Chereads / This is Our Time / Chapter 6 - Timing

Chapter 6 - Timing

Nakaupo at Nakapikit si Qyuni, siya ay nagpapalipas sa Bus Stop at inabutan na siya ng ulan doon. Pagbuhos ng Malakas ng Ulan ay hindi na siya maka alis at wala rin siyang dalang payong. Sa kanyang pagpikit mulit at sa pagiisip ay may narinig siyang iyak ng sanggol sa paligid niya. Hindi niya ito pinapansin at hanggang sa lumakas ang iyak ng nito kasabay ng paglakas ng ulan.

Sa kanyang pagdilat ay tila sa paningin niya ay bumagal ang mga oras. Patuloy ang ingay ng Sanggol sa pag iyak at sa nang lumingon si Qyuni sa kanyang kanan ay may nakita siyang isang sanggol sa Tabi niya at ito ay nasa basket at may telang nakabalabal dito. Hinawakan niya ang Basket na ito at nabasa niya ang Pangalang "Queenie".

At Pagtingin niya sa Sanggol ay bigla itong nawala at napatayo si Qyuni. Kumukulog at kumikidlat, kasabay ng ingay ng ulan at hanging dala nito. Sa kanyang paglingon naman sa kaliwa ay may matanda naman bumulaga sa kanya at Siya ay nagising.

Nanaginip pala si Qyuni at siya ay nakaupo sa Bus Stop parin. Wala siyang dalang payong at tumakbo na siya papasok ng Gate ng eskwelahan. At habang siya ay tumatakbo, sa paningin niya ay bumabagal ang oras at bumabagal ang tibok ng puso niya. Hanggang sa naglalakad na lang siya at hawak niya ang kanyang dib-dib dahil sa nahihilo na si Qyuni.

Naglalakad siya hallway at malapit na siya sa kanyang Silid. Hanggang sa pagbukas niya ng Pinto ay napatigil ang buong klase at sila ay napatingin kay Qyuni. Si Qyuni ay basang basa, at Hindi ma ipinta ang kanyang mukha. Napatingin si Qyuni kay Czkea at nakita niyang nakatingin ito sa kanya.

At Bigla na lang nawalan ng malay si Qyuni at siya ay dinala sa Clinic.

Pagkalipas ng Ilang Oras ay Nagising na si Qyuni at sa kanyang pagdilat ay ang kanyang Nanay ang kanyang bumungad sa kanya.

"Anak, bakit ka naman kasi tumakbo sa gitna na ulan?" pag-aalalang tanong ng kanyang Nanay.

"Ma, ....

Iniisip ni Qyuni kung sasabihin ba niya sa kanyang Nanay ang kanyang napanaginipan at nakita o hindi na lang. Kaya ngumiti na lang si Qyuni at siya ay nag ayos na.

Nagpasalamat sila sa Nurse sa Clinic at nagpaalam na sila sa kanyang Guro na si Sir Castillo. Habang naguusap ang Nanay ni Qyuni at si Sir Castillo ay may nakapa si Qyuni sa kanyang Bulsa. Pagbunot niya, ito pala ay isang name tag. Nang babasahin na ni Qyuni ang pangalan na nakasulat ay bigla siyang tinawag ng kanyang Magulang at sila ay Umalis na.

5:40 PM, Naglalakad si Czkea pauwi galing Eskwelahan at siya ay nakatulala lang at mabagal ang kanyang paglalakad. Nag iisip kung paano niya pipigilan ang kanyang Magulang na huwag tumuloy sa Darating na Pista sa Bayan. Sa kanyang pagiisip ay may biglang tumawag sa pangalan niya.

"Czkea!...

Paglingon niya sa Likod ay si Vivian pala. At ito ay masaya na sumalubong kay Czkea.

"Kea, sabi ni Mama sige daw, hindi na raw niya isasama si Nanay mo papuntang Bayan sa Linggo," wika ni Vivian kay Czkea. Napatingin si Czkea kay Vivian at ito ay napangiti sa magandang balitang dala ni Vivian sa kanya. "Mabuti na man kung ganoon! Yahoo!, teka buti pumayag agad si Mama mo?" tanong ni Czkea kay Vivian. Napatingin si Vivian sa malayo at nahihiyang sumagot si Vivian. "Ano nga bakit nga? Bakit ka nahihiya?", wika ni Czkea. Biglang yumukot ang noo at kilay ni Vivian at sabay sabing, "Hindi ako nahihiya no! Tsaka ang sabi ni Mama ang kondisyon ay hindi na ako makakasama sa inyo sa Linggo sa lakad natin Czkea", sagot ni Vivian na may pagaalinlangan.

"Okay lang!.. Ano ka ba? bawi na lang tayo sa susunod....

Wika ni Czkea kay Vivian. Napangiti si Vivian at sila ay sabay nang umalis. Habang naglalakad ang dalawa ay naisipan ni Vivian na Ilibre si Czkea ng makakain. Pumayag naman si Czkea at sila ay masayang kumain malapit sa kanilang Paaralan.

