MEIDA POV:
Palabas na kami ng Anak ko na si Czkea at kasama namin si Queria. Ngunit noong malapit na kami sa labasan ay biglang bumagsak ang pader na nasa kanan namin.
Hindi ko na nagawang maka ilag at ganoon rin ang akin anak. Nabagsakan ako ng mga pader at hindi ko namalayan na may kahoy na tumusok sa aking mga hita at ako ay napasigaw sa sobrang sakit nito.
Nakita ko si Czkea na tumayo at nakita ko sa kanyang mga mukha na siya ay pawis na pawis na. At alam ko ito ang sakit ni Czkea, ang mag panic sa mga sitwasyon na hindi na niya kayang maayos.
Inaangat ko ang pader at tinulungan na ako ni Queria na iangat ito. Sa hindi kalayuan ay lumapit sa amin si Carlos at tinulungan kaming iangat ang pader at inalalayan na ako ni Queria maglakad.
Pumunta naman si Carlos kay Czkea at binuhat na ni Carlos ang aking anak. Naiyak na lamang ako dahil hindi ko man lang natulungan ang aking anak.
Naunang nakalabas sila Carlos at kaming dalawa ni Queria ay paika-ika na sa paglalakad. Nang malapit na kami makalabas ay napansin na ni Queria na babagsak na ang isang pader na nasa kanan namin at ito ay sobrang taas.
Tumingin sa akin si Queria at ito ay naiyak na lamang, inalis niya ang kamay ko sa kanyang balikat at lumikod siya sa akin. At dahan dahan kaming naglalakad na palabas ngunit nang medyo malapit na kami ay napansin na ni Carlos na paguho na ang pader na nasa kanan namin.
Tumakbo si Carlos papalapit sa amin at nagulat akong tinulak ako ng sobrang lakas ni Queria. At ako naman ay nahawakan agad ni Carlos at nahatak papalayo sa mga gumuhong bato at pader.
Napatingin na lang ako kay Carlos at ako ay naiyak dahil sa ginawa ni Queria sa akin. Bakit niya kailangan isakripisyo ang kanyang buhay ngunit parehas naman kaming makakaligtas sa huling pagkakataon.
Napatulala na lang ako at napatingin sa gusaling gumuguho.
CARLOS POV
Sa huling pagkakaton, hindi ko man lang nailigtas si Queria. Kasalanan ko to.
CZKEA POV.
Nang tumigil ang lindol, ay naririnig kong umiiyak si Mama at dahan dahan kong dinilat ang aking mga mata. Nakita ko na ulit si Mama. At ako ay naiyak narin. Hindi ko akalain na mabubuhay si Mama ngayon at tila nabago ko na ang nakaraan.
Umiyak ako ng panatag ang loob ko dahil alam ko din na nasa maayos ang kalagayan ng akin Ama at Kapatid dahil katabi lang namin ang bukid doon sa aming tahanan.
Niyakap ko si Mama at siya ay umiiyak parin. Hindi ko mawari kung bakit umiiyak si Mama. Naisip ko lang na takot ito at alam ko ito yung takot na ayaw mong may mawala sa buhay mo. Na Mahal mo.
..... Ayaw mong mawala sa buhay mo..
Ayaw kong mawala sa buhay ko?
Lumapit sa amin si Ninong Carlos at nag sorry sa amin. Sinabi ni Ninong na siya ang nagbuhat sa akin.
Tanong ko sa kanya, sino po ang nag alalay kay Mama kung kayo po ang nagbuhat sa akin Ninong?
....
Tumulo ang mga luha sa mata ni Ninong,
Ayokong isipin ang pumapasok sa aking isip ngayon. Kinakapos ako sa hininga at gusto kong sumigaw. Ngunit hindi ko na napigilan ang emosyon ko.
Mama Queria!! Mama! Nasan ka!!! Ito ang sigaw ko. Humagulgol si Mama at napaiyak narin si Ninong Carlos. Ang mga luha sa akin mga mata ay umagos narin at ako parin ay tawag parin ng tawag sa pangalan ni Mama Queria.
