Chereads / This is Our Time / Chapter 14 - A New Present

Chapter 14 - A New Present

♫ Radio Playing in Background ♫

Nakahiga si Czkea sa kanyang kama sa kanilang bahay sa Pampanga. Habang tumutugtog ang musika sa Radyo ay siya namang pasok ni Czendi, kapatid ni Czkea upang siya ay gisingin.

"Hoy Kuya! Bumangon ka na raw sabi ni Mama".

CZKEA POV

Sa aking pagdilat ay bumungad agad sa akin si Czendi. Tinignan ko ang aking mga mata at tila ba ako ay nanaginip ng sobrang haba. Ngunit sa panaginip na iyon ay dala ko ang mga kinahinatnan nito dito sa kasulukuyan. Nag hilamos muna ako at bumaba na ako ng kwarto.

Sa aking pagbaba ay nasa kusina si Mama at si Papa naman ay nag aalmusal. Tinignan ko ang Kalendaryo at May 14, 2022 Na. Ibig sabihin ay narito na ako sa kasulukuyan ngunit narito ako sa Pampanga.

Umupo na ako sa harapan ng Lamesa upang mag almusal at maya maya biglang kumirot ang aking ulo. Isang napaka tinis na tunog ang aking narinig sa loob ng sampung segundo. At sa aking pagdilat ay nakatingin sa akin si Papa at tinanong niya ako kung maayos lang ang lagay ko.

Opo, ang aking sagot sa aking Papa. Habang ako ay kumakain ay may mga ala-ala na lumitaw sa isipan ko at alam ko ang lahat ng ito ay ang ala-ala ko sa mga nagdaang mga taon pagkatapos nang insidente noon.

Hindi naman nagbago ang aking trabaho, ganoon parin naman. Isa parin akong Web Developer kaso hindi na doon sa 500GoC.

Sa aking paglabas ng Tahanan ay maraming mga bagay ang nagbago at lugar. At ako ay nagulat nang may Garahe na pala kami na mayroong 2 sasakyan. Nakita kong lumabaas si Czendi at tinanong ko siya kung naasaan ang aking susi sa sasakyan. Mabuti na lang ay nasa loob lang kusina at akin tong kinuha.

At nang makuha ko na ay hinanap ko kung ano ang aking sasakyan. Lumipas ang ilang oras at ako ay papasok na. Hindi ko alam kung ano ang mga bagay na ipagpapatuloy ko ngayon na aking naumpisahan sa mga nagdaang mga buwan at taon.

Pag tingin ko sa aking Waze ay nasa Manila papala ang aking Opisina at hindi ko ito inasahan. Tinawagan ko agad si Papa at tinanong kung pumapasok ba talaga ako sa Manila ng Uwian. At ito ang kaniyang sinabi sa akin.

Ha? Akala ko ba supervisor ka? bakit mo tinatanong sa akin yan anak? May hangover ka pa ba?. wika ng aking Papa. At ako ay nagpaalam na at umalis na ako.

Nang nadaan ako sa lugar kung saan naganap ang aksidente ay napansin ko na inaayos din ang isang tulay ngayon. Ang Tulay kung saan una kong nabitawan ang kamay ni Mama Queria.

Habang binabagtas ko ang expressway ay hindi ko napigilang maging emosyonal sa kadahilanang Tatlong Tao ang nawala sa buhay ko.

Lumipas ang 1 Oras ay nakarating na ako sa aking opisina at ako ay nagulat na kung sino ang mga naging katrabaho ko noon sa 500GoC ay narito rin silang lahat. Ngunit ang iba ay wala. Mabuti na lang na walang pinagbago sa aking ginagawa noon sa aking ginagawa ngayon.

Lumipas ang isang araw at ako ay nag desisyon na umuwi na lang ulit sa Pampanga. Dahil naalala ko na mayroon akong inuuwian na Condo unit din ditosa Manila. Sa aking paguwi ay naisipan kong dumaan sa Tarlac kung saan itinayo namin ni Qyuni ang aming tahanan noon.

Lumipas ang Tatlong Oras at ako ay nakarating na, ngunit habang binabagtas ko ang daan ay hindi ko malaman bakit maraming tao sa lugar na iyon. At nang masulyapan ko na ang lugar, ito pala ay ginawang Kainan/Restaurant.

"Queen Lian's Kitchen" ito ang pangalan ng kainan dito. Humanap ako ng aking mapaparadahan at ako ay bumaba na. Dahil ito ay kainan ay naisipan ko narin na pumasok at kumain dito.

Wala akong ideya kung sino ang may ari nito. Ngunit habang ako ay naghahantay ay bigla akong naalala. Ito pala ay Restaurant ni Qyuni at Louie.

Bigla akong natahimik at nagiisip kung kakain pa ba ako dito o hindi na. Ngunit nabatid ko na ako rin pala ay nagugutom na at kailangan ko narin talaga na kumain. Pagkalipas ng Ilang minuto ay kinuha na ng staff ang aking order at makailang minuto din ay nakakain na rin ako.

Ngunit habang ako ay kumakain ay nakita kong dumatin si Veronica. Kapatid na bunso ni Qyuni. Hindi ako namukhaan ni Veronica at nagpatuloy lang ako sa aking pagkain. Lumipas ang ilang minuto at lumabas mula sa kitchen si Veronica at ito ay may kausap na sa kanyang Cellphone.

Sa Hindi sinasadya ay narinig ko kung sino ang kausap niya. Pamilya niya, at si Qyuni.

