Chereads / Unanticipated Love (Tagalog) / Chapter 10 - Chapter 10: Arguments

Chapter 10 - Chapter 10: Arguments

Kasalukuyan akong naglalakad patungong kusina nang makita ko sina Mom and Dad na kumakain na rin ng dinner. Kaagad nilang napansin ang aking presensya.

"Oh our dear princess." Paglalambing nila sa akin pero alam kong napipilitan lang sila gawin 'yon dahil may kailangan pa sila sa akin. "Akala namin ng Dad mo na di ka na kakain ng dinner. Padadalhan ka na lang sana namin sa kwarto mo."

"Kamusta na pala kayo ni Greige? Is there something wrong happened?" Sunod na sunod na tanong ni Mom sa akin pero walang akong balak ikuwento sa kanila ang nangyari.

Magiging komplikado lang ang lahat. Kung may nakakaalam man niyon ay si Yaya Helena. Alam kong di naman niya sasabihin 'yon ng walang pahintulot mula sa akin.

"Everything is ok. Don't worry about it, Mom and Dad." As I trying to clear things out para hindi na humantong pa sa problema ang lahat.

Napakasimpleng bagay lang naman 'yon. Madali lang lutasin. If ever Greige has noticed something about me which probably different from my twin, it still can manage. Kaya ko pang lusutan ang lahat but not these feelings I had for him.

Minsan nadudulas akong naipapakita ang tunay kong pagkatao kapag nakakasama ko siya. I am not a perfect person dahil kahit ano kong gawin magkakaroon pa rin ng kaunting failure.

"That's good, our precious daughter! I'm glad that you are doing your job nicely. But, you have to be extra careful." My father compliementing me on how I was excellent however it is already hard for me habang tumatagal.

"By the way, we will visit your sister tomorrow to check her condition." As my mom interfere, making things alright.

This is how they love Athena, giving too much care and attention. It is the reason why I left Bicol and went to Manila. Live independently. They have always focusing to my sister.

"Sure, Mom and Dad." Walang gana kong sagot.

I hope she wakes up so that I can freely go back where I am supposed to be. Nahihirapan na rin ako sa mga ginagawa ko rito. Mas lalo rin akong nahihirapan kapag nakikita ko siya.

Pagkatapos kumain at makipag-usap sa parents ko, nagdesisyon na rin akong bumalik sa kwarto para makatulog na rin nang maaga.

Sinubukan kong i-turn on ang radio nang di inaasahang nag-play ang isang pamilyar na awitin. I maximize the volume until I recognize the song. It was when Greige and I in a sweet conversation into his office. Oh no! My heart quickly starts to beat again.

Napapikit ako sa bawat lyrics at mensahe na aking naririnig. It makes the scene between us flashback in my mind. I punched my pillow with annoyance.

The following day, I woke up and prepared myself to start a job. Terylene suddenly greets me a 'good morning.'

"Pleasant morning." Nakangiti kong tugon dahilan para maging curious siya sa akin.

"Mukhang maganda ang araw ni Ma'am, ah." Puna ni Terylene habang nanatili pa rin niyang tinitignan ang kabuuan ko. "Bloomy." Bulong niya pa.

"Tama na munang tsismasan. Napakarami nating gagawin ngayon." Pag-iiba ko na lang ng usapan dahil alam kong di-titigil ang 'sang ito.

"Kunwari ka pa. Ayaw mo lang pag-usapan eh." giit pa niya pero di ko na muna siya pinansin.

"Ano bang nangyari kahapon? Bakit ganyan ang itsura mo." Muli pa niyang tanong.

Ang babae na talaga 'to. Aga-aga tsismis kaagad nasa isip.

"Hulaan ko..." sabi niya pero di ko na siya pinansin. "Nag-kiss kayo ni Sir Greige kahapon."

Nanlaki ang aking mata sa narinig pero hindi niya napansin dahil nakatalikod ako sa kanya.

"Totoo ba?" Pang-iinis pa niya.

"Hindi. Nagkausap kami ng boyfriend ko sa Manila." Paliwanag ko sa kanya at lumapit pa ito sa aking kinauupuan.

"Shocks. Akala ko si Sir Greige. Sorry!" Bigla niyang excuse. "Real boyfriend mo pala."

"Oo! Kaya, huwag kang mag-imbento ng kwento." Paglilinaw ko sa kanya kaya naman muli siyang nag-apologized.

"Di ko pa nakikita 'yang boyfriend mo eh. Gwapo ba?" Kinikilig niyang tanong. "Mas gwapo pa ba kay Sir Greige?"

"Di lang siya gwapo. Sweet and caring boyfriend pa." Nagulat si Terylene sa sinabi ko at mas lalo pa siyang kinilig.

"Oh my nakakainggit ka naman." Nakanguso niyang saad kaya natawa na lang ako.

"Makakahanap ka rin ng Mr. Dreamboy mo."

Lumipas ang ilang mga oras, naalala ko pa pala na dadalhan ko ng lunch si kolokoy ngayon. Nagpaalam muna ako sa executive secretary ni Athena.

