Chereads / This is Our Time / Chapter 11 - The Day After Tomorrow Part 2

Chapter 11 - The Day After Tomorrow Part 2

CZKEA POV

Sa aming pamimili ng mga gamit at mga makakain sa bayan ay naitanong narin sa akin ni Via na talaga bang may mangyayaring sakuna dito bukas?. Sinagot ko si Via na Oo, kahit hindi ako sigurado. Pero alam ko na Bukas yung araw na nawalan ako ng Dalawang Minamahal sa Buhay. Tumingin sa aking mga mata si Via at ngumit siya sa akin. Hindi ko alam ang dahilan at napangiti narin ako. Hinawakan niya ang akin kamay at ako ay kanyang niyaya sa National Bookstore.

Humiwalay ako kay Via upang maghanap din ng mga libro na tungkol sa Time slip at time travel. Habang nasa seksyon ako ng mga Libro na tungkol sa mga Mythology. May napansin akong isang libro na pumukaw sa akin mga mata. "Father Time: Kronus". Nang ito ay aking kunin at buklatin ang libro. Biglang sumulpot sa kaliwa ko si Aion at kinamusta ako.

Sa aking pagkagulat ay nabitawan ko ang librong hawak ko. Naka ngiti sa akin si Aion at tila bang may gusto siyang itanong sa akin. Hinahanap kita noong nakaraan pa Aion pero bakit dito ka pa nagpakita?, ito ang aking bulong sa kanya. Naglakad ng Pitong hakbang si Aion sa likod ko at sa aking paglingon sa paligid ay nakahinto pala ang oras.

Ano ang naging desisyon mo Czkea?, ito agad ang itinanong sa akin ni Aion. Tumingin ako sa mga mata ni Aion at ito ang aking sinagot, "Bukas, kahit hanggang bukas Aion, mailigtas ko lang ang aking mga magulang, pwede mo na akong ibalik sa hinaharap", sa aking wika ay siya ay napaisip. Siya ay naglakad muli at biglang may inaabot sa akin.

Binuklat ko ang aking mga Palad at Binigay niya sa akin ang isang Name Tag na wala namang nakasulat. Tinanong ko siya kung para saan iyon at ito lamang ang kanyang sinabi sa akin. "Lumakad ka sa kabilang seksyon ng lugar na ito, doon mo malalaman kung para saan yang name tag na yan". Napatingin ako sa Name Tag at may napansin akong naka ukit dito hindi ko alam kung ano ang letra na iyon.

Sa pag angat ng aking mga mata ay bumalik na ang oras at nag laho bigla si Aion sa likod ko. Inalala ko ang kanyang sinabi at lumakad ako papunta sa kabilang seksyon. Sa aking paglalakad ay may kumalabit sa akin sa likod at nagulat ako. Ang Nanay ni Qyuni. "Czkea! Ano ang iyong ginagawa rito? Kasama ko si Qyuni gusto mo ba makita?" Ito ang bungad sa akin ng Nanay ni Qyuni at ako ay nagmano.

Sa Paghawak ko ng Palad ng kamay ni Mama hindi ko napigilang maluha. Napansin niya ito at nakita kami ni Qyuni at tinawag niya ang kaniyang Nanay. "Ayos ka lang ba? bakit ka naiiyak? May nangyari ba?" Ito ang mga tanong ng Nanay ni Qyuni sa akin. Sumagot ako na wala lang po ito at ako ay inaantok lamang po.

Napansin ko ang hawak na wallet ni Qyuni at nakita ko ang Name Tag na kapareha sa akin na nakasabit naman sa kanya. "Ate Qyuni, Saan galing yang Name Tag mo?" Ito ang tanong ko kay Qyuni. Nagulat si Qyuni at napatingin siya sa kanyang wallet. "Ah, hindi ko pala natanggal, pagkakaalam ko tinapon ko na itong Name tag na ito, napulot ko lang to sa Waiting Shed doon sa Eskwelahan natin". Ito ang kanyang Sagot.

