Chereads / This is Our Time / Chapter 15 - Unexpected Moment

Chapter 15 - Unexpected Moment

CZKEA POV

Lumipas ang Anim buwan ay nag decide na rin ako mag resign sa Trabaho ko. Naisipan ko na mag negosyo na lang sa Probinsya at mapalapit na rin ako sa mga magulang ko. Sa pagkakataong ito ay maayos naman na ako at nakakausap ko na sila Mama.

Nakahanap narin agad kami ng eskwelahan na papasukan ni Czendi. At si Papa ay nakapag tayo narin ng kanyang sariling car repair shop.

Pumunta ako sa Bayan upang maghanap ng pwesto na aking pagtatayuan ng aking magiging negosyo. Sa aking paghahanap ay hindi ko pa inasahan na makikita at makakasalubong ko ang mag asawa na si Qyuni at kuya Louie.

Uy! Czkea Kumusta!? ito ang bungad sa akin ni Kuya Louie. Tumingin na ako kay kuya Louie at nakipag fist bump ako at sinabi ko rin naman na maayos naman ang aking kalagayan. Sa kanyang likod ay naroon si Qyuni at dala niya sa stroller ang anak nila na si Queenie.

Mommy si Czkea narito, wika ni Kuya Louie. At nang lumingon si Qyuni at ay nagulat pa siya at kinamusta niya na rin ako. Naramdaman ko sa dibdib ko yung ilang ng damdamin ko. Ngunit nawala ito nang makita ko si Queenie.

Napatingin ako kay Queenie at napansin ko na kamukhang kamukha niya ang kanyang Nanay. "Ninong ka ah?" wika ni Qyuni sa akin. At bigla akong nagulat sa sinabi ni Qyuni at nagtaka si Kuya Louie bakit ako nagulat.

Tinanong ko sila na kung okay lang ba sa kanila at sa pamilya ni Qyuni na maging Ninong ako ni Queenie. At ito lamang ang sinabi sa akin ni Qyuni. "Alam ko lahat naman tayo nasaktan noon Czkea. May mga taong namaalam na hindi natin inaasahan. At ang sakit na iyon ay naghilom din at pinapatawad ka na namin Czkea".

Para bang biglang bumagal ang oras at paligid nang sabihin ni Qyuni ang mga salitang ito. Hindi ko napigilan yung luha sa mga mata ko at ang mga ito ay pumatak. Napangiti na lang ako at nag pasalamat kay Qyuni. Napansin ko sa kanyang mga mata ay para bang ito ay nag papaalam na sa akin.

Sa huling pagkakataon na ito, nakipag kamay na ako kay Qyuni at nag pasalamat ako ng buong puso sa kanya. "Pag nakita ko si Papa mo at mga kapatid mo, hihingi parin ako ng patawad at mag papasalamat ako sa kabutihan nila Qyuni". Ngumiti si Qyuni at tumango na lang siya na "Oo, Sige, Gawin mo".

Nag lakad na ako papalayo at nag paalam na rin ako kay kuya Louie. Habang ako ay papalayo ay narinig ko yung Tawa ni Queenie. Nang marinig ko ito, may kaunting kirot sa puso ko na namamaalam na ako sa pamilya na dapat na sa akin. Ngunit sa kapabayaan ko ay nagbago ang lahat sa isang maling desisyon na ginawa ko sa buhay ko.

Pagkaraan ng ilang oras ay dumeretso uwi na ako. Ngunit sa aking paguwi ay nadaanan ko yung dati naming tambayan ni Via sa malapit sa amin. Huminto muna ako dito at umakyat ako isang mataas na parte kung saan kita ko ang kalangitan at tanawin mula doon hanggang sa expressway.

At nang ako ay umupo ay may tumatawag sa pangalan ko. Nung una hindi ko pinapansin dahil ang layo ng kanyang boses. At nang ako ay mahiga at pumikit tila palapit nang palapit ang taong ito at hinayaan ko na lang na lumapit ito sa akin.

Habang tinatawag niya ang pangalan ko ay nakilala ko sa boses kung sino yung tumatawag sa akin. At sa aking pag upo at paglingon sa baba ay nakita ko si Via.

Hoy! Anong ginagawa mo dito? akala ko nasa Manila ka? tanong ko kay Via. Tumawa lamang ito at nagpa alalay siya sa akin para makataas din siya. At nang parehas na kaming nakaupo ay ito lamang ang kanyang tinanong sa akin.

"Kumusta naman ang puso mo Kea?".

Nang tanungin niya kung kumusta ang puso ko, napangiti na lang ako at tumingin ako sa paligid. Hindi ko na kayang itago pa yung sakit sa loob ng damdamin ko kaya ito ay iniyak ko na.

Nakakahiya dahil, nakikita nanaman ako ni Vvian na umiiyak.

VIVIAN POV.

Siguro ito na rin yung huli kong makikita si Czkea na nasasaktan ng dahil kay Qyuni. Hindi ko alam ang lahat ng buong istorya nila ngunit nasaksihan ko lahat ng kaganapan sa kanilang dalawa noong 2007.

