Continuation
CZKEA POV
Lumipas ang ilang minuto ako ay naglalakad na pauwi. Muli kong kinuha sa aking bulsa ang Name Tag at napahinto ako sa paglalakad. Biglang nag ring ang phone ko at si Via pala ang tumatawag. Sinagot ko ito at pinaliwanag ang nangyari bakit naiwan ko siya sa loob ng National Bookstore.
Habang Kausap ko si Via sa Phone ay naluluha ako at hindi ko mapigilang umiyak. Habang pinagmamasdan ko ang Name Tag na may pangalan nang "Queenie".
Umihip ang malamig na hangin at pinagmasdan ko ang magandang kalangitan. Pinikit ko ang aking mga mata at nakita ko na ang dahilan bakit ako narito ngayon sa nakaraan. Sa aking paglalakad ay hindi ko naiwasan narin na ngumit na, yung ngiti na matagal ko nang inaasam. Yung ngiti na alam kong si Qyuni lang ang nakakapagbigay sa akin nito.
Pagkaraan ng Ilang minuto ay nagkita na kami ni Via at tinanong niya ako kung maayos na ang kalagayan ni Qyuni, sinagot ko naman siya at nakahinga na rin siya ng maluwag. Nabili na ni Via ang kanyang mga kailangan at kami ay umalis na.
Sinamahan ko si Via pauwi galing sa aming tahanan. Dala ang mga gamit na kailangan namin para bukas. At dala rin namin ang dalawang libro na aming kailangan din pampalipas ng oras bukas. Ngunit napapaisip ako kung talaga bang bukas na ba ang araw ng Aksidente.
Ang aksidente na kahit sino man ay hindi ito mapipigilan.
Habang ako ay nag babasa sa aking silid ay napaisip ako na huwag na lang sumama kila Via at bumuntot na lang kay Mama papunta sa Bayan. Habang ako ay nagiisip ay hindi ko namalayan na ako ay napapapikit na pala. Sa aking pagpikit ako ay nakapag pahinga at tuluyan nang nakatulog.
May naririnig akong alarm sa tabi ko. Ito yung alar na meron ako sa hinaharap, kung saan tuwing umaga ay kailangan ko ito para makapasok ng maaga sa aking Trabaho.
Sa pagdilat ng mata ko ay nagulat ako sa aking nakita. Ako ay nasa kwarto ko, kwarto sa bahay namin ni Qyuni sa hinaharap. Natulala ako at sinampal ko ang sarili ko. Ngunit sa sampal ko ay bigla akong nasaktan at napa aray ako sa sobrang sakit.
Pinatay ko ang Alarm at nagulat ako na nasa lamesa ang aking Kasulukuyan na Cellphone. Ako ay nataranta at bumangon ako. Sa aking pagbaba sa aming kwarto ay tila walang tao sa loob ng bahay. Lumabas ako ng bahay at nakita ko si Qyuni at si Queenie. Si Qyuni ay nagdidilig ng mga halaman gaya nang huli ko siyang nakita noon.
Oh Gising ka na pala Adi? Tanong sa akin ni Qyuni na may ngiti sa kanyang mga mukha. Ngunit ang aking emosyon at mukha ay hindi maipinta sa dismaya. Iniisip ko kung paano ko maliligtas ang aking Ina at sa nakaraan at bigla na lang akong naparito sa Kasulukuyan.
Ako ay napaupo na lamang sa isang tabi at ako ay naiyak. Dali daling lumapit sa akin si Qyuni at tinatanong niya ako kung ano ang nangyari sa akin. Tinakpan ko ang aking mga mata sa kahihiyan dahil sa panahon na ito ay wala narin ang kanyang Nanay. Ngunit sa aking pagtangis ay biglang tumahimik ang paligid at ang aking huling narinig ay ang tawa ng aking anak na si Queenie.
Sa aking pagdilat ay nagulat ako, Panaginip pala ang lahat. Basang basa ang buong mukha ko at ang aking likod. Ako pala ay nilagnat at ako ay nahihilo. Bumangon ako at dahan dahan akong bumaba upang kumuha ng maiinom na tubig at gamot.