Ano ba ang nakalagay diyan anak?, tanong ng kanyang Nanay. Napakamot sa kanyang ulo si Qyuni at pilit niyang inaalala ang nakasulat sa name tag. Napansin ko nga rin na Burado ang pangalan sa Name Tag at ako naman ay wala akong ideya. Sa aking pagkapa sa bulsa ay naalala ko inabutan ako ni Aion kanina ng Name Tag.

Nagsitaasan lahat ng balahibo ko nang maisip ko ang isang bagay na posibleng nakasulat sa kanyang Name tag. Ate Qyuni? Naaalal mo ba kung ano ang nakasulat sa name tag na iyan? ito ang aking nagmamadaling tanong sa kanya. Hindi na niya maalala at siya ay napapakamot na lang sa kanyang ulo.

Dahil dito ay pinangunahan ko na siya. Ang nakasulat ba diyan ay "Queenie?"

Napahinto si Qyuni at napatingin sa akin. Hindi namin namalayan na huminto ang oras at ang kanyang name tag ay nagliwanag. Ang hawak ko ding name tag ay nagliwanag rin.

Napatingin ako sa kanyang name tag at lumabas ang pangalan na Queenie, at ang akin naman din ay lumabas din ito. Nakita ko ang mga mata ni Qyuni at siya ay natakot. Itinago niya ang kanyang wallet at tinanong niya ako kung ano ang nangyari? bakit may parehas kaming Name tag at alam ko ang nakasulat dito?

QYUNI POV.

Sa aking pagkagulat ay hindi ko namalayan na ang kanang mata ko ay naglabas ng luha. Pagsulyap ko sa mga mata ni Czkea ay ang kanya namang Kaliwang mata ay naluluha din. Pinagmasdan ko ang paligid at tila bang nakahinto ang mga oras at ako ay natakot bigla. Ipinikit ko ang aking mga mata at hindi ko namalayan na ang mga kamay ko ay kanyang hinawakan.

May dumaloy na mainit sa king mga mata at kamay. Sa aking pag dilat ay nagulat ako na ako ay nasa isang kwarto na. Hindi pamilyar ang kwarto sa akin at ako ay bumangon. Binuksan ko ang mga bintana at napansin ko ang lugar ay hindi ako pamilyar. Lumabas ako ng kwarto at nagulat ako kay Veronica na may karga kargang bata.

Ngunit nang pinagmasdan ko si Veronica ay tila ay dalaga na ito. Veronica! tinawag ko siya sa pangalan at siya ay napatingin at tinawag niya akong "Ate!" nakita ko sa mga mata ni Veronica na siya ay masaya at ako naman ay bumaba na ng hagdan upang sulyapan kung sino ang hawak niyang bata.

Kaninong Anak yan Veronica? kay Tita Ellen ba?, pagtatakang tanong ko kay Veronica. Napaukot ng noo si Veronica at pinagalitan niya ako. Ate naman? Si Queenie hoy ano ka ba? May Amnesia ka ba? Lasing na lasing kayo kagabi ni Kuya Kea. Wika ni Veronica.

Kea? Czkea? si Kea???? Tanong ko kay Veronica? At ako ay nagulat, nagitaasan ang aking mga balahibo at nabitawan ko ang baso na hawak ko. Mabuti na lamang na ito ay plastic at hindi ito babasagin. Bumalik ako sa Kwarto upang tignan ang mga gamit na meron ako ngayon.

Pagpasok ko ng Kwarto ay bumungad sa akin ang isang malaking litrato na kami ay Kasal. Napatigil ako at tinakapan ko na lang ang aking mga bibig at hindi ko mawari kung ano ang nangyayari. Sa pag upo ko sa aking kama ay may nakita akong isang libro na nakatali at ito ay tinanggal at binuklat ko.

Isang Photo Album, narito ang lahat ng larawan na meron ako noon at narito narin ang lahat ng larawan ni Czkea. Sa pagkabuklat ko pa ay nakita ko na ang mga larawan na kami ay ikinasal. Ako ay biglang naiyak at sa aking pagkabuklat ko pa ay nakita ko ang mga larawan na nagbuntis ako at ang mga lugar na pinuntahan namin kasama ang pamilya ko.