Alam ko kasama namin siya, dapat ligtas rin siya dahil nailigtas niya ang aking Mama. Ngunit ano ang nangyari?
Napatingin sa akin si Mama at hinawakan niya ang aking mga Pisngi. At ito ang kaniyang mga sinabi sa akin, "Anak, dapat kasama ako doon.... kasama ako ni Queria". at humagulgol na si Mama. At napayakap na lang muli ako sa kanya at ako ay naiyak na rin.
Lumipas ang sampung minuto at dumating na ang mga bumbero at mga ambulansya na mula pa sa ibang mga bayan. Ang naging sentro ng Lindol ay dito sa aming bayan.
Maraming tahanan, negosyo at gusali ang nawasak. Maramin ring pamilya ang nadamay. May mga nasugatan at nawalan ng pamilya. At isa sa mga inisiip ko ngayon, paano ko maipapaliwanag kay Qyuni ang nangyari.
Nang makarating na kami sa ospital ay ginamot na si Mama at si Ninong Carlos. Lumabas muna ako at sa aking paglalakad ay may sumalubong sa kin.
Tumingin ako sa mga mukha nito at ito ay namumula. May halong galit at luha. At dito na nag umpisa na umiyak si Qyuni.
Bakit? Bakit hindi mo kasama si Mama? Kea!! Nag tiwala ako sa iyo na mailalabas mo si Mama doon sa lugar na yon ngunit paanong nangyari si Mama mo lang ang nakaligtas?
Ito ang sigaw ng puso ngayon ni Qyuni. Lahat ng tao ay nakatingin sa amin at si Kuya Louie naman ay pinipigilan si Qyuni. Kina kalma ko ang sarili ko at pilit kong wag umiyak sa harapan ni Qyuni.
Napaluhod na lang si Qyuni at nagpatuloy sa kanyang pagiyak. Lumapit sa akin si Kuya Louie at sinabi niya sa akin na Tumuloy na ako sa aking pupuntahan, at siya na muna ang bahala kay Qyuni.
Lumakad na ako papalayo at nakalabas na ako ng ospital, ngunit hindi pa ako nakakalayo ay hinabol ako ni Qyuni upang kausapin pa ako.
"KEA! Ganito na lang ba ulit ang gagawin mo? Ang hindi ipaliwanan kung bakit ganito ang nangyari? Uulitin mo nanaman ba? Ito ang kanyang mga tanong sa akin.
Nakatulala lang ako sa aking kinakatayuan. Ngunit nang ihahakbang ko na ang aking mga paa. ay bigla akong napatigil at napatingin nang sabihin niyang, "Adi! Wag mong takbuhan ito! Kausapin mo ako!"
Nagulat ako at naalala na "Adi ang tawagan namin noong kami ay ikinasal". Sa hindi malamang dahilan din ay kinabahan ako at lumingon sa kanya. Sa aking paglingon ay nakita ko sa kanyang mga mata yung sakit na dinadala niya.
"Pangalawang Beses na ito Kea!, nung una hindi ko ma ipaliwanag bakit yung mga ala-ala ko sa hinaharap ay aking nakuha dito, Alam ko hindi ikaw yung Czkea na kilala ko ngayon, Ikaw yung Czkea na pinakasalan ko!" Ito ang sambit ni Qyuni sa akin.
Lalapitan ko sana si Qyuni ngunit umatras siya ito ang kaniya ulit na sinabi, "Hindi ko alam bakit palagi kang tumatakbo sa tuwing may mga pangyayari na hindi mo maipaliwanag, lahat yon inintindi ko! Noong bago pa tayo ikasal, pagkatapos ikasal at yung mga araw na tayo ay may anak na".
Hindi ko na napigilang maluha at lumuhod sa aking mga tuhod sa harapan ni Qyuni, at ito lamang ang aking nasabi sa kanya,
"Qyuni, Adi... Alam ko gulong gulo ang iyong isip ngayon.