Proud ako na isa ako sa mga taong nakakaintindi ng sakit na meron si Czkea ngayon. Mapa pisikal man, emosyon at mental.

Ngunit sa kanyang hagulgol ngayon, hindi ko napigilan na yakapin siya at sabihin ulit sa kanya na "Everything will be alright". Inupo ko muna si Czkea at umupo narin ako. Hinayaan ko muna na umiyak nang umiyak si Czkea hanggang sa mahima masan na siya.

At nang siya ay tumigil na, sinabi ko sa kanya na "Huwag na huwag mong isasarado ang iyong pinto sa mga taong malalapit sayo, lalo na sa Nanay mo, kay Tatay mo, lalo na sa akin. Hindi ka nag iisa Kea, tandaan mo. May magandang dahilan parin ang mga bagay na hindi natin minsan maintindihan".

Tumingin sa akin si Czkea at ito ang kanyang sinabi, "Salamat, Alam ko marami akong karamutan noon sa katawan ko. Nakita ko lahat ng pagkakamali ko at pinagsisihan ko ang lahat ng iyon. Patawad Via, dahil sa mga minsan na iyon ay iyon din ang mga minsan na hindi ko kukwento sa iyo".

Napangiti ako sa kanyang sinabi at tinapik tapik ko na lang ang kanyang balikat. At tinanong ko siya na, "Natatandaan mo pala itong lugar na to? haha sobrang tagal narin natin nung huli tayong tumambay dito".

Tumingin si Czkea sa akin na may pagtataka, at ito ang kanyang sinagot sa akin, "Bakit ka nga pala narito? Teka? Kailan ka pa narito?". Natawa ako at sinabi ko na sakanya na na-process na yung resignation ko at dito na ulit ako maninirahan. "Mag nenegosyo ako dito, baka sa bayan Kea" ito ang aking sinabi sa kanya.

"Ay Wow! Magkakaroon pala ako ng kakumpetensya ha?" wika ni Kea. Nagulat ako at hindi ko alam ang dahilan at tinanong ko narin kung bakit. At dito sinabi niya rin sa akin na nag pasa na siya ng resignation at mag nenegosyo rin siya sa bayan. Natawa na lamang ako at hindi ko ito inaasahan.

Habang kami ay naguusap ay niyaya ko na siyang umalis at umuwi na. Habang kami ay pauwi ay binanggit ko sa kanya na gusto kong dumaan sa kanila upang makita ko si Nanay Meida at Tatay Joel. Pumayag naman si Kea at dumaan narin kami sa malapit na kainan upang bumili ng makakain.

CZKEA POV

At nang kami ay naroon na sa aming tahanan tinawag ko agad si Czendi upang bitbitin ang iba naming dala. Nagulat si Czendi at agad siyang lumapit kay Via at niyakap niya ito. Sa amin pagpasok ay nakita naming pababa pa lamang si Mama at Papa. Nagulat din sila kay Via na minsanan na lang talaga umuwi ito magbuhat noon.

Masaya kaming nag salo-salo sa pagkain at sa amin ring paguusap. Lalo na si Mama at Via, matagal na silang hindi nagkikita kaya labis silang natuwa at namiss nila ang isat isa.

Naalala ko rin na nakaligtas rin pala ang Mama ni Via noon sa Lindol ngunit napuruhan ito sa ulo. Sa maikling panahon ay nakasama pa namin noon ang kanyang Nanay at ito ay namaalam bago magtapos ang taon na iyon.

Isa si Mama sa mga bumibisita, kinakumusta at inalagaan si Via noong ito ay ma-ulila. Naging parte narin namin ng Pamilya si Via noon hanggang sa ngayon.

Kinabukasan, ako ay pumunta na papasok sa aking Trabaho. Nang ako ay makarating ay agad akong sinalubong ng aking mga katrabaho at nalaman na nga nila na ako ay mag reresign na. Ang ilan sa kanila ay nalungkot dahil nasanay na sila ako ang nag lelead sa kanila.

Dito ko narin nalaman na na proccess agad na ang aking Resignation at kinausap ako ng General Director ng Company. Dito kinamusta ako kung kumusta ang aking kalagayan. Nag taka ako bakit ang iilan ay kinakumusta ako kung okay na ba ako? o okay na ba ang kalagayan ko? Hindi ko maisip kung ano ang nangyari sa akin sa mga nagdaang taon.

Sa paglabas ko ng opisina ng direktor ay inaalala ko kung ano ba ang mga nangyari sa akin sa mga nagdaang taon.

Lumipas ang ilang mga oras ay nakapag ayos na ako ng mga gamit at nailigpit ko na rin. Maraming Yumakap at Namaalam sa aking pag alis. Naka ngiti ako nang humarap ako sa kanila. At yumuko't nag pasalamat ako sa serbisyo at commitment na inilaan nila sa mga nagdaang taon.

