Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

This is Our Time

🇵🇭cz00002
16
Completed
--
NOT RATINGS
16.1k
Views
Synopsis
A Fil / Tagalog Story A story of a web developer who splits and slips through time and goes back to high school to fix his journey beyond to the future. His mission is to avoid the girl who stopped in 3rd level high school and went back after 5 years to become one of his classmates. -- MAIN CHARACTERS -- Czkea 32 / 17 Years Old Pronounce: Tsi-Keya Qyuni 37 / 22 Years Old Pronounce: Kyu-ni Others To be followed along the story continues.
VIEW MORE

Chapter 1 - Is This Our Time?

3 Years Ago (2019) ay nagpakasal na si Czkea at Qyuni. Lahat ng relatives, kaibigan at mga professor nila ay imbitado sa kanilang kasal. Masaya nag diwang ang buong angkan at lumipas ng isang taon ay nabiyayaan na sila ng sarili nilang bahay at lupa. Habang si Czkea ay isang Web Developer sa 1k Group of Companies. At si Qyuni naman ay isang Chairman ng kanilang Family Company.

After 1 Year (2020) ay nagkaroon narin ng sariling Business ang mag asawa at si Qyuni ay dito na naglaan ng panahon at lumiban na siyasa kanyang Family Company, sa kadahilanang halos buong buhay na si Qyuni nag trabaho doon at nagsilbi sa mga tao't trabahador. Nakabili nasila ng lupain para makapagtayo ng farm/bukirin at bahay bakasyunan namalapit lang din sa Tarlac na tinitirhan nila.

2021, sa taong ito ay nag plano na mag anak ang dalawa, si Czkea at Qyuni.

September na kumpirmadong buntis si Qyuni, nagdiwang ang buong angkan ni Czkea at Qyuni dahil matagal na nila itong inaabangan sa magasawa.

Sobrang saya ni Qyuni at Czkea dahil ito yung bagay na inaasam nila noon pa man. Kahit na Limang taon ang kanilang pagitan. Napagtagumpayanpa rin nila ang lahat ng problema sa buhay. At masasabi narin natingmalapit na sila sa Success!

2022 ng May 14 ay ipinanganak na ang kanilang Bunso o Panganay, Ito ay babae at Pinangalanan nilang Queenie, Itong pangalan ay suggested ni Qyuni dahil unang babae nga naman nila to at balak pa nila sundan sa mga susunod nataon.

This is Our Time na nga!

sabi ni Czkea kay Qyuni,

Qyuni

"Si Mamang (Inang) baka mag patulong sa atin pala Adi sa susunod na Linggo, eh ang Lolo rin kasi ay may dinaramdam. Hindi pa rin na aasikaso yung Will of Contract para kay Gredor,

Si Gredor ay Panganay na Kapatid ni Qyuni, Kay Gredor mapupunta angkumpanya na hawak ng kanilang Lolo at siya ang magpapatuloy nito.

Czkea

"Sige walang problema Adi, Malapit lang naman ang aking pinapasukan at tinutuluyan dito. Kaya No Husttle, pero nakakatakot din kasi para mo akong binigyan ng responsibilidad kapag may nangyaring masama kay Lolo Adi". hahaha

Nagtawanan ang Mag-asawa at tila silay masaya parin at kumportable sila sa isa't isa, Kada gabi paguwi ni Czkea ay siya na ang nag aasikaso kay Queenie, at si Qyuni naman ay siyang nagpapahinga.

Lumipas ng 2 Oras ay nagpapatulog na si Czkea sa kanyang anak. At nangmakatulog na Queenie, ay may bigla siyang na received na Email mula sa1k GoC. Ang Laman ng Email na iyon ay isang promotion at invitation mula sa 500GoC. Na sila ay magkakaroon ng Lock-in project na tatagal ng Limang Buwan at kikita dito sa Czkea na higit 8 Million na halaga na pera.

Napahiyaw si Czkea at biglang nagising ang anak umiyak ito. Dali dali naman bumaba ng Kwarto si Qyuni upang silipin ano ang nangyari s amag-ama at medyo nainis si Qyuni.

Czkea

Adi!! Adii!!!! Tignan mo ito Dali!

