Chereads / This is Our Time / Chapter 16 - This is Our Time

Chapter 16 - This is Our Time

Nakatulog nang nakaupo si Czkea at sa sahig naman din nakatulog si Via. Pasadong Alas-Sais ng umaga ay naunang nagising si Via at sa kanyang pagdilat ay naka lingon ang kanyang ulo kay Czkea.

VIA POV

Yung tanong ni Czkea sa akin kagabi ay tanong ko rin iyon sa sarili ko kagabi. Hindi ko man lang nasagot ang iyong tanong pero alam ko sa tamang oras, malalaman din natin ang mga kasagutan na hinahanap natin sa ating mga katanungan.

Umupo ako at tinitignan ko si Czkea. Ang Cute pala niya matulog haha. At nang ako ay tatayo na ay bigla namang pumasok si Mama Meida.

Oh? Via? Gising ka na pala? si Czkea?

Tinuro ko si Czkea na natutulog na nakaupo. Tinanguan at pinalabas ako ni Mama Meida at sa aming pagbaba ay nag pasama siya sa akin na mamili sa Bayan. Sinamahan ko na si Mama Meida at sa aming pagdating sa bayan ay tinulungan ko na rin siya mamili ng mga pagkain at bagay na kailangan niya ngayong araw.

At lumipas ang kalahating oras ay nabili na namin ang aming dapat bilhin. Nang kami ay naglalakad at nag aabang ng masasakyang Tricycle pauwi ay nadaan kami sa bakanteng lupa na kung saan dati dito nakatayo ang bahay ni Ninong Carlos.

Napatingin ako at hindi ko namalayan na hinawakan ako ni Mama Meida sa mga kamay at sinabi niya na umuwi na kami. Matagal na rin ang panahon na lumipas at alam ko sa puso ko na nag hilom na ang sugat sa puso ko.

At nang kami ay makauuwi na, nagulat ako na tulog parin si Czkea. Mag papaalam na sa na ako kay Mama Meida at may naisip ako na isang bagay na hindi ko pa nagagawa kay Czkea.

Iyun ang paglutuan siya ng Almusal. Napatingin sa akin si Mama Meida at hinayaan na lang niya ako na gawin ito. Binibiro biro niya ako na pakasalan ko na raw si Czkea at tutal naman daw matagal na raw kami magkakilala.

Ako ay nakangiti na lang at natapos ko ang kanyang kakainin sa loob lamang ng sampung minuto. Sakto nang paglapag ko sa lamesa ng aming kakainin na almusal ay siya namang baba ni Czkea mula sa kanyang kwarto.

Napatingin siya sa akin at sabay tanong na "Bat nandito ka pa?", sasagot na sana ako at bigla namang sumigaw si Mama Meida at nagulat ako. Haha, pinagalitan siya ni Mama at siya ay naghilamos muna at nag ayos bago humarap sa pagkain.

At nang siya ay makabalik na ay niyaya ko na siyang kumain at si Mama Meida kasi ay nauna nang kumain kanina bago kami umalis. Tinanong ko siya kung maayos ba ang kanyang pagtulog, ang sagot niya sa akin ay hindi gaano. Tinanong ko siya kung bakit, at ang dahilan niya ay sumakit ang kanyang batok.

"Ikaw ba naman kasi, nakatulog ka yata habang nag gigitara kagabi", aking pahayag kay Czkea. at ang sagot niya sa akin ay hindi niya alam na nakatulog pala siya habang siya ay nakaupo at hawak ang gitara. Natawa ako ng bahagya at napansin ito ni Czkea. Tinanong niya ako kung ano ang nakakatawa, ang sagot ko ay wala naman, may naalala lang ako.

Biglang napatulala si Czkea at napatingin sa akin. At ako ay napatingin narin sa kanya at ngumisi na lang ako. Nag patuloy na kami sa aming pagkain, at nang kami ay natapos ay naligo at nag ayos na siya at ako naman ay nagbihis narin.