Wala ngayon si Yaya Helena dahil nag-leave raw ito kaya ako na lang mag-isa ang mag-aasikaso ng pagkain.

Di nagtagal nakasakay na rin ako ng kotse hanggang sa nakarating na sa kanilang office.

Kumatok muna ako bago niya pinapasok.

"Hi. Heto na pala 'yung lunch natin." Bungad ko sa kanya subalit nanatili pa rin siyang nakatutok sa computer. "Eksakto, nagugutom na rin ako."

"Ibalik mo na lang 'yan. Sa labas ako kakain." Natigilan ako sa aking ginagawa nang marinig ko 'yon.

"Why?" Nakakunot na noo kong tanong.

"You're just wasting time to be here." Malamig niyang tugon.

Nilapitan ko siya upang komprontahin. Di ko alam kung bakit nagkakaganyan nanaman siya. Ayos namin kahapon ah. Ano nanaman ba problema ng 'sang ito? Kahit kailan napaka-unpredictable niya.

"What's wrong? Tell me!"

Ngayon, hinarap niya ako. Isang malamig na tingin ang ginawad niya sa akin.

"Umalis ka na!" sabi niya lang.

"Greige, ano ba talaga problema ah?" Medyo may kataasang boses kong tugon.

He chuckled sarcastically, "You didn't know?"

"Hindi ko nga alam." giit ko habang napapikit ang aking mga mata.

"So I need to explain to you, why?" Tumango lang ako.

"You keep ignoring my messages. I didn't receive any responses from you even once." Paliwanag niya pero napangisi ako ng mapait.

"Iyon lang?" giit kong tanong. "Iyon lang ba ang dahilan kung bakit? Napakababaw mo naman."

"Maraming beses mo na nagawa sa akin 'yan, Athena. How do you feel when someone is not responding to your messages?" sabi niya at nakikita kong nasasaktan siya sa ginawa ko. "Siguro, napipilitan ka na lang sa akin kapag nagkikita at nagsasama tayo."

"That's not true." Mabilis kong saad.

"Siguro----mayroon ka ng iba. Kaya ayos lang na balewalain mo ako." Nakangisi niyang sambit at tumayo na sa kanyang kinauupuan.

"What are you talking about?"

"Don't lie to me now. Ok na, Athena. Huwag ka ng mag-alala."

Tinignan ko siya ng nakakalitong tingin. Humarap siya sa akin.

"Let's break up."

Sa sinabi niyang 'yon bigla na lang ako nanghina at nagtulo ang aking mga luha. Nasaktan ako sa binitawan niyang salita. I don't know bakit ko ito nararamdaman but in the first place si Zen naman talaga nilalaman ng puso ko. Bakit ganito?

Totoo naman lahat ng sinabi niya pero di ko pwede sabihin sa kanya ang buong katotohanan. Magiging komplikado ang lahat, masisira ang plano at mawawala lang lahat ng aking sakripisyo. Hindi pa ito ang tamang panahon.

"No, Greige. Please, don't do this. I am sorry." Nakikiusap kong saad subalit tinalikuran niya lang ako at iniwang mag-isa sa kanyang opisina.

Matapos niyon di muna ako bumalik sa mansion. Tinext ko si Terylene para ipaalam na di kaagad ako makakabalik. Gusto ko na muna mapag-isa at magpunta sa lugar na tahimik. Alam kong magtatanong lang siya. Wala pa naman akong gana magkwento ngayon. Makikita rin ako ni Yaya Helena mas mag-alala lalo iyon sa akin kapag nakita niya akong ganito.

Kailangan ko lang ngayon i-refresh ang sarili sa nangyari dahil anumang oras maaari na akong bumigay mawawala lang ang lahat ng plano.

Bakit ko ba hinahayaan ang sarili magkaganito dahil sa lalaking 'yon. Paano ako makakabalik nito muli sa Manila at makita si Zen. Ano na lang mararamdaman niya? Di ko rin kakayanin na masaktan din siya sa ginawa ko. Nangako ako sa kanya na siya pa rin mamahalin ko.

Pagkalipas ng dalawang oras ng pagmuni-muni, buong lakas ng loob akong pumasok ng mansion. Nakasalubong ko si Terylene at natigilan siya sa paglalakad nang makita niya ako.

"Ma'am Athena! Mabuti naabutan ko kayo." bungad niya. "Heto nga pala iyong USB." Kinuha ko kaagad iyon sa kanya.

"Ayos lang po kayo, Ma'am?" Nag-alalang tanong niya pero nagawa kong ngumiti nang pilit para di na siya magtanong pa.

"Oo naman. Napagod lang ako." Pagsisinungaling ko sa kanya at tumango siya kaagad bilang tugon. "Kumain ka na ba ng merienda?"

"Opo, Ma'am inabutan nga ako kanina ng maid niyo sa mini office." Paliwanag niya.

"Mabuti naman." Tipid kong sagot.

"Mayroon pa ba kayong itatanong bago ako umalis?"

Hindi ako nagdalawang-isip sumagot, "Wala naman. Sige, mag-iingat ka."