Nang makauwi na si Qyuni sa kanyang tahanan, siya ay naghilamos muna at pumasok na sa kanyang Kwarto. Sa kanyang pag upo ay naalala niya ang kanyang panaginip. "Ano kaya yung panaginip kong iyon?". Nag aayos na si Qyuni ng kanyang mga gamit at sa kanyang paghawak sa kanyang Uniform ay nakita niya ulit ang name tag. Tinignan na niya ito at ang pangalang nakasulat dito ay "Queenie". At napaisip si Qyuni, "Queenie? hmmm saan ko nga ba nakita to? alam ko nakita ko na to eh", nilagay niya ang Name tag sa ibabaw ng kanyang Study Table at siya ay tinawag na ng kanyang Nanay upang kumain na ng hapunan.

Masayang Umuwi si Czkea sa kanilang tahanan at ito ay napansin agad ng kanyang Tatay. "Aba ang saya saya mo anak ah! Ano ba nangyari ha?" Tanong ng kanyang Tatay. Inalis ni Czkea ang kanyang Sapatos at ito ay sumagot, "Wala naman Tatay, pakisabi kay Nanay paguwi niya na dito na lang tayo sa bahay sa Linggo at pagluluto ko kayo", wika ni Czkea. Pumasok na sa Kwarto si Czkea at ang kanyang Tatay naman ay nagtataka, "Ha? sa Linggo? ehh?".

Kina-umagahan ay nagising si Czkea sa tawag ng kaniyang Nanay sa baba. Pagka labas ng kwarto ni Czkea ay nakita niya ang kanyang Nanay na masaya. Nagtataka si Czkea at napaisip na, "Siguro nasabi na ni Tatay sa kanya". Pagkatapos mag ayos ni Czkea ay uupo na siya sa harap ng lamesa sa kusina upang mag almusal. Habang sila ay kumakain ay may nabanggit ang kanyang Nanay.

"Anak! Hindi na ako sinama ng Ninang mo sa Linggo sa Bayan!"

Napatingin si Czkea at sa kanyang Nanay.

"Mabuti naman kung ganoon Nay", sagot naman ni Czkea.

"Pero! hahahaha buti na lang niyaya ako ni Pareng Carlos! yung ninong mo! doon tayo sa Linggo sa kanila sa Bayan!", wika ng kanyang Nanay na may galak.

Nagulat si Czkea at napatingin ito sa kanyang Tatay. "Tay akala ko ba sinabi mo kay Nanay yung binanggit ko sayo kagabi?", pagtatakang tanong ni Czkea sa kanyang Tatay. Huminga ng malalim ang kanyang Tatay at napatingin ito sa kanyang Asawa. "Meida, Mahal.. hindi talaga ako makakasama sa Linggo at kung gusto mo naman pumunta doon wala naman problema". Wika ng kanyang Tatay.

Habang naguusap ang magasawa ay napahawak na lang sa noo si Czkea at ito ay nagpaalam at umalis na.

Sa kanyang paglalakad ay nakasalubong niya si Jericho at sabay na silang pumasok sa Paaralan. Nang malapit na sila sa Gate ay nakita ni Czkea si Qyuni na bumaba sa Sasakyan at ito ay naglakad na rin papasok. Habang naglalakad si Czkea ay nakita rin niyang naka abang sa gate si Vivian at hindi niya alam kung bakit ito naka abang.

"Via!"

Napatingin si Vivian sa tawag ni Czkea sa kanya. Lumakad papalapit si Czkea at tinanong kung sino ang hinihintay nito. "Ikaw, hehe", sagot ni Vivian. "At bakit mo naman ako hinihintay?", tanong ni Czkea kay Vivian. "Eh Paano kahapon rin pala pagkauwi ni Mama, naroon pala si Ninong Carlos kasama si Ninang din. Niyaya sila pumunta sa Bayan sa Linggo eh buti na lang hindi pumayag si Mama", wika ni Vivian kay Czkea.

"Nako si Mama nga rin, kaso pumayag si Mama at siya na lang ang pupunta doon sa bayan", sagot naman ni Czkea. Napatingin si Vivian kay Czkea at nakita niya ito na malungkot. "Sige mauna na ako sa inyo marami pa akong gagawin", wika ni Vivian kay Czkea at Jericho. Habang naglalakad sila ay napatulala na lang si Czkea at pinagmamasdan ang nag gagandang mga Bulaklak sa paligid.

Habang nasa loob ng Classroom si Qyuni at nagsusulat, ang kanya namang mag kaklase na galing sa labas ay may pinaguusapan. at ang mga ito ay malapit lang sa kanya.

"Nakita niyo rin ba kanina?...

"Oo nga! Yung musse ng Basketball team si Vivian...

"Oo, ilang araw na rin nakikita ng iba na magkasama si Vivian at Czkea....

"Alam ko magkababata sila?

"Tama diba?

"Baka naman sila na?

Ito ang mga salitang narinig ni Qyuni at siya ay tumayo at lumabas ng Silid.