Nag paalam na ako kay Mama Meida at dumaan muna ako sa kabilang bahay nila upang mag paalam din kay Tatay Joel. Nang ako ay nakapag paalam ay hinatid na ako ni Czkea papunta sa bahay upang maligo muna at pagkatapos ay hinatid narin na niya ako doon sa aking pwesto sa bayan.

Sa aking pagbaba sa sasakyan ay nagpaalam na ako kay Czkea. At nang ako ay papasok na sana sa loob ng Shop ko ay narinig kong bumaba si Czkea at lumingon ako at siya ay nag lalakad palapit sa akin.

At ito ang kanyang sinabi,

Via, nakakatuwa lang na naunahan mo ako dito sa pwesto na ito. Pero ayos lang, masaya ako para sa iyo at nang malaman ko kung ano ang itatayo mo dito ay hindi ko maalis yung ngiti ko sa aking mukha kapag iniisip ko ito.

Napatingin ako kay Czkea at hindi ko maiwasan maging emosyonal at tumingin sa kanya ng diretso. Akala ko tapos na siyang magsalita pero,

Via, alam na nila Mama at Papa na babalik ako ng New York para sa 2 taon na pagaaral ko. Kumuha ako ng Culinary doon, at sa pagbalik ko dapat magkasing level na tayo ng business.

Ako ay namangha at napatingin sa mga mata ni Czkea, hindi ko naiwasang maluha at magpasalamat sa kanya. Lumapit ako at niyakap ko siya ng mahigpit. At sa aking pagbitaw ay may inabot siyang regalo sa akin.

Via, yung Pink na box buksan mo sa pagsapit ng kaarawan mo ngayong taon, at yung pula sa susunod naman na taon. May dahilan kung bakit sa kaarawan mo gusto kong buksan ang mga iyan. Mag iingat ka palagi.

At nang kanyang inabot ang mga ito, nag paalam na si Czkea at siya ay umalis na.

Nagdaan ang ilang buwan ay nabuksan ko narin yung Cake Shop na meron ako sa Bayan. Noong una akala ko eh hindi ako mag tatagal, ngunit salamat sa naging business partner ko at nag tagumpay ang aming sariling recipe at pumatok ito sa mga tao.

Sumapit ang kaarawan ko at binuksan ko at habang nasa shop ako ay naisipan ko na buksan ko na ang unang regalo sa akin ni Czkea. Pagkabukas ko ng Box ay nagulat ako na Payong pala ang laman nito. Ngunit ang payong ay kulay Rosas at nakalagay ang pangalan ko sa hawakan nito.

Hindi ko namalayan na may liham pala sa loob ng box at kinuha ko ito. At nang ito ay aking buksan at basahin ay natawa na lamang ako. Naalala niya na kahit noon pa man ay wala kong palaging dalang payong pag pumapasok sa eskwelahan at pag pumupunta ako sa kanila. Dahil alam ko rin na ang buwan ng aking kaarawan ay puro ulan at bagyo.

Dumaan ang ilang mga buwan ay lumaki at dumami ang aking mga customer at client. At ang aking target na umabot ng Manila ang aking produkto ay nagawa nga namin ito. Ito na rin yung dahilan para mag scale up kami at kumuha ng office at shop sa mga mall sa Manila.

Ang pangalan ng Company ko ay "Le Via's Taste". Na na kilala narin sa mga local cake shops at stores. Maliban sa mga Cake at napag produce narin kami ng ilang products like candies at chocolates. Dumaan ang Pangalawang taon na wala si Czkea at sa aking kaarawan ay binuksan ko na ang pangalawa niyang regalo sa akin. Nagtaka ako bakit ang liit ng box at kasing laki ito ng lalagyanan ng sing sing.

Napaisip ako, "Teka, hindi kaya singsing to? oh nangangarap lang ako? de bale na, ano kaya to". At sa aking pagbukas ay nagulat ako na ito pala ay kwintas, at ang nakasabit dito ay ang aking Pangalan na "Vivian". Siyempre may note ulit na nakatupi sa loob at mabuti nalamang ay hindi to naluma at nabasa ko pa kung ano ang nakasulat dito.

