15 Years Ago,
Laging magkasabay pumasok si Qyuni at Czkea sa Paaralan. Hindi nila pinapansin ang sinasabi ng mga ibang tao sa kanila. Kahit na Limang taon ang kanilang pagitan ay pakiramdam nilang dalawa ay para silang mag ka-edad lang.
Minsan na le-late sila dahil sa minsan na iyon ay late na rin dumarating si Czkea sa tagpuan nila bago sila pumasok. Ganito rin kay Qyuni na minsan siya rin ay na huhuli sa tagpuan nila kaya nale-late sila pumasok sa Paaralan.
---
QYUNI POV
Natapos ang buong araw na hindi ako pinansin ni Czkea. Pagkatapos ng Klase ay dumeretso ako sa Faculty upang tulungan ang aking Guro. Lumipas ang Trenta minuto at ako ay nagpaalam at umuwi na. Sa aking paglabas ng Eskwelahan ay nakita ko si Czkea sa hindi kalayuan. Lalapitan ko na sana si Czkea kaso dumating naman si Via at siya ay kinausap.
Binagalan ko ang lakad ko at pinagmamasdan sila. Nang sila ay makarating na sa Bus Stop, ako naman ay tumawid at doon ako nag hintay sa aking sundo. Hindi nila ako napansin kaya ako naman ay naka tingin sa kanila. Habang ako ay naghihintay ay muli kong pinagmasdan ang singsing at aalisin ko na ito.
Ngunit nang aalisin ko na ito ay siya namang dating ng aking sundo. Bumusina at sumakay na ako dito. Hindi ko na nagawang tanggalin at ako ay napahiga na lamang sa pagod.
CZKEA POV
Habang kausap ko dahan-dahan akong nag lalakad papalabas ng Gate. Iniisip ko parin yung Singsing na aking nakita sa daliri ni Qyuni. Tinitignan ko na lang ang mga matataas na puno sa labas ng Paaralan namin at nilalasap ang malamig na simoy ng hangin.
Biglang may tumawag sa pangalan ko at si Via pala iyon. Siya ay galing sa Gymnasium at kakatapos lang ng kanilang Ensayo. Tinanong ako ni Via tungkol sa aking Nanay at kung ano ang balita sa kaniya. Sinabi ko na hindi ko parin ma suyo si Nanay at talagang tutuloy na sila sa Linggo.
Nang makarating na kami sa Bus Stop ay tila wala pang dumaraan na Tricycle at napatambay muna kami ni Via dito. Habang kaming nag hihintay ay naaninag ko sa aking mga kaliwang mata na tumawid si Qyuni sa kabilang kalsada. Hindi ko na lang tinignan at nag patuloy ako sa pakikipag usap kay Via.
Napansin ni Via si Qyuni sa kabila at tinanong ako bakit hindi ko pinapansin si Qyuni. Ang sabi ko lang, may ibang dahilan bakit hindi ko muna siya pinapansin, tsaka alam mo namang mas matanda siya kaysa sa atin. Nagulat si Via sa aking mga sinabi at hindi ko alam bakit siya natuwa at napangiti sa mga salitang iyon.
Dumating na ang sundo ni Qyuni at kami naman ni Via ay napatingin sa sasakyan. Iba talaga kapag mayaman no? Hatid sundo, wala ka nang problema sa paghihintay ng masasakyan at pamasahe. Ito ang mga nabanggit ni Via habang paalis na ang sasakyan nila Qyuni.
Tumingin ako kay Via at sinabing, mas maganda nga ang naghihintay tayo at naglalakad lang. Mas nakikita natin at mamahalin natin ang buhay natin kaysa sa mga bagay na panandalian lamang. Napa Wow si Via at ako ay kanyang inasar-asar. May dumating na na tricycle at ito ay tinawag namin. Niyaya ko si Via na sa amin na mag meryenda at para makita niya ulit ang bunso kong kapatid.
Pumayag naman siya at sa paguwi namin ay sinalubong siya ng aking kapatid at siya ay niyakap nito. Naalala ko noon, noong panahon na nasama si Czendi sa natabunan at namatay sa gumuhong gusali. Si Via ang mas lalong nasaktan at naiyak kaysa sa akin. Kasama rin ang kanyang Nanay na nasugatan doon at naputulan ng Kaliwang kamay. Ito ang dahilan bakit kinuha sila ng kanilang Tatay sa America at doon na tumira.
Sa Pagkakataong ito, sigruado na ako ligtas na ang aking bunsong kapatid na si Czendi. At hindi ko namalayan ay aking mga mata pala ay lumuluha ng tubig. Sinabi ni Via sa akin, namumula ang mga mata mo Kea, may problema ba?. Tanong niya na may pagaalala. Kinalma ko ang sarili ko at ngumiti na lang ako. Niyakap ko si Czendi at Via pagkatapos ko punasan ang mga luha ko.
Bigla namang lumabas si Nanay at kami ay sinigawan.
