pa ang pag-uusap namin. She is already declared a break up with me in front of the guy." Isang walang kagana-ganang tugon ko kay Harold at napabuntong hininga siya.

"You should try to listen about her explanation first before doing a necessary actions." He said in a frustration.

"You didn't experience yet a love so it is easy for you to say that!" Now, we are starting to argue about losing her.

"Hindi iyon ang issue dito, brad. Siguro, you need to stop drinking. Walang patutunguhan ang paglalasing mo." sabi na lang niya sabay tago ng mga alak na pinamili ko.

"Meron. Sa pamamagitan ng pag-inom makakalimutan ang sakit."

Kinuha pa niya ang mga natira at pilit ko iyon kinukuha sa kanya subalit di na kaya ng katawan ko.

"You're drunk." muli niyang saad. "Paano ka makakauwi nito kina Tito?" He is referring to my father.

"Don't mind him. Ako na lang bahala magsabi sa kanila." As trying to calm him about me. "Bukas na lang ako babalik sa mansion."

"Ok, mabuti pa. Matulog ka na, bro para makapagpahinga ka na diyan." sabi niya saka inabutan ako ng unan at kumot. "I am hoping nakapag-usap kayo ni Athena." paalala niya sa akin. "Magkakaayos pa rin kayo."

"Papaano kung di na?" Isa sa ikinatatakot ko kapag tuluyan na talagang mawala ang lahat sa aming dalawa.

Hindi ko na kakayanin pa 'yon lalo na minahal ko pa siya nang sobra. Umaasa ako kapag nagkita muli kami paulit-ulit kong sasambitin ang katagang 'mahal kita, sobra' kaya di ko kayang mawawala na ang connection sa aming dalawa.

"Tiwala lang, brad. Kailangan niyo talaga mag-usap para linawin ang lahat. You love her, right?" Napatango-tango sa sinabi ni Harold. "So, you need to prove to your girlfriend that you are crazily in love with her. Kailangan mo siyang ipaglaban. Huwag mong ipakita sa lalaking kasama niya na mahina ka."

Pagkatapos niyon, nagsitulugan na rin kami at kinabukasan, sobrang sakit ng ulo ko pagkagising.

"Heto, inumin mo muna brad."

Isang tasang kape ang ginawad niya sa akin.

"Makakapasok ka pa kaya niyan na may hangover ka pa?"

Sinimulan na naming dalawa kumain ng breakfast at kaagad kong kinain ang nilagay kong pagkain sa plato.

"Ipapahinga ko na muna 'to saka kakausapin ko pa si Athena."

Pagkakain namin ng breakfast, naisipan ko ng bumalik ng mansion para doon na muna makapagpahinga. Hindi ako pwede pumasok na may hang over pa ako at makikita nila Papa baka magtanong pa sila sa akin ng kung ano o kaya baka tuluyan ng mawala na iyong tiwala nila sa akin. Iyon ang di ko hahayaan dahil ito ang paraan ko to have a succesful life para masuportahan ko rin ang aking pamiya someday.

I'm very thankful that Harold is always there for me. Bata pa lang, kami na iyong pinaka-close sa magpipinsan hanggang sa tumuntong na kami pareho sa college. Akala ko nga noong magkakalayo na kami after graduation. It is coincidence na hindi siya natuloy magtrabaho sa U.S at mas pinili niyang manatili dito. Siya parati nakakasama ko ahead of my cousins. Madali siyang pakisamahan kumpara sa iba.

Sa aking pagmamaneho, muli ako nakaramdam ng pananakit ng ulo kaya naisipan kong bumili ng gamot para maalis ng tuluyan ang hang-over ko. Pagkatapos kong bumili, naglakad na kaagad ako diretso sa sasakyan pero natigilan nang may narinig ako hiyawan ng mga tao.

Napadako ang aking paningin sa isang dako na nagkukumpulan. Hindi ko namalayan bigla akong hinatak ng aking mga paa papunta sa nasabing lugar.

Nagulat na lang ako at muntik nang mabitawn ang gamot na dala ko matapos makita ko siyang kumakanta kasama ang lalaking iyon sa mall.