"Happy Birthday Via! Sorry kung Kwintas lang, at pabor narin na huwag mo itapos itong kahon at itabi mo to. Salamat! Ingat palagi.".. Yun lang? Yun lang yung nakasulat? Samantalang last year mahigit apat na pangungusasp yung ginawa niya ah.

Pero nagpapasalamat parin ako dahil sa regalo niyang ito.

Lumipas ang ilang oras ay dumalo ako sa isang meeting sa office at natapos ito nang kalahating oras lang. At nang pabalik na ako sa aking mismong office ay sinamahan nanaman ako at kinausap ng isang Chef sa aking isang branch sa Makati. Kinamusta lang ulit ako at tinanong ako kung pwede ba niya ako ma dinner date sa darating na sabado ngunit hindi ako pumayag ulit.

At nang kanya akong iwanan at umalis na, nagulat ako na naka dungaw/ naka silip pala ang aking team at sila ay kinikilig nanaman na walang dahilan. "Mag Team Dinner tayo mamaya libre ko", sabi ko sa mga ka team ko. Nag hiyawan sila at nag pasalamat agad. Napangiti na lang ako at ano pa ba, siyempre maingay nanaman.

Napansin ni Ms. Guzman yung suot kong kwintas at tinanong niya kung kay Chef Daniel ba galing ang kwintas na ito. Ngumit na lang ako at sinabi kong "Secret, bawal sabihin kung kanino".

Napahawak ako sa aking cellphone at napaisip na, Hindi talaga gumawa ng social media tong si Czkea upang hindi ma kontak no? kainis naman.

Lumipas ulit ang isang taon at nakilala narin ang aming produkto international, at umabot na rin ito sa ilang bahagi sa Europa at siyempre hindi ito mawawala sa France. Naging kilala ang "Le Via's Taste" nang maging Scaler na ang company na to. Panigurado naririnig na rin ito ni Czkea, pero wala siyang idea na sa akin to.

Naging busy na ako at palabas pasok ako ng bansa sa kabi-kabilang mga meeting. Darating narin ang araw ng aking kaarawan at gusto ko umuwi ng Pilipinas. At idiwang ko ang aking kaarawan kila Mama Meida.

Pina Clear ko ang schedule ko nang isang buwan para lang makapag bakasyon at makauwi ako ng Pampanga. Sa aking paguwi ay tila namiss ko ang Simoy ng hangin at dumeretso na rin ako kila Mama Meida.

Sinalubong nila ako at ang laki narin ni Czendi. Tinanong nila ako kung may contact ba ako kay Czkea ngunit ang sabi ko ay wala talaga. Gusto man ibigay sa akin ni Mama Meida ang Number na meron si Czkea ngayon ngunit pilit niya parin itong wag ibigay sapagkat ito ang pinangako niya kay Czkea.

"Talaga pong nag papamiss tong si Czkea no?", tanong ko sa kanila. Sabay sabay na lang kaming nagtawanan. Namiss ko ang ganitong buhay at uminom narin kami ng ilang bote ng alak. At nang sumapit na ang alas dose ng madaling araw ay tumigil na kami. Pumasok na ng kwarto si Mama Meida at si Tatay.

Medyo may tama ako pero nilinis ko parin yung kalat ng aming iniwan sa kusina. At pagkatapos tumaas na ako sa kwarto ni Czkea at doon na ako nag pahinga.

Napasarap ako sa aking pagpapahinga at dire-diretso ang aking pagtulog.

Naging masaya ang mga nag daang araw at marami na rin akong nagawang mga Activiy na hindi ko nagagawa sa trabaho. Pumunta rin ako sa mga lugar na kung saan kami palagi dati tumatambay ni Czkea.

May isang araw din na naisipan kong dumaan ng Tarlac at bumisita sa Restaurant nila Queenie upang kumustahin sila. At sa aking pagdating doon ay sakto namang pabukas pa lang sila ngunit puro empleyado at ang Manager lang ang naroon. Kaya ako'y nag kape muna at nagpalipas ng ilang mga minuto.