"Helloooo Babyyy!! Ano Pangalan niyan ate?

"Hindi ko pa nga alam eh, pinagiisipan pa namin ni Kuya Louie mo....

Ito yung dalawang linya na aking narinig at ako ay napahinto sa aking pagkain. Tila ako ay nawalan na ng gana at nag ayos na ako ng aking mga gamit.

Sa aking pagtayo ay nakita ko na nakaharang na rin pala si Veronica sa daanan, kaya wala na akong nagawa at mag eexcuse na lang ako. Nang ako ay dadaan at makikiraan na ay narinig ko ang sinabi ni Veronica sa kanyang Ate.

"Ate Queenie na lang kaya? Since Kuya Louie at Qyuni = Queenie diba?"

"Inaudible..... Oo nga no! Sakto andito si Kuya Louie mo narinig niya haha"

"Inauduble....

Napahinto ako sa aking paglalakad at ako ay napaluha na lang, bago ako dumaan ay pinunasan ko muna ang aking mga luha at nakiraan na ako. Sa aking paglagpas ay bigla akong tinawag ni Veronica, "Kuya Czkea!!" nagulat ako. At Inisip ko na dapat hindi ako kilala ni Veronica ngayon.

Napatingin ako kay Veronica at napa kaway ako at sabay sabing hello? ikaw pala yan Veronica. At narinig kong tinatanong si Veronica ng kanyang Ate na kung si Czkea ba yung kausap niya.,

"Oo Ate andito sa Kuya Czkea!

"Inaudible....

Iniisip ko kung may koneksyon parin ba ako sa kanila o wala na. At ito ang biglang bungad na tanong sa akin ni Veronica.

"Kuya Kailan ka pa nakauwi dito sa Pinas? diba nasa Europe ka dapat ngayon?" tanong ni Veronica sa akin. Napa kamot ako sa aking mga ulo at inaalala ko kung bakit nga ba ako nag tungo sa Europe? at napauwi ng maaga?. Kinamusta ko na lamang si Veronica at iniabot sa akin ni Veronica ang kanyang Cellphone.

Gusto ka raw makausap ni Ate Qyuni, wika ni Veronica. At nang aking hawakan na ang cellphone si Qyuni at si Kuya Louie ang bumungad sa akin. Hoy Brader! Kumusta na? Hindi mo man lang ako binalitaan na nakauwi ka na? tanong ni Kuya Louie sa akin.

Hehe, pagkauwi ko kasi dumeretso ako ng Pampanga at nakipag inuman sa akin mga tao doon kaya nawala na sa loob ko na magsabi sa inyo. Ito na lamang ang aking sinabi. Naktia ko sa mga mata nila yung bakas ng Saya na meron sila ngayon. At pinakita na rin nila sa akin si Queenie na anak nila at pinigilan kong maging emosyon at ngumiti na lang ako sa kanila.

Pagkatapos namin magusap ay nag paalam na ako sa kanila at ako ay umalis na. Dumeretso uwi na ako sa Pampanga at doon na ako kakain ulit at magpapahinga. Habang binabagtas ko ang kalsada ay nakita kong sobrang linis ng kalangitan at binagalan ko ang aking pag mamaneho.

Binuksan ko ang mga bintana at pinatay ko ang Radyo ng aking sasakyan. Sa pag ihip ng hangin sa aking mga mukha ay naramdaman ko ynung kapayapaan na meron na sa akin na hindi ko inakala.

Napatingin ako sa mga bituin at inihinto ko ang sasakyan sa tabi. Humiga ako sa bubong ng sasakyan at tila sobrang tahimik ng paligid. Habang pinagmamasdan ko ang kalangitan ay biglang may tumawag sa akin na numero lang at hindi ko alam kung sino ito.

At nang aking sagutin, ito ang unang linya na aking narinig... "Uy Kea! Kumusta na? balita ko nakauwi ka na dito sa Pinas ahh.. bisitahin mo ako dito sa Valenzuela kundi sasapakin kita hahaha"... Kinikilala ko ang kaniyang Boses ngunit hindi ko maisip kung sino ito..

"Hoy! sumagot ka!! Alam ko ikaw to, kay Tita Meida ko kinuha numero mo hindi ka sumasagot sa mga message ko sayo sa viber eh", wika ulit nito. At nang nakilala ko na ang boses niya ako ay nabigla at tinawag ko siya sa pangalang "Via Ikaw ba yan?"

..

Nagulat rin siya at natawa na lamang na may halong pagtatampo. Sa kadahilanang wala naman talaga akong alam na nagpunta pala ako ng Europe at kakauwi ko lang pala kahapon. Sa aming paguusap ni Via ay napag desisyunan namin na magkita na lang kami bukas sa Manila.

Sa aking paguwi ay naabutan kong kumakain pa lang ang aking Pamilya. Nakatingin ako sa kanila at pinagmamasdan kung gaano sila kasaya sa isa't isa. Hindi ko napigilang maluha at ito ay agad aking pinunasan. Lumapit na ako sa kanila at ako ay nakisalo narin sa hapag kainan.

Habang ako ay kumakain ay hindi ko rin napagilang maluha dahil sa nangyari noon. Napaisip na lamang ako na karapat dapat ba talaga sa akin to? Hindi nga nawala si Mama at ang kapatid ko ngunit si Qyuni naman ang nawalan ng Magulang.

Napatingin na lang ako sa bintana habang kumakain. Habang sila naman ay naguusap tungkol sa darating na Graduation ni Czendi.