CZKEA POV.
Pagkatapos ko kumain ay nagayos na ako at nag paalam na sa Nanay ni Qyuni na ako ay uuwi na. Sabi niya sa akin ay mag ingat ako sa daan at pinauwian niya ako ng mga Mansanas para sa aking Tatay. Nang na sa labas na ako ng Gate nila ay may sinabi sa akin si Qyuni.
Salamat Czkea, kahit na mas matanda ako sa iyo ng ilang taon. Nag lakas loob ka parin na sabihin sa akin na ako ay iyong nagugustuhan at gustong pakasalan. Sinabi niya sa akin to na may ngiti sa kanyang mga mukha. Alam kong totoo ang kaniyang mga ngiti dahil, Asawa ko siya diba? kaso hindi sa taong ito.
Umalis na ako at dala ang mga mansanas na pinauwi sa akin ng kanyang Nanay. Nang makarating na ako sa bahay ay nakita kong nasa hardin ang aking Tatay. Lumapit ako at nagmano. Tinanong niya ako kung saan ako nag punta, sinagot ko naman si Tatay. Galing po ako Tatay sa tahanan nila Qyuni, sa bahay po nila Madam Queria.
Lumapit sa akin si Tatay at tumingin. At sinabi niya sa akin ang mga ito, alam mo ba Anak, sobrang bait ni Madam Queria, maliit ka pa nga noon binabanggit niya sa akin na siya ang mag papaaral sa iyo.
Nakita ko sa mga mata ni Tatay kung gaano siya ka saya at nagpapasalamat sa buhay ni Madam Queria. Inabot ko ang mga mansanas at natuwa si Tatay dahil alam niya ang mga mansanas na ito ay ito rin ang mga dati niyang pinipitas sa Farm nila.
Pagka akyat ko ng bahay ay hindi ko na namalayan ang mga dapat kong asikasuhin at intindihin. Iilang araw na lang pala bago mag linggo. Hindi ko rin napuntahan si Vivian kung ano ang kanyang magiging plano sa darating din araw na iyon.
Patulog na ako nang maalala ko ulit ang sinabi ng Nanay ni Qyuni sa akin. Na Umamin na rin si Kuya Louie kay Qyuni, at pumayag naman ang Nanay nito. Kilala ko si Louie o Kuya Louie noon pa man, sila ang katuwang nila tatay noon sa pagaasikaso ng mga sasakyan sa garahe ng mga traktora. Masipag at maasahan mo siya, kahit lumaki sa mayamang pamilya ay siya namang sobrang lambot ng kanyang puso sa mga taong nakapaligid sa kanya.
At sa aking pagpikit na lang ay naalala ko ang mga iyak ng aking anak na si Queenie gabi gabi na inaabot nang madaling araw mapatulog ko lang siya.
January 19, 2007 | 1 Day before the Disaster
Pa pasok na ako sa Eskwelahan at nakita sa kalayuan si Via (Vivian). Tinawag ko siya at siya ay papalapit sa akin. Nakita ko sa kanyang mga mukha na hindi siya maayos at ayaw niyang ngumiti. Tinanong ko siya kung ano ang problema at ito ang kaniyang mga sinabi. Nag aalala parin ako Czkea sa kung ano mangyayari sa Linggo kaya pinilit ko parin si Nanay na wag tumuloy at yayain niya si Mama mo na doon na lang sila sa bahay namin. Ngunit mukhang tutuloy siya sa paanyaya ni Ninong.
Tumingin ako sa mga mata ni Via at hinawakan ang kanyang mga braso paharap sa akin. Dito nangako ako na gagawa ako ng paraan upang hindi sila matuloy at mapapayag namin sila sa darating na Linggo.
Sabay na kaming lumakad at pumasok papuntang eskwelahan, sa daan ay nakasalubong namin sila Bren, Van at Jericho na mag kasabay kaya't sabay sabay narin kaming pumasok.
QYUNI POV
Habang nasa loob ako ng Sasakyan ay sa kalayuan ay natanaw ko na si Czkea na nag lalakad papasok. Nag pababa na ako sa Driver at nag lakad na ako papasok. Kumanan na si Czkea at alam kong malapit na iyon sa aming Paaralan. Nag madali na akong mag lakad upang mahabol ko rin si Czkea sa kanyang paglalakad. Ngunit sa pagkanan ko ay hindi ko inasahan ang nakita ko.
Kausap niya si Via at maya maya ay hinawakan niya ito sa mga balikat. Sa pagkakataong ito ay nalilito ako, nalilito ako kung totoo ba ang mga nabanggit sa akin ni Czkea at sa Nanay ko o Palabas lang ang lahat ng iyon?. Naglakad ako pa atras at hindi muna ako pumasok.
Huminto ako sa isang coffee shop at dito nag pahinga muna ako. Sa aking pagpapahinga ay nagulat ako na biglang pumasok si Louie. At si Louie naman ay biglang napatingin sa akin at siya rin ay nagulat.
Oh? Anong ginagawa mo dito? Hindi ka pa pumasok? Ito ang mga pagtatakang tanong sa akin ni Louie. Napangiti at napakamot na lang ako sa ulo at sumagot rin ako na nagtataka din ako bakit ako narito. Pagka abot sa kanya ng Order ay umpo siya harap ko at sinabayan ako.