Palabas na kami ng gusali ni Nanay kasama si Mama Queria,
ngunit nabagsakan kami ng pader...
si Mama Queria ang umalalay kay Nanay ngunit,
nang malapit na sila palabas gumuho na ang gusali at..
inulak ni Mama Queria si Nanay"
Sa sinabi kong ito ay lumapit sa akin si Qyuni at sinampal at pinaghahampas niya ako. Parehas na kaming umiiyak sa sobrang bigat ng aming dinaramdam.
Sa hindi kalayuan ay tumakbo papalapit sa amin si Kuya Louie at pinigilan niya si Qyuni. Nang tumayo na si Qyuni ay may kinuha siya sa kanyang bulsa at binato niya ito.
At nang makapasok na sila ulit sa ospital ay ako ay tumayo at hinanap kung ano ang kaniyang binato.
Nang aking mahanap ito, hindi ko na alam ang pwede kong maramdaman. At kaunti-unting gumuguho ang aking mundo. Napaluhod na lang ako sa sakit at nang pagmasdan ko ang Name Tag na kanyang binato ay naglalaho na ang pangalan ni Queenie.
Kinuha ko sa aking wallet ang Name Tag din at nakita ko ring naglalaho narin ang Pangalan ni Queenie.
Kumulog, Kumidlat at bigla nang bumuhos ang ulan.
At ako ay nakaluhod lamang sa daan kung saan ko napulot ang name tag na kanyang binato. At nang ako ay tatayo na ay may biglang lumapit sa akin at inalukan ako na mag payong.
Naka itim uniporme at itim na sumbrero. Sa pagsulyap ko sa kanyang mukha ay hindi ko siya namukhaan at hindi ko siya kilala. At ito ang kaniyang sinabi, "Binago niyo parehas ang tadhana ngunit kailangan isa sa inyo ang maparusahan sa pangyayaring ito". At ang sagot ko sa kanya ay "Sino ka?"
Isinarado niya ang payong at bigla akong nasilaw. Sa aking pagdilat ay nasa bukid kami na puro bulaklak. At sa aking paglingon sa kanya ay siya'y naglalakad papalayo sa akin at sinabi niyang sumunod ako sa kanya. Hinabol ko siya at nagtanong ako kung sino siya. Nagulat na lamang ako may suot suot siyang ID.
Pinigilan ko siyang maglakad at hinayaan niya akong basahin ang kanyang ID. Ang pangalan mo ay Moira? "Moira, Guider of Destiny". Nang basahin ko ito ay tumuloy siya sa kanyang paglalakad. At nagpatuloy na siyang nagtanong tungkol sa akin.
Kailan ka pa ba narito? Kailan ka napadpad?, tanong ni Moira. Mag iisang Linggo na ako dito bukas, at hindi ko na rin alam kung paano bumalik sa kasulukuyan, ito naman ang aking sagot kay Moira.
Sa tingin ko, yung taong makikita natin ngayon ay siya ang dahilan kung bakit ka naparito sa nakaraan. Ngunit, tulad ng sinabi ko sa iyo kanina, may ihahatol akong parusa sa ginawa mo at miski ang tao na ito ay hindi makakatanggi. wika ni Moira sa akin.
Sa aming paglalakad ay sa hindi kalayuan ay may puno na kaming natanaw at may isang tao ang nakatayo doon. At nang kami ay malapit na ay nakilala ko kung sino ang lalaking nakatayo, si Aion pala.
Mukhang nagkita narin kayo ng taong ito? tanong ni Moira sa akin. Sumagot na lang ako na Oo at nagulat kami ni Moira na biglang natawa si Aion.
Kea! Kumusta na? Pasensya na hindi ako nakabisita agad at sa iyong Nanay Queria, pasensya na rin. wika ni Aion sa akin. Hindi ko alam ang pwede kong maramdaman sa sitwasyon ko ngayon. At tinapik na lamang ako ni Moira sa balikat ako at ako ay nakalma naman kahit papaano.
Moira! Ang tagapangsiwa at tagapag alaga ng Tadhana. Kumusta na Kaibigan? Kumusta na ang iyong Ama?, tanong ni Aion kay Moira. Ngumiti lamang si Moira at sinabi niya kay Aoin na siya ay sasama sa kanya kapag ako ay nahatulan na sa aking nagawa.
