Chereads / This is Our Time / Chapter 10 - The Day After Tomorrow Part 1

Chapter 10 - The Day After Tomorrow Part 1

QYUNI POV

Sabado na ng umaga at ako ay maaga nagising. Nag ayos ako at nag almusal narin. Walang tao sa bahay kaya lalabas ako at pupunta ako sa aming bukid. Sa aking paglabas ay nakita kong may kausap ang aking Nanay. Lumakad ako sa likod ng kausap ni Mama at tumango ako sa kanya.

Pumunta muna ako sa Garahe upang sulyapan ang mga mekaniko na naroon. Lumipas ang ilang minuto ay dumating na si Mama at umalis na ang kanyang kausap. Ma? Sino yung kausap mo? ang tanong ko kay Mama.

Ahh hindi mo ba namukhaan? Kaibigan ng Tatay mo yon, laging pumupunta dito at dinadalhan si Tatay mo ng dinakdakan. Sagot naman ni Mama sa akin. Napaisip ako kung sino yung lalaki na yon. At naalala ko na si Mang Carlos pala yon. Isa sa mga anak ng Mayor dito sa lugar namin.

Hindi ko na naitanong kung bakit kinausap si Nanay at naisip kong baka dahil kay Tatay lang o sa negosyo lang.

CZKEA POV

Maaga akong nagising at kasama ko si Tatay at ang Bunso papuntang Ilog. Para mag laba, mag linis at maligo narin pagkatapos. Masaya kaming nagbabad sa arawan at sa ilog. At sa di kalayuan ay dumating rin ang aming Nanay at may dalang mga palanggana para sa nilabhang damit.

Eto oh, may dala narin akong mga pagkain. Kumain muna kayo. Wika ng Aking Nanay. Ngunit napatigil ako at nag alala kung matutuloy ba talaga si Nanay bukas. At tinanong ko narin si Nanay kung matutuloy siya o hindi. Ngunit ang sagot niya sa akin ay Matutuloy parin, kasi hindi naman daw niya matatanggihan ang aking Ninong.

At napaisip ako, ganoon ba talaga kapag Anak ng Mayor? Kilala ka? siyempre naisip ko lang at wala naman akong ibang inisip na masama. Habang kami ay naglalakad pauwi galing sa ilog ay sumalubong sa amin si Vivian at ang Nanay nito.

Kumare!!!!!!!! Sabay na tayo bukas papunta kila pareng Carlos! Sigaw ng Nanay ni Via. Napakamot na lang ako sa aking mga ulo at napatingin na lang din sa akin si Via at ngumiti. Sa aming pagkauwi ay gumayak na ako upang samahan si Via sa kanyang bibilhin sa bayan.

Bakit? Ano ang iyong mga bibilhin? Tanong ko kay Vivian. At naalala ko nga pala Bukas din pala ang aming lakad kasama ang mga kaibigan at kasama rin pala si Vivian at Qyuni. Napatingin sa akin si Via at ang tanong niya sa akin ay, hindi mo ba naalala? diba sabi mo hindi ka sasama bukas?

Napatanong narin ako kay Via na bakit kasama siya? eh diba ang kondisyon ng Nanay mo ay hindi ka makakasama sa amin kapag hindi matutuloy si Nanay mo? Ito ang mga tanong ko na may pagaalala. Napahinto siya sa paglalakad at tinawag ako sa pangalang Czkea. Lumingon ako at nag tanong kung bakit?

Matutuloy si Nanay bukas, bali matutuloy na rin akong sumama bukas at sumama ka narin, sagot sa akin ni Via. Napakamot na lang ako sa aking batok at sinagot ko siya na, depende sa sitwasyon Via. Nagulat ako at ngumiti si Via at sinabi niya sa akin na Ayos lang kahit hindi ka makasama, basta ang mahalaga kung ano yung gustong gawin ng puso mo bukas. Sundin mo, diba sabi mo sa akin isang araw ay wala nang mawawala at mamamaalam? hindi ko ma gets yung mga sinabi mo ngunit nakakataba ng puso.

Napatitig ako sa mga mata ni Via at nag patuloy na sa paglalakad. Tumabi si Via sa aking Kanan at hinawakan niya ang aking mga kamay. Nagulat ako at hindi ko nanaman maipaliwanag ang nadarama ko. Napatingin ako kay Via at sa kamay na hawak ko. Sa aming paglalakad ay may naalala akong isang bagay na hindi ko pwede mawala.

Bumitaw ako sa mga kamay ni Via at nagmadaling bumalik sa Bahay. Sa pagakyat ko sa aking kwarto ay hinanap ko agad sa mga lamesa doon ang aking Singsing. Ang singsing na galing sa kasal na meron din si Qyuni. Ngunit hindi ko ito makita. At pag bukas ko ng aking drawer sa study table ay wala din doon sa kinalalagyan niya. Ngunit napansin ko na may bakas ng singsing doon at tila parang naging abo ito.

Tinawag ako ng aking Tatay sa baba at ako ay bumaba na. Sa aking pagbaba ay nakatingin sa akin si Via. Kanyang mga tingin ay may halong pagaalala at alam ko na kung ano ang kanyang sasabihin. Ano ang nangyari Kea? May nawawala ba sa iyo?. Ito ang tanong ni Via sa akin.

Hindi ako makapag isip ng maayos at pakiramdam ko ay ako ay maluluha. Niyaya ko na lumabas si Via at sinabi ko lang na may naiwan akong pera sa aking lamesa sa kwarto. Na convince naman si Via sa aking dahilan at tumuloy na kami papuntang Bayan.

---