Lumipas ang ilang minuto at kami ay nag memeryenda na sa loob, sa sala ng aming Tahanan. Kausap ni Via si Nanay at ako naman ay katabi ko si Czendi. Labis ang saya na meron si Via sa kanyang mga Mata kapag kausap niya ang aking Nanay. Naalala ko noong panahon na namatay rin ang aking Nanay, si Via ang pinakamaraming naiyak at nailabas na luha noong nakaburol si Nanay at Czendi.
Ayok nang maulit pa ang mga nangyari noon, at ito ang gusto kong baguhin ngayon. Ang mailigtas ang akin Nanay at ang Nanay rin ni Via.
Habang kami ay kumakain ay sumingit ako sa kanilang paguusap.
Mama, Via.. Ayoko nang may mawala pa ulit sa buhay ko. Iingatan ko kayo at mamahalin ng buong buhay. Pati ikaw Czendi, diba paglaki mo gusto mo maging Engineer?. tanong ko kay Czendi. Ngumiti si Czendi at sumagot siya na Opo. Sa Darating na Linggo Mama, dito ka lang sa bahay ha?. Ito ang sinabi ko kay Mama. Napatingin sa akin si Mama at nagulat akong siya ay naluha pero nagalit sa aking sinabi. Para namang ginawa mo akong Patay keng? Ano ba?, pagaalalang tanong ni Mama sa akin.
Napangiti ako sa harapan nila at sa hindi kalayuan ay nakikinig pala si Tatay. Ngumiti si Tatay at siya ay nagbigay ng Thumbs up sa akin.
Lumipas ang isang oras ay ihahatid ko na si Via sa kanila. Habang kami ay nag lalakad ay napahinto sa paglalakad naman si Via. Napansin ko ito nang makita ko sa kanan ko ay wala si Via. Tumalikod ako at nakita ko siyang nakatingin sa akin.
Salamat Kea, ito ang salitang binitawan niya sa akin. Lalapitan ko sana siya ngunit pinigilan niya ako. Diyan ka lang Kea, ayokong makita mo nang malapitan na ako'y naiiyak. Ito ang kanyang sinabi, at ako naman ay nagtataka bakit siya umiiyak.
VIA POV
Salamat Kea sa Pagaalala, hindi lang sa akin, kundi sa Nanay Ko, at lalo na sa Mama mo rin. Hindi ko alam kung saan ka galing ngunit alam ko hindi ikaw yung Czkea na kilala ko nitong nakaraang mga buwan. Napansin ko na parang kasama ko ang Tatay ko kapag kasama kita. May mga nabanggit ka sa akin nitong nakaraang araw na hindi ko naman binabanggit sayo. Dito, napagtanto ko na ikaw si Czkea, ngunit ibang Czkea ang kasama ko.
Sa mga sinabi kong ito, nakita ko sa mukha ni Czkea na siya ay nagulat at napatigil siya sa kanyang paglalakad.
Kaya Kea, gawin mo lahat ng makakaya mo sa Linggo, iligtas mo si Mama. Alam kong may mangyayaring hindi nating inaasahan at hindi ko alam kung ano iyon pero gawin mo ang lahat ng makakaya mo. At gagawin ko ang lahat ng makakaya ko.
Hindi ko na napigilan na umiyak at ako ay humagulgol.
Nilapitan ako ni Czkea at tumingin sa aking mga mata.
CZKEA POV
Vivian, Via, Salamat nakita mo kung sino ako. Salamat at nakilala mo ako. Ayokong may mawala ulit sa buhay ko. Labis na aking pagsisisi nang mawala kayo sa buhay ko. Napatingin si Via at napatingin sa aking mga mata. At sabay tanong. Mawala sa buhay mo?
Pangako Via hindi ako mawawala. Walang mawawala at magpapaalam sa mga mahal natin sa buhay. Mahal ko kayo. Nang mabanggit ko ang mga salitang ito. Niyakap ako ni Via.
Sa sampung segundo na pagkayakap sa akin ni Via. Hindi ko maipaliwanag ang tibok ng aking puso. Ako ay napaluha at napatingin sa kanyang mga mata.
Pangako Via, hindi ka mawawala. Hindi kita papabayaan.
Mahal kita.
QYUNI POV.
Habang ako ay nagsusulat ay biglang nag liwanag ulit ang Name Tag. At tuluyang nabura ang nakasulat dito. At naalala ko na ang Pangalan na nakasulat dito. Naalala ko ay ang pangal ay Queenie.
AION POV.
Habang ako ay naglilinis sa harapan ng Gate ay biglang nag bago ang ikot ng aking relo sa braso. Pumasok ako sa pwesto ko at tinignan ko ang Orasan sa pader at nag bago rin ito.
May mga bagay na mangyayari. May mga taong mabubuhay, at may mga taong hindi inaasahang mawawala.
Ako ay kinakabahan sa Desisyon na gagwin ni Czkea, sabihin ko na ba kay Qyuni?... pero wag, huwag. Buhay nila ito at sila ang mag didikta ng kanilang buhay sa hinaharap.
Nakay Czkea na ang desisyon at kaganapan na mababago sa hinaharap.
---