Moira? Ano po ba ang ihahatol niyo sa akin? tanong ko kay Moira. Napatingin sa akin si Moira at ito lamang ang kanyang sinabi sa akin. Tutal nabago mo ang kaganapan ngayon at ligtas na ang iyong Nanay at ang iyong bunso, hahayaan ko na matuloy itong mga kaganapan, ngunit hindi na magiging kayo ni Qyuni. Naisulat ko na sa aking libro na ito na ang mangyayari sa mga susunod na araw, linggo at taon.
... na ikaw, at si Qyuni ay hindi magkakatuluyan.
Unti unting nandidilim ang aking mga paningin at gusto kong magalit sa harapan ni Moira. Ngunit sa hindi ko malamang dahilan ay ito lamang ay aking nailuha at nasabing, "Bakit ko kailangan masaktan pa muli at mangyari ito?". Tanong ko kay Moira.
Nakita ko sa mga mata ni Aion na siya ay naaawa na sa akin at siya ay tumalikod. Humarap sa akin si Moira at sinabi niya na, "Buhay na ang iyong Nanay at Kapatid, may gusto ka pa bang hilingin bago kita ibalik sa kasulukuyan?".
Iisa na lamang ang aking naiisip ngayon. Kundi ang naging anak namin ni Qyuni na si Queenie. "Si Queenie, hayaan mong mabuhay si Queenie, Moira. Kaawaan mo ako, kahit hindi ako ang Ama ni Queenie. Hayaan mo siyang mabuhay at makasama ni Qyuni sa Kasulukuyan".
Tumingin ka sa akin Czkea, sagot ni Moira. Nakita kong kinuha niya ulit ang payong at sa pagbukas nito ay nagulat ako na kami ay nasa sementeryo. "5 Araw na ang lumipas Czkea nang mailibing na si Nanay Queria". wika ni Aion sa akin.
At nang tignan ko ang nasa harapan namin na libingan ay nakita ko na dito inilibing si Nanay Queria. Hindi ko napigilang maluha at napaluhod na lamang ako sa harapan nito. "Patawad, Patawad" ito lamang ang mga salita na lumabas sa aking mga bibig.
Muli akong tinapik ni Moira sa balikat sinarado niya ang payong. At sa aking pagdilat ng Mata ay nasa taas kami ng isang gusali, kung saan sa harapan nito ay may simbahan.
2011, September 17 Ito ang araw na kasal ni Qyuni at Louie. Wika ni Aoin sa akin. Napatingin ako kay Aion at nagalit na ako at sinapak ito. Nagulat si Moira sa akin at hindi na niya ako pinigilan. "Sabi ko naman sa iyo Czkea, may mga magbabago at magbabago talaga at hindi ko rin ito kontrolado". wika ni Aion sa akin.
Yung Czkea na ngayon ay naroon sa loob ng Simbahan Czkea, kung gusto mong makita si Qyuni, hawakan mo itong payong at isarado mo. Ngunit iyon na ang huli mo dito sa nakaraan at kung akin itong bubuksan pagkatapos mo makita si Qyuni. Makakabalik ka na sa kasulukuyan. wika ni Moira sa akin.
Inaabot na sa akin ang Payong ni Moira at ako ay nag dadalawang isip pa. Hindi ko napigilan ang emosyon ko at ito ay aking kinuha at isinara.
Sa aking pagsarado ng Payong ay napunta ako sa ibang lugar. Sa Lugar ng reception ng kasal ni Qyuni. Nagulat ako na nasa harapan ako ni Qyuni at kasama ko ang aking Mama. Sa pagkakataong pala na to ay kami ay makikipag picture sa dalawang bagong kasal.
Pagkatapos ng pagkuha ng larawan ay lumapit ako kay Qyuni.
Habang ako ay naglalakad papalapit kay Qyuni ay nakita ko sa kanyang mga mata yung bakas na saya na meron siya ngayon.