Pag sulyap ko sa Orasan ay alas kwatro na pala ng Linggo [January 21, 2007]
Nag ayos ako at lumabas upang mag jogging muna bago mag simula ang araw na ito. Lumipas ang Dalawang oras at ako ay naglalakad na pauwi. Sa aking paglalakad ay siyempre nakasalubong ko si Via at siya ay magpapaalam na at siya ay sasama sa mga kaibigan namin.
Kea! Ingat ka ngayong araw!! Gawin mo ang lahat!! Gawin mo kung ano ang laman ng puso mo!! Ito ang paalam at sigaw sa akin ni Via. Dumating na ang sasakyan ni Henry ang isa naming kaibigan at si Via ay pinasakay na. Nagpaalam ang lahat sa akin, dahil ang alam nila ay kasama ako sa aking nanay na makiki piesta sa bayan.
Ngunit, ito na ang araw na kung saan dito ko malalaman ang kung tama ba ang aking instinct.
Lumipas ang Dalawang Oras ulit at ako ay nasa tahanan. Tumulong ako sa aking ama na mag ayos ng mga gamit dito sa bahay at maglinis. Dahil darating din ang ilang mga kaibigan at tropa ng aking Tatay. si Czendi naman ay nasa kanyang kwarto at ito ay naglalaro lang. Dumating si Ninong Basilio at siya tumulong din sa amin. Kasama niya ang kaniyang anak at nakipag laro din ito kay Czendi.
Lumabas na ng Kwarto si Mama at nag aayos na ng mga gamit.
Oh Saan ang punta mo Madam Meida? tanong ni Ninong Basilio. Tumawa si Mama at ito ay nakipag usap muna kay Tatay at kay Ninong Basilio. Pagkaraan ng Limang minuto ay aalis na si Mama at ito ay nagpaalam na sa amin. Sa pagkakataong ito ay Si Mama lang ang umalis at naiwan na si Czendi dito sa bahay.
Nag ayos na ako at nagpaalam kay Tatay na susunod ako kila Via. Pumayag naman si Tatay at dumating rin naman ang ilan niyang mga Kaibigan.
Pagkalipas ng ilang minuto ay nakapag ayos at nagpaalam na ako sa akin Tatay. Ako ay Nag tricycle na at dumeretso na sa bayan.
1 Oras kalahati bago mangyari ang Lindol
11:30 AM, nasa bayan na ako at hindi ko alam kung saan ang lugar nila Ninong Carlos. Sa dami ng tao dito sa bayan ay hindi ako makapag lakad ng mabilis. Kaya pumunta ako sa baranggay at nagtanong kung saan ang tahanan o lugar ni Ninong Carlos. At mabuti na lamang ay kilala si Ninong Carlos at naituro na sa akin kung saan ang Handaan nila.
Hindi naman kalayuan at ito pala nasa isang gusali na tapat ng National Bookstore. Nag madali na ako upang maabutan si Mama bago ito pumasok sa loob. O Nasa loob na siya ng gusali?
Pagkalipas ng Sampung Minuto ay nakarating na ako sa Gusali at tila hindi mahulugan ng Karayom ang lugar. Maingay ang paligid at lahat nagsisiyahan. Sa aking paglalakad ay may tumatawag sa pangalan ko.
Lumingon ako sa likod upang Hanapin kung sino ang taong Tumatawag sa Pangalan ko. Hindi ko naman makita dahil sa sobrang dami ng tao. Sa Paglingon ko sa aking dinadaanan ay nagulat ako kay Nanay Querie [Nanay ni Qyuni]
Oh! Czkea!! Anong ginagawa mo dito? Tanong ng Nanay ni Qyuni. Napakamot ako sa ulo at niyaya ako ni Nanay na pumunta muna sa isang sulok upang mag usap.