Qyuni

Ano ba yan? Madaling araw ang ingay ingay mo!

Czkea

Tignan mo, basahin mo.

Binasa ng dahan dahan ni Qyuni ang Konteksto ng Email. Pagkatapos ay tumingin lang ito kay Czkea at hindi masaya sa nangyayari.

Czkea

Bakit Adi? May Problema ba?

Qyuni

Meron, diba nangako ka na tutulong ka kay Mamang at kay Lolo?

Czkea

Adi naman, sa Susunod na buwan pa ito kaya ano worries. Ngiti ka naman pleeease?

Qyuni

....

Czkea

Tignan mo na lang ito na Pagpapala na dala ni Queenie,

Lahat ng pamilya natin ay suportado sa atin, sa anumang desisyon,

Wala tayong inurungan na problema noon,

panigurado ay makakaya natin to ngayon.

tsaka....

Qyuni

Tsaka? teka paano si Queenie? paano ako? Adi naman

Czkea

Adiiii, mahal kita. Hindi ko kayo kayang pabayaan, kaya ko to. Kaya natin ito Adi.

Yumakap si Qyuni kay Czkea, at ang alam ni Qyuni ay mahihirapan sila dito.

Kinaumagahan ay binalitaan si Qyuni na hindi parin mahanap ang mgapapeles na kailangan para mailipat na kay Gredor ang Kumpanya ng Pamilya nila. Dito na 'mroblema sila kung nasaan na ba lahat ng papeles na kailangan nila.

Upang matiyak na nag eexist pa ang mga papeles ay may kailangan sapamilya nila na umuwi ng Maynila at tignan sa isang office kung naroonang mga papeles. Dali daling tumawag si Qyuni kay Czkea,

Qyuni

Adi, magpapasama sila Mama at Tito.

Pupunta ng Maynila sa isang office namin doon,

na gbabaka akali sila na naroon ang mga papeles na hinahanap nila

Czkea

Sige Adi, paalam lang ako sa supervisor ko

Tatawag ako kapag papunta na ako.

Qyuni

Salamat Adi, Ingat ka

Lumipas ang Trenta Minuto ay nagkita na sila Czkea at ang pamilya ni Qyuni, at bumiyahe na sila papuntang Maynila.Lumipas lang ng 1 oras ay na traffic na sila outbound sa highway. Hindi sakalayuan ay may ginagawang tulay at may nabangga palang mahabang truck sa paanan nito. At dahilan na masakop ang buong daan ng hiighway at iisang lane lang ang pwedeng pagdaanan.

Alas Sais nang malapit na makalabas sila Czkea sa Traffic ay bigla naman buhos ang ulan na sobrang lakas. Gumilid sila at tumawag si Czkea kay Qyuni,

Czkea

Adi, Biglang buhos ng ulan halos hindi pa kami nakakalayo may na aksidente dito sa pagbaba ng Toll sa atin

Qyuni

Ganun ba? dito rin Adi ang lakas ng ulan.. tutuloy pa ba kayo?

Czkea

Oo eh, sabi ng Mama mo rin ay kailangan na ang papeles bukas ng Hapon. Hindi pwedeng humindi sa mga mahahalagang bagay.

Biglang namatay ang Ilaw sa bahay nila Qyuni,

Qyuni

Adi, nawalan na ng Kuryente dito.

Asikasuhin ko muna si Queenie.

Tumuloy na rin sila Czkea sa pagbiyahe, Habang binbagtas nila ang daan ay may checkpoint malapit rin sa office ng expressway na nakaabang sa isang Toll Gate, dito pinara sila Czkea para lamang sa Safety Measure ng sasakyan. At dito rin muna bumaba at sumilong sa opisina sila Czkea.

Sa bahay naman nila Qyuni ay nakapag bukas na si Qyuni ng mga kandila sa Kusina at malapit sa kwarto ni Queenie, Habang nagpapatulog si Qyuni ay tila sobrang lalakas ng Kidlat at Kulog sa labas ng tahanan.Hindi naman nababahala si Qyuni dahil sa Laki ng bahay na meron sila. Lumipas ng Kinse Minuto ay karga parin ni Qyuni si Queenie, at habang naglalakad si Qyuni at nagpapatulog sa kanyang anak. Bigla siyang napatitig sa Telepono. Ang Telepono na nakita ay isang Active Wired Telephone na naka connect sa bahay ng kaniyang Lola at Lolo. Nagtaasan mga balahibo ni Qyuni at kinabahan siya. Binaba muna niya si Queenie sa Kuna at tumawag siya kay Czkea.