Habang naglalakad si Qyuni ay Tinawag siya ng kaniyang Guro na si Sir Castillo at pinapasok siya sa loob ng Faculty. Kinamusta lamang si Qyuni at sila ay naguusap.

Habang naguusap si Qyuni at si Sir Castillo ay siya namang napadaan si Czkea at nakita niya ito mula sa labas. Napahinto si Czkea at napatingin na lang kay Qyuni. At ito ay may naalala,

--

What Really Happened last 15 Years Ago?

Habang naglalakad si Qyuni papasok ay may biglang Tumawag sa kanya sa likod.

"Keng!"

Paglingon niya ay si Czkea pala ang tumatawag sa kanya at napangiti si Qyuni. Sa Paglapit ni Czkea ay hinawakan nito ang mga kamay ni Qyuni. Pumayag na sila Gerald at Vivian, makakasama ka sa Linggo sa Lakad namin. Habang naguusap ang dalawa ay siya namang biglang buhos ng ulan.

Hinatak ni Qyuni si Czkea at nagmadali silang sumilong sa Bus Stop na malapit.

"Ano ba yan Czkea, himbis na nakapasok na tayo sa loob inabutan pa tayo ng ulan. Tignan mo ang lakas oh! Wala pa tayong dalang Payong", wika ni Qyuni na pagalit kay Czkea. Samanatala may kinuha si Czkea sa kanyang Bag, at naglabas ito nang Earphones at Mp4 Player Music. "Hmm.... Carpenters?". Inabot ni Czkea ang isang Earphone kay Qyuni at pinatugtog ni Czkea ang Close to You ng Carpenters.

--

♫ Playing Close to You ♫

Nakatitig lang si Czkea kay Qyuni habang kinakausap nito ni Sir Castillo. Napahinga siya ng malalim at siya ay nalungkot bigla. Nang mapansin ni Czkea na matatapos na at aalis na si Qyuni ay umakyat agad si Czkea sa Taas sa Silid nila upang hindi na siya makita nito.

Natapos ang isang buong araw. Agad na lumabas si Czkea at nauna na ito umuwi. Hindi na niya hinintay si Jericho at Vivian. Habang siya ay naglalakad ay nakita niya ulit ang sasakyan na nag hatid kanina kay Qyuni papasok ng Eskwelahan. Huminto muna si Czkea sa Bus Stop at hinintay niyang makasakay si Qyuni sa Sasakyan at umalis.

Dali daling tumawag si Czkea ng Tricycle at sinundan niya ito. Naisip na ni Czkea na sabihin niya kay Qyuni ang katotohanan na siya ang kanyang Asawa sa hinaharap. At ito lamang ang tumatakbo sa isip ngayon ni Czkea dahil siya ay nalulumbay na.

Pagkaraan ng limang minuto ay huminto na ang sasakyan at pumara na si Czkea sa kalayuan. Napansin ni Czkea na hindi ito ang tahanan nila Qyuni at nagtataka siya bakit siya narito.

Nakita ni Czkea na lumakad si Qyuni papuntang hardin at sinundan nito ni Czkea. Nang malapit na si Czkea ay may biglang papalapit na mga tao at nag tago siya sa mga halamanan upang hindi siya makita.

"Makikita mo Anak yung tinutukoy kong napaka gandang binibini na Anak ni Ninong Samyel mo.... wika ng isang babae.

Sumilip si Czkea at nakita niya ang mga ito. Hindi nga lang niya makita sa mukha ang lalaking kasama ng babae. "Mukhang mag nanay yung dalawa ah, sino kaya itong mga to?" bulong ni Czkea. At biglang nagulat si Czkea sa kanyang nakita. Sa Hindi kalayuan ay kasama ni Qyuni ang kanyang Mama, si Mama Queria. Hindi naisip ni Czkea na sa panahong ito ay buhay ang Mama ni Qyuni.

Nag pipigil lumabas at mag pakita sa Czkea ngunit hindi niya magawa. At nang sumulyap ulit si Czkea ay dito na niya nakita ang mukha ng isang lalaki.

Pagkalingon ng Lalaki ay nagulat si Czkea. Napa atras siya at gumapang palayo. Ngunit napansin ito ng Nanay ng Lalaki. "Guard! Guard! Habulin niyo yun!", sigaw ng Babae.

Agad agad tumakbo papalayo si Czkea at nang makarating siya sa Daan ay tumawag siya agad ng Tricycle at umalis na siya. Hindi narin siya na abutan at nasundan ng mga Guard na naroon.

Habang nasa loob si Czkea ay tuliro siya sa kanyang nakita.

"Buhay Siya... Buhay siya!!!.. wika ni Czkea

Ang Lalaking nakita ni Czkea ay ang unang naging kasintahan ni Qyuni. Sa pagkakataong ito ay mali ang oras o timing. Sa pagkakatanda ni Czkea ay na aksidente ito last 15 years ago sa isang Collision noong nakaraang araw.

napahawak na lang si Czkea sa kanyang noo at ito ay dumeretso na pauwi.

To Be Continued.