Nagmano ako kay Nanay at ngumit ako sa kanya, at sinabi ko na sumunod lang ako rito upang sunduin si Mama. "Ahhh! Si Meida!? Si Mama mo narito rin? tanong ulit ni Nanay Queria. Sinagot ko na opo narito si Mama at kailangan ko po siyang makita dahil pinapauwi na siya ni Tatay.
Nagtaka naman si Nanay Queria at siya ay tumawa. Maaga pa para umuwi si Mama mo ano ka ba Kea? Hayaan mong mag saya si Mama mo dito at narito rin si Qyuni baka gusto mo siyang kausapin?, ito ang sinabi sa akin ni Nanay at ako ay nagulat at kinabahan.
Tianong ko kung nasaan si Qyuni at si Qyuni pala ay nasa tabi ng national bookstore at doon nagkape kasama si kuya Louie. Sa aking paglabas ay hinanap ko ang dalawa at sila ay nakita ko na nasaloob ng Coffee shop at naguusap.
Ako ay nasa labas at pinagmamasdan silang dalawa. Naalala ko ang name tag at ito ay kinuha ko mula sa aking shoulder bag. Ngunit nang akin kunin to ay nakita ko ang pangalan ni Queenie ay unti unting nabubura.
Dali dali akong pumasok ng Coffee shop at inistorbo ko sa paguusap ang dalawa. Nagulat si Qyuni at si Kuya Louie din ay nagulat. Napatayo si Louie at tinanong ako kung bakit ako naririto.
Kumalma ako at sinabi ko lang na kailangan ko lang po makausap si Ate Qyuni ukol lamang sa isang bagay na aking tatanungin. Napayuko ako at kinakabahan na baka hindi ako payagan sa akin pahayag. Ngunit nagulat ako ng hawakan ni Kuya Louie ang aking balikat at sinabing Sige lang, okay lang.
Sumama sa akin si Qyuni at pinakita ko sa na sakanya ang Name Tag na meron ako. "Queenie"?
Qyuni POV
"Queenie"? Bakit meron ka rin nito? tanong ko kay Czkea.
Napakamot na lang siya sa kanyang ulo at tila hindi niya alam ang kanyang ipapaliwanag. Nag sungit ako at sinabi ko kung hindi mo sasabihin kung saan ito galing ako ay papasok na sa loob.
teka teka teka, sumbat ni Czkea sa akin. Nakita ko sa kanyang mga Mata na siya ay nagaalala. Ito yung mga mata na nagustuhan ko sa kanya noon at hanggang ngayon rin naman at sa pagkakataong ito ay na kokontrol ko ang emosyon ko at nag papanggap na ako ay si Qyuni parin na kilala niya ngayon.
Hindi niya alam,
Hindi niya alam na ang ala-ala ko sa kasulukuyan, ay aking nakuha at napadpad ang isip ko dito sa nakaraan.
Hindi man ako yung Qyuni na kilala niya ngayon, ngunit pipilitin ko maayos ang lahat alang ala para sa kanya.
At para sa aming Anak na si Queenie.
----
part 2
CZKEA POV
Hindi ko maipaliwanag kay Qyuni kung para saan ang name tag na ito. Hindi na ako mapakali at pilit kong kinokontrol ang aking emosyon at huwag mag panic.
Naisip ko nalamang na puntahan namin ang kanyang Nanay at hanapin ko ang aking Mama upang maka alis sa lugar na ito.
Nagulat ako na pumayag si Qyuni sa aking sinabi at kami ay naghiwalay ng daan upang hanapin ang amin mga magulang.
Sa aking paglalakad at paghahanap kay Mama, nakita ako ni Ninong Carlos at ako ay nagmano.
Oh? Nandito karin pala Anak! tanong sa akin ni Ninong Carlos. Napakamot ako sa aking ulo at tinanong ko narin si Ninong kung nasaan si Mama. Ngunit ang sinabi sa akin ni Ninong ay kanina narito lamang ngunit nawala ito dito sa kinakatayuan ko.