Qyuni

Adii!! Adii!!!! (naiiyak)

Czkea

Huy! Bakit ka umiiyak!? Napano ka? Si Queenie ba? Anong nangyari?

Qyuni

Bumalik muna kayo dito!, sila Lolo at Lola!--

At Naalala rin ni Czkea na naka Wired Telephone pala ang bahay ng Lolo't Lola ni Qyuni kaya dali dali siyang nagmadali,

Ngunit sa pagmamadali niya ay nakaligtaan niya ang Nanay ni Qyuni at ang Tito nito.

Sumama na lang sila sa Pulisya at Bumuntot ang Pulisya sa Likod ni Czkea upang mag bigay daan pabalik sa tahanan nila

Qyuni

Teka teka baka kasama nila Lola sila Vincent

**ring**

**ring**

**ring**

Vincent

Oy bolang napatawag ka?

Qyuni

Nasa bahay ka ba nila Lola?

Vincent

Ay wala ate! Narito ako sa tahanan ng Kaklase ko, mamaya pa ako uu....

**end call**

Nagayos at nagbihis ng kapote si Qyuni at iniisip niyang lusubin ang ulan at puntahan ang bahay ng kanyan Lola.

Ngunit napagtanto niya na maiiwan pala niyang mag isa si Queenie, kaya naiiyak na lang siya dahil hindi siya mapakali sa masamang kutob niya.

Binuksan ni Qyuni ang garahe at gagamit na lang ng sasakyan si Qyuni kahit dalikado sa daan.

Dito Sinama niya si Queenie at naglagay siya ng pang baby car seat.

Umalis na si Qyuni at dahan dahan lang siyang nagmamaneho papunta satahanan ng kaniyang Lola. Tila walang makita si Qyuni sa daan at nangnatanaw na niya nag tahanan ng kaniyang Lola ay minadali na niya angpag drive.

Pagpasok niya ng Gate ay hindi niya namalayan ang Puno ng Nara na nasagilid ng drive way kaya bumangga si agad dito si qyuni. Umiyak siQueenie sa lakas ng impact at umusok ang sasakyan. Dali daling nilagyan ng kapote si Queenie at naglagay rin ng kapote si Qyuni at bumaba namay dalang payong at nag dali-daling lumakad papunta sa pintuan ng Tahanan ng kaninya Lola.

pagpasok ni Qyuni ay dali dali niyang hinanap ang kaniyang Lola at ang Lolo. Habang naghahanap si Qyuni ay bigla nang nagkaroon ng Ilaw. Umakyat agad si Qyuni at pagpasok niya sa loob ng kwarto ng kanyangLola ay nakita niyang magkayakap na nakaupo ang kaniyang Lola at Lolo, habang hawak ng Kanyang Lola ang Telepono.

Lola

Tatawag pa lang ako Apo, hindi ko makita ang gamot ng iyong Lolo

Qyuni

(exhales in peace) sige po Lola, ako na po ang maghahanap. ibababa ko muna po si Queenie.

Nakangiti ang Lola at ang Lolo ni Qyuni sa dalang saya na meron si Queenie, habang inaasikaso ni Qyuni ang kaniyang Lola at Lolo ay maybiglang tumawag na Numero kay Qyuni.

Qyuni

Hello? Sino po ito?

Line:

Pwede po bang makausap ang relative ni Czkea?

Qyuni

Asawa ako ni Czkea, sino ba ito?

Line: **ambulance sirens** **police sirens**

Habang nagsasalita ang nasa kausap ni Qyuni ay dahan dahang dumidilimang paningin niya at bumabagal ang mga oras sa naririnig niya.Nabitawan ni Qyuni ang platito at baso at napatingin sa kanya angkaniyang Lola at Lolo.

**ambulance sirens**

**ambulance sirens**

**ambulance sirens**

**ambulance sirens**

to be continued.