Sa isang pahina ng album, ay nakita ko na nasa isang sementeryo kami at nasulyapan kong ang nasa puntod na iyon ay ang pangalan ng Nanay ni Czkea at ang kanyang Bunsong kapatid. Hindi ko napigilan umiyak at biglang sumakit ang ulo. Napahawak ako at tila bang pinipiga ang aking utak. Nang mawala ito saglit ay binuksan ko ulit ito at napadpad ako sa pahina kung saan pinanganak ko na si Queenie at nakita ko na ito ay aming anak ni Czkea.

Naiyak ako at hindi ko na inisip kung ano ang nangyayari bakit ganito ang mga nakikita ko. Pinunasan ko ang mga luha ngunit hindi ko parin mapigilang maluha at maiyak.

Habang ako ay bumababa sa Hagdan ay nakangiti sa akin si Veronica at tumatawa si Queenie. Ngunit nang malapit na ako at hahagkan ko na silang dalawa ay bigla akong nagising.

Sa aking pag gising ako ay nasa aking kwarto na at hawak ko parin ang Name Tag. Pagbuklat ko ng aking mga palad ay nakita ko na may nakasulat ng pangalan sa Name Tag, "Queenie". Sa pagpatak ng aking mga luha ay napapikit ako, sa hindi inaasahan din ay naalala ko na kung saan galing ang name tag na Queenie.

3 Hours Earlier

CZKEA POV.

Napatingin ako sa kanyang name tag at lumabas ang pangalan na Queenie, at ang akin naman din ay lumabas din ito. Nakita ko ang mga mata ni Qyuni at siya ay natakot. Itinago niya ang kanyang wallet at tinanong niya ako kung ano ang nangyari? bakit may parehas kaming Name tag at alam ko ang nakasulat dito?

Pumikit si Qyuni at tinakpan niya ang kanyang mga mukha. Alam ko natatakot siya dahil sa paligid din namin na nakahinto. Ako ay naluluha at naaawa, naalala ko nga pala na kami ay may anak na, ngunit ano tong ginagawa ko?. Hinawakan ko ang kanyang mga kamay at biglang umandar ang oras, siya ay nahimatay at nagulat kami ng kanyang Nanay.

Binuhat ko siya at dali dali kaming lumabas, mabuti na lang at dala ng kanyang nanay ang kanilang sasakyan at dinala namin siya sa malapit na ospital. Mabuti na lamang ay walang nangyaring masama kay Qyuni at siya lamang ay nawalan ng malay.

Lumapit ang kanyang Nanay at nagpasalamat sa akin. Balitaan niyo na lang po ako kapag okay na po si Qyuni, ito ang aking sinabi sa kanyang Nanay. Nag pasalamat ulit si Nanay at ako ay nagpaalam na para umalis.

Sa Aking paglalakad ay napansin kong pumasok si Louie at hinahanap niya si Qyuni, sa hindi kalayuan ay nagtago ako upang hindi niya ako mapansin. Nang malapit na niyang makita si Nanay ay umikot na ako at dali daling lumabas na ng ospital.

Lumipas ang ilang minuto ako ay naglalakad na pauwi. Muli kong kinuha sa aking bulsa ang Name Tag at napahinto ako sa paglalakad. Biglang nag ring ang phone ko at si Via pala ang tumatawag. Sinagot ko ito at pinaliwanag ang nangyari bakit naiwan ko siya sa loob ng National Bookstore.

Habang Kausap ko si Via sa Phone ay naluluha ako at hindi ko mapigilang umiyak. Habang pinagmamasdan ko ang Name Tag na may pangalan nang "Queenie".

Umihip ang malamig na hangin at pinagmasdan ko ang magandang kalangitan. Pinikit ko ang aking mga mata at nakita ko na ang dahilan bakit ako narito ngayon sa nakaraan. Sa aking paglalakad ay hindi ko naiwasan narin na ngumit na, yung ngiti na matagal ko nang inaasam. Yung ngiti na alam kong si Qyuni lang ang nakakapagbigay sa akin nito.