Nagpaalam muna ako kay Ninong para hanapin si Mama, naisip ko baka nasa kainan si Mama sa taas kaya aakyat ako ng hagdan upang hanapin si Mama. Ng ako ay aakyat pa lamang ay may bigla ulit tumawag sa pangalan ko. Sa paglingon ko sa aking kaliwa ay nagulat ako at kinilabutan sa aking nakita.
Nanay ni Via, Oo, Nanay ni Via ay narito at kasama ang kaniyang mga Kaibigan. Naalala ko ang sabi sa akin ni Via bago siya umalis kanina ay hindi na tutuloy ang kaniyang Nanay at ito ay uuwi sa Manila. Ngunit sa pagkakataong ito ay narito ang kaninya Nanay.
Agad kong tinanong si Nanay Vanessa kung bakit siya narito?. At ito ang kaniyang sinabi, Hindi na ako natuloy umuwi sa Manila, wala yung pinsan ko nagkalagnat siya kasi dapat mag mamaneho ng sasakyan kaya tumuloy na lang ako dito.
Bigla akong pinagpawisan at kaunti-unti akong nahihilo. May nakita akong tubig at ito ay aking ininom. Kinalma ko muna ang aking sarili at niyaya na si Nanay Vanessa na lumabas.
Napilit ko naman mapalabas si Nanay Vanessa at tumawag agad ako kay Via.
Nang sinagot ni Via ang tawag agad kong pinaliwanag sa kanya ang lahat at siya ay nag desisyon na bumalik at umuwi. Pinakausap ko siya sa kanyang Nanay at nakumbinsi naman ni Via na umuwi na lamang siya, dahil ang dinahilan ni Via ay siya ay inaapoy ng lagnat kaya siya uuwi na lamang.
Nang maka alis na si Nanay Vanessa napansin ko ang oras ay malapit nang mag Alas Dose.
Kinabahan na ako at hinanap ko muna si Qyuni, sa aking pagpasok ay agad kong nakita si Qyuni na nakaupo at tinanong ko siya kung nakita niya ang kaniyang Nanay. Ngunit nang makita ko si Qyuni ay siya ay matamlay.
Agad kong binuhat si Qyuni at dinala sa labas. Sa labas ay nakita ko si Kuya Louie na naghahantay at dali daling lumapit sa akin si Kuya Louie, pinaliwanag ko ang nangyari at agad agad namin itong sinakay sa sasakyan at dadalhin ni Louie ito sa malapit na Ospital.
Tumakbo na ako papasok sa loob at naka istorbo na ako sa maraming tao. Marami akong nasagi at nahagip na mga pagkain kaya lahat ito ay nagkalat at nabasag. Maraming nagulat at pinapagalitan ako at sinisigawan.
Papaakyat pa lamang ako, at ako ay hinarang ng mga gwardya ng Mayor. Pilit nila akong hinahatak ngunit ako ay sumisigaw parin, nag eskandalo na ako sa lugar upang mapansin nila at mahanap agad si Mama at si Nanay Queria.
Hinahatak na ako ng mga gwardya ngunit buti na lamang ay bumaba si Ninong at pinigilan ang mga ito. Napatingin sa akin ang mga tao at ang iba ay hindi na kami pinansin.
Ninong si Mama? Asaan po si Mama? tanong ko kay Ninong.
May bumababa mula sa itaas at nakita na ako ng Aking Mama.
Kea!! sigaw ni Mama sa akin. Dali daling bumaba si Mama at ako ay kanyang inangat. Sa aking pagtayo nang yayakapin ko na si Mama ay ito na yung bagay na hindi ko inaasahan at ayoko mangyari.
Dahan dahang yumanig ang sahig at ang mga ilaw sa taas ay nagpagiling giling. Nag panic agad ang mga tao sa loob at ang iba ay nagmadali nang lumabas.
Lumilindol na, ngunit sa pagkakataong ito ay mahina pa at hindi pa yung aftershock na tinatawag. Umilalim kami ni Mama sa isang Mahabang Lamesa at nagtagal ito ng isang minuto.