Pagkatapos naming mag-usap, nagtungo na rin ako ng kwarto at naupo sa kama. Kinuha ang cellphone sa loob ng desk table. Nakatanggap ako ng mga messages galing kay Zen.

From Zen:  

Hi wifey.

Napangiti ako nang mabasa ko ang message niya kaya nag-reply kaagad ako.

Me:

Hello rin sayo, hubby.

Mga ilang sandali ay biglang tumawag si Zen at lumitaw ang picture niya sa phone ko. Sana kaya ko 'to. Sana wala siyang mapansin dahil siguradong mag-alala siya ng husto sa akin at baka pabalikin na niya ako ng Manila.

Huminga ako nang malalim bago ko pinindot ang answer button.

Zen: Hi, wifey. Kamusta? Teka, bakit parang malungkot ka? May nangyari bang hindi maganda?

Me: Wala naman. Napagod lang kasi ako sa trabaho. Ang dami naming ginawa eh.

Nagdahilan na lang ako sa kanya dahil ayaw ko nang pag-usapan iyon. Mas lalo lang rin hindi magiging maganda ang sitwasyon. Tamang ako na lang 'yong naghihirap at nagsasakripisyo basta walang masisirang plano at masasaktan. Kakayanin ko na lang 'to.

Zen: Sorry, kung naistorbo kita.

Naging malungkot tuloy ang itsura niya kaya kaagad akong nakaisip ng ideya para maging ok siya ulit.

Me: Hindi no! Mabuti na lang napatawag ka para may kausap ako dito at matanggal rin itong pagod ko.

Zen: Sigurado ka ba?

Me: Oo naman, hubby. Pinasaya mo nga ulit ako eh.

Ano bang sinasabi mo, Althaea? Niloloko mo lang siya eh sa ginagawa mo. Hindi na siya iyong nagpapasaya sayo at nagpapangiti kundi ang tao na sobrang kinaiinisan mo noon.

Zen: Mabuti naman.

Me: Ikaw, kamusta ka naman diyan?

Napapansin ko rin kasi ang pangangayat niya. Baka kasi hindi na siya natutulog nang tama. Baka marami na rin siyang iniisip na responsibilities sa trabaho.

Zen: Ayos naman ako, wifey.

Nakangiti niyang sagot pero di ko pa rin maiwasan mag-alala sa itsura niya ngayon.

Me: Kumakain ka pa ba nang tama at natutulog nang wastong oras?

Zen: Oo naman, wifey.

Mukhang nagsisinungaling siya eh.

Me: Bakit ang payat-payat mo na?

Zen: Ako payat? Hindi ah.

Me: Halata kaya sa itsura mo.

Zen: Masyado lang kasi kitang iniisip eh. Baka balang araw hindi na ako iyong mahal mo.

Muntik na akong mahulog sa kama nang marinig ako sinasabi niya.

Zen: Ano nangyayari, wifey?

Labis sa mukha niya ang pag-alala sa akin.

Me: Muntik na akong mahulog sa kama.

Napabuntong-hininga siya sa sinabi ko.

Zen: Ikaw naman kasi wifey di nag-iingat eh. Wala ako ngayon diyan sa tabi mo paraan alalayan ka.

Bigla akong nakaramdam ng guilt sa sinabi ni Zen. Pinipigilan ko na lang ang pagtulo ng aking luha dahil alam kong magtatanong siya ulit kung bakit ako umiiyak.

Me: Nagkataon lang 'to. Akala ko kasi nasa gitna ako ng kama. Eh ayon pala nasa gilid lang.

Zen: Basta wifey, ingatan mo pa rin ang sarili mo. Malayo tayo sa isa't isa di kita maalalayan niyan. Matagal pa naman bago ka makakabalik.

Me: Malapit na, Zen. Huwag kang mag-alala.

Sinusubukan kong pagaanin ang kanyang pakiramdam.

Zen: Di na ako makakapaghintay pa sa araw na 'yon, wifey. Sobrang nami-miss na talaga kita.

Me: Hayaan mo sa di inaasahan. Makikita mo ma lang ako nasa harap mo na.

Pambobola na lang ginagawa ko para maging positibo pa rin ang dating. Kasi kung hindi ko gagawin baga umiyak na ako sa harap niya.

Matapos ang usapan namin ng boyfriend ko hindi na magawa ng aking sarili na tumayo pa sa aking hinihigaan. Sobrang bigat ng aking nararamdaman dahil sa mga nangyari ngayon.

Ngayon, hinayaan ko na ang sarili ilabas lahat ang luha na kanina pang nagbabadya. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Parang naging mali ata ang naging desisyon ko para magpanggap bilang si Athena. Parang pinagisisihan kong tinanggap ko ang pakiusap ng aking magulang pero ayaw ko naman sila iwan sa ere at pabayaan. Dahil rin sa kanila kung ano meron ako ngayon.

KINABUKASAN, di ko namalayan na tinanghali ako ng gising kung hindi ako nagising sa sunud-sunod na kumakatok sa pintuan ng kwarto.

Dahan-dahan akong naglakad at pinagbuksan ito. Bumungad sa akin si Yaya Helena at binati niya ako nang nakangiti.

"Goodmorning, Althaea!"