Kumusta ka na?. Ito ang bungad na tanong sa akin ni Qyuni. At ako ay napangiti na lang at binati ko na lamang siya. Kinuha ko sa bulsa ang name tag na meron ako at binigay ko sa kanya. Tinanong niya ako para saaan ito at sinabi ko na lang na "Pag nagka anak na kayo ni Kuya Louie, dito ipalagay mo ang Pangalan ng magiging anak niyo dito sa name tag". Napatingin sa akin si Qyuni at ngumiti ito sa akin.
Hindi ko napigilan na maluha at nakita ito ni Qyuni. Tumayo si Qyuni at hinawakan niya ang aking mga kamay. At ito ang kaniyang mga sinabi, "Salamat Ckzea, bilang isang malapit na kaibigan at bilang isang pagiging kapatid sa lahat ng pagkakataon".
Napangiti na lamang ako at nag paalam na sa kanya at kay kuya Louie. Sa aking paglalakad ay nakita kong naka abang na sa akin si Moira sa pintuan. At nang ngumiti ako biglang bumagal ang paligid at nagliliwanag ang mga bintana.
Pagkalingon ko sa kay Qyuni ay siyang nakita ko na nakatingin sa akin at kumakaway aat nagpapaalam.
Hindi ko na napigilang umiyak at humagulgol. Aking napansin na naluha na rin si Qyuni at hindi ko alam kung bakit at ano ang dahilan.
"Naghahalo ang kanyang ala-ala noong 2007, ngayon at sa kasulukuyan". wika ni Aion. Lumapit na rin sa akin si Moira at tinanong niya ako kung handa na ba ako bumalik sa kasulukuyan. Napatingin lang ako kay Moira at tinanong ko sila kung ano ang mangyayari sa mga ala-ala ni Qyuni kung patuloy itong maghahalo halo at gugulo sa kanya?.
Biglang may lumitaw na babae at sinabing Ako na ang bahala sa babaeng ito at aalisin ko ang mga ala-ala niya sayo. Nagulat si Moira at Aion. At ang suot nito ay puro Rosas.
Syne, naparito ka?. tanong ni Moira sa kanya. at sumagot ito na masyado na kayong nagtagal dito sa nakaraan. Maraming pwedeng mabago kung magtatagal pa kayo dito. Kaya ako ay naparito upang alisin na ang kanyang mga ala-ala kay Czkea. wika ni Syne.
Wala na akong nagawa at pakinggan ang mga ito at sundin sila. Sa pagtapik ni Moira sa akin ay bumalik kami sa bukid na puro bulaklak. Naiwan si Syne doon sa lugar upang alisin na ang ala-ala ni Qyuni sa akin.
Napatingin na lang ako kay Aion at napaluha. Muli akong tinanong ni Moira kung handa na aba akong bumalik sa kasulukuyan at sinagot ko na ito na Oo handa na ako. Kahit labag sa puso at damdamin ko ang mga kinahinatnan ng deisyon ko. Inisip ko na lamang na nasa maayos na ang kalagayan ng aking Mama at ng aking Bunso.
Mag-iingat ka. wika ni Aion sa akin. Hindi ba mawawala ang mga ala-ala ko sa inyo? tanong ko sa kanila. Hindi kung hindi ka maabutan ni Syne ngayon dito, ngunit kung magtatagal pa tayo ay siya na ang magdadala sa iyo sa kasulukuyan at aalisin niya ang lahat ng ala-ala na meron ka sa amin, sagot ni Moira sa akin.
Dahil sa sinabi Moira na ito ay nagpasalamat na lang ako kay Aion at humingi ng patawad sa kanya at humingi narin ako ng patawad kay Moira. At nang iaangat na ni Moira ang payong ay biglang dumating si Syne.
Moi... Moira... Ate Moira.. Buksan mo na!
Nagdadalawang isip si Moira at nag mamadali si Syne na lumapit sa amin.
Sumigaw na si Aion na Buksan ito at binuksan na ni Moira ang Payong at nagliwanag ang buong paligid.
To be Continued.