Pagkaraan ng Isang minuto ay tumayo na kami ni Mama at niyayaya ko na siyang Umalis ng lugar. Ngunit,
Ngunit naalala ko, si Nanay Queria.
Teka Anak! Si Queria nasa taas pa siguro! kabadong sambit sa akin ni Mama. Pinipilit ko nang palabasin si Mama ngunit ayaw niyang lumabas hanggat hindi namin kasama si Nanay.
Nagmadali kaming umakyat ni Mama at sumunod na agad ang pangalawang lindol at ito na yung malakas. Nagsisibagsakan na ang mga Ilaw at mga gamit sa itaas. Marami nang mga tao na hindi makagalaw sa sobrang lakas.
At mabuti na lamang ay nakita agad namin si Nanay Queria at kami ay pabalik na. Nang malapit na kami sa hagdanan ay biglang bumagsak ang hagdan at kami ay nahulog dito. Humampas ang likod ko sa isa pader at buti na lamang hindi ako napuruhan o nabagsakan.
Hinanap ko agad si Mama at siya pa ang una palang nakabangon at inangat niya ako sa aking pagkabagsak. Si Nanay Queria nasa itaas pa pala at hindi makababa.
Pilit may nakita akong isang sofa at ito ay hinatak ko at binuhat namin ni Mama para dito magpabagsak si Nanay Queria.
Tumalon naman si Nanay Queria at kami ay handa nang lumabas. Ngunit sa aming paglalakad ay nabagsakan kami ni Mama ng pader. Ang gusali ay gawa sa kahoy at manipis na pader dahil ito ay makalumang gusali. Naiangat ko naman ang pader at nakakalakad pa ako, ngunit hindi ko maihakbang ng maayos ang akin mga paa. Si Mama ay may tumusok naman sa kanyang hita na kahoy.
Naiiyak na ako at hindi ko na alam ang aking gagawin. Hindi ko narin maisip kung bakit narito rin si Nanay Queria. Umiikot na ang aking paningin at hindi ko na naramdaman na may bumuhat na sa akin at may bumuhat narin kay Mama palabas ng gusali.
Tuloy tuloy ang paglindol at nag tagal ito ng Apat Na minuto.
Nang tumigil ay naririnig kong umiiyak si Mama at dahan dahan kong dinilat ang aking mga mata. Nakita ko na ulit si Mama. At ako ay naiyak narin. Hindi ko akalain na mabubuhay si Mama ngayon at tila nabago ko na ang nakaraan.
Umiyak ako ng panatag ang loob ko dahil alam ko din na nasa maayos ang kalagayan ng akin Ama at Kapatid dahil katabi lang namin ang bukid doon sa aming tahanan.
Niyakap ko si Mama at siya ay umiiyak parin. Hindi ko mawari kung bakit umiiyak si Mama. Naisip ko lang na takot ito at alam ko ito yung takot na ayaw mong may mawala sa buhay mo. Na Mahal mo.
..... Ayaw mong mawala sa buhay mo..
Ayaw kong mawala sa buhay ko?
Lumapit sa amin si Ninong Carlos at nag sorry sa amin. Sinabi ni Ninong na siya ang nagbuhat sa akin.
Tanong ko sa kanya, sino po ang nag alalay kay Mama kung kayo po ang nagbuhat sa akin Ninong?
....
Tumulo ang mga luha sa mata ni Ninong,
Ayokong isipin ang pumapasok sa aking isip ngayon. Kinakapos ako sa hininga at gusto kong sumigaw. Ngunit hindi ko na napigilan ang emosyon ko.
Mama Queria!! Mama! Nasan ka!!! Ito ang sigaw ko. Humagulgol si Mama at napaiyak narin si Ninong Carlos. Ang mga luha sa akin mga mata ay umagos narin at ako parin ay tawag parin ng tawag sa pangalan ni Mama Queria.
Alam ko kasama namin siya, dapat ligtas rin siya dahil nailigtas niya ang aking Mama. Ngunit ano ang nangyari?
Bakit napaaga?
Bakit ganito ang nangyari Czkea?
..
to be continued.