Ngunit sa paglipas ng mga minuto ay nagulat na lamang ako na dumating si Queenie kasama ang kanyang kapatid na si Veronica. "Keeng!!" sigaw ko kay Queenie. Nagulat din sa akin si Queenie at napatingin siya sa akin. Alam ko naman na hindi naman kami ganoon ka close ni Queenie magbuhat noon ngunit narito ako bilang isa mabuting kaibigan sa kanya at kumustahin lamang siya,

Napahaba ang kwentuhan namin ni Queenie at nang ako ay aalis na ay may sinabi siya sa akin, "Vivian, salamat ha? Alam ko na hindi naman talaga tayo close noon pa, pero nagpapasalamat ako sayo. Nawa ay magkita na kayo ni Czkea at pa-kumusta na lamang ako sa kanya". Sa sinabi niyang ito ay napangiti ako at niyakap ko si Queenie ng mahigpit.

Nag paalam na ako sa kanya at ako ay babalik na sa bahay nila Czkea.

Sa aking paguwi ay nakita kong nag iihaw ng Barbecue si Tatay Joel. Hapon na nang matapos mag ihaw at nakapagsaing narin ako ng Kanina para sa aming hapunan, naging masaya ang gabi at uminom nanaman kami. Namiss ko ang ganitong buhay.

Lumipas ang isang gabi at gumising ako na may ngiti sa aking mga mukha. Bumaba ako sa kwarto at sinalubong ako nila Mama Meida na may Alnusal na sa lamesa. Ako'y nag hilamos muna at nag ayos, sa aking paglabas ay sabay sabay narin kaming kumain.

At may tinanong sa akin si Mama, "Via anak, ano plano mo pala kapag nakauwi na si Czkea dito? naalala ko diba sa susunod na Linggo ay mahigit isang buwan ka sa Singapore?". Napatingin ako kay Mama Meida at tumango na lang ako.

Sa aking pagtapos ay sinabi ko kay Mama na i-Text na lang ulit niya ako kapag nakauwi na si Czkea. Tutal sila lang naman ang nakakaalam ang mga galaw ni Czkea ngayon sa New York. Alam ko rin ay tapos na siya sa Culinary niya.

Pagkatapos ng ilang oras ay nakagayak na ako at handa na akong bumalik ulit ng Manila at Umattend sa Board Meeting. Nag paalam na ako sa kanila at nangako ulit ako sa kanila na sa susunod na buwan. Yumakap ako kay Mama Meida at Tatay Joel. At nagpaalam narin ako kay Czendi.

Lumipas ang isa't oras kalahati at nakarating na ako sa Office. At dumeretso na rin ako sa Meeting Room. Halos Dalawang Oras kami na nag meeting about sa mga plano na gagawin sa company at sa pag patuloy na scale-up nito sa Asia. Naging hectic at risky ang lahat. Natapos ang meeting namin ng bandang alas singko na. Sa aking paglabas at pagbalik sa aking office ay bumungad sa akin ang napakagandang Sunset.

Napa upo nalang ako sa couch at nawala ang lahat ng pagod ko. Ngunit sa paglipas ng ilang minuto ay natatakpan na ito ng mga gusali na nasa tapat ng Office Building namin. Kaya nag pasya ako na lumabas at bumiyahe papuntang MOA Seaside. Ilang minuto lang naman ang layo ng Office namin doon.

Sa aking pagdating doon ay dali-dali akong pumunta sa SEASide para masulyapan ang ganda ng takip silim.

"Alam mo Czkea, lagi natin noon pinagmamasdan ang takip silim noon. Kahit noong nasa Highschool pa tayo, Ang duga mo! Bakit ang tagal mong umuwi, nasaan ka ba?". Ito ang mga nasabi ko sa sarili ko habang nakangiti ako sa Silangan.

Bigla akong nauhaw at wala pala akong dalang tubig at pagkain, kaya lumakad muna ako para bumili ng aking makakain. Sa paglipas ng ilang minuto ay nakapila na ako sa isang sikat na Shawarma Stall, at nakabili narin ako at kumain ako sa kanilang pwesto.