Kinamusta ako ni Louie pagkatapos ng Araw na kami ay nagkausap kasama ang aming mga Magulang. May mga ilan rin kaming napagusapan tungkol sa kumpanya at sa hindi ko inaasahan na pagkakataon ay may inabot sa akin si Louie.
Ingatan mo ito Qyuni. Pagkabukas ng maliit na kahon ay silver na bato na singsing ang aking nakita. Hindi ito isang proposal na iniisip mo Qyuni, ito ay isa lamang na Promise Ring.
Napatingin ako sa kanya at ako ay kinakabahan sa hindi malamang dahilan. Kinuha ni Louie ang aking mga kamay at sinuot niya ang singsing sa aking pala-singsingan. Pinagmasdan ko ang singsing at tila ba bumibilis ang tibok ng puso ko. Tumayo na ako bigla at nagpaalam na sa kanya.
Sa aking paglabas sa Shop ay hinabol niya ako. So it means, makakapaghintay ako sayo?. Ito ang kanyang tanong na may ngiti sa kanyang mga mukha. Limang Segundo bago ko sabihin ang sagot ko, sa limang segundo na iyon ay wala akong ibang maisip kundi ang singsing na meron sa aking daliri.
Napa sagot ako ng Oo, at siya ay naiyak sa tuwa. Ngumiti siya sa akin at nagpasalamat sa akin. Nagpasalamat din ako at ako ay pumasok na.
Sa aking pagpasok at paglagpas sa Security Guard ay may tumawag sa akin. Pagkalingon ko sa akin kanan ay ang mga kaklase ko pala. Tinanong nila ako kung may dala ba akong Flashlight ngunit ang sagot ko ay wala.
Nagtinginan sila at nagpasalamat na lang. Tumuloy na ako sa papasok ng Silid. Habang naglalakad naman ako sa Corridor ay napadaan na rin ako sa Faculty upang kunin ang mga notebook namin sa English Subject.
Habang nag aayos ako ng mga notebook ay may tumawag sa akin na Guro at sinabi sa akin na may ilaw sa loob ng aking Bag. Tinanong ako kung may dala raw ba akong Flashlight. Ang sagot ko ay wala naman po.
Binuksan ko muna ang bag ko upang tignan kung ano ba ang umiilaw sa loob. Wala akong makitang gamit na umiilaw at nawala ito. Tinuloy ko ang pagaayos at dumeretso na sa silid. Ipinatong ko ang mga notebook sa Teachers desk at umupo na ako sa aking pwesto.
Muli kong binuklat ang aking Bag at nilabas ang aking isang wallet. Pagkababa ko ng aking bag ay may biglang umilaw sa loob ng aking wallet at ito ay napaka liwanag. Wala pa ang mga kaklase ko kaya ako lang ang tao doon.
Sa pagbukas ko nito ay nawala ang Liwanag. At nakita ko na kung ano ang nagliliwanag. Ang Name Tag ang nagliliwanag. Ito ay aking nakita sa aking bulsa noong ako ay nahimatay sa loob ng classroom. Naalala ko ay may pangalan pa ito, ngunit ngayon ay wala na? Ano nga ba ulit ang Pangalan na iyon?
--
Habang naglalakad si Czkea papasok ng Silid ay sa kalayuan ay nakita niya si Qyuni na nasa loob na. Napahinto si Czkea at biglang kinabahan, hindi siya mapakali at iniisip niya kung ano ang kanyang gagawin sa pagpasok niya sa loob.
At nang papasok na siya ay may biglang nagliwanag at si Czkea ay nasilaw nito. Napa atras si Czkea at napakusot sa kanyang mga mata. Napaisip si Czkea kung bakit may dalang Flashlight si Qyuni.
--
QYUNI POV.
Habang pinagmamasdan ko ang name tag ay hindi ko namalayan na si Czkea ay dumating na. Tinago ko ang name tag ulit sa loob ng aking wallet at nag labas ako ng mga gamit na kunwari ako ay may gagawin.
Dumeretso si Czkea sa kanyang inuupupan at hindi siya lumilingon sa akin. Nagpatuloy ako sa aking ginagawa. Sa kalagitnaan ng aking pagsusulat ay naaninag ng aking mga mata na tumayo si Czkea at siya ay palapit na sa akin.
Tumayo ako bigla at tumingin sa kanyang mga mata. Ngunit sa kanyang mga mata ay sa iba siya nakatingin.
Singsing ba iyan? tanong ni Czkea sa akin. Napa ukot ang aking mga noo at hindi ko naalala na may suot akong mamahaling singsing. Napatingin sa akin si Czkea at nakita ko sa kanyang mga mata na ito ay namumula. Biglang tumalikod si Czkea at siya ay umupo na.
Lalapitan ko na sana si Czkea at bigla namang datingan ang aking mga kaklase. At ako naman ay dere deretso at kinuha na lang ang mga notebook at binigay ito sa mga kaklase ko.
Sa pagkakataong ito, ako ay nalilito na kay Czkea.