Sa akin pagsakay sa aking kotse ay naisip ko na okay na rin ito upang makapagumpisa ako ng maayos at maluwag sa aking loob.

Bumiyahe na ako papauwi, at inabutan ako ng Traffic sa Daan. Naalaal ko Biyernes pala ngayon. Nag daan ang 2 Oras sa wakas ay nakalabas na ako ng Manila.

♫ Chill Music Playing on Background ♫

Nang malapit na ako sa amin ay naisipan ko ulit na dumaan sa bayan upang tignan ang pwesto na aking nakita kahapon.

Nang ako ay makarating na sa mismong lugar ay nakita ko na may mga tao na naroon. Lumapit ako at hinanap ko ang may ari nito. Hindi ko mahagilap kaya pinuntahan ko na mismo yung pwesto na aking kukunin.

At nang makarating ako ay naroon pala ang may ari at tinawag ko ito. Nagulat siya nang makita niya ako at kinamusta niya ako. Ngunit parang may mali ata at may gusto siyang sabihin sa akin...

"Sir, hehe ahmm ano kasi, yung pwesto na to? May kukuhana at gusto nang ayusin ngayon na mismo", wika ng may ari. Napatingin ako sa kanya at nagulat na lang ako. Sasabihin ko sana na "Okay lang" ngunit nagulat ako nang magpakita yung taong kumuha na ng pwesto na iyon.

"Kea?", napatingin ako sa taong ito at nagulat ako na si Via pala ang nakakuha na ng pwesto na ito. "Via? Ikaw?" sabay kaming tumawa ni Via at naguluhan at napakamot sa ulo bigla ang may ari ng pwesto. At tinanong kami kung magkakilala ba kami. Sinagot namin na sabay na "Opo, mag kakilala kami".

Lumabas muna ang may ari at nagusap kami ni Via.

Agad ko siyang tinanong na., "Kailan mo pa nakita itong pwesto na ito ha? haha malapit lang to sa eskwelahan ah". Napatingin sa akin si Via at sinagot niya ako na Kaninang umaga lang, at sinabi niya rin na pinilit niyang hanapin yung kontak ng may ari nito at nakiusapan na niya na kuhanin ito. At tinanong niya narin ako na kukunin ko ba talaga tong pwesto na to.

Ang sabi ko, "Oo, kahapon lang bago ako magawi doon sa tambayan natin". At nagtaka narin ako kasi hindi ko rin na itanong kay Via kahapon kung ano ba ang itatayo niya at inenegosyo dito sa pwesto na ito.

Bago niya sabihin kung ano ang plano niya ay tumingin muna siya sa akin at ngumiti. Bigla akong nailang at humarap ako sa kaliwang bahagi ko. "Sige na sabihin mo na Via, para namang ano to". wika ko kay Via.

"Cake Shop, plus with Photobooth" wika ni Via.

"Ano ba yan? para namang...." napahinto ako at bigla akong may naalala.

[Flashback 2006 Winter]

VIVIAN POV

Habang naglalakad kami ni Czkea pauwi ay niyaya ko siya muna sa bayan upang bumili ng cake para kay Lola ko dahil Birthday niya ngayon.

At nang kami marating sa bayan ay kung saan saan at marami palang mga cake shop dito sa bayan. Ngunit sa mga pinupuntahan namin ay hindi abot ang pera na meron ako para makabili ng Cake kay Lola.

At nang sa huling Cake Shop na pinuntahan namin ay hindi parin abot ang pera na meron ako. At nang sumimangot at nalungkot ako, tumalikod na ako kay Czkea at niyaya ko na siya an Umuwi na at wag na lang bumili ng Cake.

CZKEA POV

Tinawag ko si Via para ipakita sa kanya yung pera na sobra ko upang makabili na kami ng Cake para sa Lola niya.

Napatingin si Via sa hawak ko at tinititigan niya lang ito. Pilit kong inaabot sa kanya at nakatingin lang siya dito. At maya maya napansin ko na naiiyak na siya. Dali dali kong kinuha yung panyo sa bulsa ko at hinawakan ko yung pisngi niya at pinunasan mga luha niya.

"Ano ka ba? Wag ka na umiyak nakakahiya ang daming tao baka sabihin inaaway kita", sambit ko kay Via.

Inabot ni Via sa akin ang pera na meron siya at ako na ang bumili ng Cake na gusto niya para sa Lola niya.

"Hayaan mo Via! Paglaki ko magtatayo ako ng Cake at pagbibili ka libre na sayo!". Wika ko kay Via

....

CZKEA POV

At ito ang aking naalala noon at napatingin ako kay Via.

Natawa ako at tumawa narin si Via. At tinanong niya sa akin kung ano yung inisip ko at hindi ko binanggit sa kanya. Pinipilit niya ako na sabihin ko kung ano yung naalala ko at hinulaan niya na "Siguro naalala mo yung muntik na akong umiyak dahil sa cake no?" napa Oo na lang ako at nagkwentuhan kami ni Via.