Habang ako ay kumakain ay may napansin akong isang bata na may kasamang alagang aso na nakatayo lang sa isang gilid. Lumipas na rin ang sampung minuto at naubos ko narin yung kinakain ko at napansin ko na naroon parin ang bata.

Sa aking paglapit ay tumingin sa akin yung bata at nagulat ako na kulay asul ang mga mata nito. "Bata? Naliligaw ka ba? Nasan mga magulang mo?" ito ang tinanong ko sa bata at ang aso ay tumahol naman. Sa kalayuan ay may tumawag sa bata at ito ang kanyanng mga magulang.

Nakita ko na nagaalala ang mga magulang nito at siyempre nag-alala sila, tinignan nila kung may sugat ba o napaano. At nagpasalamat sila sa akin dahil nakita ko raw ang anak nila. Ngumiti na lang ako at pinuri ko na lang ang kanilang anak na sobrang ganda ng mata nito at kulay asul pa.

Nagtaka ang Nanay nito at tinanong ako kung ano yung sinabi ko, "Kulay Asul po ang Mata ng anak niyo po diba?". Umiling ang Nanay at sinabi sa akin na "Huy ano ka ba miss, tignan mo". At nang makita ko ulit ang mata ng bata ay nagtaka ako bakit kulay Brown ito. "Siguro baka sa mga ilaw sa paligid kaya ang tingin ko kanina kulay blue". Ito na lamang ang sinabi ko at nagpaalam na ako sa kanila.

Nagtaka ako bakit ganoon? alam ko tama yung nakita ko.

Habang naglalakad ako papalayo ay bigla kong naisipan na bumalik sa pwesto ko kanina sa SEA side, kaya sa aking paglingon ulit sa likod at sa kakaunting lakad pa lamang ay may nakita ako na hindi ko inaasahan sa aking daraanan.

"Kumusta ka na Via?"

Nagulat ako na narito si Czkea, at hindi ko maigalaw ang aking mga Paa. Nakangiti sa akin si Czkea at gusto kong sumigaw ngunit hindi ko magawa kaya nag madali akong lapitan siya at Halikan.

Oo Halikan, Nagulat na lang rin ako at hinalikan ko si Czkea.

Sa pagkakataon na yan, ang daming taong naghiyawan sa paligid namin at nagpapalakpakan. Kasabay nito ang paglabas narin ng mga Fireworks sa Bay.

At nang ako ay nahimasmasan at bumitaw ako ay nakatingin ako kay Czkea at sabay sabing "Saan ka ba galing? bakit ang tagal mo?" at hindi ko narin namalayan na ako ay umiyak na rin sa lungkot at saya na narito na si Czkea.

Nagtapos ang Istorya na ito sa ganitong paraan sa kadahilanang ito na yung TIME na hinahantay rin namin ni Czkea. Tamang Oras, Panahon at Pagkakataon. Sobrang Worth it ang paghahantay sa tamang Tao para sayo. Alam kong marami sa inyo ang nagtatanong na "Meron pa bang darating para sa akin?". Tandaan niyo na ang bawat isa sa atin ay may tamang taong darating at daramay sa atin habang buhay.

Matutong magtiwala at maniwala sa kayang gawin ng tadhana para sayo.

CZKEA POV.

Habang pinapanood namin ni Via ang Firework show ay pakiramdam ko na bumabagal ang mga oras at parehas kaming masaya ni Via. At sa aming pagkasalubong ng mata ay tila parang huminto ang oras.

Hindi ko napansin at hindi namin napansin ni Via ito at ako'y kanyang hinalikan ulit. Sa pagdampi ng kanyang mga labi ay nagpatuloy ang mga oras at yung ingay ng paligid.

Sa pagbitaw namin ay nakangiti si Via sa akin at akin namang hinawi ang kanyang buhok at niyakap ko ulit si Via sa sobrang miss ko sa kanya.

Natapos ang gabi na to na puno ng Saya at Pagmamahal sa paligid namin.

Tama lang talaga na naghintay ako at naniwala ako sa babaeng ito, ang tanging natutunan ko sa kanya ang Maniwala.

--- end ---